“Kanino ‘yan?” tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko. It’s 5 AM, and naisip ko na mag-walking, pero nakasalubong ko siya na may bitbit na coffee, and I think it’s for Liam dahil papunta siya sa office nito. “Para po kay Sir Liam.” “Give it to me. I’ll bring it to him.” Nakangiti akong naglakad papunta sa office niya. Maingat kong hinawakan ang kape niya, pero hindi ko maiwasan na mas mapangiti sa tuwing nakikita ko sa ring finger ko ang isa sa mga kumikinang na diamond ring na galing sa kanya. But why am I smiling?! Kinikilig ba ako? No way! Baka sa singsing oo, pero kay Liam, hindi! He has a glass door in his office kaya I was able to see through inside. I noticed that he’s not in his office—maybe he went outside for a while—so I slowly went inside para ilapag ang kape niya. Lumapit ako sa lamesa niya, and I noticed that his computer is on. Napakagat ako sa labi, contemplating kung sisilipin ko ba ‘yon cause I’m really curious kung anong ginagawa ng mga billionaire na katul
I was frowning while choosing what to wear. “Argh!” I had enough, I am so pissed. Pang-ilang dress ko na ‘tong sinukat pero kita pa rin ang laki ng tiyan. I removed it and stared at the dresses in my bed. I pouted habang kinukuha iyong last option ko, a white dress na hindi hapit sa katawan ko! Argh! I want something na fitted pa naman para lumabas ang pagiging sexy ko pero mukhang imposible na ‘yon ngayon na lumalaki na ang tiyan ko. Wala akong nagawa kung hindi suotin itong dress na medyo maluwag sa akin. Pagbaba ko sa living room ay nakita ko si Liam na nagkakape habang may hawak na newspaper. People nowadays still read newspapers? Especially a billionaire like Liam? I’m amazed. I sat down near him. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin, as if my appearance doesn’t have any impact on him. “How old are you?” I curiously asked when I suddenly remembered that I don’t know his age. He just gave me a quick glance and bumalik sa binabasa. I was about to kick him when he sai
We had dinner together sa isang Michelin Star restaurant na pag-aari ng kaibigan ni Liam. He knew about our wedding; it spread like wildfire, kaya tumawag agad ang parents ko right after the wedding nang malaman nilang pinakasalan ko si Liam. Of course, they were mad—very, very mad—but I didn’t care. At least now they know I’m married, and they can’t force me to marry that old man.“Congrats,” wika ng isang katabi ko.I rolled my eyes at her, and I heard her laugh. Kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.Inilapag niya ang utensils niya at nakangising humarap sa akin. Bahagya niya pang ipinihit ang katawan paharap sa akin, ang isang kamay niya ay nakatungtong sa upuan.“Come on, I didn’t do anything to you, but I’m very much willing to forgive you if you say sorry,” nakangising wika niya.Ipinihit ko ang katawan paharap sa kanya. I also smirked and itinungtong ang kamay ko sa upuan.&l
Months have passed.Liam and I made a lot of adjustments, lalo na siya. He missed a lot of meetings, at ang secretary niya na ang pumupunta because he wanted to take care of me and our babies.Hindi naman kami nahihirapan dahil madalas andito ang mother niya para tumulong, and not to mention, his cousin also, na himalang hindi ko na gaano pinag-iinitan ng ulo. It was just because of my pregnancy and hormones kaya gigil na gigil ako sa kanya. May kinuha rin kaming nanny na magbabantay sa kanila para hindi kami mahirapan. Lalo na at hindi ko rin alam kung paano mag-alaga ng sanggol, at dalawa pa.Maingat na nilapag ni Liam ang isang baby namin na kakakatulog lang, ang isa kasi ay kanina pa tulog. Siya ang nagpatulog sa mga ito while I was just lying down, resting, dahil bigla akong nahilo, siguro dahil sa pagod.“Mama told me na it was you who convinced her before na magpa-surgery na,” he said in a soft voice.Tama siya. Noong araw ng wedding namin, sinabihan ko ang mother niya na magp
