"Come here."
I swear, kapag magpapatimpla lang siya ng kape, humanda talaga siya sa akin! "What?" tanong ko habang naka-cross arm pagpasok sa office niya. Ang aga-aga, pinapainit niya ulo ko. "Don’t you think you’re a little bossier than me?" naka-cross arm din niyang sagot. Inirapan ko lang siya. I don’t care. "I need a copy of this," sabi niya habang may iniaabot na papel. "And call this number, follow up on my accommodations," dagdag niya habang nag-aabot ng isa pang papel. Kinuha ko ang mga iyon at tumalikod. "Also," dagdag niya kaya iritado akong napalingon ulit, "I’ll need an assistant. You think you can manage?" "Of course." "Good." "But you have to double my salary," sabi ko. "You’re the bossiest and most demanding personal assistant I’ve ever known." "So, deal? Hindi ka na lugi, skills and looks din naman ang binabayaran mo sa akin," kibit-balikat kong sagot at confident pa. It’s true though. "I don’t have anything to say about your looks, Ms. Hayes. But if we’re going to talk about your skills…" napailing na lang siya, hindi tinapos ang sasabihin. Inirapan ko siya at tumalikod na. "We’ll leave in 30 minutes. Be ready." Pahabol niya pa.After 30 minutes, lumabas na rin siya ng office. Good timing kasi kakatapos ko lang din mag-retouch.
“Let’s go,” sabi niya, kaya agad naman akong tumayo. Napahinto siya sa paglalakad kaya muntik na akong mabangga sa likod niya. Nasa harap na pala kami ng elevator. Humarap siya sa akin. “It’s your job to open the elevator for me, Ms. Hayes,” inis na sabi niya bago niya pinindot ang button. What? Wala ba siyang sariling kamay? “Also, why are you wearing too much makeup?” kunot-noong tanong niya. “Of course, I need to look pretty. Besides, you told me to be ready,” sagot ko na mas ikinakunot pa ng noo niya. “What?” magkasalubong na ang mga kilay niya. “When I said ‘be ready,’ I didn’t mean for you to retouch. I was telling you to prepare the things I’ll need for the meeting,” halatang naiinis na siya. Tumingin siya sa akin na parang may hinahanap. “Where are my things? And how about the file I told you to photocopy earlier?” Bakit sa akin niya hinahanap 'yung mga gamit niya, eh kanya 'yon! “The file is on my table, okay? You didn’t tell me to bring it!” “Common sense, Ms. Hayes!” pasigaw niyang sabi, “Mas inuna mo pang mag-ayos na parang sa bar ka pupunta!” Why does he need to shout?! “Please tell me that at least you called the hotel like I told you,” tanong niya, nagpipigil ng sigaw habang hawak ang tuktok ng ilong niya. “I did!” nagpipigil din ako ng inis na sagot. “Good. Now go back there and get my things.” Itinuro niya pa ang direksyon papunta sa office niya. Hindi na ako sumagot pa. Tumalikod na ako agad at nagpahid ng luha. Why does he have to be so mean? Also, no one ever shouted at me! “Stop,” sabi niya, kaya agad akong tumigil pero hindi lumingon. “Just stay here,” inis niyang sabi habang nilagpasan ako pabalik sa office niya. Nagpunas ulit ako ng luha. Why am I even crying? I hate this phase of pregnancy! Pagbalik niya, agad kong pinindot ang elevator. “Give it to me,” sabi ko, aabutin ko na sana ang suitcase na dala niya, pero pumasok na siya agad sa elevator pagkabukas nito. Sumunod na lang ako at hindi na nakipagtalo. Ilang segundo pa, may inabot siyang panyo. Tiningnan ko lang 'yon, pero ilang segundo na at hindi pa rin niya iyon binabawi. “Thank you, but I don’t need it, Mr. Sinclair,” walang emosyon kong sagot. “Just take it and do whatever you want,” malamig niyang sagot. Mukhang hindi siya magpapapigil kaya kinuha ko na iyon at ipinunas sa luhang natuyo na kanina. Buti na lang talaga waterproof ang mga make up ko.***
“Mr. Sinclair, it’s a pleasure to have you here,” sabi ng isang lalaking mukhang nasa late 50s na.
