Savannah’s Point of viewMaaga akong nagtungo sa maliit kong coffee shop dahil nalagasan ako ng trabahador dahil na rin sa kinakaharap na krisis ng negosyo ko. Masakit man sa loob pero wala akong magawa dahil na rin sa hindi na sapat ang napapasahod ko sa kanila. “Sav, dalawang iced americano,” sigaw ni Loila mula sa may counter. Si Loila ang tanging hindi umalis kahit na anumang oras ay maaari nang magsara ang shop ko. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya. Ginawa ko ang sinabi niya, nagtimpla ako ng isang iced americano. Sa maghapong ito, isa pa lang ang naging customer namin. Muli na namang dumagsa ang lungkot sa puso ko dahil matapos ang tatlong taon ay baka ngang magsara na ako. “Heto na ‘yung iced americano, Loila.” sambit ko at inabot sa kanya ang iced americano.Malugod na naman niya itong tinanggap at ibinigay ito sa customer namin. Pinanood namin ni Loila ang huling customer namin ngayon araw.“Magsasara na ba talaga tayo?” malungkot na tanong sa akin
Last Updated : 2023-02-12 Read more