Tanggap na ni Lisa ang bagong kapalaran niya bilang si Selena, magpapangap siya bilang si Selena na nalalapit ng maikasal. Gamit ang sarili niya at ang bagong mukha niya. Tanging ang sarili na lamang niya ang nakakaalam na nabubuhay pa sa katawan niya si Lisa, dahil sa bago niyang mukha. Ginawa niya iyon para sa kaniyang ina na nag-aagaw buhay na at kapalit nga nito ang pagiging si Selena Galvez. Kasama rin sa kaniyang pagpapangap na maging ganap na asawa ni Steven Guevara, na walang kahit na konting pagmamahal sa totoong Selena. Makakayanan kayang gampanan ni Lisa ang pagiging Selena, lalo pa kung marami siyang matutuklasan? at sa araw na matuklasan ni Steven ang lihim niya, matatapos na ba ang biglaan ang unti-unting mamumuo na relasyon sa kanilang dalawa? Lalo pa at natupad na ang hiling ng totoong Selena na magkaroon ng anak man lang kay Steven, kahit hindi na siya mahalin nito?
View More"Maligayang pagbabalik sir, Guevara at maligayang pagdating rin sa inyo Mrs. Guevara." Sabay-sabay na bati sa amin ng apat na taong narito, may mga naka-sumbrero at nakasuot na pang-chef at dalawang babae na pareho ang suot."Sir nakahanda na po ang pagkain." nakangiting sabi ng babae na mediyo may edad na."Kumain muna tayo." aya niya sa akin.Sumunod lang ako sa kaniya at panay ang tingin ko sa paligid, kasi yung style nitong bahay para bang sinauna. Kasi ang hagdan hindi bato, para bang alaga sa lampaso sa bunot. Ang mga display dito na painting pang sinauna at mga upuan yung mga narra at may mga design sa ibabaw, pati ang mga kurtina na malalaki. Pero masasabi kong ang ganda at sobrang linis.Ang lamesa na mahana na yari sa narra rin pero may salamin ang ibabaw, maraming masasarap na pagkain ang narito at hindi ko inaasahan dahil yung karaniwang pagkain ang nandito. Tulad ng adobo, langka na gata pritong tilapia, may mangga sinagang na baboy at inihaw na bangus."Kumakain ka pala
Tumayo na ako dahil ang hangin sa labas baka sumakit ang tiyan ko, nakita ko si Steven, nasa sofa at nasa harap niya ang laptop. Saan galing 'yon? Wala naman siyang kahit na anong dala at may maleta doon dalawa."Kanino 'yan?" Tanong ko at tiningnam niya ako."Mga gamit natin." sagot niya lang at muling binalik ang atensyon sa laptop."Talaga?" Lumapit ako sa maleta at sinilip ang isa doon may lock na code, yung isa walang lock. Sinilip ko laman no'n mga damit pambabae kaya masasabi kong sa akin 'yon at nakita ko doon 'yung bag na maliit 'yung gamit ko na dala sa hospital. Mabilis na sinara ko 'yun dahil baka makita ni Steven, naroon ang lumang cellphone ko. Pati na ang wallet ko na may lamang picture ko at picture naming pamilya."Pinadala 'to ni Loli, ni tita Lolita?" Muntikan na akong magkamali.Tumango lang siya at bahagyang sinilip ko ang ginagawa niya at hindi ko 'yon maintindihan."Matulog ka kung gusto mo.""Hindi pa ako inaantok, saka bili ka ng beer. Yun ang gusto kong inu
"Teka, hindi ba sabi mo hihintayin mo na gusto ko na rin?" nagawa ko na siyang harapin."Yes," tipid na sagot niya."Kung ganun bakit tayo magha-honeymoon? Hindi ko pa gusto." mariin kong sabi ko."Hindi ko ri naman gusto."Natigilan ako dahil sa masungit niyang sagot sa akin, kaya ginawa pinili ko na lang na manahimik.Hindi mo gusto pero aalis tayo para sa honeymoon."We'll pretend to be on a honeymoon so that others won't think anything." "Ok," sagot ko na lang."Hindi pa ba kita lubusang kilala?"Natigilan ako dahil sa tanong niya dahil para bang may laman ang tanong niya. Yung tingin niya sa akin para bang may ibig sabihin.Hindi kaya may alam siya? Hindi naman siguro dahil ang sabi ni Lolita, hindi nila pinakita si Selena, noong na-aksidente. Pinakita lang nila lalo na dito kay Steven, si Selena noong naayos na ang mukha ko."Hindi ko alam sa'yo bakit ano bang mayroon sa atin?" sagot ko lang pero doon ako nakatingin sa bintana habang nasa biyahe kami."I only know one thing, yo
