“Amelia, kapag naubos ang yaman ng pamilya niyo, ikaw talaga ang unang iiyak,” panenermon ni Solaire sa akin. Kakatapos lang naming mamili ng mga damit sa isang sikat at mamahaling store, at nandito na naman kami sa isa pa. Ni hindi na nga siya magkandaugaga sa anim na malalaking paper bags na pinamili ko. Inirapan ko lang siya. “I’m sorry, ma’am, but do you have another card?” tanong ng cashier at binalik muli ang card ko. Marahas kong kinuha iyon mula sa kanya at inis na naghanap ng bagong card sa wallet ko. “I’m sorry, ma’am,” naiiling-iling na sabi ng cashier at ibinalik ulit ang card sa akin. “What?” naiirita kong tugon. Tinapunan ko ng tingin si Sol at nakita kong napapailing itong nakatingin sa akin. “It must be an error. Baka may system maintenance lang ‘yung mga bank,” tamad kong sabi, “you have cash?” tanong ko na ikinatawa niya nang mahina. Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong. Napailing ito. “Lia, 156,ooo ang bill mo. Sinong magdadala ng ganyang kalaking cash
“Amelia, why did you ask me here?” takang usisa ni Sol, “and what are these?” turo niya sa mga gamit na nasa bed ko “is this a wedding gown?” nakakunot-noong tanong niya at kinuha iyon. Mula sa salamin na kaharap ko ay inirapan ko siya. Isn’t it obvious? Nakita niya naman na wedding gown ‘yon. Inabala ko ang sarili sa paglalagay ng foundation. Ako lang nag-aayos sa sarili ko dahil ayaw kong may makaalam na ikakasal ako sa isang matandang bilyonaryo! Mabuti na lang talaga at exclusive wedding ito. “Ma’am, ito na po iyong pinabili niyong dress,” wika ng isang katulong namin na pumasok bitbit ang pastel-colored dress na pinabili ko. Kinuha iyon ni Sol at manghang tiningnan. Sinenyasan ko na ang katulong na lumabas. “Okay what is happening?” alam kong nakakaramdam na siya. Inis kong inilapag ang brush na hawak ko. “Gosh! This is so embarrassing!” reklamo ko. “What?” usisa niya. “Do you know that our family is going bankrupt?” pagdadabog na wika ko. Nakatalikod ako sa kanya a
“That’s awesome,” manghang sabi ni Sol. “I know right.” Natatawang sagot ko. Andito kami ngayon sa isang hotel na hindi ko alam kung kailan niya na booked. Nagulat ako nang paglabas ko ng simbahan ay sinalubong niya ko sakay ng car niya. Mabilis akong sumakay para hindi maabutan ng humahabol sa’kin sa loob. “You know what, magbihis ka na. We’ll go to the club.” Excited niyang sabi. “I’d love that!”***“Gosh, Lia. Hinay-hinay lang.” Stress na pagpapaalala ni Sol at kinuha ang shot glass ko. Tinawanan ko siya at muling kinuha iyon at saka tinungga. Pagkatapos ay tatawa-tawang nakatingin ako sa kanya habang magkakasunod-sunod na ininom ang tatlong shot glass na nasa harap namin. Napatampal na lang ito sa noo. “Let’s forget everything tonight and just party!” natatawang sabi ko at sumayaw-sayaw. Napailing-iling naman ito bago sumunod din at sumayaw. “Hi, Amelia,” sabi ng isang lalaki na lumapit sa akin. May bitbit itong baso ng alak “drinks?” pag-offer niya. Kinuha ko iyon at
Oh gosh, what happened? Why does my head hurt so much? Mariin kong ipinikit ang mata ko at inilagay ang kamay sa ulo at bahagya pang pinisil iyon sa pag-asa na mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang segundo pa ay dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Pero mas sumakit lang ang ulo ko sa sobrang liwanag na sumalubong sa akin. Pag-adjust ng mga mata ko ay napatitig ako sa kisame. Hindi ito ang itsura ng ceiling sa room ko. Isinawalang-bahala ko iyon nang maalalang nag-stay nga pala kami ni Sol sa hotel. Bumangon ako at napaupo sa gilid ng higaan at itinapak ang mga paa ko sa sahig. Bahagya ko pang itinaas ang magkabilang kamay para mag-unat. Oh gosh, I feel so relieved, lalo na at pakiramdam ko parang binugbog ang katawan ko. Suddenly, a cold breeze from the aircon made me feel so cold, kaya wala sa oras na napayakap ako sa sarili. Napakunot ang noo ko ng maramdaman ang skin ko. Hindi ba dapat ang damit ko ang makakapa ko? Bumaba ang tingin ko sa katawan ko, “Sh*t. I
