My Tiring Life (Tagalog)

My Tiring Life (Tagalog)

last updateLast Updated : 2023-02-16
By:  Firedragon0315  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
8Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Dumadating sa punto masakit ang pakawalan ang taong mahal na mahal mo. Subalit mas pipiliin mo ang magpaubaya kung alam mong napapagod ka na at wala na kapag-asa na magbabago ang lahat sa inyong dalawa. Mahal mo na siya ngunit malinaw sayo na may mahal siyang iba. Ganun si Vernice sa pag-ibig na nararamdaman niya sa kanyang asawa. Ngunit mas gugustuhin niya ang palayain ang sarili kesa ang tuluyang saktan ang sarili na makita na may ibang kasama ang kanyang asawang si Raffy. May pag-asa ba pang magkaroon ng isang panibagong yugto ang pagsasama nila na pinangarap lang nuon ni Vernice?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“Sir, may pinabibigay po si Mr. Valdez na documents. Ilalapag ko nalang po ba dito sa table?"“Yes, please, may kausap pa ako. Later ko nalang iyan titingnan." “Okay po, ilagay ko nalang po dito at iiwan ko na po sa table niyo." sagot ko. Hindi ko alam at hindi ko napansin na may kausap pala siya sa phone. Tahimik lang kasi siya at tila ba malalim lang ang kanyang iniisip. Hindi ko din napansin ang isang bagay na nakakabit sa kanyang tenga.“Lalabas na po ako," tuluyan na akong lumabas sa office niya. Siya si Sir Raffy, boss sa company na pinapasukan ko. Isang dekada na din ako dito nagtatrabaho mula pa nung si Sir Ronald ang namamahala sa kumpanya.Si Sir Ronald, ang ama ni Sir Raffy. Hindi sila magkasundo at never sila nagkaayos o nagkaroon ng pagsang-ayon sa isa't-isa sa tuwing mayroon silang dapat pagdesisyunan.Nung nabubuhay pa si Sir Ronald. Napakatahimik ng kumpanya. Maayos pa ang pamamalakad at walang kahit anong anumalya ang pumapalibot sa pamamahala nito sa buong termino

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
8 Chapters

Chapter 1

“Sir, may pinabibigay po si Mr. Valdez na documents. Ilalapag ko nalang po ba dito sa table?"“Yes, please, may kausap pa ako. Later ko nalang iyan titingnan." “Okay po, ilagay ko nalang po dito at iiwan ko na po sa table niyo." sagot ko. Hindi ko alam at hindi ko napansin na may kausap pala siya sa phone. Tahimik lang kasi siya at tila ba malalim lang ang kanyang iniisip. Hindi ko din napansin ang isang bagay na nakakabit sa kanyang tenga.“Lalabas na po ako," tuluyan na akong lumabas sa office niya. Siya si Sir Raffy, boss sa company na pinapasukan ko. Isang dekada na din ako dito nagtatrabaho mula pa nung si Sir Ronald ang namamahala sa kumpanya.Si Sir Ronald, ang ama ni Sir Raffy. Hindi sila magkasundo at never sila nagkaayos o nagkaroon ng pagsang-ayon sa isa't-isa sa tuwing mayroon silang dapat pagdesisyunan.Nung nabubuhay pa si Sir Ronald. Napakatahimik ng kumpanya. Maayos pa ang pamamalakad at walang kahit anong anumalya ang pumapalibot sa pamamahala nito sa buong termino
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

Napakaingay sobra, pero wala naman din ako magagawa dahil laman kami ng isang mall na punong-puno ng mga tao. Si Tony kasi ay nagyaya upang samahan siya makita at mapanood ang kanyang Idol. Si Jessie German ang gwapo, maangas, malakas ang datingan sa mga babae. Gwapo naman talaga ito. Kahit napapabalita na mayabang, mapangmaliit at walang respeto. Binabaliwala ng lahat ang kumakalat na mga issues patungkol sa lalaking yon. Gwapo nga kasi, napakalakas pa ng appeal. Kaya nga si Tony sobrang addicted sa pagmumukha ng lalaking yon.Kahit nga sa banyo makikita ang litrato ni Jessie. Baliw na baliw siya sa lalaking yon. Sabi niya, ang gusto niya kahit saan siya magpunta makikita niya ang mukha ni Jessie. Kaya lahat ng parte ng bahay niya mayroong mga picture ni Jessie.“Aray," dumaing ako, may naramdaman akong mabigat sa paa ko na dumagan. Nasaktan ako, kaya napalingon ako at tiningnan ko kung sino ang tumapak sa paa ko ng biglaan habang ang mata ko nakatingin sa dami ng mga tao sa palig
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

