Exclusive For Him

Exclusive For Him

last updateLast Updated : 2023-03-09
By:  BM_BLACK301  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
30Chapters
2.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Umalis ang nobyo ni Elisa, papuntang Maynila pang doon 'ay mas makaipon ng pera para sa kanilang pagpapakasal. Ngunit hindi pa nagtatagal si Francis sa Maynila, ay bigla na lang itong hindi nagparamdam kay Elisa, labis ang pag-aalala ni Elisa, sa kaniyang nobyo dahil nawala na ang koneksyon nilang dalawa. Dahil sa pag-aalala at takot na rin dahil sa isipin ni Elisa, na baka may nangyaring masama sa nobyo ay agad siyang lumuwas ng Maynila. Ngunit sa kaniyang pagluwas ay magbabago bigla ang takbo ng buhay niya dahil kay, Smael Chavez. Smael Cuervo, a mafia boss na sasamahan ni Elisa, kapalit ng tulong na hahanapin ang nobyo niya ay ang pagsama niya kay Smael, ngunit sa kaniyang paghahanap kay Francis, ay matutuklasan niya na ang nobyo ay may ibang babae ng kasama.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Kailangan mo ba talaga sa Maynila ka pa magtrabaho?" Malungkot na tanong ko muli kay Francis na asawa ko kahit hindi pa kami kasal. Dahil yon na lang naman talaga ang kulang, hindi nga lang mangyari dahil sa maraming dumarating na pangyayari na mas dapat unahin. "Alam kong nauunawaan mo ako at ginagawa ko ito para sa atin at malay mo sa pag-uwi ko, makabuo na tayo ng anak natin." Pilit na ngumiti ako at muli ay niyakap niya ako ng mahigpit, pinigilan ko naman ang luha ko na huwag bumagsak. Matapos 'ay hinagkan niya ako sa labi at muling niyakap ulit. "Francis! Kanina ka pa hinihintay ng tricycle, aba'y ano pa ang ginagawa mo riyan?" Napalingon kami pareho sa malakas na boses ng mama ni Francis. "Sige na, baka mahuli pa ako sa terminal anong oras na rin. Mahirap na maghihibtay pa ako ulit, basta tandaan mo lang ang mga sinabi ko sa'yo." "Oo, tatandaan ko. Basta mag-iingat ka lagi doon at tatawagan mo ako kung ano na ang nangyayari sa'yo doon." Paalala ko pa at ako naman ang huma

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Melissa Riva
maganda po story ...
2023-05-02 15:15:04
0
user avatar
BM_BLACK301
Salamat po sa mga nagbabasa enjoy po complete na po ito at sanay mabasa niyo rin ang ibang story ko ...
2023-03-11 08:06:10
0
30 Chapters

Chapter 1

"Kailangan mo ba talaga sa Maynila ka pa magtrabaho?" Malungkot na tanong ko muli kay Francis na asawa ko kahit hindi pa kami kasal. Dahil yon na lang naman talaga ang kulang, hindi nga lang mangyari dahil sa maraming dumarating na pangyayari na mas dapat unahin. "Alam kong nauunawaan mo ako at ginagawa ko ito para sa atin at malay mo sa pag-uwi ko, makabuo na tayo ng anak natin." Pilit na ngumiti ako at muli ay niyakap niya ako ng mahigpit, pinigilan ko naman ang luha ko na huwag bumagsak. Matapos 'ay hinagkan niya ako sa labi at muling niyakap ulit. "Francis! Kanina ka pa hinihintay ng tricycle, aba'y ano pa ang ginagawa mo riyan?" Napalingon kami pareho sa malakas na boses ng mama ni Francis. "Sige na, baka mahuli pa ako sa terminal anong oras na rin. Mahirap na maghihibtay pa ako ulit, basta tandaan mo lang ang mga sinabi ko sa'yo." "Oo, tatandaan ko. Basta mag-iingat ka lagi doon at tatawagan mo ako kung ano na ang nangyayari sa'yo doon." Paalala ko pa at ako naman ang huma
Read more

Chapter 2

Nagising ako at pakiramdam ko hilong-hilo ako, narinig ko na mediyo maingay dito. "Gising!" Napasigaw ako dahil sa pagbuhos ng tubig sa mukha ko at narinig ko ang ilang tawanan dito. Napatayo ako at napansin ko na may dalawang babae akong katabi at halos hubad na sila dahil sa ang natitirang suot nila ay ang dalawang damit na kung saan ay nakatago ang maseselan na katawan nila. Hindi ko alam kung nasaan ako, maraming lamesa at mga lalaki sa loob. May mga nakaupo sa harapan namin na ang iba 'ay halos matatanda na at may ibang lahi rin akong nakita. "Ano pang hinihintay mo? Hubarin mo na 'yang suot mo." Napalingon ako dito sa lalaki na may hawak na pang latigo, nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at napailing ako. "Ano ang gusto mo? Ako pa ang maghuhubad sa'yo?" Nakangising sabi ng lalaki at humakbak na ito palapit sa akin. "H-huwag, huwag. Pakiusap," sambit ko at naiiyak na ako, umiiyak rin ang dalawang babae na kasama ko. Umikot ang mata ko sa paligid at napansin ko ang p
Read more

