Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-01-08
Oleh:  LadyAva16Tamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.1
7 Peringkat. 7 Ulasan-ulasan
47Bab
25.9KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

"Huy Clea gumising ka na! Ano ka senyorita? Lahat nang tao dito gising na ikaw naghihilik pa? Abay sinuswerte ka naman!" Narinig kong nagbubunganga na naman sa tiyang sa labas nang silid ko. Kinakalampag pa nito ang pinto para magising lang ako.

Si tiyang na ang naging alarm clock ko sa araw-araw. Hindi pa sumisikat ang araw kinakalampag na nito ang silid ko. Wala naman akong magawa dahil nakikitira lang naman ako sa kanya.

"Sandali lang po tiyang, magliligpit lang po ako." Mahinang sagot ko sa kanya dahil inaantok pa ako. Gustong-gusto ko pa sanang matulog kaso baka maagang magbeast mood si tiyang 'pag hindi ako bumangon.

Minsan nga hinihiling ko na lang na sana magkasakit ako para makapagpahinga naman ako. Pero wala din, kasi kahit may sakit ako hindi din naman din ako pinapayagan ni tiyang na hindi magtrabaho.

"Clea ano ba!?"

Agad akong tumayo at tinupi ang kumot na ginamit ko. Sinanay ako ni tiyang na ayusin muna ang higaan bago ako lumabas nang kwarto. Hindi ko raw siya katulong kaya dapat akong matuto sa lahat nang mga gawaing bahay.

Kahit mabunganga si tiyang malaki pa rin ang pinagpasalamat ko sa kanya. Siya ang tumayong ina ko nung mamatay daw si mama sa panganganak sa akin.

Pinsan siya ni mama at wala itong anak. May kinakasama ito, si Tiyong Berto na lasenggero.

Bata pa naman si Tiyang nasa kwarenta pa ang edad nito pero ewan ko ba parang maaga ata itong magme-menopause kasi palaging maiinit ang ulo. Pero sabi nang kapit bahay dalawa lang daw ang dahilan niyan kung hindi nagmemenopause baka daw hindi nadidiligan.

Hindi ko nga alam paano nila nasabing hindi nadidiligan e hindi naman halaman si tiyang na kailangan diligan.Tama naman diba? Halaman lang naman talaga ang dinidiligan. 

Tatlong buwan mula ngayon mag-e-eighteen na ako. Kung sana hindi namatay si nanay nung pinanganak ako hindi maging ganito ang aking buhay. Minsan ini-imagine ko na lang kung ano kaya ang mukha ni nanay, wala din naman kasing pinapakitang larawan si Tiyang sa akin.

Ang sabi niya lang kamukha ko ito. Hindi daw sila malapit sa isa't isa kaya wala silang larawan na magkasama.

Hindi ako katangkaran nasa 5'2" lang ang height ko. Maputi ako, kahit palagi akong nakabilad sa araw mapusyaw pa rin ang kulay nang aking balat. Mahaba at maalon ang kulay brown kung buhok na bumagay sa kulay asul kong mga mata.

Minsan tinutukso pa nga nila akong alien. Ako lang kasi dito sa lugar namin ang naiiba ang kulay nang mga mata. Sabi ni tiyang baka kay tatay ko ito namana.

Kapag tinatanong ko kasi si tiyang tungkol kay nanay,naiirita naman ito. Nagagalit agad, kaya kahit gusto ko pang magtanong tumatahimik na lang ako kesa naman buong araw badtrip si tiyang.

Yon ang napapansin ko sa kanya, sa tuwing magpapakwento ako tungkol sa mga magulang ko agad itong nagagalit. Parang allergic ito sa ganung topic. Iwas na iwas itong pag-usapan ang nanay ko lalot patay na daw, patahimikin ko na lang daw ang kaluluwa ni nanay.