“I am sorry, but hindi ko maitutuloy ang deal natin. Until pakakawalan mo si Vernice at ibibigay mo sa amin. It is a deal, alam mo naman ang ibig kong sabihin. Ang nais iparating sayo ng kumpanya namin."“Bakit ba ganun nalang kahalaga sa inyo si Vernice? Isa lang siyang ordinaryong babae. Walang alam kundi ang pagiging sekretarya ko. Sa trabaho niya lang din umiikot ang buhay niya. Sa sampung taon na nagtatrabaho siya sa kumpanya ko. Iyun lang ang alam niya. Wala na! Sure ko, masasabi at mapapatunayan ko iyan sa inyo."Binabasa ni Raffy ang bawat guhit ng itsura at nagiging reaksyon ng mukha ng kausap niya. Nagtataka siya. Nung unang pagkikita niya ng kausap. Ganun din ang mungkahi nito sa kanya upang makuha niya ang deal sa pagitan ng kumpanya niya at kumpanya na may hawak sa lalaking kausap.Kumunot ang noo ni Raffy, magkasalubong din ang kilay. “Yun lang, aalis na ako. Kung wala ang napag-usapan. Hindi pa din magbibitiw ng pera ang kumpanya namin sa inyo." seryoso ang itsura ng la
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

“Gosh! Ano bang iniisip mo?! Look, tumapon na yung coffee." tumitiling pagpuna ni Tony sa ginagawa ni Vernice. Kanina pa wala sa sarili niya si Vernice. Masyadong malalim ang iniisip niya ngayon. Natalisod pa nga ang paa niya nung tumungo siya sa pantry ng office nila para magtimpla ng coffee.Narinig kasi ni Vernice ang usapan sa pagitan ni Raffy at kausap nito. Nasa loob ng office ni Raffy ang mga ito. Narinig niya lahat matapos siyang tumayo sa labas ng pinto ng office ni Raffy ng tawagan siya nito upang papuntahin sa office nito dahil mayroong ipinakuha ito sa ibang department.Rinig niya ang lahat. Napatulala nga siya after niya lumabas upang ikuha naman ng coffee ang mga iyon. Matagal-tagal na din mula ng hindi na marinig ang bagay na yon sa boss niya. Subalit ngayon naungkat na naman ang usaping iyon. Ngunit hindi sa kanya ipinahayag ng boss. Kundi sa ibang tao muna nito ikinunsulta. Hindi sa kanya na may malaking kinalaman at bahagi sa pinag-uusapan ng kausap ni Raffy.“Ano
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5

Bumalibag si Vernice. Nasaktan siya sa pagkakabagsak niya sa sahig bago pa man tumama ang likod niya sa matulis na bahagi ng lamesa. Hinang-hina ang katawan niya at halos hindi na niya maigalaw. “Bumangon ka!" napakalakas ng boses nun na inuutusan si Vernice.Isang lalaki ang nakatayo at masama ang tingin. Nababalutan ng galit ang mga mata nito. Takot naman ang bumabalot kay Vernice habang siya ay nakaupo pa rin sa sahig at nakatingin sa lalaki. Nakikiusap ang mga mata ni Vernice. Sinubukan ni Vernice ang igalaw ang kanyang katawan. Subalit hindi pa man lubusan na nakakabangon. Nahawakan agad siya sa kanyang damit at mabilis na iniangat ang kanyang katawan. “Bitiwan mo ako..."“Ano? Bitiwan?" nagngingitngit ang mga ngipin sa galit na bigkas nito. “Vernice, ang lakas din ng loob mong pagtaguan ako. Akala mo ba ay hindi kita mahahanap? Siguro ay iniisip mong matatakasan mo ang mga responsibilidad mo sa amin?! Tama ba?" sabi pang muli ng lalaki“Nagkakamali ka! Dahil hindi ako makakap
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6

