Share

chapter 4

Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang suot ko ngayon, isang black dress na labas ang balikat at hindi ito umabot sa tuhod ko. Malambot ang tela at sumakto sa katawan ko, mukhang magkasukat rin kami ng katawan ni, Selena.

Napansin ko ang presensiya ni Dalia, paglingon ko sa kaniya at napansin ko na parang may pagtataka sa mukha niya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"W-wala naman po pero nanibago lang po ako kasi ngayon ko lang kayo nakitang nakasuot ng kulay itim na damit."

Natigilan naman ako at napaisip, ibig sabihin hindi mahilig sa kulay itim si Selena.

"Gusto ko na ngayon." Sagot ko lang at inaayos ko ang buhok ko.

"Bagay naman po sa inyo, ito nga pala bagay ito sa suot niyo."

Isang pares na four inches heel sa tingin ko, kulay silver ito at kumikinang ito. Bagay na bagay sa suot ko.

Kinuha ko iyon at sinuot at sakto rin iyon sa paa ko, muli akong humarap sa salamin at tumangkad ako lalong tingnan.

"Parang tumaas kayo ma'am Selena."

Kunot noo kong tiningnan si Dalia, naisip ko kung mas mababa ba ang sukat ni Selena kaysa sa akin.

"Nakakatangkad talaga kapag naka-heels ka." sagot ko at ngitian ko lang ng simple si, Dalia.

"Gusto niyo po ba na dagdagan natin ang make-up niyo? Pero sa tingin ko naman 'ay ayos na, napakaganda niyo lalo sa suot niyo ngayon kahit simple lamang ito."

"Talaga? Siguro naman magagandahan na sa akin si, Steven?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin.

"Ha? O-opo! Sigurado po iyan." masaya ang mukhang sagot ni Dalia, sa akin.

"Tapos ka na ba, Selena?"

Napalingon ako sa dumating si Lolita, pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Lumabas ka na, Dalia."

Seryoso ang mukhang sabi ni Lolita, yumuko naman si Dali at nagtungo na papunta sa pintuan at tuluyan ng lumabas.

"Hindi mahilig sa kulay itim si Selena, kaya sa susunod huwag na huwag kang magsusuot ng kulay itim."

Matapos sabihin iyon sa akin ni Lolita ay lumabas na ito.

Pati ba naman kulay ng damit kailangan kong sundin?

Napapailing na naglakad na rin ako at lumabas ng silid, tinungo ko na ang hagdan. Dahan-dahan lang ako sa pagbaba dahil baka mamaya 'ay matapilok ako.

Pagdating ko sa ibaba sa may sala naroon 'yung lalaki na magdadala sa akin kay, Steven. Sinakay ako sa kotse at umalis kami sa malaking mansyon, tahimik na nakatanaw lang ako sa bintana habang nasa biyahe.

"Kamusta na po ang iyong kalusugan ma'am Selena?"

Natigilan ako sa tanong nitong lalaki na siyang nagmamaneho, kilala niya ako bilang si Selena.

"Patawad po at nakalimutan ko na wala nga po pala kayong maalala."

"Ayos lang." Mabilis kong sagot. "Maayos na ang kalagayan ko salamat." sagot ko at tumango itong lalaki.

Nagpatuloy ang biyahe, mabilis lang naman kaya hindi naman ako nainip. Nakatingala ako sa mataas na building.

"Sumunod po kayo sa akin maam." Aya nitong lalaki.

Sumunod ako sa kaniya pero dahan-dahan ang bawat hakbang ko dahil bawat madaraanan ko 'ay tinitingnan ko.

Parang katulad sa mga nakikit ako sa picture at palabas, matataas na building at mukhang mga mayayaman ang narito.

Hindi ko namalaya ang dinaanan namin dahil ang sunod 'ay pumasok kami sa elevator at pinidot nitong lalaki ang number eight. Kami lang dalawa ang nakasakay rito.

Pagbukas ng elevator, pinauna akong lumabas nitong lalaki na hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya. Naglakad pa kami sa malinis at makintab na tiles, salamin rin halos ang nadaraanan namin.

"Sandali, ano bang mayroon bakit niya ako pinasundo? At ano nga pala ang pangalan mo?" Kuryos na tanong ko sa kaniya.

Nakatingin siya sa aking mabuti at pakiramdam ko para bang may iniisip siya dahil natitigilan siya habang nakatingin sa akin.

"May problema ba?" Takang tanong ko sa kaniya at umiling na napangiti siya.

