"It's time for you to go back in the Philippines, Takeo," bungad na saad ni Dad pagkapasok ko ng opisina n'ya.Inayos ko ang suot kong salamin at saka siya tiningnan ng walang emosyon. "Why?" Nagtataka man ay hindi ko 'yon ipinakita sa aking mukha.Umayos siya ng upo at sinalubong ang mga titig ko. "Your Mom needs you there," malumanay na sabi niya habang may malungkot na awra. Nakuha agad nito ang atensyon ko. Tiningnan ko siya nang may pagtataka."Hindi maganda ang kalusugan ng Mom mo ngayon, kaya kakailanganin niya ng makakatulong sa Pilipinas. You know like business, home at iba pa," paliwanag niya."Where's Zakhira?" I asked.Napahinga siya nang malalim bago sumagot. "Hindi natin p'wedeng iasa lahat sa kapatid mo, Takeo. Hindi niya kayang gampanan lahat ng tungkulin at obligasyon para sa Mom mo. Hindi ba't maganda kung magtutulungan kayo?" pagkumbinsi niya sa akin.Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niya.He's right, hindi pwedeng iasa ko sa nakababatang kapatid ko ang lahat lalo
Yura's POV:"What was that?!" sigaw sakin ng kapatid kong si Hirro pagkatapos niya kong kalikadin dito sa Peacock Headquarters. Tamad ko lang siyang tiningnan 'tsaka sumalampak sa sofa. Ipinikit ko ang aking mata at hinintay ang iba pa niyang sermon."Wala ka man lang bang balak sagutin ang tanong ko Zhynn Yura Perez?!" galit niyang tanong.Napabuntong hininga naman ako bago marahang iminulat ang aking mata. Sinalubong ko ang tingin niya."Ano bang kailangan kong ipaliwanag?" Tanong ko.Napamaang naman siya sa sinabi ko."Seriously tanong ba 'yan?! Kailangan ko ba talagang isa-isahin? Bakit wala ka sa unang klase mo? At ano yung gulo sa cafeteria?!" sunud-sunod niyang pagsigaw."Nalate ako ng gising kaninang umaga kaya hindi agad ako nakaattend ng klase ni Miss Bacay. Kung tatanungin mo ko kung bakit ako tinanghali well sisisihin mo yung mga paperworks na binigay ni dad sakin kagabi and yung tungkol naman sa caf, alam mong hindi mahaba ang pasensya ko," mahabang paliwanag ko.Pinili
Naging maayos naman ang mga sumunod na klase namin kahit nandun parin ang tensyon sa loob. Kung suswertihin ka nga naman kasama ko pa siya sa isang silid. Wow. Napakaswerte. Tss! *note the sarcasm* ."Class dismissed," anunsyo ng huli naming lecturer.Yes makakauwi narin.Nalugaw ang utak ko sa klase ni Miss."Gala tayo?" yaya ni Gavier.Nag umpisa nang mag ingay ang mga kaklase ko nang tuluyang makalabas ang huli naming guro."Ano brad? San tayo?" tanong niya sakin habang taas baba ang dalawa nitong kilay. Psh! parang kanina lang kung makapagdrama siya todo."Diretyo uwi na ako. Inaantay na ako ni Zakhira. Hindi ko kasi siya napuntahan kaninang lunch." sagot ko saka pinagpatuloy ang pag aayos ng aking gamit."Ang daya naman. Sige sige mauna na ako. Mag aarcade pa kami eh." pamamaalam niya saka dali daling umalis. Napailing nalang ako sa isip ko. Happy go lucky Gavier as usual. Wala paring nagbabago sa kanya."Can we talk?" nabigla ako ng nakita ko sa aking harapan si Xirenn. Seryos
