"Malinis na ang sugat mo, siguro magpahinga ka na muna." "Salamat po." Nakangiti ako kay Nanay Emma, matapos niyang gamutin ang sugat ko."Tapos ka na?" Napalingon ako sa may pinto banda at nakita ko si Brenda na mukhang nakapaglinis na ng katawan dahil nagpalit na ito ng damit."Oo, sige na. Brenda, ihatid mo na siya sa magiging kuwarto niya para makapagpahinga na siya." Sabi pa ni Nanay Emma habang nililigpit ang mga gamit na pinanggamot sa akin."Halika na Elisa, sasamahan na kita." Nakangiting aya ni Brenda sa akin, tumango ako sumunod sa kanya.Umakyat kami ulit, ngunit dito lang kami sa unang palapag. Hindi ko alam pero napatingin ako sa hagdan paakyat doon sa unang pinuntahan ko. Bigla kong naalala ang mukha ni, Smael."Dito ang magiging kuwarto mo, dating silid ito ni Ma'am Beatrix, mali pala. Dahil marami ng nag-may ari nito." Nangingiting sabi ni, Brenda."Talaga pa lang marami na siyang naging babae." Mahinang wika ko at lumingon sa akin si, Brenda. "Oo, pero lahat 'yun
"Elisa?" Dahan-dahan akong napamulat at hinanap ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Nanay Emma na may dalang pagkain."Dinalhan na kita dito ng pagkain dahil alas diyes na ng umaga ngunit tulog ka pa. Hindi na kita pinagising dahil alam ko pagod ka." Marahan na inangat ko ang katawan ko, pero napapikit ako dahil ang sakit ng ibaba ko. "May masakit ba sa'yo?" "W-wala ho." Nahihiyang sagot ko at naalala ang nangyari kagabi.Napansin ko na nandito na ulit ako sa kuwarto ko. "Meron ka pala ngayon sandali at magpapakuha ako ng napkin." "H-ha? W-wala po akong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko sa gilid na may dugo sa sapin at dahil puti ito kaya kitang-kita. "Sandali lang magpapakuha ako." Hindi ko na napigilan si Nanay Emma ng lumabas ito. Napansin ko na iba na ang suot kong damit. T-shirt na puti ito at malaki, naisip ako na kay Smael itong damit. Biglang nabalik ang alaala kagabi at napaiyak ako. Patawarin mo ako Francis, kasalanan ko ito. Nagpadala ako, nagin
Kinuha ko 'yung isa na damit na binili ni Smael, itim na bistida na hindi umabot sa tuhod ko. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito at masasabi ko na mamahalin ito dahil sa pagkakayari. May mga make-up akong nakita dito sa mababang cabinet na may salamin na hindi kalakihan. Pinili ko maglagay ng face powder at manipis na lipstick na kulay pula, matapos 'yon ay sinuot ko ang isang pares ng sandals na narito at ngayon ko lang 'yun nakita. Hinayaan kong lumugay ang buhok ko na lagpas balikat, hindi man ako maputi pero bumagay sa akin ang suot ko at hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ko.Pagbaba ako ng hagdan hinanap agad ng mata ko si Smael, ngunit wala ito doon. Nakababa na ako at nilibot ang paligid ngunit wala ito doon. "Elisa, nariyan ka pala. Umalis bigla si sir, wala siyang sinabi pero nakita ko na nagmamadali siya. Baka may importante siyang pupuntahan." Hindi ako sumagot kay Brenda at napaupo na lang sa sopa dahil sa hindi malamang dahilan parang may kung anong lungkot akong