Wala akong kinagisnang ama dahil bunga daw ako sa ginawang kalapastangan sa aking ina. Pero sabi ni tiyang nobyo daw ni Mama ang may gawa nun sa kanya, nung nalaman nitong nabuntis niya si mama bigla na lang itong naglahong parang bula. Hindi ko nga talaga alam kong ano ba talaga ang storya nang buhay ko. Hindi din naman kasi alam nang mga kapitbahay namin dahil malaki na daw ako nung dinala ako ni tiyang dito.

"Ano ba Clea!? Ano bang tinutunganga mo diyan sa loob? Bilisan mo na at tanghali na, yung mga labahin mo kay Aling Nena hindi na matutuyo."

"Opo tiyang andiyan na po." Lumabas na ako sa silid at agad kinuha ang nakasabit na tuwalya sa sampayan. Maliligo muna ako bago mag-agahan para diritso na ako pagkatapos kumain kina Aling Nena para sa labada ko.

Ito ang pinagkikitaan ko nang pera para makatulong ako kay tiyang.Wala naman kasi kaming aasahan kay tiyong, bukod sa lasenggero ito wala din naman itong trabaho. Kung mamalasin pa nga, nagsusugal pa ito. Buti sana kung panalo e kadalasan olats, kaya wala ding silbi.

Minsan naawa na din ako kay tiyang, ewan ko ba sa kanya bakit hindi niya magawang hiwalayan ang hilaw niyang asawa gayong wala naman itong pakinabang sa kanya. Minsan nanakit pa ito kay tiyang 'pag nasobraan sa alak.

Ilang beses na itong pina-barangay ni tiyang pero wala din namang nangyari. Konting lambing lang nito kay tiyang bumibigay din naman agad si tiyang dito.

Kaya ako pinangako ko talaga sa sarili ko na kahit anong mangyari pipiliin ko ang taong responsable at mahal ako. Yung aalagaan ako at mamahalin ako. Yong magiging katuwang ko sa buhay, sa hirap man o ginhawa.

Hindi yong katulad ni tiyong na wala na ngang ambag, nananakit pa. Batugan, malakas pa naman ang katawan. Puro bisyo lang ang inaatupag.

"O Clea andiyan ka na pala." Bati ni Aling Nena sa akin. "Nandun ang mga labahin sa likod, may sabon at downy na din doon. Ayusin mo ang pagbanlaw ah para mabango."

"Opo Aling Nena, ako na po ang bahala dun, para naman kayong di sanay sa akin. Malinis ho akong magtrabaho." Nakangiti kong sabi dito.

"O sya sige, aalis muna ako. Mamalengke muna ako. May meryenda din doon sa kusina baka matagalan ako, kumain ka na lang."

Suki na ako ni Aling Nena sa labada. Kada martes and huwebes ang schedule nang labada ko sa kanya. May iba pa din akong suki dito sa barangay naman, gusto nila ang serbisyo ko dahil malinis daw akong maglabada. Kahit pudpod yong kamay ko sa kakakusot nang damit, okay lang, ang importante may maiaabot akong pera kay tiyang.

Malaking tulong itong kinikita ko sa pang-araw-araw naming pangangailangan sa bahay.

Ni minsan hindi ako nagrereklamo kay tiyang dahil utang ko sa kanya ang buhay ko. Kung hindi niya ako inalagaan baka kung ano na ang nagyari sa akin. Kahit araw-araw akong pinapagalitan ni tiyang,okay lang din, kasi kahit papano nararamdaman ko ang pagmamahal nito sa akin. Siguro ganun lang ang paraan niya.

Katatapos ko lang nang high school ngayong taon. Hindi pa ako makakapag kolehiyo kasi wala kaming pera panggastos. Kahit naman kasi scholar ako kailangan pa rin nang pera panggastos para sa aking pang-araw- araw.

Napagdesisyunan kong mag-iipon muna ako nang pera ngayong taon at kung sapat na ito mag-eenrol ako. Siguro hahanap na lang din ako nang part-time na trabaho madami naman daw akong mapapasukan.

May pangarap din naman ako sa buhay. Bata pa naman ako, tsaka ayaw ko din na habang buhay akong maglalabandera, kasi sobrang nakakapagod ang paglalaba. Nanakit din minsan ang likod kapag masyadong madami ang mga labahin.

"Oh Clea, ikaw pala 'yan, kanina ka pa ba?" Tanong ni Ate Jean. Panganay na anak ito ni Aling Nena na nagtatrabaho sa hacienda nang mga Contreras.

Isa ang mga Contreras sa mayayamang pamilya dito sa lugar namin. Masyadong malawak ang lupain na nasasakupan nang mga ito.

Halos lahat nang mga kalalakihan dito sa amin ay sa hacienda nila nagtatrabaho, maliban sa tiyuhin kong batugan.

"Ay hello po ate, kumusta po kayo?" Bati ko sa kanya.

Mabait si Ate Jean, minsan binibigyan ako nito nang tip lalo 'pag nakikita nitong medyo madami ang nilalabhan ko. Minsan nakikipagkwentuhan ito sa akin kapag off niya at nagkataong naglalabada ako dito sa kanila. Ang sabi niya sa akin siya daw ang tagalista nang mga ani sa hacienda, yon daw ang trabaho niya.

Naiimagine ko nga minsan ang sarap din siguro kung ganun yong maging trabaho ko,  kasi naman nakakapagod na din ang walang katapusang pagkusot nang mga damit ng ibang tao.

Gusto ko din naman sanang magpahinga at maghanap na ibang trabaho kaso wala din akong mahanap. Yong ibang kaibigan ko nga nakatambay lang. Kailangan dadayo pa sa siyudad, kasi kung dito lang wala talagang mapagkakakitaan.

"Okay lang ako Clea, nagtatrabaho pa din ako sa hacienda. Off ko ngayon kaya nagpapahinga lang ako dito sa bahay. Hindi ko din naman trip ang makipagchikahan sa ibang kapitbahay kaya ikaw na lang ang chichikahin ko." Tumatawang sabi nito sa akin.

"Ay naku ate , ayan ka na naman."

Alam ko na kung anong pag-uusapan namin ni Ate, halos sa tuwing nag-uusap kami nito tinatanong niya ako kung may nobyo na ba ako. Kung sino-sino ang nirereto nito sa akin, pero alam ko din namang binibiro niya lang ako kasi pagkatapos niya akong kulitin pinapayuhan ako nitong huwag munang makipagboyfriend kasi sakit lang daw sa ulo.

Kahit di naman sabihin ni ate sa akin, wala naman din akong balak pumasok sa isang relasyon. May mga nanliligaw na nga sa akin pero sinasabihan kong bata pa ako at bawal pa mag-boyfriend.

"By the way Clea, naghahanap pala nang kasambahay ang mga Contreras, baka kako gusto mo, kaya kita ipasok doon."

"Talaga ate?" excited kong tanong sa kanya. Sa wakas mag-iiba na din ang hanap buhay ko from labandera to housemaid. O diba parang mas sosyal pakinggan, parang lumevel-up ako.

"Oo, kaso...sa Antipolo ka ma-aasign Clea, sa mansion nang mga Contreras doon."

"Antipolo?..parang ang layo naman nun ate...baka hindi ko kakayanin doon." Nanghihinayang kong sabi. Simula kasi nagkamalay ako, dito na lang ako sa lugar namin paikot-ikot. Ni hindi nga ako sinasama ni tiyang sa syudad kapag namamasyal ito.

"Hindi naman yon malayo, isang sakay lang nang eroplano makakarating ka na agad doon. Tsaka mabait ang mga Contreras, actually madami kayo sa mansion nila. Gusto lang kasi ni Madam na kumuha nang dagdag na kasambahay kasi umalis yong isa dala nang katandaan.

Antipolo...ulit ko sa aking utak, bakit parang pamilyar sa pandinig ko ang lugar na yon?

Saan ko ba narinig yon? Ah alam ko na baka sa tv. Oo tama baka sa tv, matanong ko nga si tiyang mamaya kung papayag ba itong magtrabaho ako sa Antipolo .