Chapter 3

"Malinis na ang sugat mo, siguro magpahinga ka na muna." "Salamat po." Nakangiti ako kay Nanay Emma, matapos niyang gamutin ang sugat ko."Tapos ka na?" Napalingon ako sa may pinto banda at nakita ko si Brenda na mukhang nakapaglinis na ng katawan dahil nagpalit na ito ng damit."Oo, sige na. Brenda, ihatid mo na siya sa magiging kuwarto niya para makapagpahinga na siya." Sabi pa ni Nanay Emma habang nililigpit ang mga gamit na pinanggamot sa akin."Halika na Elisa, sasamahan na kita." Nakangiting aya ni Brenda sa akin, tumango ako sumunod sa kanya.Umakyat kami ulit, ngunit dito lang kami sa unang palapag. Hindi ko alam pero napatingin ako sa hagdan paakyat doon sa unang pinuntahan ko. Bigla kong naalala ang mukha ni, Smael."Dito ang magiging kuwarto mo, dating silid ito ni Ma'am Beatrix, mali pala. Dahil marami ng nag-may ari nito." Nangingiting sabi ni, Brenda."Talaga pa lang marami na siyang naging babae." Mahinang wika ko at lumingon sa akin si, Brenda. "Oo, pero lahat 'yun
Read more

Chapter 4

"Elisa?" Dahan-dahan akong napamulat at hinanap ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Nanay Emma na may dalang pagkain."Dinalhan na kita dito ng pagkain dahil alas diyes na ng umaga ngunit tulog ka pa. Hindi na kita pinagising dahil alam ko pagod ka." Marahan na inangat ko ang katawan ko, pero napapikit ako dahil ang sakit ng ibaba ko. "May masakit ba sa'yo?" "W-wala ho." Nahihiyang sagot ko at naalala ang nangyari kagabi.Napansin ko na nandito na ulit ako sa kuwarto ko. "Meron ka pala ngayon sandali at magpapakuha ako ng napkin." "H-ha? W-wala po akong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko sa gilid na may dugo sa sapin at dahil puti ito kaya kitang-kita. "Sandali lang magpapakuha ako." Hindi ko na napigilan si Nanay Emma ng lumabas ito. Napansin ko na iba na ang suot kong damit. T-shirt na puti ito at malaki, naisip ako na kay Smael itong damit. Biglang nabalik ang alaala kagabi at napaiyak ako. Patawarin mo ako Francis, kasalanan ko ito. Nagpadala ako, nagin
Read more

Chapter 5

Kinuha ko 'yung isa na damit na binili ni Smael, itim na bistida na hindi umabot sa tuhod ko. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito at masasabi ko na mamahalin ito dahil sa pagkakayari. May mga make-up akong nakita dito sa mababang cabinet na may salamin na hindi kalakihan. Pinili ko maglagay ng face powder at manipis na lipstick na kulay pula, matapos 'yon ay sinuot ko ang isang pares ng sandals na narito at ngayon ko lang 'yun nakita. Hinayaan kong lumugay ang buhok ko na lagpas balikat, hindi man ako maputi pero bumagay sa akin ang suot ko at hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ko.Pagbaba ako ng hagdan hinanap agad ng mata ko si Smael, ngunit wala ito doon. Nakababa na ako at nilibot ang paligid ngunit wala ito doon. "Elisa, nariyan ka pala. Umalis bigla si sir, wala siyang sinabi pero nakita ko na nagmamadali siya. Baka may importante siyang pupuntahan." Hindi ako sumagot kay Brenda at napaupo na lang sa sopa dahil sa hindi malamang dahilan parang may kung anong lungkot akong
Read more

Chapter 6

Ilang segundo rin bago ako nakahinga ng maayos at napaubo ako. Napakapit ako sa leeg ko at natigilan ako ng hawakan ni Smael ang kanang kamay ko na nakababa na pala dito sa tubig. Titig na titig siya sa akin at ang dibdib nito na may pinong balahibo na nagpadag-dag sakit sa mata ko sa hindi malaman na dahilan. Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit sa kanya. Kasabay ng pagdampi ng labi nito sa basang labi ko, no'ng una ay hindi ako gumagalaw pero kalaunay gumalaw ang labi ko at napakapit ako sa kamay niya. Halos tumingkayad na ako dahil sa masyado siyang mataas, naramdaman ko na lang ang paghapit niya sa bewang ko.Nawala ang lamig ng tubig dahil sa nag-iinit na katawan ko, nanginig ang kamay ko ng dalhin niya ang kamay ko sa ibaba niya. Napapikit ako dahil doon, at dinig-dinig ko ang mahinang ungol na kumuwala sa bibig niya na parang nagdulot ng ibayong kiliti sa isipan ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-atras namin hanggang sa may nasandalan ako dito sa gilid na ng pool.Bumita
Read more