Kinamayan siya ni Liam. “And who do we have here? A very beautiful lady. New assistant?” nakangiting tanong niya sa akin. “Excuse us, Mr. Frego. We have to find our table,” sabi ni Liam at hinawakan ako sa pulso. Nakatalikod na si Liam sa lalaking iyon nang muli itong magsalita. “The assistant you fired is now working in my company,” sabi nito kay Liam, pagkatapos ay humarap sa akin. “So if ever he fires you, you can work for me. Lahat ng assistant niya na tinanggal ay nagtatrabaho na ngayon sa akin. So it’s just a matter of time, young lady,” nakangising sabi niya. The audacity of this man to say those things kahit andito si Liam? Humarap si Liam sa kanya, inalis ang pagkakahawak sa akin, at ibinulsa ang mga kamay. “Yeah, right. I almost forgot that your company recycles every trash I throw away. You’re really trying hard to be me, Mr. Frego,” sabi ni Liam, may halong pang-aasar. “And I’m sorry to disappoint you, Mr. Frego, but those previous assistants I fired? I fired them for trying to flirt with me all the time instead of doing their job.” He smirked, and I could hear some people quietly laughing at Mr. Frego because of Liam’s remark. Napatingin ako sa pulso ko nang hawakan ulit iyon ni Liam. “And this woman?” Liam glanced at me. “She never tried to flirt with me, so there’s no reason to fire her. Besides…” napatingin siya sa akin, “we have a love-and-hate relationship.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila na niya ako palayo. D*mn, he slayed that one. Binitawan niya rin ako nang makalayo na kami. ***Business meeting ba 'to? Bakit parang party na 'to? I mean, I've attended some of my dad’s business meetings before, but they didn’t look like this.
There's a big round table here, but it’s not a full circle—there’s a space in the middle where 10 chefs are standing and cooking the food they’re going to serve. These chefs are the popular ones I see on TV, magazines, and billboards. There’s also a well-known band playing music. These people are rich. Sure, we’re rich too, but I guess we’re just millionaires, and the people here are billionaires. D*mn, Liam Sinclair is a billionaire! I saw Mr. Frego sit down at the table with a woman who looks about my age. And based on how she’s eyeing Liam right now, I think she’s the former assistant he mentioned. She caught me staring at her, and I saw her raise an eyebrow before rolling her eyes at me. The audacity! She’s not even pretty. She looks like a shrimp with lipstick and blush on.Sitting in this table makes me feel too small. Knowing na mga bilyonaryo ang mga narito while I just came from a family na kaka-bankrupt lang. This is all my father’s fault!
Nadako muli ang tingin ko sa babaeng mukhang shrimp kanina. Hindi ko maiwasan na mainggit nang makita ang diamond necklace na suot nito. Gosh, I miss my jewelry collection! Tiningnan ko ang mga babae sa paligid, ang iba doon ay mukhang mga asawa ng ibang bilyonaryo na narito. At ngayon ko lang napansin ang mga diamonds na suot ng mga ito. Para bang nagpapalakihan sila ng suot na diamonds sa katawan. I badly want to be a billionaire too! “Here, in case you feel cold.”Napunta ang atensyon ko sa katabi ko, naramdaman ko na lang din na may itinungtong siya sa balikat ko, at nawala ang lamig na kanina ko pa iniinda. It’s his coat. It smells so good. Itong-ito ang amoy na naamoy ko rin sa panyo niya kanina.