Nagising ako na pawis na pawis at hinihingal. Nakaramdam ako ng kirot sa parte ng tiyan ko. Tiningnan ko ang oras at 3 AM pa lang. Napahawak ako sa tiyan ko nang mas lumala ang sakit, kumalat iyon sa buong tiyan ko papunta sa likod ko. What is happening?! Why do I feel so much pain? Sinubukan kong bumangon para abutin ang phone ko na nasa lamesa, pero biglang mas lumala ang nararamdaman ko. Para akong paulit-ulit na sinusuntok sa tiyan, dahilan para mamilipit ako sa sakit. Bawat segundong dumadaan, parang pinapatay ako sa sakit. Nahihilo na rin ako at parang masusuka. Pinilit kong tumayo. Sumigaw ako, para salubungin ang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko na may ingay sa labas ng apartment ko—parang may mga nakatambay pa roon. Help, I need help! Pinilit kong maglakad papunta sa pinto. Nagmadali ako nang maramdaman ko na ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay dahil nanlalabo na ang paningin ko. Is this because of alcohol? Gosh, this is the first time I’ve felt this! Nang
“Can you please let me go!” iritadong sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay ng lalaking ‘to sa wrist ko. Is he insane? Bigla na lang siyang dumating, claiming he’s the father of my twins, and now kakaladkarin niya ako somewhere after niyang ipakaladkad ang mga magulang ko palabas ng building na ‘to. CONFERENCE ROOM—iyon ang nabasa ko bago niya ako hinila papasok. “Ouch! How dare you!” nakaduro kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako at naglakad sa harapan, umupo sa gitna. He just looked at me with his cold stare, and signaling me to sit near him. The audacity of this man to ignore me! Wala pang sinumang gumawa niyon sa akin! All men do their best just to get a little attention from me! Sinalubong ko ang tingin niya. Kung malamig ang tingin niya, nagbabaga naman ang mata ko sa galit habang nakatingin sa kanya. May kinuha siya mula sa bulsa ng suit niya. May inihagis siyang mga litrato sa harap ko. “Is that you?” tanong niya. Nakakunot-noo kong
"Come here." I swear, kapag magpapatimpla lang siya ng kape, humanda talaga siya sa akin! "What?" tanong ko habang naka-cross arm pagpasok sa office niya. Ang aga-aga, pinapainit niya ulo ko. "Don’t you think you’re a little bossier than me?" naka-cross arm din niyang sagot. Inirapan ko lang siya. I don’t care. "I need a copy of this," sabi niya habang may iniaabot na papel. "And call this number, follow up on my accommodations," dagdag niya habang nag-aabot ng isa pang papel. Kinuha ko ang mga iyon at tumalikod. "Also," dagdag niya kaya iritado akong napalingon ulit, "I’ll need an assistant. You think you can manage?" "Of course." "Good." "But you have to double my salary," sabi ko. "You’re the bossiest and most demanding personal assistant I’ve ever known." "So, deal? Hindi ka na lugi, skills and looks din naman ang binabayaran mo sa akin," kibit-balikat kong sagot at confident pa. It’s true though. "I don’t have anything to say about your looks, Ms. Hayes. But if we’re
Is he crazy? He’s literally the one who said before that if ever these babies are his, he wants me to get rid of them! “I’m sorry, but I can’t,” malamig kong sagot. Nakita kong dumilim ang ekspresyon ng mukha niya. “You still owe me 200,000 pesos, Ms. Hayes. I can even sue you for stealing.” Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Are you blackmailing me?!” hindi makapaniwalang tanong ko. “No. What I am trying to say is that if you agree to my deal, I will forget about those things you did. I will also pay you 100 million. Just disappear after you give birth.” Sinabi niya ang mga iyon nang walang emosyon. Napaawang ang bibig ko sa mga pinagsasabi niya. I can’t believe he thought of those things! So gusto niyang lumayo ako sa mga anak ko?! I admit, willing akong ipaampon ang mga anak ko kapag lumabas na sila, pero hindi ko sila binebenta katulad ng gusto niya ngayon! “I can’t believe you!” sagot ko, hindi makapaniwala. “There’s no need to answer me now. When you are open to mak
“Hindi po kayo dapat na andito, Miss Amelia,” sabi ng kasambahay.Kilala ko ang boses na ‘yon—si Mary. Isa sa matagal nang kasambahay ni Raven. Dalawampung taon na itong nagtatrabaho rito. Lola niya ang mayordoma ni Raven na kasama na nito mula pagkabata, noon pa man sa Pilipinas.Kung may kahit papaanong puwede kong matanungan tungkol kay Raven, sa tingin ko, si Mary na ‘yon.Napapikit ako sandali, pinipigilan ang panginginig ng tuhod habang unti-unting bumalik ang bigat ng katawan ko sa mga talampakan.“What is the meaning of this, Mary?”Napahawak ako sa dibdib, parang may mga drum doon na tumutugtog. Ramdam ko rin ang panlalamig sa katawan ko, pati ang mga balahibo kong nagtatayuan na.“Hindi ko po masasagot ang tanong mo, Miss Amelia,” bahagya pang nanginginig ang boses nito.Hinawakan ko ang kamay niya—tila mga yelo iyon sa lamig.Napatingin ako sa mga mata niya at bakas ko roon ang matinding takot. Para bang may kinakatukan siya, at alam na niya ang masamang puwedeng mangyari k
