Matapos niyang inumin ay tumayo siya at sinabayan ng talikod at iniwan akong mag-isa dito.Ayos rin 'tong lalaki na 'to bigla na lang nang-iiwan. Inubos ko 'yung konti pa na karne sa plato ang sarap kasi, malinis naman ang tao na yun kaya hindi ako magkakasakit. Hinugasan ko lang ang plato at baso at sinabayan ko na rin ng balik sa kuwarto ko. Matagal bago ako ulit nakatulog dahil sa kinain ko kanina.----------"Ma'am?" Dumilat bigla ang mata ko dahil sa narinig kong boses, dahil para bang narito lang sa tabi ko. Nakita ko 'yung isa sa babae na nakita ko kahapon pagdating namin ni, Steven.Bumangon ako at napahikab pa ako at napansin ko na maliwanag pala dahil sa bintana. Napatayo ako bigla dahil naalala ko na aalis kami ngayong umag ni, Steven."Anong oras na?" Tanong ko agad at hinanap ko ang cellphone ko pero naalala ko na naroon pala 'yung gamit ko sa kuwarto ni, Selena."Seven thirty na po ng umaga." "Ha? Si Steven?" Tanong ko agad at tinakbo ko ang pintuan, dire-diretso ako
"Teka, hindi ba sabi mo hihintayin mo na gusto ko na rin?" nagawa ko na siyang harapin."Yes," tipid na sagot niya."Kung ganun bakit tayo magha-honeymoon? Hindi ko pa gusto." mariin kong sabi ko."Hindi ko ri naman gusto."Natigilan ako dahil sa masungit niyang sagot sa akin, kaya ginawa pinili ko na lang na manahimik.Hindi mo gusto pero aalis tayo para sa honeymoon."We'll pretend to be on a honeymoon so that others won't think anything." "Ok," sagot ko na lang."Hindi pa ba kita lubusang kilala?"Natigilan ako dahil sa tanong niya dahil para bang may laman ang tanong niya. Yung tingin niya sa akin para bang may ibig sabihin.Hindi kaya may alam siya? Hindi naman siguro dahil ang sabi ni Lolita, hindi nila pinakita si Selena, noong na-aksidente. Pinakita lang nila lalo na dito kay Steven, si Selena noong naayos na ang mukha ko."Hindi ko alam sa'yo bakit ano bang mayroon sa atin?" sagot ko lang pero doon ako nakatingin sa bintana habang nasa biyahe kami."I only know one thing, yo
Tumayo na ako dahil ang hangin sa labas baka sumakit ang tiyan ko, nakita ko si Steven, nasa sofa at nasa harap niya ang laptop. Saan galing 'yon? Wala naman siyang kahit na anong dala at may maleta doon dalawa."Kanino 'yan?" Tanong ko at tiningnam niya ako."Mga gamit natin." sagot niya lang at muling binalik ang atensyon sa laptop."Talaga?" Lumapit ako sa maleta at sinilip ang isa doon may lock na code, yung isa walang lock. Sinilip ko laman no'n mga damit pambabae kaya masasabi kong sa akin 'yon at nakita ko doon 'yung bag na maliit 'yung gamit ko na dala sa hospital. Mabilis na sinara ko 'yun dahil baka makita ni Steven, naroon ang lumang cellphone ko. Pati na ang wallet ko na may lamang picture ko at picture naming pamilya."Pinadala 'to ni Loli, ni tita Lolita?" Muntikan na akong magkamali.Tumango lang siya at bahagyang sinilip ko ang ginagawa niya at hindi ko 'yon maintindihan."Matulog ka kung gusto mo.""Hindi pa ako inaantok, saka bili ka ng beer. Yun ang gusto kong inu
"Maligayang pagbabalik sir, Guevara at maligayang pagdating rin sa inyo Mrs. Guevara." Sabay-sabay na bati sa amin ng apat na taong narito, may mga naka-sumbrero at nakasuot na pang-chef at dalawang babae na pareho ang suot."Sir nakahanda na po ang pagkain." nakangiting sabi ng babae na mediyo may edad na."Kumain muna tayo." aya niya sa akin.Sumunod lang ako sa kaniya at panay ang tingin ko sa paligid, kasi yung style nitong bahay para bang sinauna. Kasi ang hagdan hindi bato, para bang alaga sa lampaso sa bunot. Ang mga display dito na painting pang sinauna at mga upuan yung mga narra at may mga design sa ibabaw, pati ang mga kurtina na malalaki. Pero masasabi kong ang ganda at sobrang linis.Ang lamesa na mahana na yari sa narra rin pero may salamin ang ibabaw, maraming masasarap na pagkain ang narito at hindi ko inaasahan dahil yung karaniwang pagkain ang nandito. Tulad ng adobo, langka na gata pritong tilapia, may mangga sinagang na baboy at inihaw na bangus."Kumakain ka pala
"Napakahusay ng iyong pagkakagawa at habang pinagmamasdan ko siya pakiramdam ko muling nabuhay ang aking pamangkin.""Tama ka Mrs, Galvez."Tahimik na nakatanaw lang ako sa bintana, pakiramdam lagpas-lagpasan ang tinatanaw ng mata ko. Wala akong pakialam sa pinag-uusapan nitong si Lolita at ang doctor na nagretoke sa mukha ko.Tama retokada na ako dahil sa malaking desisyon ko, ngunit hindi ko naman ito pagsisihan dahil para sa kaligtasan ng mama ko. Gagawin ko ang lahat kahit kapalit nito ang pagkawala ng pagkatao ko bilang si, Lisa."Selena Galvez, tandaan mo lagi ang pangalan mo at siguro naman susunod ka ng maayos sa aking mga inuutos sa'yo?"Nilingon ko si Lolita, ang tita ng tunay na Selena. Napakasama ng ugali niya dahil kahit wala na ang tunay na Selena, gumawa siya at kabilang ang asawa niya sa muling pagkabuhay ng kanilang pamangkin."Selena."Napakurap ang mata ko dahil sa muling pagtawag sa bago kong pangalan, noong una 'ay parang ayaw pang tangapin ng isipan ko ang bago k
Tahimik na nakatanaw ako sa bintana habang nasa biyahe kami, dadalhin ako ngayon ni Lolita sa bahay kung saan nakatira si Selena. Ang paalam ko sa mama ko at dalawang kapatid, nagtatrabaho ko at stay-in iyon kapalit ng pagpapa-opera niya.Tangap ko na at pinilit ko iyon sa sarili ko na kailangan kong matanggap agad."Dito na magsisimula ang lahat kaya naman kailangan ayusin mo ang trabaho mo, huwag mo sayangin ang tulong na ginawa namin para sa mama mo."Tiningnan ko lang si Lolita sa salamin pero hindi ako sumagot, yung asawa niya ngayon ang nagmamaneho. Ito ang nagsundo sa amin sa hospital."King magkakaroon ng problema o nahihirapan ka sa mga taong makakaharap mo, tawagan mo lang kami agad."Tumango lang ako kay Henry, ang kapatid ng papa ni Selena na tito na dapat ang itatawag ko. Siya ang asawa ni Lolita, nalaman ko iyon dahil sa mga sinabi ni Lolita tungkol sa ilang mga kamag-anak ni Selena.Natigilan naman ako sa pag-iisip ng may tumutunog, napatingin sa akin si Lolita at ganu
"Ma'am Selena, nariyan po si Mr. Steven, hinahanap niya po kayo."Dumilat ang mata ko at saglit na umikot sa paligid, sumunod nakita ko si Dalia."Bukas po ang pinto kaya pumasok na ako dahil hindi po kayo sumasagot."Paliwanag ni Dalia, nakatulog ako dahil sa lambot ng higaan ko at unan na rin."Nandiyan si Steven?" Paglilinaw ko na tanong at tumango si, Dalia."Mag-shower po muna kayo para mapreskohan kayo." nakangiting ani ni, Dalia."Hindi na." Sagot ko at tinungo ko ang pinto para lumabas na."Pero ma'am!"Hindi ko na pinansin si Dalia, dahil bakit kailangan ko pang mag-shower para kay, Steven? Isa pa kakagising ko lang kaya wala ako sa mood maligo.Napalingon ako sa likuran ko dahil mahaba ang pasilyo, inaalala ko sa isipan ko ang dinaanan namin kanina hanggang sa makita ko ulit ang malaking litrato ng papa ni, Selena. Saglit ko lang iyon tiningnan at nagpatuloy na ako sa paglalakad.Nakarating ako sa hagdan at dahan-dahan na bumaba ako doon, ngunit natigilan ako dahil may lalak
Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ko ang suot ko ngayon, isang black dress na labas ang balikat at hindi ito umabot sa tuhod ko. Malambot ang tela at sumakto sa katawan ko, mukhang magkasukat rin kami ng katawan ni, Selena. Napansin ko ang presensiya ni Dalia, paglingon ko sa kaniya at napansin ko na parang may pagtataka sa mukha niya. "Bakit?" Takang tanong ko. "W-wala naman po pero nanibago lang po ako kasi ngayon ko lang kayo nakitang nakasuot ng kulay itim na damit." Natigilan naman ako at napaisip, ibig sabihin hindi mahilig sa kulay itim si Selena. "Gusto ko na ngayon." Sagot ko lang at inaayos ko ang buhok ko. "Bagay naman po sa inyo, ito nga pala bagay ito sa suot niyo." Isang pares na four inches heel sa tingin ko, kulay silver ito at kumikinang ito. Bagay na bagay sa suot ko. Kinuha ko iyon at sinuot at sakto rin iyon sa paa ko, muli akong humarap sa salamin at tumangkad ako lalong tingnan. "Parang tumaas kayo ma'am Selena." Kunot noo kong tiningnan si