Dumilat ang mata ko at saglit na umikot sa paligid, sumunod nakita ko si Dalia.
"Bukas po ang pinto kaya pumasok na ako dahil hindi po kayo sumasagot."
Paliwanag ni Dalia, nakatulog ako dahil sa lambot ng higaan ko at unan na rin.
"Nandiyan si Steven?" Paglilinaw ko na tanong at tumango si, Dalia.
"Mag-shower po muna kayo para mapreskohan kayo." nakangiting ani ni, Dalia.
"Hindi na." Sagot ko at tinungo ko ang pinto para lumabas na.
"Pero ma'am!"
Hindi ko na pinansin si Dalia, dahil bakit kailangan ko pang mag-shower para kay, Steven? Isa pa kakagising ko lang kaya wala ako sa mood maligo.
Napalingon ako sa likuran ko dahil mahaba ang pasilyo, inaalala ko sa isipan ko ang dinaanan namin kanina hanggang sa makita ko ulit ang malaking litrato ng papa ni, Selena. Saglit ko lang iyon tiningnan at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Nakarating ako sa hagdan at dahan-dahan na bumaba ako doon, ngunit natigilan ako dahil may lalaking napahinto rin at nakatingin ngayon siya sa akin at walang iba kung hindi si,Steven.
Wala akong mabasa sa mukha niya pero titig na titig siya sa akin, presko ang itsura niya at maayos ang pagkakatayo niya suot ang kulay silver na suit. Para siyang model sa isang magazine, pero napakaseryoso ng kaniyang mukha.
"Selena, mabuti at gising ka na pala. Bakit hindi naligo muna at-"
"Hindi na kailangan."
Si Lolita na biglang lumitaw, pero mas naagaw ng atensyon ko ang boses ni Steven ang sarap lang sa tenga ang boses niya.
"Kung ganun halika na hija, dahil may mahalaga tayong pag-uusapan."
Aya sa akin ni Lolita, tumango lang ako at nagpatuloy na sa pagbaba at naupo kami sa malambot at mahabang sopa na kulay krema.
"Hindi na ako magtatagal pa dito dahil marami akong inaasikaso, gusto ko lang malaman ang tungkol sa aming kasal?"
Tahimik lang ako at kailangan ko makininig ng mabuti, pero napapansin ko na palihim na tinitingnan ako ni, Steven.
Ano kaya ang nasa isip niya? Baka naman iniisip niya na ibang tao ako? na hindi talaga ako si, Selena.
"Bueno, itong linggo na darating ay itutuloy na natin ang naudlot na kasal. Dahil mukha naman na nasa kundisyon na ang katawan ni, Selena."
Nilingon ako ni Lolita, marahan na tumango lang ako at sumunod sinulyapan ko si, Steven.
"Miyerkules ngayon at may apat na araw pa. Kung ganun hahayaan ko muna na makapagpahinga ng mabuti si, Selena. Upang sa ganun ay manumbalik ang kaniyang lakas."
"Maraming salamat Steven alam kong hindi ka na makapaghintay na pakasalan ang aking pamangkin."
Nakatingin ako kay Lolita na sobrang saya pero naroon ang piling ko na walang katotohanan ang saya sa ipinapakita niya. Samantalang kahit konting ngiti man lang kay Steven, wala kang makikita.
"Kailangan ko ng umalis." Paalam na agad ni, Steven.
"Selena, kumain ka ng mabuti dahil mukhang pumapayat ka."
Puna sa akin ni Steven, napatingin naman ako sa katawan ko at oo mediyo pumayat nga ako dahil sa stress nitong mga nakaraan dahil sa pag-iisip kung saan ako kukuha ng pera sa operasyon ni mama.
"Maligo ka muna bago tayo kumain."
Napatango lang ako kay Lolita, at nakita ko si Dalia na narito na at mukhang iniintay niya ako.
Nagbalik ako sa aking silid para maligo, dinala ako ni Dalia sa napakalaking banyo. Halos parang silid na rin iyon dahil sa sobrang laki, may malaking bathtub na may pink na rosas at pula at ang bango-bango dito sa loob.
"Maaari na kayong maligo nakahanda na ang lahat."
