Share

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)
Author: Calliana

Chapter 1: Bankruptcy

“Amelia, kapag naubos ang yaman ng pamilya niyo, ikaw talaga ang unang iiyak,” panenermon ni Solaire sa akin.

Kakatapos lang naming mamili ng mga damit sa isang sikat at mamahaling store, at nandito na naman kami sa isa pa. Ni hindi na nga siya magkandaugaga sa anim na malalaking paper bags na pinamili ko.

Inirapan ko lang siya.

“I’m sorry, ma’am, but do you have another card?” tanong ng cashier at binalik muli ang card ko.

Marahas kong kinuha iyon mula sa kanya at inis na naghanap ng bagong card sa wallet ko.

“I’m sorry, ma’am,” naiiling-iling na sabi ng cashier at ibinalik ulit ang card sa akin.

“What?” naiirita kong tugon.

Tinapunan ko ng tingin si Sol at nakita kong napapailing itong nakatingin sa akin.

“It must be an error. Baka may system maintenance lang ‘yung mga bank,” tamad kong sabi, “you have cash?” tanong ko na ikinatawa niya nang mahina.

Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong. Napailing ito.

“Lia, 156,ooo ang bill mo. Sinong magdadala ng ganyang kalaking cash?” sabi niya.

Ibinaba nito ang mga pinamili ko at may kinuha sa bag. 

“Ate, here,” wika niya at may inabot na card sa cashier.

Tinatawan ko ito. 

“Sol, I told you, there’s a system main-“

“Okay na po ma’am,” nakangiting sabi ng cashier.

“What?” how come na iyong akin hindi natanggap? 

“Let’s go. Ikaw na magdala niyang ibang pinamili mo,” sabi niya at iniwanan ako. 

“Sol!”

Ang babaeng ‘yon! Tuluyan na kong iniwan. Gosh, I hate her!

***

“Wilson, anong ginawa mo?” hysterical na sigaw ni Mommy. 

Naririnig ko na sila ni Daddy sa labas pa lang.

“Calm down, Sasha. I can fix this!” bakas ang pagiging problemado ni Daddy.

“Can you please stop fighting!” naiiritang wika ko sa kanila. 

“Sweetheart” si Daddy ang unang bumati sa akin at nagbeso.

“Honey” sumunod si Mommy na niyakap ako.

“Can you please explain to me bakit hindi gumagana yung mga card ko?” nagtinginan silang dalawa “gosh, it’s so embarrassing kanina. Si Sol na ang nagbayad ng mga pinamili ko. And it’s not giving!” Stress na reklamo ko.

“Daddy will fix it, sweetheart.” Nginitian niya ako. 

Lumapit siya sa suitcase niya at may kinuhang pera. 

“Here, 200,000 pesos. Buy what you want for dinner, okay? Your mom and I will be leaving tonight. May kakausapin lang kami na makakatulong para sa negosyo natin,” sabi niya na ikinangiti ko nang todo.

“My gosh, Wilson! Tigilan mo ang kakababy sa anak mo,” Panenermon niya kay dad. Sa akin na nabaling ang tingin niya “at ikaw, Amelia. For God’s sake, you’re already 27. Kailan ka magma-mature? Puro gastos ang alam mo. Bakit hindi ka magtrabaho? Dapat noon ka pa nagt-training para makatulong ka sa company natin!”

“Dad! Mommy’s bullying me again!” pagsumbong ko. 

Parehas silang stress na ang mukha.

“Oh my gosh, Wilson. Hindi natin maaasahan ‘yang anak mo pagdating sa negosyo. And it’s all your fault. Remember that!”

“Mom, stop being oa, okay?” ang drama niya ngayon.

“Are you even aware of our family’s situation, Amelia?” ubos ang pasensya na sigaw niya.

“Sasha, stop!” pagbabanta ni dad.

“Your daughter needs to know!” 

“Can you just tell me kung anong nangyayari?” iritableng tanong ko sa kanila.

“Iyang inuupuan mo, itong bahay natin, mga negosyo at ari-arian natin, lahat ng meron tayo, mawawala na sa atin!” sabi ni Mommy.

Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. 

“Na-bankrupt na ang family natin, Amelia. Wala nang matitira sa atin dahil lang sa kaadikan ng daddy mo sa sugal!” pasigaw niya na ‘yung sinabi. “Iyong mga pinaghirapan ng magulang ko, ng lolo at lola mo, mawawala lang sa atin ng isang iglap” umiiyak na si mommy.

Napaawang ang labi ko sa narinig. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Daddy.

Napaluhod ito sa harap ko at hinawakan ako sa kamay.

“I’m sorry, sweetheart. I’m sorry, Amelia.” Paiyak na sabi ni Dad.

Naisip ko ang mga kaibigan ko, ang marangyang buhay na meron kami, this is so embarassing kung bigla na lang kaming maghihirap! Paano na ‘yung mga designer clothes na gusto ko? at ano na lang ang sasabihn ng mga kabigan ko? lalo na ng mga taong nakakakilala sa akin!

Binawi ko ang kamay ko kay Dad hanggang sa ma out of balance ito.

“How dare you, Dad!” 

“No, don’t get mad. There’s actually a way to get us out of this.” 

“Huwag mo nang ipilit ang balak mo, Wilson.” Pagbabanta ni Mom.

“What is it?” curious na tanong ko.

Kahit ano pa ‘yan basta huwag lang kaming maghirap!

“Marry my friend.”   

“What?” hindi makapaniwalnag tanong ko. 

Friend? Ibig sabihin ka age ni Dad? No way!

“Pwede niya tayong matulungan. Nangako siya na kapag nagpakasal ka sa kanya ay babayaran niya lahat ng utang natin. Siya ang kakausapin namin ng mommy mo mamaya.”

“Matanda na ‘yon para sa anak mo, Wilson. Nag-iisip ka ba!” Pagkontra ni Mommy.

“Pangatlo siya sa pinakamayamang businessman sa Asia. Kapag natulungan niya na tayo pwede mo na siya iwan.” Pangungumbinsi ni Dad sa akin. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Mommy.

Napaisip ako. Nakakahiya  kung maninirahan kami sa maliit na bahay, at saka paano ang mga luho ko?

“When is the wedding?” may pagdadalawang-isip na tanong ko.

“As soon as possible para matulungan niya agad tayo, tomorrow.” 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calliana
Kung ikaw si Amelia, kaya mo bang magpakasal sa matandang bilyonaryo para hindi mawala ang yaman niyo??
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status