"Magpapaalam muna ako kay tiyang mamaya ate. Kapag pumayag siya babalik ako dito bukas nang umaga para ipaalam sayo, yun ay kung okay lang sayo?"

"Sure...sure, hinhintayin ko ang sagot mo bukas. Sakaling hindi papayag ang tiyang mo saka na ako maghahanap nang ibang ipapadala doon. Pero kung ako sayo Clea, kumbinsihin mo si tiyang mo, malaki din magpasahod ang mga Contreras at may mga dagdag benipisyo pa ang mga ito."

"Sige po ate susubukan ko po."

Pinagpatuloy ko ang paglalaba pero wala doon ang konsentrasyon ko. Iniisip ko kung paano ko mapapayag si tiyang na magtrabaho ako doon.

Isa pa sa gumugulo sa utak ko ay yong pagkapamilyar sa akin nang lugar na sinabi ni ate sa akin.

Antipolo...Antipolo...pamilyar talaga ito sa akin.

"Huy Myrna! Ibigay mo sa akin ang pera mo kung ayaw mong bugbugin kita."sigaw ni tiyong kay tiyang. Nag-aaway na naman ang mga ito tungkol sa pera.

"Ano ka ba Berto wala pa nga akong pera, hindi pa nagbibigay si Clea sa ak—"

"Bwesit! Wala kang pakinabang! Bakit ba kasi kinuha-kuha mo pa ang batang yan. Tingnan mo tuloy pati tayo minalas! Letseng buhay to!"

Dinig ko ang pagkabasag nang mga gamit sa loob. Ganito palagi ang eksena kapag nalalasing si tiyong. Binabasag nito ang anumang bagay na mahawakan niya.

"Ibalik mo yang lintek na batang yan kung ayaw mong iwanan kita!"

"Wag naman ganito Bert, maawa ka naman sa bata. Malaki din ang kasalanan natin sa kanya."

"Letse! Kung sana kasi nakinig ka sa akin, wala tayong problema ngayon! Mga bwesit!" sigaw ni tiyong bago ito pabalibag na isinara ang pituan.

Napako ako sa aking kinatatayuan. Anong ibig sabihin ni tiyong sa mga sinabi nito?

"O Clea, kanina ka pa ba andyan?" Tanong ni tiyang sa akin. May pasa na naman ito sa mukha.

"Tiyang, sinaktan niya na naman kayo? Hanggang kailan ka ba papayag na sasaktan ka niya tiyang?" naluluha kong sabi. Hindi ko talaga maiwasang masaktan kapag nakikita ko si tiyang na may mga pasa.

Hindi ito sumagot sa akin pero nakita kong lumungkot ang anyo nito.

"Bakit ba kasi hindi mo na lang iiwan yan si tiyong? Paulit-ulit ka na lang niyang sinasaktan, wala nang pag-asang magbago si Tiyong Berto, Tiyang."

"Hindi mo kasi ako naiintidihan Clea, hayaan mo na ang Tiyong Berto mo lasing lang yon kaya nagawa niya ito." Pagtatapos ni tiyang sa usapan.

Lagi na lang ganito si tiyang, kahit sinasaktan siya ni tiyong ipinagtatanggol niya pa rin ito.

"Nga pala tiyang gusto ko sanang magpaalam sayo."

"Para saan?"

"Naghahanap daw kasi nang kasambahay ang mga Contreras, ipapasok daw ako ni Ate Jean kung papayag kayo pero sa Antipolo daw Tiyang."

" Antipolo?!" napataas ang boses niya. "Opo Tiyang doon daw sa mansion nang mga Contreras" sagot ko sa kanya.

"Hindi pwede Clea, dito ka lang!" mariing sabi nito at biglang naging matigas ang anyo nang kanyang mukha.

"Lintek ka din pala Myran eh!" sigaw ni Tiyong at marahas nitong hinaklit ang buhok ni Tiyang."Matagal ko nang sinasabi sayong palayasin ang malas na ito, tapos ngayon gustong makawala aayawan mo pa?!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Tiyang.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nakita kong may isang bitak na dos por dos sa gilid agad ko yong dinampot at pinalo sa batok ni Tiyong. Hindi ko na kayang harap harapan niyang saktan si Tiyang. Sumusubra na ang pagka walang hiya niya. 

