Share

Taming The Mafia Queen
Taming The Mafia Queen
Author: bitchymee06

CHAP 1

"It's time for you to go back in the Philippines, Takeo," bungad na saad ni Dad pagkapasok ko ng opisina n'ya.

Inayos ko ang suot kong salamin at saka siya tiningnan ng walang emosyon. "Why?" Nagtataka man ay hindi ko 'yon ipinakita sa aking mukha.

Umayos siya ng upo at sinalubong ang mga titig ko. "Your Mom needs you there," malumanay na sabi niya habang may malungkot na awra.

Nakuha agad nito ang atensyon ko. Tiningnan ko siya nang may pagtataka.

"Hindi maganda ang kalusugan ng Mom mo ngayon, kaya kakailanganin niya ng makakatulong sa Pilipinas. You know like business, home at iba pa," paliwanag niya.

"Where's Zakhira?" I asked.

Napahinga siya nang malalim bago sumagot. "Hindi natin p'wedeng iasa lahat sa kapatid mo, Takeo. Hindi niya kayang gampanan lahat ng tungkulin at obligasyon para sa Mom mo. Hindi ba't maganda kung magtutulungan kayo?" pagkumbinsi niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya.

He's right, hindi pwedeng iasa ko sa nakababatang kapatid ko ang lahat lalo na at ako ang panganay sa pamilya namin.

I let out a deep sigh and turned my back against him.

"How about my studies?" tanong ko nang nasa tapat na ako ng pintuan at binalingan s'ya ng tingin.

Awtomatiko siyang sumigla sa tanong kong 'yon. Malamang ay alam na niya ang aking desisyon.

What a cunning man, tsk!

"Naasikaso na ni Zakhira lahat, ang mga gamit mo na lang ang kailangan mong ayusin. Tomorrow morning ang flight mo papuntang Pilipinas," nakangiting wika niya.

"Psh! You already knew that I'm going to agree, huh?"

Lalo namang sumilay ang kanyang ngiti. "Of course! That's your mom. Alam ko naman kung gaano mo kami pinahahalagahan," he said proudly while grinning.

I tsked and left the room. Hiwalay na sina Mommy at Daddy pero they still manage to stay friends and had a good relationship.

Habang naglalakad ako paakyat sa aking silid ay hindi ko maiwasang mag-isip.

After 2 years of running away from the past, I'm going back this time. What a playful destiny.

PHILIPPINES

Nakuha nang nag-iingay kong telepono ang aking atensyon habang abala ako sa pagmamaneho.

"Hello?" pagsagot ko sa tawag habang ikinokonekta 'to sa aking inpods.

"Seriously, Kuya? Hindi ba uso sayo ang jetlag at diretyo pasok ka talaga?" bungad na tanong sa akin ng kapatid ko.

Can't blame her. Kalalapag lamang ng eroplano kaninang alas k'watro ng madaling araw at ito ako—nasa daan na patungo sa eskwelahang papasukan ko.

"Mas okay nang mag-aral kaysa ma-bored sa bahay," tamad na sagot ko.

"What can I expect from a nerd like you? Haays. 'Di ka ba pagod sa b'yahe, Kuya?" usisa niya, mababakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

Napangiti naman ako sa inasta ng kapatid ko. "Don't worry I can handle myself. Sige na nagda-drive ako, malapit na ako sa school n'yo, I mean natin," pagtatama ko .

"Aish! Paano ba 'yan, Kuya, mag-start na 'yong klase ko. Hindi ka naman siguro maliligaw, 'di ba?" alanganin niyang patuloy sa huli.

Napatawa na lang ako sa aking isip dahil sa tinuran niya.

"What the hell, Zakhira? Ano'ng silbi nang s-in-end mong school map sa akin kung hindi ko naman ito gagamitin?"

"Well, naninigurado lang. Sige, Kuya, take care. Kita na lang tayo sa cafeteria mamayang lunch. Labyuuuuu muuuah!" puno ng sigla niyang sabi at saka pinatay ang linya.

Napailing na lang ako habang nangingiti.

Iloveyoutoo, brat.

Mula sa aking p'westo ay natanaw ko na ang matayog na gate ng eskwelahang pinag-aaralan ng kapatid ko (na siya na ring magiging paaralan ko) .

Bumusina ako nang nakalapit ang sasakyan ko rito. Agad namang lumabas ang dalawang guard sa tabi ng gate.

"Ano pong maitutulong namin sa inyo, Sir?" pormal na tanong sa akin ng g'wardya.

"Transferee po ako galing Japan. Ngayon po ang start ng klase ko," magalang kong tugon sabay abot ng mga papeles na binigay sa 'kin ni Dad.

