Yura's POV:
"What was that?!" sigaw sakin ng kapatid kong si Hirro pagkatapos niya kong kalikadin dito sa Peacock Headquarters.Tamad ko lang siyang tiningnan 'tsaka sumalampak sa sofa.Ipinikit ko ang aking mata at hinintay ang iba pa niyang sermon."Wala ka man lang bang balak sagutin ang tanong ko Zhynn Yura Perez?!" galit niyang tanong.Napabuntong hininga naman ako bago marahang iminulat ang aking mata. Sinalubong ko ang tingin niya."Ano bang kailangan kong ipaliwanag?" Tanong ko.Napamaang naman siya sa sinabi ko."Seriously tanong ba 'yan?! Kailangan ko ba talagang isa-isahin? Bakit wala ka sa unang klase mo? At ano yung gulo sa cafeteria?!" sunud-sunod niyang pagsigaw."Nalate ako ng gising kaninang umaga kaya hindi agad ako nakaattend ng klase ni Miss Bacay. Kung tatanungin mo ko kung bakit ako tinanghali well sisisihin mo yung mga paperworks na binigay ni dad sakin kagabi and yung tungkol naman sa caf, alam mong hindi mahaba ang pasensya ko," mahabang paliwanag ko.Pinilit niya namang huminahon pagkatapos kong magpaliwanag."Bakit hindi ka nalang umalis? Bakit pinatulan mo pa siya?" Hindi tulad kanina, ngayon ay malumanay na niya akong tinatanong.Umupo siya sa tabi ko.Huminga naman muli ako ng malalim."Gustuhin ko mang umalis pero alam kong alam mo na hindi ako hahayaan ni Xirenn na lumabas ng cafeteria na 'yon ng hindi nag eeskandalo. Wala akong choice kun'di ang pagtyagaan ang pagiging bitchesa niya. Nagtimpi ako no'ng binaliktad niya ang lamesa sa harapan ko pero hindi naman ako tanga para hayaan siyang hampasin ako ng silya.At tungkol naman sa pananakal ko.....Tulad ng sinabi ko hindi gano'n kahaba ang pasensya ko lalo na kung mababanggit ang pangalan niya," diretyo kong sabi saka siya tiningnan ng seryoso.Napahinga naman ng malalim ang kapatid ko 'tsaka isinandal ang kan'yang sarili sa sofa."Kung hindi ako dumating ay baka napatay mo na ang Xirenn na 'yon. Haayy," aniya.Hindi naman ako umimik pa dahil tama siya. Kung hindi niya ako nakaladkad paalis ay malamang pinaglalamayan na ang babaeng 'yon ngayon."Nando'n siya," basag niya sa kaninang katahimikan.Hindi ko alam kung ano bang dapat kong isagot doon."Hindi ko akalain na pagkatapos ng dalawang taon ay babalik siya dito sa Pilipinas," muling sabi ng kapatid ko.Kahit ako ay nagulat nang nakita ko siya kanina. Hindi ko rin lubos maisip na babalik pa siya."Lalo tuloy akong nag-aalala para sayo. Panigurado, lalo kang hindi titigilan ni Xirenn," tila nawalan ng pag-asa niyang sabi.Napangiti nalang ako."Kung tutuusin ay kahit hindi siya bumalik hindi rin naman ako titigilan ng babaeng iyon. Hindi ba at nagtransfer siya sa school na 'to para lang guluhin ako," sagot ko 'tsaka tumayo."Magsisimula na ang sunod na klase ko. Maiwan na kita rito," simpleng pamamaalam ko 'tsaka nilisan ang lugar.Tatlong taon na ang nakakalipas ngunit bakit parang kahapon lang ang lahat?Psh! Anong kakornihan ba itong iniisip ko?Takeo's POV:Nandito kami sa loob ng room pagkatapos akong kalikadin ni Gavier.Nasa sistema ko parin ang pagkabigla dulot nang nakita ko kanina.Nandito siya? Hindi pa nanlalabo ang aking mata kaya sigurado akong siya 'yon.Seryoso akong humarap kay Gavier."Oo si Xirenn, kung iyon ang gusto mong kumpirmahin," agad niyang sabi nang magpanagpo ang tingin namin.Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.Halo-halong emosyon ang bumalot sakin. Galit, panghihinayang, lungkot?"Kailan pa siya lumipat dito?" Tanong ko nang nakaupo na kami."Mula nang maghiwalay kayo," simple niyang sagot.Hindi na muli ako nakapagtanong pa. Hindi parin magsink in ang lahat sakin.Hindi ko inaasahan na muli ko siyang makikita sa pagbabalik ko dito sa Pinas. Wala sa plano ko na makita siyang muli o makasama ngunit bakit tila mapaglaro talaga ang tadhana?Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si Xirenn. Siguro sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko napansin ang paglapit niya.Tahimik namang nanunuod lahat ng kaklase ko.Binigyan niya ako ng isang ngiti. Hindi ko alam kung totoo yun o peke dahil saglit lamang iyon."Bumalik kana pala. Akala ko ay hindi mo na ako muling babalikan pa," aniya 'tsaka umupo sa ibabaw ng armchair ko. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa balikat ko.Rinig ko ang pagsinghap ng iba kong kaklase dahil sa napapanood nila."Sinong nagsabi na babalikan kita?" Diretyong tanong ko habang hindi nagpapakita ng emosyon."Awww. Magpapakiputan pa ba tayo hon?" May landi sa tono ng pananalita niya nang bigkasin ang dati naming endearment.Mag ex sila?Pakinig kong bulong ng ilan.Sasagot na sana ako ngunit ganoon nalang ang gulat ko ng mabilis niya akong hinalikan.Yown!!Uy porno! Haha!Machix si nerdy boy!Pakinig kong sigawan ng mga lalaki kong kaklase.Mapupulos na halik ang ibinigay ni Xirenn sa akin. Tila nablangko ang utak ko ng sandaling iyon.Bakit? Bakit parang napakadali sayo ng lahat?Itutulak ko na sana siya ngunit kusa na siyang napakalas dahil sa gulat dulot ng malakas na pagkasira ng isang bagay.Gulat akong napatingin sa harapan namin.She's mad.Here comes war.Tawagin niyo ulit si Kuya Hirro.Bulungan ng mga kaklase ko.Napatuon ang atensyon ko kay Gavier nang hawakan niya ang balikat ko."Wag kang makikigulo," simple at seryosong sabi niya na ipinagtaka ko.Muli ay bumalik ang paningin ko sa unahan. Nakatalikod lang naman si Yura sa amin habang nasa harapan siya ng isang sirang teacher's table. Taas baba ang balikat nito tila nagpipigil ng emosyon habang ang kan'yang kamao ay nakadiin padin sa lamesang sira."Lumabas kayong lahat." Halos manlamig ako sa tono ng boses niya. Punong-puno iyon ng awtorisasyon tulad nalang no'ng nasa cafeteria.Wala pang ilang segundo ay nagsilabasan na ang iba. Hindi agad ako nakakilos dahil nasa upuan ko parin si Xirenn."Oww? Are you mad Yura? Why?" Tanong ni Xirenn sa mapang asar na tono.Halos nanindig ang balahibo ko nang lumingon si Yura sa pwesto namin."Tell me, why should I?" Nanghahamon na tanong ni Yura 'tsaka marahang lumapit sa p'westo namin hanggang sa isang dipa nalang ang agwat niya.Photta bakit ba naipit ako dito?Iginala ko ang aking paningin para hanapin si Gavier ngunit nabigo ako nang nakita kong nasa labas na siya. Nag-aalala itong nakatingin sa akin."Hmmm? Bakit nga ba?"Napatingin akong muli sa dalawa nang ibalik ni Xirenn ang tanong.Bakit nga ba parang galit siya?Dahan-dahang tumayo si Xirenn at nilapitan ng todo si Yura.Marahan niyang hinaplos ang mukha ni Yura 'tsaka niya inilapit ang kan'yang bibig sa tenga nito."asdfghjkl.." Bulong niya sa dalaga 'tsaka tuluyang lumabas ng classroom.Hindi ko iyon naintindihan dahil mahina iyon.Nagulat ako ng bigla niya akong tiningnan. Umangat ang kabilang labi nito bilang pagngisi na siya namang ikinakilabot ng katawan ko.Ngunit napalitan iyon ng pagkalito nang magbitaw ito ng mga salitang hindi ko maintindihan kung para saan."Bakit