Nawalan ito nang malay sa sobrang lakas nang pagkakapalo ko. Nanginginig ang kamay kong binitawan ang kahoy na hawak ko. Mahigpit kong niyakap si Tiyang na umiiyak na rin.

"Iligtas mo ang sarili mo Clea, pumunta ka kina Aling Nena, pumapayag na akong makalayo ka dito." umiiyak nitong sabi.

"Pero paano kayo Tiyang? Paano kayo pag nagising si Tiyong? Baka higit pa sa sampal ang gagawin niya sayo. Hindi ko kayang iwan ka Tiyang, dito lang ako... walang magpoprotekta sayo." umiiling kong sabi sa kanya.

"Kaya ko ang saril ko Clea, makinig ka sa akin. Kunin mo ang mga gamit mo sa loob, yong kaya mo lang dalhin.." hinila ako nito papasok sa kwarto ko at siya na mismo ang nagpasok sa mga gamit ko sa isang bag.

"Tiyang...hindi ko kayang iwan ka, please Tiyang dito lang ako sayo..."pagmamakaawa ko sa kanya.

"Makinig ka Clea, para sayo to..."

"Myrna!" sigaw ni Tiyong mula sa labas. "Lintek ka! Papatayin ko kayong dalawa!" 

"Sige na Clea, iligtas mo na ang sarili mo..." naluluha na si Tiyang.

"Paano po ka--"

"Akong bahala sa sarili ko , Clea. Sana 'pag nalaman mo ang katotohanan mapapatawad mo ako. Mahal kita Clea...at patawarin mo ako."

"Myrna!" kinakalampag ni Tiyong nag pintuan nang silid ko. "Lumabas kayong dalawa diyan!"

Binuksan ni Tiyang ang bintana, inihagis niya ang bag ko doon at hinila ako palapit dito. Hinayaan ko na lang si Tiyang sa gusto niyang mangyari. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi niya.

Anong katotohanan? Ano ba ang kasalanan niya at humihingi siya nang tawad sa akin.

"Talon Clea, tumakbo ka...iligatas mo ang buhay mo." utos ni Tiyang sa akin.

Bago ako tumalon nakita ko pa ang nanlilisik na mata ni Tiyong. 