“Liam, get out!” I shouted at him. He just looked at me without emotion, then slowly turned his back, pero hindi pa rin lumalabas. Pinapa-breastfeed ko kasi ang isa sa mga baby namin. I gave him a deadly stare kahit nakatalikod na siya. Pagkatapos ay tinapos ko na rin ang pagpapabreastfeed sa anak namin at ibinalik ito sa bassinet niya. “You can turn around,” sabi ko habang masamang nakatingin dito, pero napaawang lang ang labi ko nang hindi niya man lang ako tapunan ng tingin at nagdire-diretso lang siya papunta sa mga anak namin. Seryoso ang aura niya ngayon, more like, he looks tired. I cleared my throat to catch his attention. “So, what should we name them?” Our twins are not identical; they are fraternal. It means there’s a girl and a boy, kaya madali naming makikilala. Thank God, kasi I am the worst at recognizing people’s faces. Imagine me, as their mother, not being able to recognize them—I will be much worse than my parents. “We will name the girl Liana.” Napataas an
“Where’s Lia?” I heard Liam’s voice, loud and clear kahit pa nakasara ang pinto.I turned around and was about to leave nang biglang bumukas ang pinto.Agad nagtama ang mga mata namin, pero lumusot ang mga tingin niya sa akin papunta sa painting na nasa likod ko.Muli nitong ibinalik ang tingin sa akin, na tila ba pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ko, parang may hinihintay siyang reaksyon mula sa akin. Pero bakit naman niya binabantayan ang reaksyon ko? Porke nakita ko na may painting ng babae sa room niya!“Excuse me,” sabi ko at nilagpasan na ito.“Where are you going?” malamig ang boses na tanong niya kaya napahinto ako.Nag-isip ako ng puwede kong isagot kasi hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.“Garden,” iyon lang ang naisip ko.Hahakbang na sana ako papaalis nang muli siyang magtanong, kaya napairap ako.“Why?”Why? Anong why?!“Do I need to tell you why? I just want to go there!” I said while frowning.“So short-tempered,” sabi niya at naglakad na papasok sa ro
One year passed. “Liana, come here.” A wide smile appeared on her face when she saw me. I swear, I am my daughter’s favorite. Samantalang itong si Koa naman, eh mukhang nagmana sa ama kasi kahit makita ako ay walang pakialam at nasa laruan pa rin niya ang atensyon niya! Kakagaling ko lang sa mall, namili ako ng mga alahas at damit. Kaya naisipan ko na rin bilhan ang mga anak ko. Of course, I bought a lot for both of them, pero si Liana lang ang papasukatin ko kasi iiyakan na naman ako ni Koa kapag pinilit ko siya! Liana’s walking towards me—ang cute ng maliliit na hakbang niya! But she’s really cute in general. “Look, I have a cute pink dress for you,” malapad ang ngiti na sabi ko rito at ipinakita sa kanya ang dress. She laughed and held it with her little hands. Pagkatapos ay niyakap ako. “Mommy,” sabi nito gamit ang boses na akala mong isang buwan kaming hindi nagkita. “I love you, my little princess!” sabi ko at pinanggigilan ito. “I love you, Koa!” mahinang sigaw ko rin k
Nagising ang diwa ko dahil sa malakas na iyak na narinig ko.“Daddy,” namumula ang mata sa kakaiyak na sabi ni Koa.“Where’s Liam?” tanong ko sa nanny nito habang papalapit ako sa kanila.“Bumaba lang po saglit, ma’am.”Nilapitan ko si Koa at binuhat, pagkatapos ay isinama ko ito palabas ng room para hanapin namin ang daddy niya. Tulog pa naman si Liana kaya iniwan ko na muna sa nanny niya.Hindi ko alam kung kulang ba ang tulog ko, pero nagising ako na medyo masakit pa ang ulo ko.Karga ko si Koa na mahigpit na nakayakap sa akin habang humikbi. Bumaba kami sa hagdan at nakita ko si Liam sa may pinto. May kausap iyon na parang kalalabas lang. Nakaputi ito, katulad ng sinusuot ng doktor. Pero bakit magkakaroon ng doktor dito? May sakit ba si Liam?Naglakad kami papalapit kay Liam. Ilang segundo pa, napatalikod ito at parang natigilan nang makita ako, pero agad din siyang nakabawi at nilapitan kami.“You’re awake,” pagkasabi niya noon ay napakalas si Koa sa pagkakayakap sa akin at nilin