They started the meeting. They talk and discuss things na hindi ko naman maintindihan kaya I just busied myself eating. “You know what, you’re supposed to be taking notes,” mahinang sabi ni Liam habang ang mata ay nasa nagsasalita sa harap namin. Napaubo naman ako dahil nabulunan ako. Mamaya mapagalitan na naman ako nito dahil hindi ako nagtatrabaho. Inabutan niya ako ng tubig. Kinuha ko iyon at agad na ininom. “I’m sorry,” sabi ko at naghanap ng maliit na notebook sa bag. “Never mind, just continue eating,” sabi niya. Hindi naman siya mukhang galit, wala rin bahid ng inis sa boses niya. Mukha lang siyang inaantok. Maya-maya pa ay tumunog ang phone niya kaya nagpaalam siyang aalis. Sinundan ko siya ng tingin. Ilang sandali pa ay kumunot ang noo niya, halata rin ang pag-aalala sa mukha niya. May nilapitan siyang lalaki at may binulong, pagkatapos ay sinenyasan ako na tumayo. What? Are we leaving already? Hindi pa nga ako tapos sa steak ko!I have no idea what's happening. Basta parang lumilipad na ang sasakyan namin sa bilis ng pagpapatakbo ng driver namin.
We arrived at a hospital. Halata ang pagmamadali ni Liam. What is happening? Who is here? Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa mapunta kami sa tapat ng isang room. "Get in," sabi niya nang makita niyang nag-aalinlangan ako kung papasok. Sumalubong sa akin ang hospital bed sa loob ng kwarto. May nakahiga roon na isang babae na mukhang may edad na rin. Dali-dali itong nilapitan ni Liam at hinawakan sa kamay. "Liam, anak, ikaw ba 'yan?" tanong niya, halatang nangangapa pa sa taong humawak sa kanya. Wait, is she blind? Pero diretso naman siyang nakatingin kay Liam at mukhang nakakakita pero parang nahihirapan makakita ang right eye niya. "It's me, Ma. How are you? May masakit po ba sa'yo?" His voice is different—masyado itong soft ngayon. Is that his mother? Of course, he calls her "Ma." "Okay na ako. Walang masakit sa akin. Bakit andito ka? Wala ka bang trabaho?" nag-aalalang tanong ng ginang. "Don’t worry about me, Ma. I am the owner, so no one can fire me," sabi niya na ikinatawa ng ginang. "Ikaw talaga," natatawang sabi ng ginang. "Ma," may bahid ng pagmamakaawa sa tono ni Liam, "this is not the first time that this happened. Pumayag ka na magpa-opera, please," wika niya at hinawakan na ito sa dalawang kamay. Opera? Is she sick? "Liam, sabi ko naman sa'yo. Magpapa-opera lang ako kung bibigyan mo na ako ng apo," nakangiti pero seryosong sabi nito. Napabuntong-hininga si Liam. "Ma, that's not possible right now." "Edi hindi rin ako magpapa-opera," sagot nito. "Liam, kailangan mo ring bumuo ng sarili mong pamilya." "I'm trying, Ma." "You're trying, pero masyado pa rin mataas 'yang standards mo. O baka naman hindi ka pa rin nakakamove on? Liam, 15 years na-" "Let’s not talk about it, Ma. But promise me, kapag nabigay ko na ang gusto mo, ibibigay mo rin ang gusto ko?" Napangiti at tumango ang ginang.***
Buong biyahe pabalik sa kompanya, tahimik lang si Liam. Nakatingin siya sa bintana na parang malalim ang iniisip.