Kailangan kong iligtas ang buhay ko. Babalikan kita Tiyang. Babalik ako para iligtas ka.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Joyce Enorme
My story po ba si Falcon?.
2025-01-29 13:15:23
0
user avatar
Julieann America
sana po May story din si Gustavo
2024-09-18 21:56:46
2
user avatar
Sam Raine Drake
thanks ms A ......
2024-04-25 15:23:10
1
user avatar
Fei Leen
Ganda lahat ng stories mo po author ...️...️...️ waiting sa kwento ni major at calyx
2024-01-11 10:32:46
1
user avatar
Nadia Simanjuntak
sana may story din kina nate at veronica ms A
2024-01-09 08:16:23
3
user avatar
Mayfe de Ocampo
ito na lang hindi ko natapos sa lahat mg stories mo madam author,,waiting for update lagi...highly recommended lahat ng gawa...congrats
2023-11-25 16:30:08
1
user avatar
Estrella Montenegro
plsss more update beautiful story!!
2023-09-13 09:58:19
1
47 Bab
Prologue
"Huy Clea gumising ka na! Ano ka senyorita? Lahat nang tao dito gising na ikaw naghihilik pa? Abay sinuswerte ka naman!" Narinig kong nagbubunganga na naman sa tiyang sa labas nang silid ko. Kinakalampag pa nito ang pinto para magising lang ako.Si tiyang na ang naging alarm clock ko sa araw-araw. Hindi pa sumisikat ang araw kinakalampag na nito ang silid ko. Wala naman akong magawa dahil nakikitira lang naman ako sa kanya."Sandali lang po tiyang, magliligpit lang po ako." Mahinang sagot ko sa kanya dahil inaantok pa ako. Gustong-gusto ko pa sanang matulog kaso baka maagang magbeast mood si tiyang 'pag hindi ako bumangon.Minsan nga hinihiling ko na lang na sana magkasakit ako para makapagpahinga naman ako. Pero wala din, kasi kahit may sakit ako hindi din naman din ako pinapayagan ni tiyang na hindi magtrabaho."Clea ano ba!?"Agad akong tumayo at tinupi ang kumot na ginamit ko. Sinanay ako ni tiyang na ayusin muna ang higaan bago ako lumabas nang kwarto. Hindi ko raw siya katulong
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-17
Baca selengkapnya
Chapter 1
"Dito ang kwarto mo Ineng, kasama mo dito si Gina. Ikaw dito, at diyan na man siya sa kabilang kama. Yang kabinet ang lagayan niyo nang mga damit, pero mamaya mo na ayusin yung mga gamit mo. Kailangan namin nang makakatulong ngayon sa kusina kasi may dadating na bisita mamayang gabi." ani Nana Lydia. Siya ang pinaka mayordoma nang mga Contreras. Siya din ang pinaka matanda at pinakamatagal sa lahat nang mga naninilbihan dito sa mansion.Sinundo lang nila ako sa airport kaninang umaga. Pagkatapos nang nangyari kahapon, dumiritso ako sa bahay ni Ate Jean. Tinulungan ako nila ni Aling Nena na magtago dahil hinanap ako ni Tiyong. Nag-amok pa ito kahapon sa bahay nina Aling Nena, kaya pinadampot nila ito sa mga pulis.Pinakiusapan ko si Ate Jean kagabi na kumustahin si Tiyang, dahil tiyak akong sa kanya ibinunton ni Tiyong ang galit nito sa akin. Bago ako tumalon kitang-kita ko pa ang nanlilisik na mata ni Tiyong bitbit ang kahoy na hinampas ko sa batok niya.Binugbog daw si Tiyang kaya n
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-17
Baca selengkapnya
Chapter 2
"Clea, pakidala itong pineapple juice sa may swimming pool. Andun si Sir Luke at si Maam Ava kasama ang kamabal." utos sa akin ni Nana Lydia.Gusto ko sanang tumanggi dahil natatakot ako kay Sir luke, pero nakakahiya naman kay Nana baka isipin pa nitong tamad ako. Ayaw kong mawalan nang trabaho sa unang araw ko pa lang noh kaya dali-dali kong binitbit ang tray na may lamang dalawang baso nang pineapple juice.Pilit ko talagang inayos ang pagdala sa tray gamit ang dalawang kamay ko dahil iniiwasan kong may matapon sa juice na dala ko. Dahan-dahan ang bawat hakbang dahil hindi naman ako sanay magbitbit nitong tray. Nakakahiya baka pumalpak pa ako, lalo't pakiramdam ko kanina pa sinusulyapan ni Sir Luke ang bawat galaw ko. Sa sobrang pag-iingat ko sa aking nilalakaran, hindi ko namalayang papalapit pala si Maam Ava para sana tulungan ako. Huli na nang makita ko siya at natapilok pa ako dahilan nang pagkatapon sa dala kong juice."Oh sh*t!..Are you okay Av?" nag-aalalang tanong ni Sir