"Naninibago lang po ako sa pagsasalita niyo ng tagalog, pasensiya na po." kamot sa tengang sabi niya.

"Masanay ka na." Sagot ko lang at naglakad ako.

"Roger, iyan po ang pangalan ko."

Sabi niya pa at sumunod siya sa akin maglakad.

"Birthday po ngayon ni sir, Steven."

Natigilan ako sa paglakad ko dahil sa sinabi ni Roger, ibig sabihin kaya niya ako dinala dito dahil birthday ni Steven.

Hindi ba alam ni Lolita? O nakalimutan niya lang?

"Pasok na po kayo ma'am nasa loob po si sir Steven."

Tumango lang ako sa sinabi ni Roger, nasa tapat siya ng pinto na nakasara at bubuksan niya na ito para sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil sa isiping maraming tao dito sa pupuntahan ko at isa pa nakaitim pa ako.

Pagbukas ng pinto, mahinang sound agad ang narinig ko. Isang malawak na sala ang nakita ko, may mahabang sopa at babasagin na lamesa. May ilang nakaupo doon at mga napatingin sa akin. Ang mga nakatayo na busy sa pag-uusap ay natigilan, hindi naman ganun karami ang taong narito, nasa pito lang sila at pang walo ako.

"Selena!"

May tumawag sa pangalan ko na babae pero hindi ko na nakita kung sino iyon dahil nasa harapan ko ngayon si Steven, naka-black suit siya na walang suot na neck tie. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa pa niya 'ay may hawak na baso na may lamang alak.

Titig na titig sa akin si Steven, seryoso lang ang mukha niya at hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ngayon.

"Steven, you're fiancè is here."

Dinig kong sabi ng lalaki at lumapit sa akin ang iba at mga nakangiti sila sa akin. Ako naman hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko, bigla akong nakaramdam ng pagkailang.

"Selena, have amnesia. Hindi niya kayo kilala,"

Umakbay sa akin si Steven, bagay na hindi ko inaasahan.

"Ganun ba? Kaya pala parang hindi mo kami kilala kanina, anyway masaya ako na maayos ka na ngayon, Selena."

Nakangiting sabi nitong babae na brown ang buhok, hinawakan niya pa ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Masaya kami dahil tuloy na talaga ang kasal niyo."

Sabi naman ng isang lalaki na malapit kay, Steven.

"Kami ang nagsabi kay Steven, na papuntahin ka dahil gusto ka na naming makita. Kahit pa alam namin na kakalabas mo lang ng hospital, pero sabi naman ni Steven, maayos ka na."

Tumango ako dito sa kulot ang buhok na babae, may nakaakbay dito na lalaki marahil ay boyfriend niya.

"Birthday mo pala hindi mo sinabi sa akin." sabi ko na kinalingon ni Steven sa akin.

Napangiti ang ilan dahil sa sinabi ko.

"Steven, bakit hindi mo sinabi kay Selena? Ikaw talaga." Pang-aasar ng isa pang lalaki.

"Oo nga." Segunda pa ng isang lalaki.

"She knows, pero dahil wala siyang maalala kaya hindi niya alam." sagot lang ni, Steven.

"Oo nga pala wala akong maalala." mahinang sambit ko.

"Mabuti pa kumain na muna tayo."

Bumitaw si Steven sa pagkakaakbay niya sa akin at nilapitan ang mga bisita niya at muli niya akong binalingan

"Come on," aya niya sa akin.

"Happy birthday." Bati ko at nilagpasan ko siya hindi ko na hinintay na sumagot pa siya, naglakad ako papunta doon sa lamesa na may mga pagkain.

Namili ako kung ano kakainin ko dahil mukhang masasarap lahat, ilan lang ang alam ko pero karamihan bago sa paningin ko.

"Hi,"

Natigilan ako sa pagkuha ng matamis, nilingon ko 'yung nagsalita at isang magandang babae. Lagpas balikat ang buhok niya na tuwid at simple lang rin ang make-up niya at napaka-elegante ang suot niya.

Tumango lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman siya kilala.

"Tama nga ang nabalitaan ko na wala kang maalala."

Muli akong napalingon sa kaniya at tiningnan ko siyang mabuti.

"Magkaibigan ba tayo?" Kuryos kong tanong sa kaniya at para bang bahagya pa siyang nagulat sa tanong ko.

"H-ha? Aa..."

May tumabi sa gilid ko at paglingon ko si Steven, napansin ko na nakatingin siya dito sa babae.

"She's Melissa, my friend."

Pakilala ni Steven, pero bakit ganun iba 'yung pakiramdam ko? Parang may something.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status