"My mother developed monocular blindness after a terrible accident. The trauma damaged the optic nerve in her right eye. That's why she's prone to accidents, like falling down the stairs. It's not the first time it happened," panimula niya. "Even though she's currently blind in her right eye, the doctors say a delicate surgery might help restore her vision. So I keep forcing her to have the surgery, but she always refuses. She wants me to settle down first." "I'm sorry that happened to your mother, Mr. Sinclair. She doesn’t deserve it," sincere na wika ko. I really feel bad for her. "She doesn’t deserve it. Especially when it happened because of me, when she didn’t hesitate to save me. So I need your help," sabi niya. Napakunot ang noo ko. Anong maitutulong ko? "I'm willing to do everything for my mother. I’m sure you would do the same for your mom." Of course, except kung ang paraan lang ay ipasakal nila ako sa matandang kaibigan nila. "I’ll help you kung kaya ko po. So, tell me, how can I help you?" "Give me your babies. I need my mom to believe that I already have my own family. Give them to me, and I will give you whatever you want."Is he crazy? He’s literally the one who said before that if ever these babies are his, he wants me to get rid of them! “I’m sorry, but I can’t,” malamig kong sagot. Nakita kong dumilim ang ekspresyon ng mukha niya. “You still owe me 200,000 pesos, Ms. Hayes. I can even sue you for stealing.” Nagpanting ang tenga ko sa narinig. “Are you blackmailing me?!” hindi makapaniwalang tanong ko. “No. What I am trying to say is that if you agree to my deal, I will forget about those things you did. I will also pay you 100 million. Just disappear after you give birth.” Sinabi niya ang mga iyon nang walang emosyon. Napaawang ang bibig ko sa mga pinagsasabi niya. I can’t believe he thought of those things! So gusto niyang lumayo ako sa mga anak ko?! I admit, willing akong ipaampon ang mga anak ko kapag lumabas na sila, pero hindi ko sila binebenta katulad ng gusto niya ngayon! “I can’t believe you!” sagot ko, hindi makapaniwala. “There’s no need to answer me now. When you are open to mak
"I... I... I agree to your deal." Hindi ko alam kung bakit ang hirap sabihin ang mga salitang iyon. Siguro dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang desisyon ko. I saw him smirk. Naglakad siya papunta sa closet niya. May kinuha siyang white t-shirt at pajama. Ibinato niya iyon sa kama bago tumingin sa akin. "Wear those. Stop going around wearing that seductive dress of yours." I'm not seducing anyone! "What? Hindi ako bababa sa party mo nang suot 'yan! Kailangan ko namang magmukhang maganda!" reklamo ko, na ikinadilim ng ekspresyon niya. "Who told you you can go out there and party? You're pregnant and you can't drink." I wanted to shout dahil sa realization. Gosh! I miss drinking, pero ayaw ko na rin sa amoy ng alak ngayon. "Stay here. I'm gonna ask someone to send you food. Is there anything specific you want to eat?" "I want steak." "Okay. Give me 30 minutes," sagot niya at tatalikod na sana. "No, 15 minutes," sabi ko. Nakipagtitigan siya sa akin ng ilang segundo bago nag