Ch-in-eck naman muna ito ng guard at saka ako muling binigyang pansin. "Sige po, Sir. Makapapasok na po kayo," sabi sa akin ng g'wardya at sinenyasan ang kasamahan nito na buksan ang gate para makapasok ako.

Pinaandar ko ang aking sasakyan nang tuluyan nang nabuksan ni manong ang gate. Agad na nilamon ng pagkamangha ang aking mukha nang nasilayan ko ang school na papasukan ko.

Nakatambad sa aking harapan ang isang malawak na open field, apat na malalaking building na sa tant'ya ko ay mayroong tiglimang palapag. Sa bawat espasyo naman ng apat na building ay may kaniya-kanyang parking lot. Habang sa gitna naman niyon ay may malaking estatwa ng peacock na nagsusumigaw sa kapangyarihan at awtoridad.

PEREZ ACADEMY

Nakaukit ang kulay gintong pangalan ng eskwelahan sa tinutungtungan ng peacock.

Hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita. Hindi na nakapagtataka kung bakit bilang lamang ang nakakapasok dito. Puros may katalinuhan at may pera lamang ang nakakapag-aral sa akademyang ito.

Ang bawat klase ay naglalaman lamang ng 30 estudyante. Kaya kung gusto mong manatili ay kailangan mong mapanatili ang average mo. Kung hindi ako nagkakamali ay 90 ang average na kailangang ma-maintain ng mga estudyante rito, once it drops well goodbye ka na rin.

Napabalik ako sa aking sarili nang narinig ko ang malakas na buzzer na nagmumula sa mga nagkalat na speaker sa eskwelahan.

"Seems like I'm attending my first class late," I mumbled and started to drive again.

I parked my car on the 3rd building dahil ito ang building na nakalagay sa papeles ko.

College Building

Oww? So ang third building ang college? 

Tiningnan ko ang mapa na binigay sa akin ng kapatid ko. Dito ay nakita ko na ang 1st and 2nd building is for highchool students, samantalang nasa ikaapat naman na building naman ang mga gymnasium,stadium at kung ano pang may um.

Complete set, huh?

Itinabi ko na ang kopya ng mapa na galing sa kapatid ko at sinimulang tahakin ang daan na nakasaad doon.

5th floor, 2nd room. 

Tss! Napakadali lang namang hanapin, nagmapa pa. As if hindi sunud-sunod ang building na ito.

Meanwhile, nasa harapan na ako ng pintuan na siyang magiging classroom ko, mula sa kinatatayuan ko ay rinig ko na ang pagklaklase ng guro sa loob nito.

Should I knock?

Well of course, Takeo. Idiot.

I knocked three times before opening the door. Tulad nang inaasahan nasa akin ang atensyon ng lahat. Inayos ko ang aking salamin at tumayo nang pormal.

"Who are you, Mister? And what are you doing here in my class?" kaswal na tanong ng babaeng guro na nasa harapan. Kung titingnan ito ay nasa trenta anyos na siguro ang edad niya.

I bowed my head as a sign of respect and stood up properly again. "I'm sorry for disturbing your class, Miss, and also for being late. I'm Zhion Takeo Chen, a transferee from Japan," diretyo at walang emosyon kong usal.

Transferee?

Gwapo sana kaso nerd.

Mukhang goodboy pass ako. Gusto ko baddass.

Dinig kong bulung-bulungan ng mga magiging kaklase ko. Hindi na siguro 'yon mawawala sa isang classroom. Ang mga madadaldal.

"Oh? So, ikaw pala 'yong transferee na tinutukoy ni Principal Wong. Come in and please introduce yourself again in front of the class," nakangiting wika ng guro.

Tipid akong ngumiti bago naglakad papuntang unahan.

Infairness, bes, ang ganda ng build ng katawan niya.

Feeling ko crush ko na siya kahit pa nerd siya. Sana lang hindi siya boring.

Nang nasa harapan na ako ay muli kong inayos ang suot kong salamin at pinasadahan ng tingin ang mga kaklase kong ngayon ay nakatuon sa akin ang atensyon.

Pa'no ba ito?

"I'm Zhion Takeo Chen, 20years old, if may tanong kayo please just ask," I stated without giving any emotion.

A girl suddenly raised her hand. "Are you single?" she asked while grinning.

Flirt spotted.

Napansin ko naman ang pagngiti ng iba pang kababaihan.

"Yes," tipid kong sagot.

Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mahinang pag-irit ng iba.

"Why did you transfer here?" usisa ng isang lalaki sa likuran.