“Bakit mo ginawa yon? Bakit mo sinabi yon sa kanya? Alam mo ba ang maaari na mangyari?" tanong ni Vernice “Alam ko. Ngunit hindi ka din naman niya titigilan kung sakali na hindi ko iyon sinabi sa kanya. Sa itsura ng lalaking yon. Maaari ka niya masaktan pa nang higit sa nakita ko kanina."“Pero sana hinayaan mo nalang," tugon ulit ni Vernice. “Kaya ka ba hindi pumapasok ilang araw na? Dahil sa taong yon?" nagtanong muli si Raffy, tumayo ito after igala ang mga mata sa palibot ng bahay ni Vernice. “Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" napaisip si Vernice at nagtaka. Walang ibang nakakaalam sa lugar kung saan siya lumipat. Wala siya ibang pinagsabihan. May isa pala nakakaalam at nakapunta na. Si Tony “Si Tony ba ang nagturo sayo?" agad na tinanong niya si Raffy. Pabalik na ito. May talang tissue na nakita niya sa ibabaw ng isang lamesita.Hindi nga siya nagkakamali. Sure niya na maaaring si Tony ang nagturo ng bahay niya kay Raffy. “Oo, she told me. Nagtanong kasi ako sa kanya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7

”Congratulationsn, Vernice happy ako sayo. Wow, super ganda mo at mas gumanda ka pa sa ayos at suot mo. Sabi ko na nga ba kayo din ang magkakatuluyan. Hindi ako nagkamali sa paghula ko di ba?!" si Tony, mukhang masaya naman siya sa nangyari sa kaibigan niya. Syempre naman, nuon pa man ay madalas nito mabanggit na bagay si Vernice sa boss nila. Kahit may tinatago itong galit para sa boss.Okay naman na din kasi ang promotion niya. At maging ang mga salary na nuon naipangako sa lahat. Maayos na ngayon nakuha ng bawat empleyado. Simula ng maipatupad at mabigyan atensyon ni Raffy ang pangako ng ama na yumao sa lahat ng empleyado. Matagal man at pinag-aralan pa mabuti ni Raffy ang lahat ng yon. Naghintay man ito ng tamang oras at panahon bago niya ikasatuparan. Mahalaga ngayon ay nakikita niya ang sigla at saya sa mga nakakasalubong niyang mga tauhan. Ang ilan pa sa mga ito ay hindi matapos ang pasasalamat sa araw-araw na nakakadaupang palad niya ang mga iyon. “Salamat," sagot ni Vernice
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8

Isang linggo na ang nakararaan mula ng maikasal si Vernice. Naisipan na din niya ang pumasok sa kumpanya ng kanyang asawa. Tulad ng dati niyang trabaho. Ipinagpapatuloy pa din niya ang pagiging sekretarya ni Raffy.Manananghalian na din. Pero si Raffy wala pa sa kanyang opisina. Umalis ito, hindi niya man lang isinama si Vernice.Iniwan ni Raffy ang kanyang asawa sa kanyang dahilan kay Vernice, na baka raw matagalan siya sa kanyang lakad at pakikipag-usap sa kanyang kikitain. Wala na nagawa si Vernice kahit nais niya sana samahan si Raffy. Hindi nalang siya nagtanong dahil iyon Ang isang bahay na pinakaaayaw ni Raffy. Ang masyado matanong sa mga bagay na wala naman kinalaman siya. Araw-araw nararamdaman ni Vernice ang tila paglayo at pag-iwas ni Raffy sa kanya simula ng maikasal sila. Hindi na rin ito palautos sa kanya at binibigay ang dapat trabaho niya bilang secretary nito sa iba.Dahilan ni Raffy, hindi na niya trabaho ang bagay na yon. Kung gugustuhin ni Vernice maaari nalang
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status