“You look so beautiful, honey. I knew this dress would fit you perfectly,” mom said, standing behind me and holding both my arms. There's a huge mirror in front of us where we can see each other. May malapad na ngiti sa mukha niya, isang ngiti na ngayon ko lang nakita. I don’t know if she’s smiling like that because her unica hija is getting married, or if it’s because our family will finally be free from this mess. “You like it?” mom asked while smiling. I tried to fake a smile and nodded. “Yeah, I like it, mom.” “We’ll take this,” sabi niya sa babaeng nag-a-assist sa amin. ***Ibinagsak ko ang katawan sa higaan. I am just tired. It’s been a week, and all we’ve done is prepare for this wedding. This time, mas bongga ang plano nila. Kung dati kami lang ang invited, this time, almost everyone is invited. I am so embarrassed—my friends surely know about this by now. They might be calling me desperate or a gold digger now. “Gosh, Lia! Why do you even care?!” panenermon ko sa sari
“What is the meaning of this, Liam?” tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Hindi ako mapakali na hindi malaman kung bakit niya sa akin pinadala ang mga ito. “It sucks to make something for your family who did nothing but lie to you,” malamig niyang sagot. “Ang kapal ng mukha nila para lokohin ako. Kaya pala ang dali para sa kanila na ipagawa sa akin ‘to! Argh! I hate them!” ginulo-gulo ko ang buhok sa galit. “What should I do?” problemadong tanong ko habang nakatingin sa bintana kung saan kita ang mga nakakalat na security guard ni Dad sa labas. How can they even afford to hire those men? Unless pakana 'yan ng matandang bilyonaryo na ‘yon! “It’s not my problem, Amelia.” Ramdam ko ang kawalan niya ng pakialam. “What?! Ikaw ang nagbigay ng mga ‘to sa akin tapos sasabihin mo na it’s not your problem?!” “The truth will set you free,” walang paki niyang sabi. “Curse you!” sigaw ko sa kanya. “Tutulungan mo ba ako o hindi?!” “Papunta na d'yan ang mga tauhan ko. Tutulungan ka ng kasam
“Where’s Liam?” tanong ko sa kasambahay na nakasalubong ko. “Nasa labas pa po si Sir, nagjo-jogging po,” nakangiting sagot niya. Uso sa mga tao rito ang tumango at ngumiti, and it annoys me. Ang hirap nilang sungitan. Magmumukha lang akong masama. Dumiretso ako sa lamesa. Ang daming pagkain na nakahanda. Ganito ba talaga sila maghanda? Lalo na kung si Liam lang naman mag-isa rito. At kahit dalawa pa kami, sobra-sobra pa rin 'to. “You’re awake,” sabi ni Liam na kakapasok lang at nagpupunas ng pawis. Naka-black na short siya at puting sando. “You can eat. Magsho-shower lang muna ako,” sabi niya. “I’ll wait for you. I’m not hungry yet.” Napatingin siya sa'kin. Mukhang tinitingnan niya kung nagsasabi ako ng totoo. “Okay,” sagot niya at umalis. Nagising lang talaga ako ng maaga para maglibot dito sa mansion niya. “Miss Lia, may garden po si Sir Liam. Baka po doon niyo muna gustong magpahinga,” nakangiting sabi ng kasambahay niya. Tinanguan ko lang ito. Pagkatapos ay sumunod ako s
“May mas ibabagal ka pa ba diyan?” naka-cross ang braso na tanong ni Liam habang nakasandal sa pinto ng kotse niya. “Of course. Gaano ba kabagal ang gusto mo?” pamimilosopo ko. Napailing na lang siya at nauna nang pumasok. I swear, matira-matibay na lang talaga 'to kung sino ang mauuna sa amin na sumuko sa isa’t isa. Pagkasakay ko, agad na ring umandar ang kotse niya. "I’ll work until 3 PM only. I still have to go shopping,” sabi ko. Napatingin siya sa akin, at sa tingin pa lang niya ay mukhang pagod na siya sa narinig. “May I remind you na ako ang boss rito, kaya hindi ka pwedeng basta-basta magdesisyon para sa sarili mo. And it’s you who insisted on working.” “But my favorite brand will release a limited edition of the dress that I want!” Muli siyang umayos ng upo. “No,” malamig na sabi niya. Argh! Padabog kong inayos ang upo ko. Hindi ko siya pinansin buong biyahe. Pagkarating namin sa company niya, nauna akong bumaba. Nauna rin ako sa elevator at isinara iyon bago pa siy
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at isinara ang pinto, pagkatapos ay sumandal doon at napabuntong-hininga. What was that? Pinagtitripan niya ba ako? Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok nito. What is happening? Bakit ganito ako magreak? Calm down, Lia. Pinaglalaruan ka lang ng lalaking iyon! I need to sleep. ***Paggising ko kinabukasan ay agad akong bumaba dahil sa gutom. Dumiretso ako sa main kitchen. Doon ay nakita ko si Liam na nakasuot ng puting apron habang nagluluto. Nakaamoy ako ng bacon. Pero may nakita rin akong mga pancake sa countertop na nandoon. Humarap siya bitbit ang pan, at inilipat ang mga bacon na niluto niya sa plato na nasa countertop. Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napatingin siya sa direksyon ko. “Good morning,” bati niya at nginitian pa ako. I looked away at napalunok pa. It was the first time I saw him smile like that. Tumikhim ako at inayos ang sarili bago naglakad papunta sa kanya at batiin siya pabalik. “Good mo
"Make sure na makakapagpahinga pa siya nang maayos ngayon." Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, pero sobrang bigat nito. Pero kahit ganon, sinubukan ko pa rin itong idilat hanggang sa makita ko si Liam, at sa harapan niya ay ang doktor na nagpapainit sa ulo ko noon pa. Pagtama ng mga mata namin, agad ko siyang inirapan. Natawa naman ito. "Looks like she's okay," sabi niya. Nilapitan ako ni Liam at inalalayan akong maupo. "What are you doing here?" masungit kong tanong sa doktor na 'yon. "Saving your life?" "Ang oa mo, nahimatay lang naman ako," sagot ko. "Then, saving your twins?" Hindi ko na siya pinansin. "What happened to my parents?" tanong ko kay Liam. "They escaped. Pero pinapahanap ko na sila," sagot niya. "You can take a rest. Ipagpatuloy mo ang pagpapahinga mo hanggang bukas," sabi ng doktor. Tiningnan ko ang oras at 11:55 PM na pala. Dahil pagod pa ang katawan ko, hindi na ako nakipagtalo. Kaya humiga ulit ako at pagpi
Amelia’s POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at ang liwanag ang sumalubong sa akin, dahilan para mapapikit ako. Pero bukod sa liwanag, sumalubong din sa akin ang sakit ng katawan na unti-unti ko nang nararamdaman.Nang makapag-adjust, napatitig ako sa puting kisame. Napansin ko rin ang tunog na naririnig ko—parang heart monitor.Nasa ospital ba ako? Napatingin ako sa kanan ko kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Tama nga ako, nasa ospital ako.Nadako naman ang tingin ko sa kamay ko—may IV drip doon. Bakit ako nandito?Napatingin ako sa kaliwa ko nang may napansing gumalaw doon.Si Raven.Nasa upuan siya, nakasandal ang ulo na inihilig niya pakaliwa. May libro rin siyang nasa kandungan. Mababakas ang pagod sa mukha niya.Bakit siya nandito?Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari, pero walang pumapasok na alaala sa utak ko.Napahawak ako sa ulo, malapit sa noo, at napaaray. May nakapa rin akong ban
Limaire’s POV“Look who’s calling? Your wife.” Nakangising itinaas ko ang phone ni Liam.Agad niya iyong hinablot habang magkasampok ang mga kilay.“Loudspeaker,” I mouthed.Masama ang tingin niya pero agad naman iyong sinunod.“What?” bungad niya sa asawa. Wala siyang nagawa kung hindi gawing galit ang tono dahil narito ako.“Liam…” Nanginginig at halata ang takot sa boses ni Amelia.Bigla namang napatayo si Liam at sumilay ang pag-aalala sa mukha.Napacross ako ng arms habang nakangisi. Ang saya makita ng reaction niya.Naghintay ako ng susunod na mangyayari, pero wala na kaming narinig kundi tunog ng motor na lamang.Binaba ni Liam ang tawag at akmang aalis na nang hawakan ko ito sa braso. Masama itong napatingin sa akin.Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang bahagyang iniling ang ulo para sabihan siyang ‘no.’“Kapag may nan
Pagkarating ko sa bahay, umupo agad ako sa sofa at hinanap ang phone ko.Pumunta ako sa social media ni Limaire at nag-scroll. Andoon pa rin ang mga post na nakita ko noong nakaraan. Walang nabawas, nadagdagan lang.May mga picture na ng mga lugar na sa tingin ko ay pinuntahan niya, may mga picture din ng pagkain, at ilang stolen shot ni Liam. Napairap ako dahil doon.Mahinang inihagis ko ang phone sa sofa. What am I even doing? Paki ko ba sa kanila!Isinandal ko ang ulo sa sofa at pumikit. Pero pagkapikit ko, agad na nag-echo sa akin ang mga sinabi ni Raven kanina. ‘May ibang asawa si Mr. Sinclair.’ Ako ba ang tinutukoy niya?‘Napakilala niya na ‘yon sa board of directors niya.’ Malamang ako nga ako, ako lang naman ang pinakilala ni Liam sa mga board of directors niya… well, iyon ang pagkakaalam ko.Pero kung ako ang pinakilala niyang asawa, bakit walang nakakakilala sa akin? I mean, hindi naman sa pa-main cha
“Ms. Hayes, puwedeng pabigay ng mga ‘to kay Ms. Lara?” sabi ni Raven habang nakataas ang isang kamay na may hawak na mga papeles, pero ang mata niya ay nanatili sa dokumentong binabasa at mukhang may binibilugan pa.Tumayo ako at lumapit.Nakarating ako na gano’n pa rin ang puwesto niya.Dahan-dahan kong inabot ang mga papeles mula sa kanya. Nang kukunin ko na 'yon sa mga kamay niya, hindi ko agad nakuha dahil humigpit ang hawak niya.Napatingin ako sa kanya—nasa binabasa pa rin ang atensyon niya. Basta talaga mga CEO, hindi maalis ang mata sa mga dokumentong binabasa nila.Napaangat siya ng tingin sa akin. Bahagya naman akong napataas ng kanang kilay at itinuro pa ang mga dokumentong hawak niya. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang mga iyon—nanatili sa mga mata ko ang tingin niya.Ibinaba niya ang mga dokumentong hawak.“Are we good?” bigla niyang tanong.Ang nakataas kong kanang kilay ay bigla kong naibaba, at napalitan ng kunot-noong ekspresyon.Napaisip ako sa ibig niyang sabih
Napatingin ako sa sahig at pasimpleng pinunasan ang luha ko.Pag-angat ko ng tingin, inayos ko ang tindig ko at dahan-dahang naglakad papalapit kay Raven.Nakakunot ang noo niya. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero nanatili na lang siya sa pwesto niya dahil papalapit na rin naman ako.“Mind to explain kung bakit mo sinampal ang ka-business partner ko?” agad niyang bungad pagkalapit ko. Bahagya pa rin ang pagkakunot ng noo niya, pero kasama na roon ang nagtatanong niyang ekspresyon.Nang hindi ako makasagot, marahan siyang napahawak sa magkabilang braso ko at napatingin sa buong pagkatao ko—mula ulo hanggang paa.Nawala ang pagkakunot ng noo niya at sumilay ang buong pag-aalala sa mukha niya.“May ginawa ba siyang hindi maganda sa’yo? Tell me, so that I can cancel our partnership right away,” handa na siyang makipag-away sa tono niya. At hindi lang pag-aalala ang nasa boses niya, parang may halong takot na baka t
Pagbalik ko sa office ni Raven, andoon na siya. Nakatalikod at mukhang abala sa cellphone. Ilang segundo pa ang lumipas nang itapat niya iyon sa tenga niya. Bigla namang tumunog ang phone ko. Napatalikod si Raven, at ako naman ay agad na hinanap ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Pag-angat ko ng tingin pabalik sa kanya ay eksaktong nasa harap ko na siya. Bago pa ako makareact ay naramdaman ko na ang katawan kong nakakulong sa bisig niya. Napakurap ako ng dalawang beses. “Sabi ni Ms. Lara, bumaba ka raw para kumuha ng kape. Kaya kinabahan agad ako nang makita kong may naiwan at natapong kape sa elevator,” sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Ramdam ko ang kaba sa tono niya. Nakaramdam ako ng isa pang presensya sa likod ko. Kaya naman hinawakan ko si Raven sa braso at dahan-dahang inilayo siya sa akin. Nakita ko siyang may tinitingnan sa likod ko, kaya napatalikod na rin ako. Nakita ko si Liam—walang emosyon ang mukha. Bigla akong ki
Narinig ko ang doorbell kaya naglakad ako papunta sa pinto.Binuksan ko ‘yon at bumungad sa akin si Sol. May bitbit siyang paper bag.“Tita Solaire!” masiglang sigaw ni Liana mula sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod na pala siya.“Hello, pretty girl,” yumuko si Sol para halikan ito sa pisngi.Nakangiti namang tinanggap ni Liana iyon bago niya hinalikan pabalik sa pisngi ang Tita Solaire niya. Pagkatapos ay tumakbo na ito pabalik sa loob para maglaro.Pumasok si Sol at sinara ang pinto, pagkatapos ay malapad ang ngiting hinarap ako. May dalang panunukso sa ngiting iyon, at sa tingin ko, alam ko na kung bakit.“So, tell me, kumusta pag-uusap niyo?” excited na tanong niya.Napaikot ang mata ko at tumalikod papalakad sa sala. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.“Hi, Lexie,” bati ni Sol kay Lexie sabay abot ng paper bag na dala. “Cupcakes,” simpleng sabi niya.“Dito ka na ba magdi-dinner?” tanong ko rito dahil pagabi na rin naman.“Yep,” sagot niya. “Pero maiba ako,” lumapit s
"So, pumayag ka na talagang makipagkita kay Liam?" tanong ni Sol.Sabay kaming nag-lunch ngayon, may pinuntahan kasi siya malapit sa workplace ko.Tango lang ang sinagot ko sa kanya."Ready ka na ba?"Napaisip ako."Hindi."Nakita ko siyang napailing habang nakangiti."Kung maghihintay ako hanggang sa maging ready ako, baka hindi na kami makapag-usap. Kasi pakiramdam ko, never na ata akong magiging handa na harapin siya."Napatango naman si Sol."Pero saan ka makikipagkita? Ready ka na bang ipaalam na andito kayo?""Hindi ko alam. Plano ko sa Indonesia na lang, mas malapit sa aming dalawa. At para hindi niya madaling malaman na nasa Australia kami.""Paano kung may mangyari sa inyo doon at magkabati kayo? Uuwi na ulit kayo ng Pilipinas?" may panunukso sa tono niya.Inirapan ko siya dahil sa tanong niya. Pero sa totoo lang, wala sa isip ko na magbabati kami ni Liam. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari kung sakali ngang m
Nakauwi na si Raven. ‘Yung dalawang bata naman, kakakatulog lang. Tinulungan ako ni Lexie na dalhin sila sa kwarto. Hinila ko ang kumot nila at ipinatong sa katawan nila. Pagkatapos, pareho ko silang hinalikan sa noo. Tumayo ako at pinagmasdan sila.“What is it, Lexie?”Kahit nasa kambal ang tingin ko, nakita ng peripheral vision ko kung paano agad lumingon si Lexie sa akin. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may gusto siyang sabihin.“Wala po,” ramdam ko ang pag-aalinlangan niya.Hinarap ko siya.“Ano nga?”“Ayaw ko po kasi sanang mangialam—”“It’s okay, pwede kang magsabi ng opinyon mo, part ka na ng pamilyang ‘to,” binigyan ko siya ng tipid na ngiti.“Hindi naman po sa kinakampihan ko si Sir Liam—”Pagkarinig ko pa lang ng pangalan niya, parang ayoko na agad pag-usapan. Pero sa tingin ko, kailangan ko rin ng opinyon ng mga taong