I threw a glance at him, he seems serious or bothered about my existence? Nah! I don't care.

"Family matters," tipid ko muling sagot.

Wala na namang nagtanong kaya naman ay pinaupo na rin ako ng teacher at nagsimula na ulit siya sa pagdi-discuss. Napag-alaman ko na s'ya si Miss Laylha Bacay, 31y/old, teacher namin in Physics. Kung tatanungin niyo ako kung anong year level ko na. I am third year college, engineering.

Lumipas ang isang oras na pagdidiskusyon ay narinig kong muli ang pagtunong ng buzzer, hudyat nang pagtatapos ng klase. Kung sa iba ay agad na nagtatayuan ang mga estudyante, dito ay tila alam nilang kabastusan iyon.

"Class dismissed. Pakisabi sa mga absent and late mag-report sila sakin tomorrow," pagtatapos ni Maam Laylha at tuluyang nilisan ang lugar.

Sumunod na rin naman ang mga mag-aaral sa paglabas. I was about to stand up also when my phone beeped. Agad ko iyong kinuha sa bulsa ko nang narinig ang pamilyar na notification sound ng isang social media app.

Gavier

Dude? Nakabalik ka na nga? Perez din school mo? Come on, brad. Magpakita ka naman.

Napangiti na lang ako nang lihim. Biruin mo nga naman ang bilis niya pa rin talagang sumagap ng balita.

Me

Where are you?

Reply ko habang inaayos ang ilan kong gamit na nakalabas.

Gavier

Cafeteria, brad. Late ako sa first class ko, eh, kaya tumambay na lang muna ako rito. Come here fast.

Aba't lakas mag-demand?

Me

Papunta na.

I replied with cactus emoji in the end.

Nagsimula na akong tumayo at aalis na sana nang bigla akong harangan ng babae na nagtanong kanina tungkol sa status ko.

I automatically gave her a cold look.

"Ahhm... Hi, nerdy boy, I'm Prexia," pagpapakilala niya sa may panlalanding tono habang nakatingin sa akin nang malagkit.

"Hi?" alangan kong tugon.

Ayokong maging masama ang first impression sa akin ng mga kaklase ko kaya kahit labag man sa loob kong makitungo nang maayos ay pinipilit ko.

"May pupuntahan ka 'ata? May I know where is it?" Nando'n pa rin 'yong malanding tono niya at saka ako nilapitan ng todo.

Her big boobies almost touch my body.

Yeah, you read it right this girl have a big boobs and butt. I'm a guy, but that doesn't mean I'm attracted to those things.

Agad naman akong dumistansya sa kanya. "Sorry, pero nagmamadali kasi ako," iyon na lang ang nasabi ko at nagmadaling umalis.

Mabilis kong tinungo ang cafeteria ng eskwelahan. Hindi ko maiwasang mamangha nang narating ko 'to. Ano nga ba'ng aasahan ko sa isang prestihiyosong eskwelahan? Para lang naman akong pumasok sa Jollibee or Mcdo o kung ano pang fast food chain dahil may mga cashier sila na nakahilera, may ibang crew na nagse-serve at naglilinis. Closed din ang lugar, naka-tiles, naka-aircon. 

Hmmm? Hindi na masama para sa 90,000 na tuition fee per month.

"Dude!" 

Naagaw naman ng lalaking nagtatakbo palapit sa akin ang atensyon ko. Niyakap niya ko ng mahigpit at umarteng naluluha pa.

Damn this guy. Daig pa ang bading.

"Stop that act, Gavier. Ingungudngod kita sa sahig," pagbabanta ko sa kanya.

"Whoa! Whoa! Easy, dude. Mukhang wala ka sa mood, ah? Tara upo tayo," pang-uusyoso niya.

Sumunod naman ako sa p'westong gusto niya. "Sino'ng hindi mawawala sa mood kung kakasimula pa lang ng araw ko may babae na agad na nalapit sa akin," inis kong sabi.

"Naks!" He laughed. "Papable talaga kahit kailan, partida naka-nerdy look ka pa, ah?" panunuya niya.

I tsked.

"Chill. Order muna ako ng pagkain natin," paalam niya at mabilis na nawala sa harapan ko.

Inilibot ko namang muli ang aking paningin sa paligid ko. Hindi dahil sa gusto kong panuorin ang mga tao kundi dahil pakiramdam ko ay may nanunuod sa akin.

At tama nga ako dahil pagtingin ko sa dulong lamesa ay may babaeng nakahalumbaba at walang emosyon na nakatingin sa akin. Hindi ako feelingero, alam kong sa akin s'ya nakatingin dahil nagtagpo ang mga mata namin.