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-17
Baca selengkapnya
Chapter 3
Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi ko namalayan na magtatatlong buwan na pala ako dito sa mansion nang mga Contreras. Nung nakaraan tumawag ako kina Ate Jean kinumusta ko si Tiyang ang sabi niya umalis na daw si Tiyang sa bahay nila. Wala ding nakakaalam kung saan ito pumunta. Hindi din naman kasi close si Tiyang sa mga kapitbahay kay siguro wala itong sinabihan.Kahit hindi maganda ang trato ni Tiyang sa akin noon, hindi ko parin maiwasan na hindi mag-alala sa kanya. Kahit papano malaki pa rin ang utang na loob ko dito dahil inalagaan niya ako nung maliit pa ako.Nakiusap na lang ako kay Ate Jean na sakaling may balita siya kay Tiyang sabihan niya ako. Gusto ko kasing padalhan nang pera si Tiyang para may panggastos ito. Naisip kong baka umalis ito nang bahay dahil naghanap nang trabaho. Gusto kong matulungan si Tiyang kahit sa ganitong paraan makaganti man lang ako sa kanya."Huy girl!" panggugulat sa akin ni Gina.Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa pagkagulat. May pagkaloka
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-24
Baca selengkapnya
Chapter 4
"Clea..." tawag ni Nana Lydia sa akin.Pagtawag pa lang nito sa pangalan ko kinakabahan na ako. Alam kong may ipag-uutos ito sa akin.Kanina ko pa kasi napapansin na pabalik-balik si Gina sa may swimming pool area. Baka andun na ang mga kaibigan ni Sir Luke.Pagkaalis ko kasi kanina galing sa kwarto niya dumiritso na ako sa laundry area at inilagay ang mga labahin kong kurtina at bedsheets. Pagkatapos dumiritso na ako sa silid ko para makaligo ako at makapag-ayos man lang konti.Pakiramdam ko kasi nanlalagkit ako sa dami nang ginawa ko kanina doon sa taas. Dagdagan pa nung nahuli ako ni Sir Luke na nakaupo don sa upuan niyang mukhang kama. Halos mabasa ang buong katawan ko sa pawis kanina habang tinatanong niya ako kung anong ginagawa ko doon. Mabuti nga at hindi ito nagalit sa akin. Maliban lang sa kabilin bilinan nitong bawal na akong umupo doon ulit.Kahit pa nakakarelax yung upuan na yon hindi na talaga ako uupo dun ulit noh. Ayaw ko kayangapagalitan uli.Nagpabango pa ako konti.
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-24
Baca selengkapnya
Chapter 5
"O Clea bakit andito ka sa likod bahay?" tanong ni Gardo sa akin ang hardinero nang mga Contreras.Kanina pa ako nagpapahangin dito sa hardin na inaalagaan niya. Dito ang paborito kung tambayan dahil pakiramdam ko narerelax ako sa tuwing nakatanaw ako sa mga halaman na alaga ni Gardo.Matanda ito nang walong taon sa akin ganun paman, magkasundo pa rin kami. Minsan nga binibiro ko ito kay Gina pero agad naman akong binabara nito. Ayaw niya daw sa bunganga ni Gina, masyadong prangka. Tsaka may gusto din daw siyang iba at naghihintay lang siya nang tamang pagkakataon para magtapat sa babaeng gusto niya.May pagka misteryoso din kasi ito si Gardo. Kung hindi ko lang alam na hardinero ito dito, mapagkakamalan ko itong anak nang mga Contreras. Matangkad at malaki ang pangangatawan nito na animo alagang-alaga sa gym.Nung una nga napansin kong may kamukha ito pero hindi ko lang talaga maalala kung sino.Matangos ang ilong nito at mapupungay ang kulay tsokolate nitong mga mata. Maayos din ito
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-26
Baca selengkapnya
Chapter 6