naman ako magseselos sa isang katulad niya?"Magsasalita sana ako pero bigla nalang may dumating na isang lalaki at kinalikad siya palayo."I told you habaan mo ang pasensya mo Zhynn," ani ng lalaki sa dalaga.Zhynn?Bakit parang pamilyar ang pangalan na iyon?"Thankyou Lord buhay pa ang tropa ko!" napabalik ako sa aking wisyo nang yakapin ako ni Gavier. Agad ko naman siyang tinulak."Fvck! Nababakla kana naman," inis kong sabi kanya. Tatawa-tawa lang naman siya."Akala ko talaga katapusan mo na," tila naging seryoso ito."Bakit ba ganoon nalang sila mag-away?" Hindi ko maiwasang magtanong. Kayo kaya ang maipit sa gulo.He let out a deep sigh bago sumandal sa upuan niya."Alam mo kahit napakachismoso ko 'yan din ang hindi ko malaman. Basta nagulat nalang ang lahat dahil mula nang magtransfer si Xirenn ay nagsimula na talaga ang gulo nilang dalawa. Walang nakakaalam kung bakit o anong pinagsimulan ng away nila. Ang alam lang namin si Xirenn ang nagsisimula ng gulo na siya namang pinapatulan ni Yura. Alam mo ba kung anong pinakamalalang gulo ang ginawa ng exgirlfriend mo? or should I say exfiance?" Seryosong tanong niya sakin."Ano?" I asked."That girl.." Panimula niya habang nakaturo kay..."Prexia?" Untag ko. Nakatulala siya sa unahan kung saan nandoon ang sirang teacher's table."Prexia was her bestfriend before. Maniniwala ka ba 'pag sinabi ko sayong hindi naman gan'yan 'yan dati? Yeah may malaki siyang hinaharap at matambok na p'wet pero disente siyang manamit at gumalaw not like now. Err you know what I mean," pagkwekwento niya.Tumango-tango nalang ako bilang tugon dahil ayaw kong sumingit sa pagkwekwento niya. Hindi ako mahilig mangialam o bigyan ng paki ang ibang tao pero ewan ko ba kung bakit parang gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa babaeng 'yon. Kanina kasi no'ng tumingin siya sa mga mata ko parang mayroon siyang tinatagong hinanakit sa akin. Hindi ko alam kung bakit apektado ako roon."Birthday ni Prexia noon. She was drugged and raped," mahinang patuloy ni Gavier na siyang ikinagulat ko.Tiningnan ko siya direkta sa mata. Tumango siya bilang pagtugon na totoo ang sinasabi niya."Anong kinalaman noon sa pagkakaibigan nila?" Usisa ko .Tila dumaan ang lungkot sa mga mata niya."Dahil sabi ni Xirenn. Si Yura daw ang may pakana no'n," sagot niya sa tanong ko."What? I mean why would she do that? Tulad nga nang sinabi mo bestfriend sila," lalo pa akong naintriga sa lahat."Dahil lahat ng dumalo sa party na 'yon nakita na si Yura ang nagbigay ng inumin kay Prexia bago ito tamaan ng droga. Akala ng lahat nung panahon na 'yon ay nagliliwaliw lang talaga si Prexia kaya magaslaw at maselan ang kilos nito. Hindi lingid sa kaalaman namin na nakadrugs siya. She initiated to have sex dahil nga sa epekto ng droga," patuloy niyang kwento saka tulalang tumingin kay Prexia."Namin?" Pag-uulit ko sa aking narinig."Yes, Takeo, nandoon ako ....And I was the one who raped her," tila binambo ang dibdib ko sa huling salita na binitawan ng lalaking kausap ko."H-How come?" Nauutal kong tanong.Malungkot naman siyang tumingin sa 'kin 'tsaka muling tiningnan si Prexia."Ilang bwan ko na siyang nililigawan no'ng panahon na 'yon dre. Ramdam kong nagugustuhan niya narin ako," panimula niya 'tsaka mapait na ngumiti."Tulad ng sinabi ko hindi namin alam na nasa ispirito ng droga si Prexia noon. Hinila niya ako at hinalikan," muli niyang patuloy."Dude lalaki ako at masaya ako kasi