"Oh kuya bakit ngayon ka lang?" salubong ng kapatid ko nang makapasok ako ng bahay.Tipid nalang akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para magpaliwanag o umimik man lang."Are..you okay?" medyo alanganin niyang tanong na may pag-aalala.Tumango naman ako. "Pagod lang ako." yun nalang ang nasabi ko at sumenyas na aakyat na ko sa aking silid. "Sige kuya pahinga kana. Sabi ko naman kasi sayo bukas ka nalang pumasok. Kulit-kulit mo kasi." pangsesermon niya. Nginitian ko naman siya saka ginulo ang buhok niya bago ako tuluyang umalis. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama nang nakapasok ako sa aking kwarto. Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari buong araw. Kung kilala ko siya bakit ko siya piniling kalimutan?Paano ko siya nakalimutan?"Aarghh! Bakit ba kasi hindi ako lumingon." pagkausap ko sa sarili ko.Aishiteru Love..Yung boses niya, halos kapareho ng nasa ala-ala ko pero bakit ganun? Sigurado ako na si Xirenn ang babae sa mga
Yura's POV:"As usual, dito parin kita matatagpuan." pukaw pansin sa akin ng parating.Kilala ko ang boses at presensya niya kaya hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman.Nandito ako ngayon sa rooftop ng college building.Standing behind the railings while puffing a cigarette. Tiningnan niya ang kabuuan ko bago naglakad sa aking tabi."Are you okay?" alanganin niyang tanong habang diretyo ang tingin sa kawalan na siya ring tinitingnan ko.Humithit muna ako sa sigarilyong hawak ko bago marahang bumuga."Tingin mo bakit nangyayari lahat ng ito?" walang emosyon kong tanong bago siya tinapunan ng tingin.Nagtataka naman siyang tumitig sa akin.Muli kong itinuon sa unahan ang aking atensyon."Bakit kailangang magsama-sama kaming muli? Bakit pagkatapos ng ilang taon makikita ko siyang muli?" mahaba kong sabi tsaka ngumiti ng peke sa kawalan."Dahil siguro hindi natapos ang anumang sinimulan ninyo? " he answered.Peke akong napatawa bago siya tiningnan."Matagal ng tapos Lanz. Mata
"Sabay na tayo dude." anyaya ni Gavier sa akin. Tinanguan ko nalang siya bago nagpati-unang lumakad."Teka! Nagmamadali ka ba?" takang tanong sa akin ng kaibigan ko.Iritable ko naman siyang nilingon."Pinagsasabi mo?" kunot-nuo kong sabi habang patuloy parin sa paglakad."Daig mo pa may hinahabol eh. Ssshk! Dude wag mong sabihin na si Xirenn ang hinahabol mo?" galaw niya sakin.Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya sinapak."Aray! Ikaw ha napunta ka lang sa Japan naging brutal kana!" nakangusong sambit niya sabay haplos sa ulo niya.Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.Bumagal ang aking paglalakad nang matanaw ko sa aming unahan ang magshota, mga dalawang metro ang layo."Naks! Iba pala. Mas gusto mo na pala ng mga tigre dude ha." panggagalaw sa akin ni Gavier habang ngunguso-nguso sa unahan."Pag ikaw hindi tumigil babanatan na kita dyan tamo" banta ko sabay aro ng suntok. Agad niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay tsaka nging
Yura's POV:Magaling Xirenn, napakagaling mong magplano.Ani ko sa isip ko pagkatapos kong patumbahin lahat ng pumupunta sa harapan ko.Sa sobrang galing mo parang gustung-gusto na kitang kitilin. Tsk!"Umalis na kayo. Pumunta sa HQ kung sino mang may sugat sa inyo para magamot." sambit ko habang hindi sila tinitingnan.Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking ibinato ko hindi kalayuan sa likod ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin sa aming lahat.Kung bakit kasi hindi ka pa umalis. Ano bang naisipan mo at sumugud-sugod ka pa palapit sa akin?Mabagal ang aking paglalakad palapit sa kanya. Kumalma ang kanyang mukha nang nakita ang kabuuan ko.Tama ba ang nakikita ko? Nag-aalala ka sa akin?Tsk! Sino bang niloloko ko? Haha! Dahil dito sa gawain kong ito kaya niya ako iniwan.Mapait akong ngumiti sa isip ko.Napakahenyo mo talaga Xirenn, ang bilis mong bakuran ang pag-aaring inagaw mo lang naman. Ipinakita mo na agad sa kanya ang ilang parte ng mundo ko dahil alam mong i