Diretso lang akong nakatingin sa daan buong biyahe.Hangga’t maaari, hindi rin ako gumagalaw. Sinusubukan kong maging invisible.Pero kahit na wala akong imik at emosyon na pinapakita, sa totoo lang ay naiinis ako sa sarili ko at hinayaan kong maisakay ako ng lalaking ‘to sa sasakyan niya!Mabuti pa ata nagpahatid na lang ako kay Raven! Pero hindi rin pwede, busy ‘yung tao.“Nakakainis!” sigaw ko, na dapat ay sa isip ko lang sana kaso mukhang malakas kong nasabi dahil sa mabilis na paglingon ni Liam sa akin.“Are you crazy?” mapanghusga ang tono niya.Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinag-cross ko pa ang arms ko at sinandal ang mukha sa bintana.Hindi na rin naman siya umimik. Mabuti naman.Habang papalapit kami, iniisip ko kung saan ko siya ililigaw para hindi niya makita ang mga bata. Wala naman akong planong ipagkait ang dalawa sa kanya, basta huwag lang talaga muna ngayon na hindi namin napag-u
Amelia’s POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at ang liwanag ang sumalubong sa akin, dahilan para mapapikit ako. Pero bukod sa liwanag, sumalubong din sa akin ang sakit ng katawan na unti-unti ko nang nararamdaman.Nang makapag-adjust, napatitig ako sa puting kisame. Napansin ko rin ang tunog na naririnig ko—parang heart monitor.Nasa ospital ba ako? Napatingin ako sa kanan ko kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Tama nga ako, nasa ospital ako.Nadako naman ang tingin ko sa kamay ko—may IV drip doon. Bakit ako nandito?Napatingin ako sa kaliwa ko nang may napansing gumalaw doon.Si Raven.Nasa upuan siya, nakasandal ang ulo na inihilig niya pakaliwa. May libro rin siyang nasa kandungan. Mababakas ang pagod sa mukha niya.Bakit siya nandito?Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari, pero walang pumapasok na alaala sa utak ko.Napahawak ako sa ulo, malapit sa noo, at napaaray. May nakapa rin akong ban
Limaire’s POV“Look who’s calling? Your wife.” Nakangising itinaas ko ang phone ni Liam.Agad niya iyong hinablot habang magkasampok ang mga kilay.“Loudspeaker,” I mouthed.Masama ang tingin niya pero agad naman iyong sinunod.“What?” bungad niya sa asawa. Wala siyang nagawa kung hindi gawing galit ang tono dahil narito ako.“Liam…” Nanginginig at halata ang takot sa boses ni Amelia.Bigla namang napatayo si Liam at sumilay ang pag-aalala sa mukha.Napacross ako ng arms habang nakangisi. Ang saya makita ng reaction niya.Naghintay ako ng susunod na mangyayari, pero wala na kaming narinig kundi tunog ng motor na lamang.Binaba ni Liam ang tawag at akmang aalis na nang hawakan ko ito sa braso. Masama itong napatingin sa akin.Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang bahagyang iniling ang ulo para sabihan siyang ‘no.’“Kapag may nan
Pagkarating ko sa bahay, umupo agad ako sa sofa at hinanap ang phone ko.Pumunta ako sa social media ni Limaire at nag-scroll. Andoon pa rin ang mga post na nakita ko noong nakaraan. Walang nabawas, nadagdagan lang.May mga picture na ng mga lugar na sa tingin ko ay pinuntahan niya, may mga picture din ng pagkain, at ilang stolen shot ni Liam. Napairap ako dahil doon.Mahinang inihagis ko ang phone sa sofa. What am I even doing? Paki ko ba sa kanila!Isinandal ko ang ulo sa sofa at pumikit. Pero pagkapikit ko, agad na nag-echo sa akin ang mga sinabi ni Raven kanina. ‘May ibang asawa si Mr. Sinclair.’ Ako ba ang tinutukoy niya?‘Napakilala niya na ‘yon sa board of directors niya.’ Malamang ako nga ako, ako lang naman ang pinakilala ni Liam sa mga board of directors niya… well, iyon ang pagkakaalam ko.Pero kung ako ang pinakilala niyang asawa, bakit walang nakakakilala sa akin? I mean, hindi naman sa pa-main cha
“Ms. Hayes, puwedeng pabigay ng mga ‘to kay Ms. Lara?” sabi ni Raven habang nakataas ang isang kamay na may hawak na mga papeles, pero ang mata niya ay nanatili sa dokumentong binabasa at mukhang may binibilugan pa.Tumayo ako at lumapit.Nakarating ako na gano’n pa rin ang puwesto niya.Dahan-dahan kong inabot ang mga papeles mula sa kanya. Nang kukunin ko na 'yon sa mga kamay niya, hindi ko agad nakuha dahil humigpit ang hawak niya.Napatingin ako sa kanya—nasa binabasa pa rin ang atensyon niya. Basta talaga mga CEO, hindi maalis ang mata sa mga dokumentong binabasa nila.Napaangat siya ng tingin sa akin. Bahagya naman akong napataas ng kanang kilay at itinuro pa ang mga dokumentong hawak niya. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang mga iyon—nanatili sa mga mata ko ang tingin niya.Ibinaba niya ang mga dokumentong hawak.“Are we good?” bigla niyang tanong.Ang nakataas kong kanang kilay ay bigla kong naibaba, at napalitan ng kunot-noong ekspresyon.Napaisip ako sa ibig niyang sabih