Ilang segundo rin bago ako nakahinga ng maayos at napaubo ako. Napakapit ako sa leeg ko at natigilan ako ng hawakan ni Smael ang kanang kamay ko na nakababa na pala dito sa tubig. Titig na titig siya sa akin at ang dibdib nito na may pinong balahibo na nagpadag-dag sakit sa mata ko sa hindi malaman na dahilan. Hinawakan niya ang mukha ko at nilapit sa kanya. Kasabay ng pagdampi ng labi nito sa basang labi ko, no'ng una ay hindi ako gumagalaw pero kalaunay gumalaw ang labi ko at napakapit ako sa kamay niya. Halos tumingkayad na ako dahil sa masyado siyang mataas, naramdaman ko na lang ang paghapit niya sa bewang ko.Nawala ang lamig ng tubig dahil sa nag-iinit na katawan ko, nanginig ang kamay ko ng dalhin niya ang kamay ko sa ibaba niya. Napapikit ako dahil doon, at dinig-dinig ko ang mahinang ungol na kumuwala sa bibig niya na parang nagdulot ng ibayong kiliti sa isipan ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-atras namin hanggang sa may nasandalan ako dito sa gilid na ng pool.Bumita
AN: Masaya ako at nagustuhan niyo ang bawat chapter na ina-update ko, huwag kayong mag-alala at mag-uupdate po ako para sa inyo. :) salamat sa mga comment niyo 😍------------------"Nandito ka talaga?" nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko ng lumayo na ang labi niya sa akin."Yes." tipid na sagot niya.Hindi ko maintindihan kung paano ba ako magre-react dahil sa tingin pa lang niya parang nanlalambot na ang tuhod ko. "Last night, i can't sleep. I miss your whole body,"Napalunok ako dahil sa mga sinabi niya lalo na sa tono ng boses niya na para bang inaakit ako. Muli niya akong siniil ng malalim na halik at napakapit ako sa braso niya, pumulupot ang kamay sa bewang ko. Hindi ko maintindihan para akong nababaliw sa halik niya"Did you miss this?" Muli akong napatingin sa kanya at sa tanong nito, ang mata niya na para bang maalulusaw ka. Napakapit ako sa braso niya habang nilalabanan ang mga mata niya. At tumango ako dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon, lahat-lahat
Halos magdamag akong umiyak dahil sa nangyari. Maraming pumasok sa isipan ko at binalak ko na humingi ng paumanhin kay Smael, pero wala na ito sa kuwarto nito no'ng katakutin ko.Wala akong ginawa kung hindi ang mag-cellphone lang. Baba kapag kakain o tutulong magluto kila Nanay Emma, hindi ko rin sinabi sa kanila ang nangyari sinasarili ko na lang. Pakiramdam ko para na akong nababaliw sa kakaisip kung paano ko makakausap si, Smael. Dahil kahit tawagan ko ang number niya 'ay hindi ko makuntak.Ganon ba siya kagalit na galit sa akin?Apat na araw na at wala pa rin si Smael, kaya mas lalo akong nalungkot, paulit-ulit kong tinatawagan ang number niya pero nakapatay lagi.Nagsisi man ako sa ginawa ko ay huli dahil sa inisip ko lang naman magiging kalagayan ko."Hija kumain ka na." Napaangat ang mukha ko habang malalim na nag-iisip dito kusina habang nakaupo. "Nanay Emma, mali ba ang ginawa kong pag-inom ng gamot para hindi mabuntis?" maya'y tanong ko dahil gust kong makarinig ng ibang a
Ang sarap ng tulog ko sobra at nasa isip ko hanggang ngayon ang paulit-ulit na binibigkas ng isipan ko. "I miss you also, Stay withe me... Totoo ba 'yun Smael? Tanong ng isipan ko habang nakayakap ako kay Smael na sa unang pagkakataon nagising akong katabi at kayakap siya.Ang bango-bango niya pati kili-kili, masayang pinagmamasdan ko ang mukha niya, ang matangos na ilong ang katamtamang labi na hindi ganon kapula pero ang sarap humalik. Ang kilay nito na may kakapalan at ang konting bigote at balbas nito na nakadag-dag sa gandang lalaki niya.Hindi ko alam kung panaginip ba ito, akala ko magiging miserable ang buhay ko sa'yo. Nagkamali ako, dahil naging maligaya ako sa'yo kahit pa minsan ay nakakatakot ka. Swerte ko na ba talaga? Ikaw na nga ba talaga? Piping bulong ko sa isipan ko habang pinagmamasdan ang mga mukha ni, Smael. Muling nakatulog ako habang nakayakap sa kanya kahit pareho pa rin kami walang saplot.--------Nagising ako muli na wala na si Smael sa tabi ko at nasanay na
Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ako ni Nanay Emma at ni Brenda na may pag-alala. "Elisa, patawarin mo ako kung hindi kita nasamahan doon." "Ayos lang ako Brenda, huwag ka na mag-isip ng kung ano." Nakangiting sabi ko.Napansin ko na nauna na si Smael umakyat sa itass, kaya sumunod na lang ako kila Nanay Emma at Brenda sa kusina para makainom ng tubig."Mabuti at dumating si sir, kung may mangyari sayong masama hindi ko mapapatawad ang sarili ko." "Brenda, tama na 'yan." Pilit ang ngiting sabi ko dahil nasa isip ko si, Smael."Tama si Elisa, kaya simula ngayon huwag na huwag ka na talagang lalabas, dahil hindi mo lang alam kung paano nagalit si Smael ng malaman na wala ka at kinuha ng mga pulis." Kuwento ni Nanay Emma at hindi ko inaasahan ang narinig ko."Tama si Nanay Emma, Elisa. At isa pa may bagong kasambahay na dumating ngayon." Sabi pa ni, Brenda."Ok po, sorry po." nakayukong sagot ko dito. Tumango naman ako at pinagtimpla ng kape ni Nanay Emma.Matapos kong magkape na
Sobrang saya ko dahil marami man ang nangyari sa amin ni Smael, ito siya ngayon sa tabi ko. Pati ako ay naiyak dahil sa nakikita kong pag-iyak ni Smael habang hawak niya ang kamay ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiiyak at damang-dama ko 'yun."Smael," sambit ko sa pangalan niya dahil yumugyog balikat niya dahil sa pag-iyak."M-masaya lang ako." Sagot niya at dinampian niya muli ng halik ang kamay ko. Wala akong pasidlan ng saya dahil sa mga narinig ko kay Smael, inasikaso niya ako hanggang sa makalabas na ako ng hospital.--------Isang buwan ang lumipas ng i-uwi ako ng Smael muli sa bahay niya at tuwang-tuwa sila Nanay Emma at Brenda dahil sa pagbalik ko. Samantala, lagi namang busy si Smael at sabi niya trabaho lang daw. Nasa kusina ako habang busy sila Nanay Emma sa pagluluto, gusto kong tumulong ngunit ayaw nilang pumayag."Brenda, bakit nga pala umalis na lang bigla si Andrea?" Tanong ko dahil pagdating ko dito wala na si Andrea."Nako, ewan ko doon sa babae na 'yun
AN: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil nagustuhan niyo ang story na ito. Sana'y basahin niyo pa rin ang mga susunod ko na mga story n darating. 😘❤❤❤---------Napangiti ako at pinahiran ko ang luha ko dahil malinaw ko ng nakita si Smael kahit pa mediyo malayo siya sa akin, dahil siya mismo ang nagpapaandar ng motor boat na kinasasakyan niya. "Fuck you Smael! Bakit hindi ka pa mamatay!" Napalingon ako kay Javier dahil sa sinabi niya at napatingin ako sa ginagawa niya. May mahabang bag ito na binubuksan at ng makita ko ito ay isang mahabang baril. "J-Javier," sambit ko dahil natatakot ako sa balak niya. Tiningnan niya lang ako at lumapit siya sa puwesto ko, inaayos niya ang mahabang baril o hindi ko alam kung anong tawag doon dahil nakikita ko lang 'yun sa mga palabas. Kapag tinamaan ko no'n siguradong sasabog ka."Dapat ka ng mawala sa mundo, Smael!"Balak kong pigilan si Javier pero napaputok na niya ito at mabuti sa gilid lang tumama
