Share

Chapter 2: Wedding

“Amelia, why did you ask me here?” takang usisa ni Sol, “and what are these?” turo niya sa mga gamit na nasa bed ko “is this a wedding gown?” nakakunot-noong tanong niya at kinuha iyon.

Mula sa salamin na kaharap ko ay inirapan ko siya. Isn’t it obvious? Nakita niya naman na wedding gown ‘yon.

Inabala ko ang sarili sa paglalagay ng foundation. Ako lang nag-aayos sa sarili ko dahil ayaw kong may makaalam na ikakasal ako sa isang matandang bilyonaryo! Mabuti na lang talaga at exclusive wedding ito. 

“Ma’am, ito na po iyong pinabili niyong dress,” wika ng isang katulong namin na pumasok bitbit ang pastel-colored dress na pinabili ko.

Kinuha iyon ni Sol at manghang tiningnan. 

Sinenyasan ko na ang katulong na lumabas.

“Okay what is happening?” alam kong nakakaramdam na siya.

Inis kong inilapag ang brush na hawak ko. 

“Gosh! This is so embarrassing!” reklamo ko.

“What?” usisa niya.

“Do you know that our family is going bankrupt?”  pagdadabog na wika ko.

Nakatalikod ako sa kanya at sa salamin ko lang siya tiningnan.

“Yeah” simpleng sagot niya.

Napaharap ako dahil don.

“What?” How? When? Bakit ikaw alam mo pero ako hindi!” pagmamaktol ko.

“Hello, your family is the talk of the town. Kaya lahat ng nangyayari sa pamilya mo ay pinag-uusapan ng lahat.” Parang wala lang sa kanya na wika niya.

Binigyan ko siya ng tingin na parang nagsasabi na ‘I felt so betrayed’

Tinaasan niya ako ng kilay. Bahagya pa siyang natawa.

“Don’t look at me like that, Amelia. I literally warn you. Habang abala ka sa pagwawaldas ng pera para sa luho mo, wala kang kaalam-alam na naghihirap na pamilya mo.” 

“It’s because you didn’t tell!” 

“It’s not my story to tell, okay?”

Hindi ko siya sinagot at nakahalukipkip na humarap ako sa salamin. 

Nang may maalala ako ay napatingin ako sa kanya sa salamin. Nakatingin rin siya sa akin na parang bang nagsasabi siya ng ‘what?’

“Don’t tell you know about this wedding!” naningkit na tanong ko habang bahagyang nakatagilid ang ulo. 

Kung alam ng mga tao sa town namin ang tungkol sa bankruptcy ng pamilya namin ay hindi malabo na alam nila ang tungkol sa wedding na ‘to!

“What wedding?” inosenteng tanong niya. 

Hindi ko pa magawang makahinga nang maluwag dahil tinatansya ko pa kung nagsasabi siya ng totoo.

Napatayo siya sa higaan at muling hinawakan ang wedding dress na andon.

“Oh my gosh, is this for your wedding?” nanlalaki ang mata na tanong niya.

Muling akong nagpatuloy sa pag-aayos. 

“This is so embarrassing!” iritableng wika ko.

“Kanino?” usisa niya. Hindi ko siya pinansin. 

Kinuha niya iyong dress na pinabili ko kanina. “So, this is mine?” tumango ako. 

“You’ll be my only bridesmaid.” Napabuntong-hininga ako.

“So, who is the unlucky guy na makakasal sa spoiled brat na kagaya mo?” pagbibiro niya na ikinatanggap niya ng isang masamang tingin mula sa akin.

Natawa siya dahil don. Lumapit siya sa akin at umupo sa isang bakanteng upuan at nagsimulang ayusan ang sarili.

“Gwapo ba? Ka age ba natin? Oh my gosh, I can’t wait to meet him! Nakita mo na ba?” 

“Mamaya ko pa siya makikita sa kasal”

Napalingon siya sa akin dahil sa sagot ko.

“Oh my gosh! Kung gano’n bakit ka magpapakasal don?” naguguluhan ang mukha niya “for money?” hindi makapaniwalang tanong niya.

I feel so offended kahit medyo too naman!

“I don’t know, Sol. Okay?” naiiyak na wika ko “Dad told me to marry his friend so we can save our wealth.” Napatingin ako sa kisame at pinaypayan ang mata ko para pigilan ang mga luha ko. Ayokong masira ang make up ito dahil lang sa pag-iyak!

Nilapitan ako ni Sol para bigyan ng tissue at hinagod sa likod.

“You dad’s friend? So ka age niya?” hindi makapaniwala na tanong niya.

Nagpupunas ng luha na tinanguan ko siya.

Hinila niya ang upuan niya at inilapit sa akin. Pagkatapos ay umupo roon at inabot ang dalawang kamay ko.

“Lia” pagtawag niya sa nickname ko “if you want to runaway, just tell me. I’ll help you.” 

Napailing-iling ako. “No. This is our last chance. I don’t want to lose everything.” I told her. 

After what happened to us, I’ve had some time to reflect. Maybe this is a way I can help our family, since I also don’t want to lose our family business. Pinaghirapan iyon nila lolo at lola! Sigurado na kung buhay pa sila ay grabe ang galit na aabutin ni dad!

Sol is right, I’m such a spoiled brat! Maybe kabayaran na ‘to sa ugaling mayroon ako.

***

May kalayuan ang simbahan na gaganapan ng kasal kaya naisipan ko na ihilig muna ang ulo ko.

Nauna na roon si Sol. Naisip ko na bukod sa kanya at sa mga magulang ko ay wala na akong kilala kung sino ang mga bisitang andon. 

Naisip ko ang groom ko. Iniisip ko pa lang na 52 years old na iyong pakakasalan ko ay parang gusto ko na lang umatras! Gosh, ni hindi ko alam kung paano ko magagawang makipag-honeymoon sa kanya!

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Ginising lang ako ng driver.

Kabado akong bumaba sa sasakyan. Nakita ako ang malaking pinto na nasa harapan ko, nakasara na ito. Malamang ay ako na lang ang hinihintay nila.

Pumwesto ako harap ng pinto. 

Kalma lang, Lia. You can do this! Pag cheer ko sa sarili.

Narinig ko na ang unti-unting pagbukas ng pinto. Napahigpit ang hawak ko sa bouquet na bitbit ko. 

Napapikit ako nang tuluyang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sobrang liwanag na paligid.

Sa harap ay nakita ko si Sol, sa harapan niya ang mga magulang ko. At sa tabi nila ay ang isang lalaking nakatayo, nakatingin sa pwesto ko at mistulang nagpupunas pa ng luha. 

Sa totoo lang ay kinikilabutan ko sa tuwing naiisip ko na napagkamalan ko siyang si dad. Kasi bakit ba siya umiiyak? Sobra pa siya kay dad na chill lang! First time lang naman namin mag meet akala mo iyong pakakasalan niya eh first love niya para maiyak siya!

Unti-unti akong naglakad. Parang naglaho ang lahat sa paligid ko at ang nakikita ko lang ay ang magandang kinabuksan ng pamilya ko, kaya may nagsasabi sa akin na tama itong desiyon ko.

Sa kabilang banda naman ng utak ko ay may nagsasabi sa akin na mali ito. Na nakakahiya kung malalaman ng mga tao na pumatol ako sa matanda para lang sa pera. Paano kung tawagin akong gold digger?

Naalala ko ang panaginip ko kanina nang nakatulog ako sa byahe. 

May batang babae ron na sa tingin ko ay ako at isang hindi pamilyar na boses na sa tingin ko naman ay si mommy dahil anak ang tawag nito sa akin. Hindi ako sigurado dahil malabo iyon.

‘Mommy, paglaki ko gusto ko makahanap ako ng tulad ni daddy. Iyong mapagmahal at aalagaan ako.’ Ngiting wika ko. Nasa gilid kami ng dagat non at gumagawa ng sand castle.

Napangiti si mommy sa sinabi ko. ‘Basta tandaan mo anak ha, magpakasal ka sa taong mahal mo at mahal ka. Know your worth.’ Wika niya at pinanggigilan ang pisngi ko.

Pagkatapos ay  nadako ang tingin ko sa pigura hindi kalayuan sa amin. Gumagawa rin iyon ng sand castle.

Doon na naputol ang panginip ko dahil nagising na ako

Napahinto ako sa paglalakad. Napatingin ako sa mga magulang ko. Narinig ko ang ingay sa paligid ng matapos ang ilang segundo at hindi pa rin ako gumagalaw. 

Nakita ko ang mga magulang ko. Nakakunot ang noo ni dad pati ng groom ko. Si mommy naman at Sol ay may parehong nag-aalalang mukha. 

Nakita ko si Sol na tumingin sa akin at tumango. Pagkatapos ay bigla itong umalis sa pwesto niya. 

Iniisip ko kung worth it ba lahat ng ito? Ang maging pambayad sa utang ng pamilya ko at ikasal sa taong hindi ko kilala at lalong hindi ko mahal!

Isang prince charming ang gusto ko at hindi isang matandang kaibigan lang ng dad ko. 

Napapikit ako, pagdilat ko ay alam ko na ang desisyon na gagawin ko!

Tiningnan ko ang mga magulang ko, umiiling na si Mom and Dad na para bang sinasabi na huwag kong itutuloy kung ano man ang naiisip ko.

Napailing-iling din ako at nagbigkas ng sorry sa kanila. 

I am Amelia Hayes, aaminin ko na spoiled brat ako pero hindi ako papayag na tawagin akong gold digger! 

Ibinagsak ko ang bouquet na hawak ko at tumakbo palabas sa simbahan na iyon!

 “Ameliaaaa!” sigaw ng isang mamalim na tinig na tingin ko ay mula sa groom ko. “Hahanapin kita! Hindi ka makakatakas sa akin!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status