Share

Pretend To be His Wife
Pretend To be His Wife
Author: BM_BLACK301

chapter 1

"Napakahusay ng iyong pagkakagawa at habang pinagmamasdan ko siya pakiramdam ko muling nabuhay ang aking pamangkin."

"Tama ka Mrs, Galvez."

Tahimik na nakatanaw lang ako sa bintana, pakiramdam lagpas-lagpasan ang tinatanaw ng mata ko. Wala akong pakialam sa pinag-uusapan nitong si Lolita at ang doctor na nagretoke sa mukha ko.

Tama retokada na ako dahil sa malaking desisyon ko, ngunit hindi ko naman ito pagsisihan dahil para sa kaligtasan ng mama ko. Gagawin ko ang lahat kahit kapalit nito ang pagkawala ng pagkatao ko bilang si, Lisa.

"Selena Galvez, tandaan mo lagi ang pangalan mo at siguro naman susunod ka ng maayos sa aking mga inuutos sa'yo?"

Nilingon ko si Lolita, ang tita ng tunay na Selena. Napakasama ng ugali niya dahil kahit wala na ang tunay na Selena, gumawa siya at kabilang ang asawa niya sa muling pagkabuhay ng kanilang pamangkin.

"Selena."

Napakurap ang mata ko dahil sa muling pagtawag sa bago kong pangalan, noong una 'ay parang ayaw pang tangapin ng isipan ko ang bago kong pangalan. Pero sa paglipas ng mahigit isang buwan na pagpapangap na ako 'ay na-comatose, sa wakas gigising na ako.

"Alam ko, hindi ko na nakakalimutan ang gagawin ko at kailangan kong sundin." walang buhay na sagot ko.

"Hindi na rin naman sila maghihinala  na ibang Selena ang kanilang makakaharap, dahil magpapanggap ka rin na may amnesia."

Tumango lang ako dahil ilang ulit niya ng sinabi 'yon sa akin, kailangan kong tandaan ang lahat ng 'yun para kay mama. Dahil nailigtas sa bingit ng kamatayan ang aking ina, dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo namin ni Lolita sa iisang hospital dahil doon mismo sinugod ang tunay na Selena, mula sa isang aksidente sa kotse nito. Nag-aagaw buhay rin si Selena ng dalhin ito doon, ngunit hindi rin iyong nagtagal dahil binawian ito ng buhay.

"tsk." Mahinang sambit ko dahil bakit ba kailangan kong mag-isip pa? Nandito na bago na ang pagmumukha ko at may magbabago pa ba? Isa pa ang importante ngayon nakaligtas ang mama ko.

"Maghanda ka na dahil parating na si, Steven."

Isa pa ito wala na ring atrasan dahil bukod sa pagpapangap ko bilang Selena, gagampanan ko rin bilang mapapangasawa ni Steven. Dahil nakatakda rin palang ikasal si Selena.

"Good luck sa akin." Mahinang bigkas ko at muling nahiga.

Nasa sopa si Lolita at ang isa pang doctor na kasabwat niya, yung nag-retoke na doctor sa akin 'ay lumabas na. Noong nakahiga ako dito kapag may dadalaw sa akin, ginagamitan nila ako ng pampatulog at nagpapasalamat ako sa panginoon dahil nagigising pa rin ako dahil mahirap na baka hindi na ako magising.

Nakatingin lang ako sa kisame habang naghihintay, hindi ko pa nakikita 'yung Steven, at mas lalong hindi ko pa nakikita ang mukha ni Selena. Hindi pa ako handang tingnan ang bagong mukha ko sa salamin.

Wala namang ibang nagbago sa akin o kailangan pang baguhin, dahil tanging ang mukha ko lang naman ang binago. Napalingon ako bigla ng bumukas ang pinto at titig na titig ako sa lalaking pumasok, seryoso ang mukha nito. May pinong bigote at balabas, matangos ang ilong at ang pares na mata na parang hindi mo kayang tagalang tingnan. 'Yung buhok niya na sided na napakaayos. Nakapang-opisina ito na suot at masasabi ko na ito 'ay kagalang-galang.

Gwapo naman siya hindi na masama pero mukhang laging seryoso sa buhay. Sa tingin ko nasa thirty na siya or mga twenty eight o twenty nine. Basta mga ganun ang piling ko.

"Steven,"

Bati ni Lolita, ngunit hindi siya pinansin ni Steven, lumapit siya sa akin at namulsang tiningnan ako. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa pagkakatitig niya sa akin.

"Sino ka?" Biglang nasambit ko at mabuti na lang talaga ito ang nasabi ko dahil ito ang plano ni, Lolita.

Napakunot noo si Steven nilingon si Lolita.

"Mr. Guevara, siguro naman 'ay natatandaan niyo ang ating napag-usapan tungkol sa kalagayan ni Selena, at nasabi ko rin ito sa'yo na maaring magkaroon si Selena ng amnesia dahil sa aksidente na nangyari sa kanya."

Paliawanag agad ng doctor, grabe ang galing umarte.

"Tama siya Steven, maghintay lang tayo dahil sigurado naman na babalik rin ang kaniyang alaala." Si Lolita na mas magaling atang umarte.

"How are you feeling?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya, hindi niya ulit pinansin ang sinabi ni Lolita at ng doctor.

Ganito ba siya walang pakialam? Pero mabuti naman at naalala niyang kamustahin ang kalagayan ko.

"Ayos lang ako. Pero sino kang talaga ano ba kita?" Tanong ko sa kanya pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I'm Steven Guevara, your fiancé."

Hindi talaga ito biro dahil totoong ikakasal ako.

"Hija, siya ang mapapangasawa mo at kung hindi ka lang naaksidente naikasal na sana kayo. Pero huwag kang mag-aalala dahil matutuloy pa rin iyon."

Tumango lang ako ng ilang sunod kay Lolita at binalingan ko itong si Steven, na seryosong nakatingin sa akin. Mayamaya'y may pumasok na lalaki at lumapit kay, Steven. May ibinulong sa kanya at matapos iyon ay lumabas na ulit 'yung lalaki.

"I need to leave because I have an important meeting today."

Hindi ako sumagot at agad na tumalikod itong si, Steven

"Ilalabas na namin si Selena," pahabol na ani ni Lolita.

Pero parang walang narinig si Steven, dahil tuluyan na itong lumabas.

Ang sungit ng lalaki na 'yon at piling ko ang yabang niya.

"Kung ano man ang mga sasabihin at gagawin ni Steven, kailangan mong sabihin sa akin. Mag-iingat ka rin sa bawat galaw at mga sasabihin mo dahil ayokong magkaroon ng problema, alam mo naman na nailigtas ang mama mo dahil sa akin."

"Alam ko hindi ko 'yon nakakalimutan." Sagot ko lang.

"Mabuti kung ganun, aayusin ko lang ang mga dapat kong pirmahan para makauwi na tayo." Paalam niya.

Napasandal ako at malalim na napabuntong hininga paglabas ni Lolita at ng doctor.

Bakit kaya hindi na lang nila sabihin na patay na si Selena? Bakit kailangan pa nilang buhayin ang totoong Selena? Para saan? Na-disgrasya naman si Selena, may tinatago kaya sila kaya ganun na lang ang paggawa nila isang napakalaking kasinungalingan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jonalyn Anaque Ballat
hello now pa lang Po sisimulan mag basa,...
goodnovel comment avatar
Aireen Defensor Pueyo
thank you Ms, A sa update sa maganda mong story ...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status