Matapos niyang inumin ay tumayo siya at sinabayan ng talikod at iniwan akong mag-isa dito.Ayos rin 'tong lalaki na 'to bigla na lang nang-iiwan. Inubos ko 'yung konti pa na karne sa plato ang sarap kasi, malinis naman ang tao na yun kaya hindi ako magkakasakit. Hinugasan ko lang ang plato at baso at sinabayan ko na rin ng balik sa kuwarto ko. Matagal bago ako ulit nakatulog dahil sa kinain ko kanina.----------"Ma'am?" Dumilat bigla ang mata ko dahil sa narinig kong boses, dahil para bang narito lang sa tabi ko. Nakita ko 'yung isa sa babae na nakita ko kahapon pagdating namin ni, Steven.Bumangon ako at napahikab pa ako at napansin ko na maliwanag pala dahil sa bintana. Napatayo ako bigla dahil naalala ko na aalis kami ngayong umag ni, Steven."Anong oras na?" Tanong ko agad at hinanap ko ang cellphone ko pero naalala ko na naroon pala 'yung gamit ko sa kuwarto ni, Selena."Seven thirty na po ng umaga." "Ha? Si Steven?" Tanong ko agad at tinakbo ko ang pintuan, dire-diretso ako
Tapos na ang okasyon at narito kami ulit sa kotse at siya na mismo ang nagmamaneho ngayon. Hindi ko na tinanong pa kung saan kami pupunta. Dahil pagod na pagod na ang pakiramdam ko sa maghapon. "What do you want now?" Sumenyas ang kamay ko na huminto muna siyang kausapin ako dahil kumikirot ang ulo ko talaga."Since you awake, everything about you has changed, including the way you speak and act." "Please naman, mamaya na tayo mag-usap?" Nakapikit ang isang mata ko dahil ang sakit talaga ng ulo.Hindi naman siya nagsalita kaya pinikit ko ng husto ang ulo ko dahil gusto kong matahimik muna saglit ang utak ko. Hindi ko na namalayan kung saan kami nagtungo, huminto na lang ang kotse kaya napalingon ako. Pumasok ang kotse sa unti-unting bumukas na malaking gate.Sandali nasaan ba kami? Saan kami pumunta.Pagpasok ng kotse ay bumungad sa mga mata ko ang malawak na espasyo at mga magagandang tanim sa gilid. Umikot sa pagitan ng malaking rebolto na malaking ibon at may lumabas sa mga gili
Lutang ang isipan ko hanggang sa matapos ang kasal at magkatabi kami dito sa loob ng kotse. Nakapagpalit na rin ako ng damit ko, at ito nga pakiramdam ko magkakaroon ako ng step Nick dahil sa hindi ako gumagalaw o magawa man lang na lumingon kahit saan. First time ko mahalikan at dito pa sa lalaking ngayon ko lang nakilala."I can't wait for your memory to come back so I'll repeat what we talked about, bago ka na aksidente."Natigilan ako at dito nagawa ko ng maigalaw ang leeg ko."Ano ba 'yon?" sagot ko dahil pakiramdam ko sumasakit ulo ko ngayon."After two months we will separate, then you give me your share in the company.Napapikit ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya."Puwede ba? Hindi ko alam iyang share na sinasabi mo, kung gusto mo kunin mo na para tapos na ang usapan." Inis kong sagot.Isa pa bakit ang tagal? Two months pa kaming magsasama?"Ibibigay ko rin ang gusto mo." Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya at ewan ko ba biglang bumilis ang tibok ng puso