Napatingin ako sa sahig at pasimpleng pinunasan ang luha ko.Pag-angat ko ng tingin, inayos ko ang tindig ko at dahan-dahang naglakad papalapit kay Raven.Nakakunot ang noo niya. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero nanatili na lang siya sa pwesto niya dahil papalapit na rin naman ako.“Mind to explain kung bakit mo sinampal ang ka-business partner ko?” agad niyang bungad pagkalapit ko. Bahagya pa rin ang pagkakunot ng noo niya, pero kasama na roon ang nagtatanong niyang ekspresyon.Nang hindi ako makasagot, marahan siyang napahawak sa magkabilang braso ko at napatingin sa buong pagkatao ko—mula ulo hanggang paa.Nawala ang pagkakunot ng noo niya at sumilay ang buong pag-aalala sa mukha niya.“May ginawa ba siyang hindi maganda sa’yo? Tell me, so that I can cancel our partnership right away,” handa na siyang makipag-away sa tono niya. At hindi lang pag-aalala ang nasa boses niya, parang may halong takot na baka t
Pagbalik ko sa office ni Raven, andoon na siya. Nakatalikod at mukhang abala sa cellphone. Ilang segundo pa ang lumipas nang itapat niya iyon sa tenga niya. Bigla namang tumunog ang phone ko. Napatalikod si Raven, at ako naman ay agad na hinanap ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Pag-angat ko ng tingin pabalik sa kanya ay eksaktong nasa harap ko na siya. Bago pa ako makareact ay naramdaman ko na ang katawan kong nakakulong sa bisig niya. Napakurap ako ng dalawang beses. “Sabi ni Ms. Lara, bumaba ka raw para kumuha ng kape. Kaya kinabahan agad ako nang makita kong may naiwan at natapong kape sa elevator,” sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Ramdam ko ang kaba sa tono niya. Nakaramdam ako ng isa pang presensya sa likod ko. Kaya naman hinawakan ko si Raven sa braso at dahan-dahang inilayo siya sa akin. Nakita ko siyang may tinitingnan sa likod ko, kaya napatalikod na rin ako. Nakita ko si Liam—walang emosyon ang mukha. Bigla akong ki
Narinig ko ang doorbell kaya naglakad ako papunta sa pinto.Binuksan ko ‘yon at bumungad sa akin si Sol. May bitbit siyang paper bag.“Tita Solaire!” masiglang sigaw ni Liana mula sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod na pala siya.“Hello, pretty girl,” yumuko si Sol para halikan ito sa pisngi.Nakangiti namang tinanggap ni Liana iyon bago niya hinalikan pabalik sa pisngi ang Tita Solaire niya. Pagkatapos ay tumakbo na ito pabalik sa loob para maglaro.Pumasok si Sol at sinara ang pinto, pagkatapos ay malapad ang ngiting hinarap ako. May dalang panunukso sa ngiting iyon, at sa tingin ko, alam ko na kung bakit.“So, tell me, kumusta pag-uusap niyo?” excited na tanong niya.Napaikot ang mata ko at tumalikod papalakad sa sala. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.“Hi, Lexie,” bati ni Sol kay Lexie sabay abot ng paper bag na dala. “Cupcakes,” simpleng sabi niya.“Dito ka na ba magdi-dinner?” tanong ko rito dahil pagabi na rin naman.“Yep,” sagot niya. “Pero maiba ako,” lumapit s
"So, pumayag ka na talagang makipagkita kay Liam?" tanong ni Sol.Sabay kaming nag-lunch ngayon, may pinuntahan kasi siya malapit sa workplace ko.Tango lang ang sinagot ko sa kanya."Ready ka na ba?"Napaisip ako."Hindi."Nakita ko siyang napailing habang nakangiti."Kung maghihintay ako hanggang sa maging ready ako, baka hindi na kami makapag-usap. Kasi pakiramdam ko, never na ata akong magiging handa na harapin siya."Napatango naman si Sol."Pero saan ka makikipagkita? Ready ka na bang ipaalam na andito kayo?""Hindi ko alam. Plano ko sa Indonesia na lang, mas malapit sa aming dalawa. At para hindi niya madaling malaman na nasa Australia kami.""Paano kung may mangyari sa inyo doon at magkabati kayo? Uuwi na ulit kayo ng Pilipinas?" may panunukso sa tono niya.Inirapan ko siya dahil sa tanong niya. Pero sa totoo lang, wala sa isip ko na magbabati kami ni Liam. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari kung sakali ngang m