ang nasa isip ko that time. Eto na yun sasagutin na niya ako, magiging girlfriend ko na ang babaeng pinapangarap ko," nakangiti niyang kwento habang nakatuon ang paningin sa babaeng minsan na niyang minahal. O mas tamang sabihin na hanggang ngayon ay mahal niya parin."Hindi ko alam kung paanong nangyari na nakaabot kami sa kwarto niya. Nakainom na ako nun kaya nadala narin ako sa init ng katawan ko. Hindi na ko nakapag isip ng ayos brad basta ang nasa isip ko lang, may mangyari man o wala hindi ko siya papakawalan dahil mahal na mahal ko siya. Handa akong panindigan siya. To make the story short we had sex," at muli niyang binaling sa 'kin ang atensyon niya."Akala ko okay lang. Akala ko walang masama dahil pareho naman naming ginusto. Akala ko nagawa namin 'yon kasi mahal namin ang isa't isa pero nabura lahat ng akala ko nang nagising ako sa tunog ng mga hikbi niya," pumikit siya at isinandal ang sarili sa upuan."That morning nagsisi ako sa lahat. Doon ko lang nalaman na wala siya sa sarili no'ng gabi na nagtalik kami. Double, triple kill brad kasi nakikita ko na nga siyang umiiyak, hindi ko pa siya malapitan kasi parang natrotrauma siya sa nangyari. Doon ay napag alaman naming may halong droga 'yong ininom niya. Droga kung saan magiging alam mo.. na hayok sa sex. I know it was not literally raped, but somehow I felt like I did it to her. Because she don't had a choice but to obeyed the drug in her body," pagtatapos niya sa kwento.Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ramdam ko ang bigat sa kalooban ni Gavier sa bawat pagdedetalye niya ng kwento. Kita ko ang luhang nagbabadyang pumatak sa mata niya kahit pa nakapikit siya.Tinapik ko naman ang balikat niya. Senyales na magiging ayos din ang lahat."Paanong nangyari na si Xirenn ang may dahil kung sa pagkakawento mo ay si Yura ang may gawa ng lahat?" Hindi ko maiwasang itanong.Dahan-dahan niya namang iminulat ang kan'yang mata 'tsaka ako binigyan ng saglit na ngiti. Saglit lang 'yon pero alam kong totoo.Tumingin siya sa labas na para bang alam niya na pabalik na si Yura."Dahil kahit kailan alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikapapahamak ng taong nag-iisa niyang sandigan sa lahat," mahinang usal niya sapat lang upang marinig ko.Naging maayos naman ang mga sumunod na klase namin kahit nandun parin ang tensyon sa loob. Kung suswertihin ka nga naman kasama ko pa siya sa isang silid. Wow. Napakaswerte. Tss! *note the sarcasm* ."Class dismissed," anunsyo ng huli naming lecturer.Yes makakauwi narin.Nalugaw ang utak ko sa klase ni Miss."Gala tayo?" yaya ni Gavier.Nag umpisa nang mag ingay ang mga kaklase ko nang tuluyang makalabas ang huli naming guro."Ano brad? San tayo?" tanong niya sakin habang taas baba ang dalawa nitong kilay. Psh! parang kanina lang kung makapagdrama siya todo."Diretyo uwi na ako. Inaantay na ako ni Zakhira. Hindi ko kasi siya napuntahan kaninang lunch." sagot ko saka pinagpatuloy ang pag aayos ng aking gamit."Ang daya naman. Sige sige mauna na ako. Mag aarcade pa kami eh." pamamaalam niya saka dali daling umalis. Napailing nalang ako sa isip ko. Happy go lucky Gavier as usual. Wala paring nagbabago sa kanya."Can we talk?" nabigla ako ng nakita ko sa aking harapan si Xirenn. Seryos