I tried to fight with her gaze pero ako rin ang sumuko sa huli sapagkat masyado akong nanlalamig sa paraan niya nang pagtingin. Walang kabuhay-buhay ang medyo pula niyang mga mata. Hindi ko mabasa kung ano'ng tumatakbo sa utak niya, kung bakit titig na titig siya sa akin. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang lahat kahit pa naroon sa loob ko ang paghanga sa maganda kulay n'yon.

Nakakita na ako ng asul at berdeng mata pero ito pa lang ang unang beses na nakakita ako ng pula bagamat hindi iyon gano'n katingkad.

Dumating din naman agad si Gavier kasama ang isang crew na may bitbit ng mga in-order niya. Light snacks lang inorder niya since hindi pa naman lunch. Sandwich, juice, at ilang piraso ng junk foods ang binili niya.

At talagang pinadala niya pa sa crew 'yon?

"So ano, brad? Kwento ka na," nakangiting wika niya habang nakatitig sa akin.

"Tss! Kahit kailan ang hilig mo sa mga tsismis, ano?"

"Grabe ka naman. Syempre sa mga kilala ko lang," depensa niya.

Kahit nga mga artista na nagte-trending sa mga kung anong issue alam na alam niya.

"Wala naman akong kailangang ikwento. Nasabi ko na sa 'yo, may babae na dumidikit sa akin. If tama ang pagkakaalala ko Prexia ang pangalan niya," pagbabahagi ko.

Hindi ko inaasahan ang pagkasamid niya sa huli kong turan.

"Engineering ka nga pala, 'no?" nanlalaking mata niyang tanong.

Tumango lang naman ako habang binibigyan siya ng nagtatakang tingin.

Bigla naman siyang tumawa na parang baliw. "Biruin mo nga naman, brad. Magkaklase tayo. Ayos!" masaya niyang sabi.

May parte sa akin na natuwa sa sinabi niya. At least may kilala na ko at makakasama sa room.

"At saka si Prexia?" Alanganin siyang tumawa. "Hayaan mo na lang siya, brad," may bahid ng lungkot niyang sabi.

Tumango-tango lang naman ako. As if I care?

"Bakit hindi ka um-attend ng klase kahit late?" tanong ko habang sinimulang kainin ang sandwich na binili niya.

Hmm. It tastes good.

"Mahigpit si Miss Laylha sa mga late," paliwanag niya.

So mag-ditch pwede?

Nagulat kaming lahat nang may biglang lumagabog sa dulo ng cafeteria.

Ano'ng nangyari?

Oh my. Baka galit si Yura.

Girls, tara alis na tayo.

Pakinig kong bulungan ng iilan.

Yura?

Sinundan ko ng tingin ang kaguluhang tinitingnan nila at doon ko nakita ang babae na kaninang nakatitig sa akin.

Prente siyang nakaupo sa kanyang upuan habang nakataob naman ang lamesa sa harapan niya. Sa gilid niya ay may dalawang babae na nakapamewang at nakatingin sa kanya. Hindi niya tinatapunan ng tingin ang mga 'yon diretyo lang ang tingin niya sa kanyang unahan.

"Doomed," pakinig kong bulong ni Gavier kaya naman napatingin ako sa kanya.

Nakatulala ito sa kanila habang unti-unting naglalabasan ang pawis niya.

Bakit naman pinagpapawisan ang lalaking ito ang lakas naman ng aircon?

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?" Sinubukan kong agawin ang atensyon niya.

Agad niya namang tinakpan ang bibig ko na aking ikinaasar.

"Quiet or else we'll be dead," seryosong bulong niya habang nakatingin pa rin sa kaguluhan. 

Sinundan ko ang tingin niya at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang ihahampas ng babaeng nakatayo ang isang upuan doon sa Yura, pero mas nagulat ako nang mabilis siyang tumayo at inagaw ang upuan bago 'to malakas na ibinato sa gilid.

Agad naghiwayan ang ibang babae dahil sa malakas na ingay ng upuan.

"Leave," puno ng awtoridad na sabi nang tinatawag nilang Yura at saka tiningnan ang babae sa harapan niya.

The girl smirked and started to clap slowly. "Masyado ka naman 'atang seryoso, Yura. Ayaw mo ba akong kalaro? Aww, galit ka ba sa akin kasi naagaw ko sayo si Tak—" hindi naituloy ng babae ang kanyang sasabihin sapagkat mabilis s'yang nasakal ni Yura.

Nagtindigan ang balahibo ko nang nakilala ko kung sino ang babaeng sakal niya.

"Xirenn..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status