Happy birthday Clea...Happy birthday Clea... Happy birthday...Happy birthhhhhday....Haaappppyyyy Birrrtthhhhday Cleeeaaaa... Sabay-sabay nila akong kinantahan bilang pagbati sa aking kaarawan. Hindi ko maiwasang maiyak, ganito pala ang feeling nang nagbibirthday at sini-celebrate ito. Andito lahat nang mga kasama ko dito sa bahay na naninilbihan sa mga Contreras. "Salamat po sa inyong lahat." naluluha kong sabi sa kanila. " Salamat at pinaranas niyo ito sa akin ngayon. Sobrang saya po nang puso ko. Hindi ko po ito makakalimutan hanggang sa pagtanda ko.""Anong pagtanda Clea? Kaka-debut mo palang, pagtanda na agad ang iniisip mo?" biro ni Gina. Alam kong sinabi niya lang yon para gumaan ang pakiramdam ko."Gusto ko lang po kayong pasalamatan dahil kung hindi dahil sa inyong lahat hindi ko ito mararanasan. Maraming salamat po sa pagtanggap niyo sa akin, at sa pagmamahal ninyo. Dahil po sa inyong lahat naramdaman kong may pamilya ako." naiiyak ako habang nagpapasalamat sa kanilang
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-29
Baca selengkapnya
Chapter 7
"Why are you here this late?" Seryosong tanong nito sa akin. Ay iba din. Hindi man lang ako binati. Hello Sir birthday ko po tsaka katatapos lang naming magcelebrate, gusto ko sanang isagot sa kanya kaso mukhang wala ito sa mood. Baka mabugahan pa ako nito nang apoy.Anong klaseng buga? At anong klaseng apoy? Biglang pumasok sa utak ko. Hala naimpluwensiyahan na ata ako ni Gina,kung ano-ano na din pumapasok sa utak ko."Ah nagpapahangin lang po ako Sir. Matutulog na din po ako. Ahm sige po mauna na ako sa inyo. Goodnight po Sir Luke." Sagot ko sa kanya tsaka nagmamadali akong tumayo para makaalis sa harap niy.Lalagpasan ko na sana ito ngunit nahawakan nito ang aking braso. Bigla kong naramdaman na parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung dumampi ang palad niya sa balat ko at biglang kumabog ang aking dibdib.Ayan na naman. Kinakabahan na naman ako. Lord please, wag niyo po muna akong kunin. Kaka-debut ko pa lang po.Nagsalubong ang mga mata namin ngunit agad din akong umiwas
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-30
Baca selengkapnya
Chapter 8
"Hala si Sir Luke joker." Nakangiwi kung sabi sa kanya nung nakabawi na ako. Ano ba sa kanya ang pakikipagrelasyon parang naglalako lang ng gulay o di kaya nag-aaya kumain?Tsaka bakit ako? Sigurado ba siya na gusto niya akong maging girlfriend niya? Ni hindi pa nga siya nanligaw sa akin. Tsaka dalagang Pilipina ako noh. Anong akala niya sa akin easy girl? Ayoko ko nga! Marupok ako pero konti lang...as in konti lang pero... pwede naman sigurong pag-usapan diba?Ngeee umayos ka nga Clea. Anong pag-usapan? Magpakipot ka naman gurl. Pagalit ko sa aking sarili. Bakit ba naman kasi ninakaw niya ang first kiss ko? Kasalanan ko din naman kasi kung di ako lumingon e di sana di niya ako nahalikan.Tsaka kung di ako naging oa at paiyak-iyak pa na akala mo naman binuntis e di sana wala ako sa ganitong sitwasyon ngayon.Muli kong binalik ang mga tingin ko sa mukha niya at nakita ko ang biglang pagbago nang reaksyon ng mukha nito na tila hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko."Do I look like I'm
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-08-31
Baca selengkapnya
Chapter 9
Luke's POVI woke up feeling lightheaded. Pumipintig pintig ang sintido ko. The last thing I remember, I was drinking in the terrace crying my heart out.Who the hell brought me here inside my room? Is it Nana? But I don't think Nana can carry me here. Maybe she asked help from Joel and Carding.Maaga akong nagising kanina. I'm planning to surprise Clea, 'coz it's our first day being in a relationship. I know I'm too fast that I didn't even give her chance to decide about this. Pero gusto kong subukan. I may be unfair but I feel something strange whenever I'm around her. I want to figure out what is this I'm feeling towards her.I know that I'm her first boyfriend, kaya nga ito naiyak nung 'ninakaw' ko daw ang first kiss niya. But, I don't regret what I did. I'm happy that I took her first kiss dahil nagkaroon ako nang rason para maging kami.There's an attraction that draws me to be close to her. Parang gusto ko siyang alagaan, gusto ko siyang protektahan. She looks so innocent and v
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-09-01
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status