Yura's POV:Maaga akong pumasok sa eskwela ngayon. Agad akong nagtungo sa HQ para doon magpalipas ng oras. Ganun nalang ang gulat ko nang madatnan ko sa labas ng HQ si Takeo. Nagtataka man ay pilit ko iyong itinago sa mukha ko."What are you doing here?" walang emosyon kong tanong habang nasa harapan niya."Are you my girlfriend?" balik niyang tanong. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang hinahalukay ang katauhan ko.Peke akong tumawa bago ipinakita sa kanya ang iritasyon ko."Bali-balita dito na si Xirenn ang girlfriend mo o ex , the hell I care. Then ngayon nandito ka sa harapan ko asking me if I am your girl?" inis na sabi ko bago siya nilampasan.Nagulat ako sa mabilis niyang pagkilos. Hindi ko namalayan na nahablot niya na ako. Kaya naman ngayon ay sobrang lapit na namin sa isat-isa habang titig na titig siya sa mukha ko."W-What the fvck are you doing?" utal kong sabi habang iniwasan ang mga titig niya."Love huh?" untag niya na siyang nagpakaba ng husto sa akin at naka
TAKEO's POV:"WHAT?!" Hirro shouted.Napatulala nalang ako at nanghihinang napasandal sa pader habang karga ang anak kong natutulog."Kailangan nating maisagawa ang heart transplant sa madaling panahon. Masyadong malala ang tama ng bala sa kanyang puso, hindi na niyon kakayaning suportahan ang katawan niya," saad ng doktor.Pare-pareho kaming natahimik dahil doon."Then take mine. I will donate my heart for my sister," Hirro declared and stood up from his seat.Nakita ko pa ang kanyang pagngiwi marahil sa tama ng baril niya sa kanyang binti."Hirro," sabay na tutol namin ni Lanz.Tumingin siya sa amin at ngumiti ng tipid. "Tell her, I love her," aniya."Pasensya na po, Mr. Perez ngunit hindi po namin magagawa ang gusto ninyo. Bukod sa buhay pa kayo ay hindi rin maaari na lalaki ang mag-donate kay Ms. Yura. Malaki po kasi ang posibilidad na tanggihan iyon ng katawan niya kumpara sa kapwa niya babae," mahinahong paliwanag ng doktor.Napaawang ang bibig ni Hirro at nanghihina na napaupon
HIRRO's POV:Staring at my sister who's bleeding at this moment makes me want to kill someone, but the way she silently shed tears with her emotionless eyes stunned me.She's now at her weak point."Iyan lang ba ang kaya mong gawain, Alectrona?" Xirenn mocked."Tngn* niyo! Mga duwag!" galit kong sigaw sa gitna ng aking pagwawala."Manahimik ka!" Gavier shouted and punched me right into my abdomen.Napaungot naman ako at napaubo. Nanghihina kong iniangat ang aking paningin kay Takeo na ngayo'y tulala habang nanatiling nakatutok ang kanyang baril patungo sa kapatid ko."Fvcker... wake up," I murmured between my groaned."Huwag na huwag ninyong inuugali na saktan ang kapatid ko," malamig at gigil na usal ni Yura.Muli akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o hahanga sapagkat nakatayo na siyang muli, naroon pa rin ang luha sa kanyang pisngi na hindi niya pinagkaabalahang punasan."Wala akong pakialam sa 'yo, Kakia. Pero hayaan mong balaan kita..." Matalim siyang tinin