Hindi na ako nakasagot pa kay Dalia, lumabas na ito at naiwan akong mag-isa dito. Hinubad ko na ang lahat ng aking suot, pakiramdam ko para talaga akong prinsesa o isang reyna dahil sa ganitong mga nararanasan ko.
Dinama ng hubad kong katawan ang mabangong tubig at ipinikit ko ang aking mata ng malubog na sa tubig ang buong katawan ko.
Saan kaya nila dinala ang katawan ni, Selena?
Napadilat ang mata ko dahil sa biglang naisip ko, nakaramdam ako ng kilabot at pananayo nang balahibo ko.
-----------
Matapos kong maligo at makapagpalit ng isang simpleng bistida na kulay abuhin dahil wala akong ibang makita rito sa kabinet. Halos puro bistida ang nakikita ko, may mga pantalon naman pero hindi naman ako sanay magsuot ng pantalon kung nasa loob lang ng bahay. Wala ring short dito kaya wala akong nagawa kung hindi bistida na lang ang sinuot ko.
"Okey na po ba kayo? Nakahanda na ang pagkain."
"Nandoon na si Loli- ibig kong sabihin si Tita Lolita?" pagtatama ko sa maling sasabihin ko.
"Naroon na po sila at ikaw na lang ang kanilang hinihintay." sagot ni, Dalia.
Hindi na ako sumagot at lumabas na ako ng pinto, tinungo namin ni Dali ang dining area. Pagdating ko roon naroon na si Henry ang asawa ni Lolita, magkatabi silang dalawa.
Ang dami naman ng pagkain tapos kaming tatlo lang ang nakaupo dito? Sandali nga, kami lang ba ang nandito?
"Selena, maupo ka na sa iyong puwesto."
Tiningnan ko si Lolita dahil sa sinabi niya at uupa na sana ako sa upuan na malapit sa akin.
"Ma'am, dito po kayo nakaupo."
Natigilan naman ako sa tinuro ni Dalia, sa pinagitna at sentro ng hapagkainan. Tumango na lang ako at naglakad, naiilang pa akong naupo dahil sa puwesto ko.
"Nag-iisang anak ka ng kapatid ko kaya naman diyan ka dapat maupo, ipapaalala ko lang sa'yo."
Seryoso ang mukha na pagkakasabi ni Henry sa akin.
Inasikaso ako ni Dalia at inaalok ng mga pagkain na naroon sa lamesa, ilan ng ang nakain ko dahil hindi ko malaman kung ano ang kakainin ko.
Habang tahimik kaming kumakain ay may pumasok na lalaki at yumuko muna biglang panggalang.
"Magandang hapon po sa inyo, ipinadala po ako rito ni Mr. Guevara, upang ipasundo si Ma'am Selena."
Natigilan naman ako at nagkatinginan kami ni Lolita at ni, Henry.
"Bakit saan sila pupunta?" Tanong ni Lolita.
"Pasensiya na po dahil wala pong sinabi si Mr. Steven Guevara." Paumanhin nitong lalaki.
"Okey, Selena. Bilisan mo ng kumain riyan para makapaghanda ka sa iyong susuotin."
Tumango ako at nakaramdam ako ng excitement dahil sa aalis ako na hindi kasama si Lolita. Ibig sabihin malaya ako mamaya, kahit si Steven ang kasama ko.
Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang suot ko ngayon, isang black dress na labas ang balikat at hindi ito umabot sa tuhod ko. Malambot ang tela at sumakto sa katawan ko, mukhang magkasukat rin kami ng katawan ni, Selena. Napansin ko ang presensiya ni Dalia, paglingon ko sa kaniya at napansin ko na parang may pagtataka sa mukha niya. "Bakit?" Takang tanong ko. "W-wala naman po pero nanibago lang po ako kasi ngayon ko lang kayo nakitang nakasuot ng kulay itim na damit." Natigilan naman ako at napaisip, ibig sabihin hindi mahilig sa kulay itim si Selena. "Gusto ko na ngayon." Sagot ko lang at inaayos ko ang buhok ko. "Bagay naman po sa inyo, ito nga pala bagay ito sa suot niyo." Isang pares na four inches heel sa tingin ko, kulay silver ito at kumikinang ito. Bagay na bagay sa suot ko. Kinuha ko iyon at sinuot at sakto rin iyon sa paa ko, muli akong humarap sa salamin at tumangkad ako lalong tingnan. "Parang tumaas kayo ma'am Selena." Kunot noo kong tiningnan si
"Kaibigan? Ok," balewalang sagot ko at binalik ko ang atensyon ko sa kukunin kong pagkain."I'm sorry," Dinig kong sabi ni Steven, kaya naman muli akong lumingon."It's ok," nakangiting sabi nitong, Melissa."Sorry? Bakit para saan?" Takang tanong ko at sinalubong ko ang mata ni Steven, na nagtataka.Sila lang bang dalawa ang nagkakaunawaan?"Nothing, go ahead mukhang masarap ang mga pinahanda ni, Steven." matamis ang pagkakangiting ani ni, Melissa.Hindi ko pinansin si Melissa, sinulyapan ko si Steven na parang may iniisip. Hinayaan ko na siya at naghanap ako ng mauupuan. Nakakita naman ako at may alak dito kaya napangiti ako.Makakainom na ako ulit at mukhang masarap 'to imported."You don't drink alcohol." Napalingon ako habang nagsasalin ng alak sa maliit na baso si Steven, naupo siya sa tabi ko."Iinom na ako ngayon." sagot ko at tinapos ko na ang pagsasalin. "Don't make a scene here." Hays! Panay English nakakakirot ng ulo naman."Puwede ba? Lumayo ka sa akin para hindi ako
Lihim na napapangiti ako dahil nakasakay na ako ngayon sa kotse kasama si Steven, pero kaming dalawa na lang at siya ang driver, ang lakas lang ng dating niya habang lihim ko siyang tinitingnan."Do you still not remember anything?" Nilingon ko siya dahil sa tanong niya at nakangiting tumango ako, hindi naman siya sumagot at seryosong nakatingin sa unahan. Hindi kaya nakakahalata na siya? Pero siguro naman hindi dahil sa mukha ko."Saan ba tayo pupunta?" kuryos na tanong ko kahit pa alam ko naman kung saan kami pupunta, syempre doon sa Melissa na 'yon.Isip ko pero hindi siya nagsalita dahil nagpatuloy lang siya sa pagpapamaneho. Hindi ko na lang siya pinansin dahil mukhanh wala naman siyang balak sabihin.Hayaan mo hindi ako mangugulo, mas maganda nga 'yan madali lang tayo maghihiwalay. Pero natigilan ako sa naisip ko dahil biglang sumagi sa isipan ko kung may lihim na relasyon si Steven at Melissa, alam kaya ni, Selena?"What are you thinking?" Napalingon ako sa tanong niya at s
Lutang ang isipan ko hanggang sa matapos ang kasal at magkatabi kami dito sa loob ng kotse. Nakapagpalit na rin ako ng damit ko, at ito nga pakiramdam ko magkakaroon ako ng step Nick dahil sa hindi ako gumagalaw o magawa man lang na lumingon kahit saan. First time ko mahalikan at dito pa sa lalaking ngayon ko lang nakilala."I can't wait for your memory to come back so I'll repeat what we talked about, bago ka na aksidente."Natigilan ako at dito nagawa ko ng maigalaw ang leeg ko."Ano ba 'yon?" sagot ko dahil pakiramdam ko sumasakit ulo ko ngayon."After two months we will separate, then you give me your share in the company.Napapikit ako dahil hindi ko alam ang sinasabi niya."Puwede ba? Hindi ko alam iyang share na sinasabi mo, kung gusto mo kunin mo na para tapos na ang usapan." Inis kong sagot.Isa pa bakit ang tagal? Two months pa kaming magsasama?"Ibibigay ko rin ang gusto mo." Bigla naman akong natigilan dahil sa sinabi niya at ewan ko ba biglang bumilis ang tibok ng puso