Chapter 7

AN: Masaya ako at nagustuhan niyo ang bawat chapter na ina-update ko, huwag kayong mag-alala at mag-uupdate po ako para sa inyo. :) salamat sa mga comment niyo 😍------------------"Nandito ka talaga?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko ng lumayo na ang labi niya sa akin."Yes." tipid na sagot niya.Hindi ko maintindihan kung paano ba ako magre-react dahil sa tingin pa lang niya parang nanlalambot na ang tuhod ko. "Last night, i can't sleep. I miss your whole body,"Napalunok ako dahil sa mga sinabi niya lalo na sa tono ng boses niya na para bang inaakit ako. Muli niya akong siniil ng malalim na halik at napakapit ako sa braso niya, pumulupot ang kamay sa bewang ko. Hindi ko maintindihan para akong nababaliw sa halik niya"Did you miss this?" Muli akong napatingin sa kanya at sa tanong nito, ang mata niya na para bang maalulusaw ka. Napakapit ako sa braso niya habang nilalabanan ang mga mata niya. At tumango ako dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon, lahat-lahat
Read more

Chapter 8

Halos magdamag akong umiyak dahil sa nangyari. Maraming pumasok sa isipan ko at binalak ko na humingi ng paumanhin kay Smael, pero wala na ito sa kuwarto nito no'ng katakutin ko.Wala akong ginawa kung hindi ang mag-cellphone lang. Baba kapag kakain o tutulong magluto kila Nanay Emma, hindi ko rin sinabi sa kanila ang nangyari sinasarili ko na lang. Pakiramdam ko para na akong nababaliw sa kakaisip kung paano ko makakausap si, Smael. Dahil kahit tawagan ko ang number niya 'ay hindi ko makuntak.Ganon ba siya kagalit na galit sa akin?Apat na araw na at wala pa rin si Smael, kaya mas lalo akong nalungkot, paulit-ulit kong tinatawagan ang number niya pero nakapatay lagi.Nagsisi man ako sa ginawa ko ay huli dahil sa inisip ko lang naman magiging kalagayan ko."Hija kumain ka na." Napaangat ang mukha ko habang malalim na nag-iisip dito kusina habang nakaupo. "Nanay Emma, mali ba ang ginawa kong pag-inom ng gamot para hindi mabuntis?" maya'y tanong ko dahil gust kong makarinig ng ibang a
Read more

Chapter 9

Ang sarap ng tulog ko sobra at nasa isip ko hanggang ngayon ang paulit-ulit na binibigkas ng isipan ko. "I miss you also, Stay withe me... Totoo ba 'yun Smael? Tanong ng isipan ko habang nakayakap ako kay Smael na sa unang pagkakataon nagising akong katabi at kayakap siya.Ang bango-bango niya pati kili-kili, masayang pinagmamasdan ko ang mukha niya, ang matangos na ilong ang katamtamang labi na hindi ganon kapula pero ang sarap humalik. Ang kilay nito na may kakapalan at ang konting bigote at balbas nito na nakadag-dag sa gandang lalaki niya.Hindi ko alam kung panaginip ba ito, akala ko magiging miserable ang buhay ko sa'yo. Nagkamali ako, dahil naging maligaya ako sa'yo kahit pa minsan ay nakakatakot ka. Swerte ko na ba talaga? Ikaw na nga ba talaga? Piping bulong ko sa isipan ko habang pinagmamasdan ang mga mukha ni, Smael. Muling nakatulog ako habang nakayakap sa kanya kahit pareho pa rin kami walang saplot.--------Nagising ako muli na wala na si Smael sa tabi ko at nasanay na
Read more

Chapter 10

Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ako ni Nanay Emma at ni Brenda na may pag-alala. "Elisa, patawarin mo ako kung hindi kita nasamahan doon." "Ayos lang ako Brenda, huwag ka na mag-isip ng kung ano." Nakangiting sabi ko.Napansin ko na nauna na si Smael umakyat sa itass, kaya sumunod na lang ako kila Nanay Emma at Brenda sa kusina para makainom ng tubig."Mabuti at dumating si sir, kung may mangyari sayong masama hindi ko mapapatawad ang sarili ko." "Brenda, tama na 'yan." Pilit ang ngiting sabi ko dahil nasa isip ko si, Smael."Tama si Elisa, kaya simula ngayon huwag na huwag ka na talagang lalabas, dahil hindi mo lang alam kung paano nagalit si Smael ng malaman na wala ka at kinuha ng mga pulis." Kuwento ni Nanay Emma at hindi ko inaasahan ang narinig ko."Tama si Nanay Emma, Elisa. At isa pa may bagong kasambahay na dumating ngayon." Sabi pa ni, Brenda."Ok po, sorry po." nakayukong sagot ko dito. Tumango naman ako at pinagtimpla ng kape ni Nanay Emma.Matapos kong magkape na
Read more
DMCA.com Protection Status