“Kumusta flight niyo? Nakapagpahinga ka na ba?” tanong ni Raven. Naka-video call kami. Nakarating na kami ng Australia, habang siya ay nasa business trip pa rin.“Nagpapahinga na sila. Nagpapahangin naman ako rito saglit sa veranda,” sabi ko at ngumiti.Dito kami sa mansion niya dumiretso. Dito niya kami gustong mag-stay muna habang wala pa siya para samahan kami sa apartment. Kaya naman namin na kami lang, kaso hindi raw siya mapapanatag, nasanay na kasi siya na palaging andiyan para sa amin.“Nagpapahinga ka na rin dapat,” sabi niya.“Ikaw ba, nakakapagpahinga ka ba nang maayos diyan? Kumain ka rin sa oras ha, baka mamaya nalilipasan ka na,” pagpapaalala ko.Totoo ang pag-aalala kong iyon. Kahit paano concern din naman ako sa kanya.Nag-salute ito na parang sundalo at inalis din agad.Lumapad ang ngiti niya.“Asahan mo na kapag tumatawag ako, nagpapahinga na ‘ko. Ikaw kasi ang pahinga ko.”Gusto ko siyang tawanan, kasi akala ko biro lang ang mga iyon, pero hindi—natakot ako at nagu
“What’s wrong with you?”Naramdaman ko ang likod ng palad ni Liam sa noo ko.Tamad akong napatingin dito.Nakaupo ako sa bench sa garden habang nakatayo naman siya sa harapan ko at walang emosyong tiningnan ako.“You don’t have a fever,” sabi niya at nagsimula nang kumunot ang noo.Inalis niya na ang kamay sa noo ko at inilagay ang mga iyon sa bulsa. “Hangover?” tanong niya habang papaupo.Anong hangover, nawala nga ang tama ko kagabi dahil sa mga nalaman ko. Kaya wala rin akong ganang makipag-away o sungitan siya ngayon kasi napuyat ako kakaisip at kakaresearch tungkol kay Raven. Pero hirap akong makahanap ng article about him.Napapikit ako to clear my mind again. Ganyan din naman ako kay Liam dati, wala ako masyadong mahanap na article about him. Siguro ganyan nga talaga kapag mayayaman at private ang buhay. Kaya mukhang wala akong dapat ipag-alala.Pero napamulat agad ako nang maisip na nagawa nga ni Liam magloko. Tss.Nilingon ko ito at masamang tiningnan.“Why are you looking at
“I will attend our high school reunion later. Medyo malayo ’yon rito kaya iiwan ko na muna sa’yo ang mga bata,” sabi ko kay Liam.Nasa dining table kami at kumakain ng breakfast. Abala siya sa pagpapakain sa dalawa.“Okay,” simpleng sagot niya.Tiningnan ko lang ito. Tapos na siyang subuan si Koa at ngayon ay inihahanda na niya ang isusubo kay Liana.“My gosh, Liam. Malalaki na ang mga anak mo. They can eat on their own,” sabi ko at napairap.Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil sa pagpo-focus sa mga bata.“Mommy, you feed daddy,” sabi ni Koa.Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Liam.Nakangiting binuksan nito ang bibig at parang batang naghihintay na masubuan.Nakatingin sa akin ang kambal kaya napilitan akong ngumiti at kunin ang kutsara sa harapan ko.Kumuha ako ng maraming kanin at napakaliit na slice ng bacon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.Napaangat ang labi ko at may nang-aasar na matang tiningnan ito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng ulam.“Open your
Namilog ang mata ko. Para akong nilagnat bigla—mainit ang pisngi, at malamig ang palad. Mukhang ako pa ’yung nasurpresa sa surprise na sinabi ko sa kambal kanina.Alam kong hindi naririnig ni Liam ang kambal dahil sa AirPods na suot niya, pero hindi ko na rin naman pwedeng sundan at pigilan ang dalawa dahil harapan na nila mismong nakita ang daddy nila. Kaya naman nanatili na lang ako sa pwesto ko at naghintay sa paghaharap nila.Naghalo ang kaba, lungkot, at kirot. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makita mong magkakasamang muli ang mag-aama mo.Mukhang napansin ni Liam sa peripheral vision niya na may tumatakbo papalapit sa kanya, kaya kunot-noo itong napalingon. Pero nang makita ang kambal, unti-unting kumalma ang ekspresyon sa mukha nito, at sandaling nagkaroon roon ng tila pangamba—marahil ay nagtaka siya bakit andoon ang dalawa. Napatingin ito agad sa paligid, na parang may hinahanap—hanggang sa magtama ang mga mata namin.Parang nagtatanong ang mga mata niya—tanging tipid
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad