Share

Chapter 5

"Kaibigan? Ok," balewalang sagot ko at binalik ko ang atensyon ko sa kukunin kong pagkain.

"I'm sorry,"

Dinig kong sabi ni Steven, kaya naman muli akong lumingon.

"It's ok," nakangiting sabi nitong, Melissa.

"Sorry? Bakit para saan?" Takang tanong ko at sinalubong ko ang mata ni Steven, na nagtataka.

Sila lang bang dalawa ang nagkakaunawaan?

"Nothing, go ahead mukhang masarap ang mga pinahanda ni, Steven." matamis ang pagkakangiting ani ni, Melissa.

Hindi ko pinansin si Melissa, sinulyapan ko si Steven na parang may iniisip. Hinayaan ko na siya at naghanap ako ng mauupuan. Nakakita naman ako at may alak dito kaya napangiti ako.

Makakainom na ako ulit at mukhang masarap 'to imported.

"You don't drink alcohol."

Napalingon ako habang nagsasalin ng alak sa maliit na baso si Steven, naupo siya sa tabi ko.

"Iinom na ako ngayon." sagot ko at tinapos ko na ang pagsasalin.

"Don't make a scene here."

Hays! Panay English nakakakirot ng ulo naman.

"Puwede ba? Lumayo ka sa akin para hindi ako makagawa ng scene na sinasabi mo." Inis kong sabi.

"Did you come here for me?"

"Hindi." mabilis kong sagot ko at nilagok ko agad ang alak, mediyo nasamid pa ako dahil sa ang tapang hindi ko napaghandaan. Wala ring tubig kaya kinuha ko 'yung matamis na kinuha ko kanina at agad na nginuya.

"Did you really have amnesia or are you just pretending?"

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Kung nagpapangap man, para saan? May dahilan ba?" Sagot ko at napansin ko na natigilan siya, muli akong nagsalin ng alak.

"Hindi ko alam na umiinom ka na ngayon, Selena."

Hindi makapaniwalang sabi nitong kulot ang buhok na babae, nasa kabilang upuan siya.

"Nagbabago talaga ang lahat at depende iyon sa napagdaraanan." totoong sagot ko at marahan na napatango itong babae.

Ano kayang klaseng personalidad mayroon ang totoong Selena? Saka aasawahin niya ba talaga ang lalaki na 'to? Parang hindi ko naman ma-feel na may pagmamahal ang Steven na 'yon dito sa mukha na, Selena.

"Don't drink too much."

"Okey, salamat sa paalala." Taas kamay na sagot ko.

Tumayo si Steven, hindi ko alam kung saan siya pupunta at wala naman akong pakialam doon.

"I'm so excited sa kasal niyo."

Nilingon ko kulit itong kulot na buhok dahil sa sinabi niya.

"Hindi ako excited." Sagot ko agad at nagulat siya at parang hindi makapaniwala.

"Not excited? Pero hindi ba mahal na mahal mo si, Steven?"

Ininom ko muna 'yung alak bago siya sinagot.

"Siguro noong hindi pa ako naaksidente, pero kasi ngayon na nakalimot ako. Pati 'yung damdamin ko para sa kaniya nakalimutan ko na."    nakangiting sagot ko at napaawang ang bibig niya.

"I can't believe, pero siguro nga. But i'm sure na maalala mo ulit 'yung feelings mo sa kaniya." muling sabi nitong kulot.

Ang daldal naman nito at ang dami niyang alam.

"Mukhang marami ka ng nainom, nasaan ba si, Steven?"

Napatingin ako dito sa nagsalita at ngayon ko lang siya nakita dahil hindi ko siya nakita kanina. Baka bagong dating lang siya.

"Sino ka?" Tanong ko at muling nagsalin ng alak, pero inawat niya ang kamay ko.

"Nathan, pati pala ako nakalimutan mo."

Natigilan naman ako sa sinabi nitong Nathan.  Anong gagawin ko? Talaga namang hindi ko kayo lahat kilala dito, dahil hindi naman ako ang totoong Selena.

Gusto ko ng isigaw sa lahat para alam na nila pero hindi ko ginawa dahil kapalit nito ang naging kaligtasan ng mama ko.

"Stop drinking or you will get dizzy."

"Salamat sa pag-aalala pero puwede ba? Puwede ba na pabayaan na muna ako? Kaya ko ang sarili ko." naiirita na nagsalin muli ako, narinig ko pa ang pagbuntong hininga nitong, Nathan.

Hindi naman nagsalita pa itong Nathan, napansin ko na nakatingin siya sa phone niya at biglang tumayo.

"Sandali may kakausapin ako." Paalam niya.

Sumandal ako at ni-relax ang isipan ko pati na rin ang katawan ko. Hawak ko ang basong may lamang alak, nakamasid ako sa ibang bisita na narito. Pero iilan na lang ang nandito ngayon, marahil ay nag-uwian na ang iba.

Nakaramdam ako na kailangan ko ng magbanyo, tumayo ako at diretsong tumayo.

Sa una lang pala matapang ang alak na 'yon dahil mas matapang pa rin ako.

Napapangiti na napapailing ako habang naglalakad, lumibot ang mata ko at hinahanap ko ang c.r, mukha namang nakita ko na siya.

"I'm leaving."

Napahinto ako sa pagliko ko dahil sa narinig ko parehong nakatingin sa akin 'yung dalawang nag-uusap dito at walang iba si Melissa at si Steven, sa walang katao-katao na lugar.

"Sige lang ituloy niyo kailangan ko lang talaga magbawas." Nakangiting sabi ko at naglakad ako.

Nilagpasan ko lang sila habang ramdam ko na nakatingin silang dalawa sa akin.

Wala naman talaga akong pakialam kung may relasyon man silang dalawa pero...

Natigilan ako sa biglang naisip ko habang nakaupo na ako sa bowl, dahil nasa isip ko ngayon kung may relasyon silang dalawa. Dahil kung tama nga, ibig sabihin niloloko niya ang totoong Selena.

Pero ano bang pakialam ko doon? Wala naman na si Selena, kaya hindi na dapat ako mag-alala dahil hindi naman ako si, Selena.

"Tama." Sambit ko at tumayo na ako.

Paglabas ko wala na 'yung dalawa at mabuti naman umalis na sila, bumalik na ulit ako at napalingon ako sa kanan ko. Sa labas, doon sa may terrace naroon yung Nathan si Steven, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Close din pala sila

Hinayaan ko na sila at pagbalik ko doon sa sopa kung saan ako nakaupo ay wala ng mga tao.

"Nasaan na sila? Ngayon pa lang ako mag-eenjoy." Mahinang litanya ko at naupo.

"Selena, come on. Ihahatid na kita na sa inyo."

Napahinto ako sa balak na pag-inom ng alak dahil sa biglang sulpot nitong si, Nathan.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya."

Napalingon naman si Nathan, si Steven. Napansin ko na matagal silang nagkatinginang dalawa.

"Hindi pa ako uuwi, sige na umuwi ka na ayos lang ako dito." nakangiting sabi ko dahil ayoko pa umuwi.

"Soon she's my wife, ako na ang may pananagutan sa kaniya. Don't worry about her because I will bring her home safely."

Tumuro kamay ko kay Steven, dahil sumangayon ako sa sinabi niya.

"Tatawag na lang ako at kapag nakauwi ka na sa inyo."

"Ok sige, mag-iingat ka." nakangiti ako at saglit na sinulyapan niya pa si Steven, bago siya tumalikod.

Muli akong nagsalin at mediyo nangangapal na ang pagmumukha ko dahil marami na rin akong nainom na alak.

"Ihahatid na kita."

"Ha?" Takang sagot ko dahil kakaalis no'ng Nathan, tapos ngayon ihahatid niya na ako.

"I have something important to go." Seryosong sabi niya.

Saan naman kaya baka naman doon kay, Melissa.

"Ayoko pang umuwi." inis kong sagot. "Sasama ako sa'yo." sagot ko pa.

Nagsalubong ang kilay ni Steven sa akin at parang hindi siya makapaniwala.

Bahala ka ayoko pang umuwi kaya sasama ako sa'yo kahit pa doon ka kay Melissa pupunta. Ayoko pang umuwi, ngayon pa lang ako nakalaya na walang CCTV sa paligid.

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status