YURA'S POV:Ilang kilometro mula sa isang matayog na abandonadong gusali ay tumigil ang sinasakyan ko. Parehong nakikiramdam ang dalawa kong kasamahan sa akin na tila ba kinakapa ang susunod kong hakbang."Hintayin niyo ang iba rito," ani ko at inayos ang espadang hawak."Nahihibang kana ba, Yura?!" asik ni Prexia habang nakapigil ang kanyang kamay sa 'king braso nang asta akong lalabas ng sasakyan.Walang emosyon ko siyang tiningnan. Ramdam ko ang takot niya mula sa akin kaya naman unti-unti siyang napabitaw bagamat hindi niya iyon gustong gawain."Hintayin muna natin ang ating mga tauhan pati na rin ang back up na ipinadala ng iyong ama, my lady," nakikiusap na wika ni Lanz.I smirked. "Alam mong hindi ako makakapaghintay ng gano'n katagal. Buhay ng mga mahal ang nakataya rito baka nakakalimutan niyo," nagngingitngit na ngiping saad ko."Sasama kami pagpasok," pinal na sambit ni Prexia at inayos din ang kanyang mga armas."STAY.HERE." I glared both of them when Lanz also fixed his g
"Kumusta, Takeo?" Walang buhay siyang ngumiti at naglakad patungo sa 'kin.Sinamaan ko siya ng tingin. Mabagal niya akong inikutan mula sa 'king kinauupuan, agad akong nagpumiglas sandaling lumapat ang daliri niya sa balikat ko."Don't touch me," I said darkly.She laughed sparingly and stood up in front of me. "Sa pagkakataon na ito, hindi ba dapat ay nagmamakaawa ka, Takeo?" nanunuya saad ni Xirenn.Hindi naman ako agad nakasagot sa pag-iisip sa kapakanan ng anak ko.Hirro chuckled on his seat, getting Xirenn's attention. "At this moment, ikaw ang dapat magmakaawa. Kinuha mo kaming lahat, tingin mo ba ay palalampasin ito ng kapatid ko?" Isang ismid pa ang pinakawalan niya bago walang buhay na tiningnan si Xirenn. "You will all die today," he added.Xirenn gritted her teeth and walked into Hirro's place, giving him a hard slap. Bahagyang tumabingi ang mukha ni Hirro ngunit hindi kakikitaan ng kahit anong sakit ang kanyang itsura, bagkus ay matapang niyang sinalubong ang paningin ni X
TAKEO's POV:Mabigat sa 'king loob na iwan si Zhynn, ngunit alam ko na sa ganitong paraan lang ako lubos na makatutulong sa kanya. Iyon ay ang siguraduhin ang kaligtasan ng anak naming dalawa."Fvck!" sabay na bulaslas namin ni Hirro kasabay nang mabilis na pagyuko sapagkat may bala na parating sa 'ming direksyon.Nagpaputok pabalik si Hirro habang tumatakbo naming tinungo ang isang pader upang magtago."Damn! Kailangan natin agad kumilos. Mauna kana sa mansyon at dalhin mo si Zakiah papuntang airport. Naroon na ang iyong pamilya kaya wala ka ng iba pang aalalahanin," ani Hirro sa pagitan ng kanyang pakikipagpalitan ng putok."Paano ka?" agad kong tanong. Alam kong hindi papayag si Zhynn na mapahamak din ang kapatid niya."Susunod ako. Pauunahin lang kita." Iniabot niya sa 'kin ang reserba niyang baril bago sumenyas sa nakakalat na tauhan. "Cover him," tipid na sambit niya at saka tumingin ng seryoso sa 'kin."Please, take care of my niece," sinserong pakiusap niya.Agad naman akong t
As Prexia and I reached the ground floor we nodded at each other, then parted ways. Hindi pa man ako nakakalabas ng gusali ay agad na akong sinalubong ng mga putok ng baril mula sa mga nakapasok na kalaban. Mabilis akong nagtago sa isang pader at kinuha ang baril ko sa likuran, pumusisyon ako at inasinta ang apat na kalaban habang patuloy na dumedepensa sa pagpapaputok nila.Isa, dalawa, tatlo, magkakasunod na pagpapakawala ko ng bala kasabay nang pagbagsak ng duguan nilang katawan. Umikot ako patungo sa kanan nang tinataguan kong pader at binaril ang isa pang natira."Are you okay, my lady?" usisa ni Lanz mula sa earpiece na nakakabit sa 'kin."Nakita mo ba si Kakia?" balik kong tanong at kumilos palabas ng gusali."Hindi ko pa siya napapansin," sagot ni Lanz sa kabila nang maiingay na putok ng baril sa linya niya."Prexia, napansin mo ba?" sunod kong tanong sa kaibigan ko."Not yet," she answered as I heard a clashing of blades on her line.Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at m