"Boss, may nakasunod raw sa likod na kotse at kung hindi ako nagkakamali si Smael 'yun." Napaangat ang mukha ko dahil sa malalim na pag-iisip ko dahil sa nangyari kanina sa amin ni Elisa, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para subukan na halikan siya. At naasar ako dahil siya lang ang tumanggi sa akin, gusto kong magalit pero hindi ko magawa."Siguraduhin niyo kung siya nga 'yun." Wala sa sariling sagot ko at muli kong binaling ang atensyon ko sa labas ng bintana.Alam kong narito na si Smael kaya kailangan kong ilipat ng lugar si Elisa, kaya ngayon pa lang dadalhin ko na siya sa ibang lugar. Kilala ko si Smael, gagalaw na 'yun agad dahil hindi 'yun nagsasayang ng oras."Boss, kumpirmado na si Smael."Napalingon ako at nakaramdam ng galit. "Tangin* paano niya tayo nasundan!?" Malakas ang boses na wika ko kay Alex habang nagmamaneho ito at may kausap sa headset na suot niya."Hindi ko rin alam boss, sinugurado namin na walang nakakita o nakasunod sa atin. Pero hindi ko ito
Hindi ko inaasahan na makikita ko si Elisa sa kasiyahan ni Mr. Ferrer, kilala ko siya ngunit hindi niya kilala ang pagkatao ko. Lihim ang pagkatao ko sa iba, kaya naman malaya akong nakapunta sa okasyon na 'yun. Ang balak ko ay kumalap ng balita o makakuha ng impormasyon kay Javier at iniisip ko rin na pupunta ang Javier na 'yun dito. Ngunit hindi ko inaasahan na isasama nito si Elisa.Sa pagdating pa lang nila nakaabang na kami ni Alex, nakita ko si Elisa pagbaba nito sa sasakyan. Naasar ako kay Javier at kung puwede lang ay binaril ko na ito dahil sa pagkakahawak nito kay, Elisa. Nagpigil ako dahil hindi ako puwede gumawa ng hakbang na ikakapahamak namin lalo na ni, Elisa.Hindi biro ang pinasok ko na lugar at kunting pagkakamali lang tapos ang plano ko. Naghanap ako ng pagkakataon upang malapitan si Elisa, wala akong balak na magpakilala sa kanya gusto ko lang siya malapitan. Pero hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa akin. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko kaya hindi ak
AN: Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-abang at nagalit sa akin dahil binitin ko kayo. 😂 Char! Love you all guys! Now, di na kayo mabibitin dahil tatapusin ko na ito, enjoy fucking reading! 😘-------------Smael...Sambit ng isipan ko at bigla na lang tumulo ang luha ko dahil kahit nakatakim ang kalahati ng mukha niya alam kong siya 'yun. Kilala siya ng puso ko, kumilos ang isang kamay ko at marahan na humaplos sa pisngi niya, sumunod ang isa ko pang kamay. Dinama ng dalawa kong palad ang magkabilaan niyang pisngi, tiningnan ko ang labi ang ilong niya sumunod ang mata niya. Kusang lumapit ang mukha ko at hinagkan ko ang labi niya, wala akong pakialam kung marami pang tao dito na makakakita sa akin. Hindi siya gumagalaw pero hinayaan ko lang dahil sobrang miss na miss ko na siya.Pinahiran ko ang luha ko matapos ko siyang siilin ng halik. "Smael, alam kong ikaw 'yan at--""Hindi ka dapat nakikipagsayaw kung kani-kanino lang." "J-Javier, sandali." Wika ko ng hatakin niya ako n
"Javier," sambit ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napatalikod ako paharap sa salamin. Dahil halos makita na ang dibdib ko, hanggang sa makita ko na si Javier sa likod dahil sa salamin. "Bagay na bagay 'yan sa'yo." Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman sa klase ng pagsasalita ni Javier, naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. "Aa... Javier, halika na tapos naman na akong pumili ng damit, u-umuwi na tayo." Wika ko at umiwas ako sa kanya dahil naiilang ako.Wala naman akong narinig na salita sa kanya at nagpalit na ako ng damit dahil lumabas na siya. Paglabas ko hindi ko nakita si Javier, hinanap siya ng mata ko at nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko. "Halika na." Sabi niya habang bit-bit ang paper bag. Hindi ko na nagawang mag-react pa ng hatakin na niya ako sa kamay, gusto ko man alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko hindi ko na ginawa. Hanggang sa makarating na kami ulit sa kotse niya.Tahimik na kami ulit dito sa loob, pansin ko ang katahi