Tapos na ang okasyon at narito kami ulit sa kotse at siya na mismo ang nagmamaneho ngayon. Hindi ko na tinanong pa kung saan kami pupunta. Dahil pagod na pagod na ang pakiramdam ko sa maghapon. "What do you want now?" Sumenyas ang kamay ko na huminto muna siyang kausapin ako dahil kumikirot ang ulo ko talaga."Since you awake, everything about you has changed, including the way you speak and act." "Please naman, mamaya na tayo mag-usap?" Nakapikit ang isang mata ko dahil ang sakit talaga ng ulo.Hindi naman siya nagsalita kaya pinikit ko ng husto ang ulo ko dahil gusto kong matahimik muna saglit ang utak ko. Hindi ko na namalayan kung saan kami nagtungo, huminto na lang ang kotse kaya napalingon ako. Pumasok ang kotse sa unti-unting bumukas na malaking gate.Sandali nasaan ba kami? Saan kami pumunta.Pagpasok ng kotse ay bumungad sa mga mata ko ang malawak na espasyo at mga magagandang tanim sa gilid. Umikot sa pagitan ng malaking rebolto na malaking ibon at may lumabas sa mga gili
Matapos niyang inumin ay tumayo siya at sinabayan ng talikod at iniwan akong mag-isa dito.Ayos rin 'tong lalaki na 'to bigla na lang nang-iiwan. Inubos ko 'yung konti pa na karne sa plato ang sarap kasi, malinis naman ang tao na yun kaya hindi ako magkakasakit. Hinugasan ko lang ang plato at baso at sinabayan ko na rin ng balik sa kuwarto ko. Matagal bago ako ulit nakatulog dahil sa kinain ko kanina.----------"Ma'am?" Dumilat bigla ang mata ko dahil sa narinig kong boses, dahil para bang narito lang sa tabi ko. Nakita ko 'yung isa sa babae na nakita ko kahapon pagdating namin ni, Steven.Bumangon ako at napahikab pa ako at napansin ko na maliwanag pala dahil sa bintana. Napatayo ako bigla dahil naalala ko na aalis kami ngayong umag ni, Steven."Anong oras na?" Tanong ko agad at hinanap ko ang cellphone ko pero naalala ko na naroon pala 'yung gamit ko sa kuwarto ni, Selena."Seven thirty na po ng umaga." "Ha? Si Steven?" Tanong ko agad at tinakbo ko ang pintuan, dire-diretso ako
"Teka, hindi ba sabi mo hihintayin mo na gusto ko na rin?" nagawa ko na siyang harapin."Yes," tipid na sagot niya."Kung ganun bakit tayo magha-honeymoon? Hindi ko pa gusto." mariin kong sabi ko."Hindi ko ri naman gusto."Natigilan ako dahil sa masungit niyang sagot sa akin, kaya ginawa pinili ko na lang na manahimik.Hindi mo gusto pero aalis tayo para sa honeymoon."We'll pretend to be on a honeymoon so that others won't think anything." "Ok," sagot ko na lang."Hindi pa ba kita lubusang kilala?"Natigilan ako dahil sa tanong niya dahil para bang may laman ang tanong niya. Yung tingin niya sa akin para bang may ibig sabihin.Hindi kaya may alam siya? Hindi naman siguro dahil ang sabi ni Lolita, hindi nila pinakita si Selena, noong na-aksidente. Pinakita lang nila lalo na dito kay Steven, si Selena noong naayos na ang mukha ko."Hindi ko alam sa'yo bakit ano bang mayroon sa atin?" sagot ko lang pero doon ako nakatingin sa bintana habang nasa biyahe kami."I only know one thing, yo
Tumayo na ako dahil ang hangin sa labas baka sumakit ang tiyan ko, nakita ko si Steven, nasa sofa at nasa harap niya ang laptop. Saan galing 'yon? Wala naman siyang kahit na anong dala at may maleta doon dalawa."Kanino 'yan?" Tanong ko at tiningnam niya ako."Mga gamit natin." sagot niya lang at muling binalik ang atensyon sa laptop."Talaga?" Lumapit ako sa maleta at sinilip ang isa doon may lock na code, yung isa walang lock. Sinilip ko laman no'n mga damit pambabae kaya masasabi kong sa akin 'yon at nakita ko doon 'yung bag na maliit 'yung gamit ko na dala sa hospital. Mabilis na sinara ko 'yun dahil baka makita ni Steven, naroon ang lumang cellphone ko. Pati na ang wallet ko na may lamang picture ko at picture naming pamilya."Pinadala 'to ni Loli, ni tita Lolita?" Muntikan na akong magkamali.Tumango lang siya at bahagyang sinilip ko ang ginagawa niya at hindi ko 'yon maintindihan."Matulog ka kung gusto mo.""Hindi pa ako inaantok, saka bili ka ng beer. Yun ang gusto kong inu