YURA's POV:I was hitting a cigarette when I heard his footsteps walking closer to me."Love," malambing na usal niya at astang yayakap mula sa likuran ko."Subukan mong idikit 'yang kamay mo sa 'kin, Takeo. Babaliin ko 'yan." Pagbabanta ko na ikinatigil niya sa pagkilos.Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng kapatid ko sa gilid habang pinanunuod kaming dalawa. Pasimple kong iniirap ang paningin ko at idinutdot ang sigarilyo sa railing upang mamatay. Itinapon ko ito 'tsaka bumaling ng tingin kay Takeo na ngayon ay nakanguso sa harapan ko."Where's Lanz?" I asked.His forehead knotted and roamed his eyes around and then looked at me again. "Why are you asking me?" he asked.Siya pinagbabantay ko sa 'yo malamang.I gritted my teeth and pulled my phone out to call my reaper. Pinanuod lang naman ako ng dalawa habang ginagawa ko iyon. Two rings and Lanz quickly answered my call."Where are you?" walang emosyon kong bungad."Chine-check ko lang kung maayos ang lahat. May napansin lang ako k
"Tama ba ako nang napapansin?" bulaslas ni Gavier sa gilid ko.Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. "We're in the middle of the class, Gavier." Suway ko rito at inayos ang aking suot na salamin.Napanguso naman siya at tumingin sa direksyon ng babaeng mahal niya. "Hindi ka na niya nilalapitan ngayon. May ginawa ka ba sa kanya?" pang-aakusa niya sa 'kin.Napahilot nalang ako sa 'king sintido at muling tumingin sa guro na nagtuturo sa unahan. Naroon man ang atensyon ko ay hindi ko maiwasang mapaisip sa sitwasyon ni Gavier."Dude, you didn't speak ill to her right?" seryosong wika niya.I gave him a serious look. "Gavier, isang tao lang ang pinag-aaksayahan ko ng panahon. Iyon ay ang babae sa unahan ko, kaya tigilan mo ang pag-iisip ng kung anu-ano bagkus ay matuwa ka nalang at hindi na niya ako dinidikitan," mariin kong sambit sa bawat salita.He let out a frustrated sigh and disheveled his hair. "Nakakapanibago kasi," he murmured."Then ask her." Umayos ako sa pagkakaupo at tumiti
"Kanina ka pa nakatitig d'yan," tawag pansin sa 'kin ni Hirro.Nandito ako ngayon sa salas at nakatitig sa espadang ginamit ko kanina sa ensayo. Ang mag-ina ko ay kasalukuyang nasa silid nila at namamahinga. Hindi ko na rin nakita pa si Prexia marahil ay umalis na siya kanina.I let out a deep sigh and looked at him sternly. "Blade of death," I said simply.Tila hindi naman siya nagulat sa 'king sinabi. Isang munting ismid ang pinakawalan niya habang prenteng nakatayo sa harapan ko."What do you want to know?" he asked lazily and walked to the one seater sofa. Umupo siya ro'n at tumitig sa 'kin, hinihintay ang mga salitang lalabas sa bibig ko."Bakit parang napakabigat ng titulo ng espadang ito?" usisa ko.Ngumiti siya kahit pa isa iyong ngiti na walang laman na emosyon. "It's been a year since it happened," he spoke and leaned against his seat.Tumitig siya sa kisame na tila ba pinanunuod niya ro'n ang kanyang tinutukoy. "Isang taon na mula nang na-kidnap si Zakiah ng isang sindikato