"Oh kuya bakit ngayon ka lang?" salubong ng kapatid ko nang makapasok ako ng bahay.Tipid nalang akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para magpaliwanag o umimik man lang."Are..you okay?" medyo alanganin niyang tanong na may pag-aalala.Tumango naman ako. "Pagod lang ako." yun nalang ang nasabi ko at sumenyas na aakyat na ko sa aking silid. "Sige kuya pahinga kana. Sabi ko naman kasi sayo bukas ka nalang pumasok. Kulit-kulit mo kasi." pangsesermon niya. Nginitian ko naman siya saka ginulo ang buhok niya bago ako tuluyang umalis. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama nang nakapasok ako sa aking kwarto. Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame, inaalala ang mga nangyari buong araw. Kung kilala ko siya bakit ko siya piniling kalimutan?Paano ko siya nakalimutan?"Aarghh! Bakit ba kasi hindi ako lumingon." pagkausap ko sa sarili ko.Aishiteru Love..Yung boses niya, halos kapareho ng nasa ala-ala ko pero bakit ganun? Sigurado ako na si Xirenn ang babae sa mga
Yura's POV:"As usual, dito parin kita matatagpuan." pukaw pansin sa akin ng parating.Kilala ko ang boses at presensya niya kaya hindi ko na kailangan pang lingunin para malaman.Nandito ako ngayon sa rooftop ng college building.Standing behind the railings while puffing a cigarette. Tiningnan niya ang kabuuan ko bago naglakad sa aking tabi."Are you okay?" alanganin niyang tanong habang diretyo ang tingin sa kawalan na siya ring tinitingnan ko.Humithit muna ako sa sigarilyong hawak ko bago marahang bumuga."Tingin mo bakit nangyayari lahat ng ito?" walang emosyon kong tanong bago siya tinapunan ng tingin.Nagtataka naman siyang tumitig sa akin.Muli kong itinuon sa unahan ang aking atensyon."Bakit kailangang magsama-sama kaming muli? Bakit pagkatapos ng ilang taon makikita ko siyang muli?" mahaba kong sabi tsaka ngumiti ng peke sa kawalan."Dahil siguro hindi natapos ang anumang sinimulan ninyo? " he answered.Peke akong napatawa bago siya tiningnan."Matagal ng tapos Lanz. Mata
"Sabay na tayo dude." anyaya ni Gavier sa akin. Tinanguan ko nalang siya bago nagpati-unang lumakad."Teka! Nagmamadali ka ba?" takang tanong sa akin ng kaibigan ko.Iritable ko naman siyang nilingon."Pinagsasabi mo?" kunot-nuo kong sabi habang patuloy parin sa paglakad."Daig mo pa may hinahabol eh. Ssshk! Dude wag mong sabihin na si Xirenn ang hinahabol mo?" galaw niya sakin.Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya sinapak."Aray! Ikaw ha napunta ka lang sa Japan naging brutal kana!" nakangusong sambit niya sabay haplos sa ulo niya.Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.Bumagal ang aking paglalakad nang matanaw ko sa aming unahan ang magshota, mga dalawang metro ang layo."Naks! Iba pala. Mas gusto mo na pala ng mga tigre dude ha." panggagalaw sa akin ni Gavier habang ngunguso-nguso sa unahan."Pag ikaw hindi tumigil babanatan na kita dyan tamo" banta ko sabay aro ng suntok. Agad niya namang itinaas ang dalawa niyang kamay tsaka nging
Yura's POV:Magaling Xirenn, napakagaling mong magplano.Ani ko sa isip ko pagkatapos kong patumbahin lahat ng pumupunta sa harapan ko.Sa sobrang galing mo parang gustung-gusto na kitang kitilin. Tsk!"Umalis na kayo. Pumunta sa HQ kung sino mang may sugat sa inyo para magamot." sambit ko habang hindi sila tinitingnan.Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking ibinato ko hindi kalayuan sa likod ko. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin sa aming lahat.Kung bakit kasi hindi ka pa umalis. Ano bang naisipan mo at sumugud-sugod ka pa palapit sa akin?Mabagal ang aking paglalakad palapit sa kanya. Kumalma ang kanyang mukha nang nakita ang kabuuan ko.Tama ba ang nakikita ko? Nag-aalala ka sa akin?Tsk! Sino bang niloloko ko? Haha! Dahil dito sa gawain kong ito kaya niya ako iniwan.Mapait akong ngumiti sa isip ko.Napakahenyo mo talaga Xirenn, ang bilis mong bakuran ang pag-aaring inagaw mo lang naman. Ipinakita mo na agad sa kanya ang ilang parte ng mundo ko dahil alam mong i
Yura's POV:Maaga akong pumasok sa eskwela ngayon. Agad akong nagtungo sa HQ para doon magpalipas ng oras. Ganun nalang ang gulat ko nang madatnan ko sa labas ng HQ si Takeo. Nagtataka man ay pilit ko iyong itinago sa mukha ko."What are you doing here?" walang emosyon kong tanong habang nasa harapan niya."Are you my girlfriend?" balik niyang tanong. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang hinahalukay ang katauhan ko.Peke akong tumawa bago ipinakita sa kanya ang iritasyon ko."Bali-balita dito na si Xirenn ang girlfriend mo o ex , the hell I care. Then ngayon nandito ka sa harapan ko asking me if I am your girl?" inis na sabi ko bago siya nilampasan.Nagulat ako sa mabilis niyang pagkilos. Hindi ko namalayan na nahablot niya na ako. Kaya naman ngayon ay sobrang lapit na namin sa isat-isa habang titig na titig siya sa mukha ko."W-What the fvck are you doing?" utal kong sabi habang iniwasan ang mga titig niya."Love huh?" untag niya na siyang nagpakaba ng husto sa akin at naka
Yura's POV:"Mukhang may naging tupa ngayon ah?" ani nang dumating."Shut up Kuya." agad kong pigil sa pang-aasar niya habang humihipak sa sigarilyo kong hawak.Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin. Ramdam ko ang paglalakad niya papunta sa gilid ko. Ginaya niya ang posisyon kong nakatayo habang nakatuon sa railings ang mga siko bago niya tinanaw ng paligid."Ilang taon narin nang itayo ito ng mga magulang natin. Hindi ko akalain na maiipagpatuloy ko ito." wika niya habang inililibot ang paningin sa buong eskwelahan."Because you are the best. Wala kang hindi kayang gawin." I proudly said saka siya tinapunan ng tingin.Tumingin din naman siya sa akin at ngumiti bago muling itinuon ang atensyon sa kawalan."Meron parin akong hindi kayang gawin." malungkot niyang sabi na ikinakuha ng atensyon ko."Hindi ko kayang ialis sa organisasyon ang kapatid ko." pagpapatuloy niya.Natigilan naman ako saglit bago tumingin din sa kawalan. Humipak akong muli sa sigarilyo bago iyon itinapon
"Argh! Nababaliw na ba siya?" sambit ko nang tuluyan na siyang nakaalis.Nasapo ko nalang ang mukha ko at napahilot sa sintido habang nakapikit."Get out" mahinang usal ko habang nanatili sa aking pwesto.Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglabas mula sa pagkakatago sa gilid ng pader kahit hindi ko ito tingnan. Pumunta siya sa harapan ko at tahimik akong pinanunuod.Napabuga ako ng hininga bago iniangat ang aking paningin sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin bagamat may itinatagong ngiti sa mukha.Isa parin tong kupal na ito -_-"So what's your decision? Will you let him?" he asked and sit beside me.Nanahimik naman ako at napasandal sa sofa. Ang aking paningin ay nasa itaas ng kisame.Napapikit ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni Takeo na liligawan niya ako."Why don't you try?" tanong sakin ng katabi ko."Lanz, you fvcking know the reason why I should not." agad kong sagot bago ako nagmulat at tumingin sa kanya.Malamlam ang tingin niya sa akin bago hinaplos ang mukh