"Boss, narito si Mr. Ferrer."Napaaangat ang mukha ko sa kakapasok lang na si Randy, hanggang sa pumasok si Mr. Ferrer kasama ang anak nitong babae. "Javier, tama nga ako pagkakaalam na na narito ka na ulit. Masaya akong makita kang muli." Tumayo naman ako at nagbigay galang kay Mr. Ferrer, dahil marami rin itong naitulong sa akin at itong resort nakuha ko dahil sa tulong niya. Inabot ko ang kamay niya at ngumiti lang saglit sa anak niyang si Claudia."Kamusta ka na Javier, ang tagal rin kitang hindi nakita." Hindi inaasahan ang biglang pagyakap sa akin ni Claudia at sinunda ng halik sa pisngi ko. "May bisita ka pala, pasensya na at hindi ka namin napansin." Naalala ko naman bigla si Elisa, umurong ako at lumapit sa tabi ni Elisa."Si Elisa pala, espesyal na bisita ko. Elisa, siya si Mr. Ferrer at ang anak niya na si, Claudia." Pagpapakilala ko kay Elisa sa bisita ko. "Magandang umaga sa inyo." Nakangiting bati niya. "Siya nga pala, kaya kami nandito dahil may party na magagana
"Shit!" Asar na wika ko ng hindi ko maabutan si Elisa at Javier, lumingon ako sa paligid at namataan ko ang paparating na sasakyan ni Alex. Pagkahinto 'ay agad na lumabas sila at sinalubong ko agad. "Boss!""Bakit natakasan kayo? Nasaan na sila Regor, bakit hinayaan niyo na makatakas sila!?" Asar na salubong ko kay Alex. "Boss, patawad. Pero alam ni Julius kung saan papunta ngayon, sa resort ni Javier." Sagot ni Alex.Napatiim bagang na lang ako at pakiamdam ko kumikirot ang sentido ko dahil sa isipin na malayo sa akin si Elisa. "Ihanda niyo ang sasakyan ko, kailangan ko makasunod agad doon." Utos ko sa kanya at naglakad ako papunta sa kotse ko at sumakay agad.Javier, huwag na huwag kang gagawa ng kung ano man kay Elisa. Dahil uubusin ko ang laman ng bala ng baril ko masiguro ko lang na mawawala ka na sa mundo.Wika ko sa isipan ko ng simulan ko ng paandarin ang kotse. Umuwi muna ako sa bahay upang kunin ang mga gagamitin ko. -------"Smael! Nasaan na si Elisa?" Salubong ni Nan
"Sige Smael, baka mauna pa itong babae na itong mamatay pati na ang dinadala niya." Natigilan ako dahil sa narinig kong sinabi ni Christine, nakapasok ako dito sa lugar ni Javier at napatay ko lahat ng bantay sa tulong na rin ng mga tauhan ko. Dahil nagpilit silang sumama, dalawa ang sniper ko na tauhan ang mga nakatago. Masaya akong marinig na buntis si Elisa at kahit hindi ko na alamin alam kong ako ang ama no'n. Nakatingin lang ako kay Elisa at bakas sa mukha niya ang saya ng makita ako. Nakita ko sa likod nila na naroon si Javier kaya tinalasan ko ang mata ko, pansin ko ang ilang tao sa itaas na mga nakatago at alam ko na mga tauhan 'yun ni Javier. "Nandito ka na pala kaibigan, masyado ka namang mabilis. Ganun ba ka-importante sa'yo ang babae na 'yan?" Hindi ko pinansin ang pang-aasar na tonong sabi ni Javier. Sumenyas ng palihim ang kamay ko hanggang sa may pumutok mula sa labas at walang iba kung hindi si Alex, bagsak sa semento si Christine. Wala na akong pagpipilian dahil