Lihim na napapangiti ako dahil nakasakay na ako ngayon sa kotse kasama si Steven, pero kaming dalawa na lang at siya ang driver, ang lakas lang ng dating niya habang lihim ko siyang tinitingnan."Do you still not remember anything?" Nilingon ko siya dahil sa tanong niya at nakangiting tumango ako, hindi naman siya sumagot at seryosong nakatingin sa unahan. Hindi kaya nakakahalata na siya? Pero siguro naman hindi dahil sa mukha ko."Saan ba tayo pupunta?" kuryos na tanong ko kahit pa alam ko naman kung saan kami pupunta, syempre doon sa Melissa na 'yon.Isip ko pero hindi siya nagsalita dahil nagpatuloy lang siya sa pagpapamaneho. Hindi ko na lang siya pinansin dahil mukhanh wala naman siyang balak sabihin.Hayaan mo hindi ako mangugulo, mas maganda nga 'yan madali lang tayo maghihiwalay. Pero natigilan ako sa naisip ko dahil biglang sumagi sa isipan ko kung may lihim na relasyon si Steven at Melissa, alam kaya ni, Selena?"What are you thinking?" Napalingon ako sa tanong niya at s
"Kaibigan? Ok," balewalang sagot ko at binalik ko ang atensyon ko sa kukunin kong pagkain."I'm sorry," Dinig kong sabi ni Steven, kaya naman muli akong lumingon."It's ok," nakangiting sabi nitong, Melissa."Sorry? Bakit para saan?" Takang tanong ko at sinalubong ko ang mata ni Steven, na nagtataka.Sila lang bang dalawa ang nagkakaunawaan?"Nothing, go ahead mukhang masarap ang mga pinahanda ni, Steven." matamis ang pagkakangiting ani ni, Melissa.Hindi ko pinansin si Melissa, sinulyapan ko si Steven na parang may iniisip. Hinayaan ko na siya at naghanap ako ng mauupuan. Nakakita naman ako at may alak dito kaya napangiti ako.Makakainom na ako ulit at mukhang masarap 'to imported."You don't drink alcohol." Napalingon ako habang nagsasalin ng alak sa maliit na baso si Steven, naupo siya sa tabi ko."Iinom na ako ngayon." sagot ko at tinapos ko na ang pagsasalin. "Don't make a scene here." Hays! Panay English nakakakirot ng ulo naman."Puwede ba? Lumayo ka sa akin para hindi ako
Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang suot ko ngayon, isang black dress na labas ang balikat at hindi ito umabot sa tuhod ko. Malambot ang tela at sumakto sa katawan ko, mukhang magkasukat rin kami ng katawan ni, Selena. Napansin ko ang presensiya ni Dalia, paglingon ko sa kaniya at napansin ko na parang may pagtataka sa mukha niya. "Bakit?" Takang tanong ko. "W-wala naman po pero nanibago lang po ako kasi ngayon ko lang kayo nakitang nakasuot ng kulay itim na damit." Natigilan naman ako at napaisip, ibig sabihin hindi mahilig sa kulay itim si Selena. "Gusto ko na ngayon." Sagot ko lang at inaayos ko ang buhok ko. "Bagay naman po sa inyo, ito nga pala bagay ito sa suot niyo." Isang pares na four inches heel sa tingin ko, kulay silver ito at kumikinang ito. Bagay na bagay sa suot ko. Kinuha ko iyon at sinuot at sakto rin iyon sa paa ko, muli akong humarap sa salamin at tumangkad ako lalong tingnan. "Parang tumaas kayo ma'am Selena." Kunot noo kong tiningnan si
"Napakahusay ng iyong pagkakagawa at habang pinagmamasdan ko siya pakiramdam ko muling nabuhay ang aking pamangkin.""Tama ka Mrs, Galvez."Tahimik na nakatanaw lang ako sa bintana, pakiramdam lagpas-lagpasan ang tinatanaw ng mata ko. Wala akong pakialam sa pinag-uusapan nitong si Lolita at ang doctor na nagretoke sa mukha ko.Tama retokada na ako dahil sa malaking desisyon ko, ngunit hindi ko naman ito pagsisihan dahil para sa kaligtasan ng mama ko. Gagawin ko ang lahat kahit kapalit nito ang pagkawala ng pagkatao ko bilang si, Lisa."Selena Galvez, tandaan mo lagi ang pangalan mo at siguro naman susunod ka ng maayos sa aking mga inuutos sa'yo?"Nilingon ko si Lolita, ang tita ng tunay na Selena. Napakasama ng ugali niya dahil kahit wala na ang tunay na Selena, gumawa siya at kabilang ang asawa niya sa muling pagkabuhay ng kanilang pamangkin."Selena."Napakurap ang mata ko dahil sa muling pagtawag sa bago kong pangalan, noong una 'ay parang ayaw pang tangapin ng isipan ko ang bago k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments