One year passed. “Liana, come here.” A wide smile appeared on her face when she saw me. I swear, I am my daughter’s favorite. Samantalang itong si Koa naman, eh mukhang nagmana sa ama kasi kahit makita ako ay walang pakialam at nasa laruan pa rin niya ang atensyon niya! Kakagaling ko lang sa mall, namili ako ng mga alahas at damit. Kaya naisipan ko na rin bilhan ang mga anak ko. Of course, I bought a lot for both of them, pero si Liana lang ang papasukatin ko kasi iiyakan na naman ako ni Koa kapag pinilit ko siya! Liana’s walking towards me—ang cute ng maliliit na hakbang niya! But she’s really cute in general. “Look, I have a cute pink dress for you,” malapad ang ngiti na sabi ko rito at ipinakita sa kanya ang dress. She laughed and held it with her little hands. Pagkatapos ay niyakap ako. “Mommy,” sabi nito gamit ang boses na akala mong isang buwan kaming hindi nagkita. “I love you, my little princess!” sabi ko at pinanggigilan ito. “I love you, Koa!” mahinang sigaw ko rin k
Nagising ang diwa ko dahil sa malakas na iyak na narinig ko.“Daddy,” namumula ang mata sa kakaiyak na sabi ni Koa.“Where’s Liam?” tanong ko sa nanny nito habang papalapit ako sa kanila.“Bumaba lang po saglit, ma’am.”Nilapitan ko si Koa at binuhat, pagkatapos ay isinama ko ito palabas ng room para hanapin namin ang daddy niya. Tulog pa naman si Liana kaya iniwan ko na muna sa nanny niya.Hindi ko alam kung kulang ba ang tulog ko, pero nagising ako na medyo masakit pa ang ulo ko.Karga ko si Koa na mahigpit na nakayakap sa akin habang humikbi. Bumaba kami sa hagdan at nakita ko si Liam sa may pinto. May kausap iyon na parang kalalabas lang. Nakaputi ito, katulad ng sinusuot ng doktor. Pero bakit magkakaroon ng doktor dito? May sakit ba si Liam?Naglakad kami papalapit kay Liam. Ilang segundo pa, napatalikod ito at parang natigilan nang makita ako, pero agad din siyang nakabawi at nilapitan kami.“You’re awake,” pagkasabi niya noon ay napakalas si Koa sa pagkakayakap sa akin at nilin
“Please put it here,” sabi ko kay Lexie at itinuro ang bed ko para roon niya ilapag ang mga pinamili ko. “Thank you,” nakangiting sabi ko pagkalapag niya ng mga iyon sa bed ko, at agad ko namang nilapitan ang mga iyon para tingnan kung may naiwan ba. Nagpaalam na itong aalis, at tanging pag-wave na lang ng kamay ang isinagot ko dahil abala ako sa pagbubukas ng mga pinamili ko. Pero nagtaka ako dahil halos isang minuto na ang lumipas, at nakikita ko pa rin siya sa peripheral vision ko na nakatayo sa pinto. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin. “Lex—” naputol ang sasabihin ko at kabado akong napangiti pagkakita kay Liam. Nakasandal ito sa pinto habang naka-cross ang mga kamay. Nakasabit ang coat nito sa balikat, kaya kitang-kita ko ang maskuladong katawan niya sa loob ng kanyang white polo na nakatupi ang sleeves hanggang siko. Nakasuot din ito ng shades, pero alam ko pa rin na naiinis siya dahil sa aura na ibinubuga niya. “You’re really stubborn, aren’t you?” malalim ang boses niy
I woke up late kaya nang tingnan ko ang kambal sa kwarto nila, wala na sila roon. They have their own room na sila lang dalawa dahil hindi na rin namin kailangang bantayan sila 24/7—perks of having smart and advanced kids. Habang ako naman ay sa kwarto ni Liam natutulog, since dito na muna nag-i-stay ang mother niya. And when I woke up earlier, wala na rin si Liam sa tabi ko. I fixed myself at bumaba na. “Where are they?” tanong ko kay Lexie nang makasalubong ito sa living room. “Nasa may pool area po sila sa may garden,” ngiting sagot nito. I just nodded. Hindi ko na sinusupladahan si Lexie kasi I’m a changed person. Just kidding, suplada pa rin ako, medyo nabawasan nga lang. Plus, Lexie and I got close these past few months dahil sa mga pagtulong niya sa patagong shopping ko. When I arrived at the pool area, I saw the twins with mama and their nanny. They’re swimming, and it made me smile dahil ang cute nilang tingnan. But what caught my attention the most was Liam. Napa-cros
“What the h*ll,” mahinang bulong ko. So, hindi valid ang kasal namin? All this time, was this all a lie? Nanginginig ang kamay kong tinitigan ang marriage contract na hawak ko habang nakayuko. Hindi lang ako nanginginig dahil sa nalaman ko, nanginginig ako sa galit dahil sa lahat ng kasinungalingan ni Liam na pinaniwalaan ko! I know that this marriage is about a contract, pero bakit niya ako ipinasok dito kung kasal naman na pala siya at may anak! “What? Where’s your tongue?” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang mayabang na boses ng babaeng iyon. I composed myself, hindi ako pwedeng magmukhang kawawa rito. “How can I believe that this is real?” tanong ko rito. Mapanuya itong natawa. “Are you desperate? Ano pa bang ayaw mong paniwalaan diyan?” hindi makapaniwalang tanong niya. “So, why are you telling me this now?” Napairap ito. “I don’t care about Liam, okay? Naka-move on na kami ng anak ko sa kanya. But I am just doing you a favor. Hindi mo deserve ang maloko. You hav
“Mommy, where’s Daddy?” Tuluyan nang hindi tumigil sa pag-iyak si Koa. Mariin akong napapikit ng mata para pigilan ang inis ko. Pagmulat ko non ay muli kong inabot at ininom ang wine ko. “Lexie, bring them to their room,” nakakuyom ang kamao ko dahil sa pagtitimpi ng inis na sabi ko. As much as possible, ayokong sigawan ang mga anak ko, lalo na ngayon na ako ang kumuha sa kanila papalayo sa Daddy nila. Totoong hindi ko mapigilan ang mainis dahil sa paulit-ulit na paghahanap nila sa Daddy nila, but I can’t blame them. It’s been a month na rin kasi since ang last na kita nila sa Dad nila. We’re staying sa isang condo sa probinsiya, sa lugar kung saan malayo kay Liam at walang nakakakilala sa amin. Inupahan ko lang ‘to sa isang random stranger na nakita kong nag-post sa Faceb**k. Hindi kasi ako pwedeng kumuha sa mga hotel dahil paniguradong gagamitin ni Liam ang power niya para ma-trace ako. Bigla namang umilaw ang phone ko at napunta ang mata ko roon. Liam is calling again. Ngayong
“Koa, come here!” nauubusan ng pasensya na tawag ko rito dahil tumakbo na naman siya nang papalitan ko na siya ng damit.Gosh, this kid! Hindi naman ako nasabihan na ganito pala kahirap magbantay ng bata. Ang nanny kasi nila at si Mama ang madalas gumagawa nito.Napabuntong-hininga na lang ako.“Lianna, come here. Ikaw na lang muna ang bibihisan ko,” sabi ko rito. Lumapit naman ito kaagad habang nilalaro ang Barbie niya.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sumunod agad siya. Suplada rin kasi talaga minsan ang batang ito katulad ko, pero ngayon mukhang pinili ng universe na huwag akong bigyan ng sakit ng ulo.“Mommy, your phone is ringing,” sabi ni Koa na kakabalik lang at bitbit ang phone ko.“Give it to me, Koa, at lumapit ka na rito para masuot mo na ang damit mo!” Mabuti na lang din at sumunod na ito.Pagkakuha ko ng phone sa kanya ay agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Sol. Sinagot
“Before we start, let me change first. Galing kasi ako sa night out namin ng mga friends ko, and wala akong dalang formal clothes kaya ganito suot ko,” nakangiting sabi niya at itinuro ang kabuuan niya. “Nakakahiya rin naman kung ganito kita iinterviewhin, seeing how much you prepared for this interview. Naka-dress ka pa, while me, mukhang ako pa ‘yung applicant,” dagdag niya at tumawa.I noticed his dimples. Pero mas napapansin ko ‘yung kadaldalan niya. Why is he talking too much? Gosh.How old is he? Mukha siyang bata pa, kaya nakakapagtaka kung paano siya nakapagtayo ng ganitong kasuccessful na kompanya.Hindi ko na siya sinagot. Nag-nod lang ako. Kung hindi niya ako tatanggapin dahil sa naging treatment ko sa kanya, okay lang. Ayoko rin namang magkaroon ng boss na katulad niya kasi feel ko mauubos ang energy ko sa kadaldalan niya.I waited for two minutes bago siya makabalik. That was fast.“So, are you from the
“I will attend our high school reunion later. Medyo malayo ’yon rito kaya iiwan ko na muna sa’yo ang mga bata,” sabi ko kay Liam.Nasa dining table kami at kumakain ng breakfast. Abala siya sa pagpapakain sa dalawa.“Okay,” simpleng sagot niya.Tiningnan ko lang ito. Tapos na siyang subuan si Koa at ngayon ay inihahanda na niya ang isusubo kay Liana.“My gosh, Liam. Malalaki na ang mga anak mo. They can eat on their own,” sabi ko at napairap.Hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya dahil sa pagpo-focus sa mga bata.“Mommy, you feed daddy,” sabi ni Koa.Napalunok ako. Nagkatinginan kami ni Liam.Nakangiting binuksan nito ang bibig at parang batang naghihintay na masubuan.Nakatingin sa akin ang kambal kaya napilitan akong ngumiti at kunin ang kutsara sa harapan ko.Kumuha ako ng maraming kanin at napakaliit na slice ng bacon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Liam.Napaangat ang labi ko at may nang-aasar na matang tiningnan ito. Pasalamat ka nga at binigyan pa kita ng ulam.“Open your
Namilog ang mata ko. Para akong nilagnat bigla—mainit ang pisngi, at malamig ang palad. Mukhang ako pa ’yung nasurpresa sa surprise na sinabi ko sa kambal kanina.Alam kong hindi naririnig ni Liam ang kambal dahil sa AirPods na suot niya, pero hindi ko na rin naman pwedeng sundan at pigilan ang dalawa dahil harapan na nila mismong nakita ang daddy nila. Kaya naman nanatili na lang ako sa pwesto ko at naghintay sa paghaharap nila.Naghalo ang kaba, lungkot, at kirot. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung makita mong magkakasamang muli ang mag-aama mo.Mukhang napansin ni Liam sa peripheral vision niya na may tumatakbo papalapit sa kanya, kaya kunot-noo itong napalingon. Pero nang makita ang kambal, unti-unting kumalma ang ekspresyon sa mukha nito, at sandaling nagkaroon roon ng tila pangamba—marahil ay nagtaka siya bakit andoon ang dalawa. Napatingin ito agad sa paligid, na parang may hinahanap—hanggang sa magtama ang mga mata namin.Parang nagtatanong ang mga mata niya—tanging tipid
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad
“Daddy,” sigaw ni Koa, at mula sa kusina ay nakita ko ang nakangiting mukha nito habang tumatakbo papunta sa pintong kakabukas lang.Sinalubong siya ni Raven na may malapad na ngiti sa labi. Dala rin nito ang soccer ball na ilang araw nang pinapabili ni Koa rito.“I have your soccer ball, little boy,” nakangiting sabi niya kay Koa at iniabot dito ang bola.Masayang pinagmasdan iyon ni Koa at nakangiting niyakap si Raven.“Daddy!” masayang sigaw naman ni Liana na kakalabas lang ng kwarto. Agad itong dumiretso kay Raven.May inabot naman si Raven mula sa paper bag na bitbit niya. May inilabas siyang barbie doll.“I have something for you too, my little princess.”Katulad ni Koa, masaya rin iyong tinanggap ni Liana habang kumikinang ang mga mata.“Thank you, Daddy!” sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.Tumakbo na ang dalawa sa sala para maglaro, at naiwan kami ni Raven na nakatayo
Diretso lang akong nakatingin sa daan buong biyahe. Hangga’t maaari, hindi rin ako gumagalaw. Sinusubukan kong maging invisible. Pero kahit na wala akong imik at emosyon na pinapakita, sa totoo lang ay naiinis ako sa sarili ko at hinayaan kong maisakay ako ng lalaking ‘to sa sasakyan niya! Mabuti pa ata nagpahatid na lang ako kay Raven! Pero hindi rin pwede, busy ‘yung tao. “Nakakainis!” sigaw ko, na dapat ay sa isip ko lang sana kaso mukhang malakas kong nasabi dahil sa mabilis na paglingon ni Liam sa akin. “Are you crazy?” mapanghusga ang tono niya. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinag-cross ko pa ang arms ko at sinandal ang mukha sa bintana. Hindi na rin naman siya umimik. Mabuti naman. Habang papalapit kami, iniisip ko kung saan ko siya ililigaw para hindi niya makita ang mga bata. Wala naman akong planong ipagkait ang dalawa sa kanya, basta huwag lang talaga muna ngayon na hindi namin napag-usapan ang nangyari sa amin—na mukhang hindi ko rin alam kung magagawa pa ba n
Amelia’s POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at ang liwanag ang sumalubong sa akin, dahilan para mapapikit ako. Pero bukod sa liwanag, sumalubong din sa akin ang sakit ng katawan na unti-unti ko nang nararamdaman.Nang makapag-adjust, napatitig ako sa puting kisame. Napansin ko rin ang tunog na naririnig ko—parang heart monitor.Nasa ospital ba ako? Napatingin ako sa kanan ko kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Tama nga ako, nasa ospital ako.Nadako naman ang tingin ko sa kamay ko—may IV drip doon. Bakit ako nandito?Napatingin ako sa kaliwa ko nang may napansing gumalaw doon.Si Raven.Nasa upuan siya, nakasandal ang ulo na inihilig niya pakaliwa. May libro rin siyang nasa kandungan. Mababakas ang pagod sa mukha niya.Bakit siya nandito?Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari, pero walang pumapasok na alaala sa utak ko.Napahawak ako sa ulo, malapit sa noo, at napaaray. May nakapa rin akong ban