Share

chapter 2

Tahimik na nakatanaw ako sa bintana habang nasa biyahe kami, dadalhin ako ngayon ni Lolita sa bahay kung saan nakatira si Selena. Ang paalam ko sa mama ko at dalawang kapatid, nagtatrabaho ko at stay-in iyon kapalit ng pagpapa-opera niya.

Tangap ko na at pinilit ko iyon sa sarili ko na kailangan kong matanggap agad.

"Dito na magsisimula ang lahat kaya naman kailangan ayusin mo ang trabaho mo, huwag mo sayangin ang tulong na ginawa namin para sa mama mo."

Tiningnan ko lang si Lolita sa salamin pero hindi ako sumagot, yung asawa niya ngayon ang nagmamaneho. Ito ang nagsundo sa amin sa hospital.

"King magkakaroon ng problema o nahihirapan ka sa mga taong makakaharap mo, tawagan mo lang kami agad."

Tumango lang ako kay Henry, ang kapatid ng papa ni Selena na tito na dapat ang itatawag ko. Siya ang asawa  ni Lolita, nalaman ko iyon dahil sa mga sinabi ni Lolita tungkol sa ilang mga kamag-anak ni Selena.

Natigilan naman ako sa pag-iisip ng may tumutunog, napatingin sa akin si Lolita at ganun rin si Henry. Sa bag ko galing ang tumutunog, binuksan ko ang bag at 'yung cellphone na binigay ni Lolita sa akin ang tumutunog. Ito ang cellphone ni Selena.

"Sino ang tumatawag?" Kuryos na tanong ni, Lolita.

"Si, Steven." sagot ko at sumenyas sa akin na sagutin ko.

Hindi ko inaasahan na tatawag si Steven, alam ko agad na siya ang tumatawag dahil sa screen ng cellphone. Pagka-touch ko sa screen, hindi muna ako sumagot.

"Are you home now?"

Baritonong boses ang narinig ko sa kabilang linya at hindi ko agad nagawang sumagot dahil sa magandang boses na narinig ko.

"Selena."

"Ha? Oo, ako nga." Nagulat na sagot ko at napatingin ako kay Lolita na nakatingin rin sa akin.

"I'll call you later."

Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil wala na sa kabilang linya si, Steven.

"Ano'ng sabi niya?" Tanong ni Lolita.

"Tinatanong niya kung nakauwi na ako at tatawag na lang 'daw siya mamaya." mababa ang boses na sagot ko.

Walla namang iba pang sinabi si Lolita, muling natahimik sa loob ng kotse. Tinuon ko ulit ang aking atensyon sa bintana.

---------

"Ito ang bahay ni Selena, pinamana ito sa kaniya ng kaniyang yumaong ama."

Hindi ko naman inaasahan ang sinabi ni Lolita na patay na pala ang papa ni Selena, nawala sa isip ko na tanungin ang tungkol sa pamilya ni Selena.

"Ang mama niya?" Seryosong tanong ko.

"Wala na run, pitong taong pa lang si Selena ng mamatay ang mama niya."

Nalungkot naman ako sa nalaman ko tungkol kay Selena, wala na pala siyang mga magulang. Ngayon magkakasama na silang lahat sa langit dahil pati rin siya 'ay namatay na rin.

"Dalhin niyo siya sa kanyang silid, walang natatandaan na kahit na ano si Selena, kaya naman unawain niyo siya."

Tiningnan ko ang mga kausap ni Lolita, wala na si Henry at hindi ko napansin king saan siya nagpunta. Apat na babae at dalawang ang narito sa harapan ni Lolita, dito sa maluwang na sala.

"Masusunod po ma'am Lolita."

Sabay-sabay na sagot nila kay Lolita, sila ang mga kasambahay dito dahil sa mga suot nilang pareho-parehong uniporme.

"Dalia, samahan mo na si Selena. Kailangan niyang magpahinga dahil hindi pa siya lubos na nakakabawi."

"Masusunod po."

Nakatingin ako doon sa tinawag na Dalia, lumapit siya sa akin at nakangiting kinuha sa akin ang bag na hawak ko.

"Halika na po ma'am Selena, dadalhin ko kayo sa inyong silid."

Tumango lang ako kay Dalia, sumunod ako sa kanya pag-akyat sa mahabang hagdan. Para akong prinsesa habang umaakyat dahil sa napakagandang hagdan, ang kintab at halatang alaga sa pagpupunas.

Ang laki rin ng ilaw sa itaas na kumikislap na para bang ma diyamante. Pagdating sa itaas, maraming mga nakasabit na paintings at kung anu-ano pang mga display sa bawat paligid. Pero napahinto ako sa isang larawan na napakalaki, isang lalaki na kababakasan sa kaniyang pagkatao ang malakas na personalidad.

"Natatandaan niyo po ba siya?"

Nilingon ko si Dalia na nakatingin rin sa picture na tinitingnan ko, marahan na umiling ako dahil talaga namang hindi ko siya kilala.

"Siya po ang papa niyo, si sir Romulo Galvez."

Napatitig ako sa mukha ng papa ni Selena, magandang lalaki ito kahit may edad na ito sa picture na tinitingnan ko ngayon.

"Halika na ho para makapagpahinga pa kayo, ipaghahanda namin kayo ng pananghalian."

Pilit na ngiti ang pinakita ko kay Dalia, hanggang sa may buksan siyang pinto. Nauna siyang pumasok at dahan-dahan akong sumunod rin sa kaniya.

"Araw-araw po namin itong nililinis kaya po magiging kumportable kayo kapag matutulog kayo."

"Salamat." mahinang sagot ko at nakangiting tumango sa akin si, Dalia.

"Maiwan ko na po kayo at kung may kailangan kayo tumawag lang kayo sa akin." pahabol pa ni Dalia bago tuluyang lumabas ng pinto.

Naiwan akong mag-isa dito sa silid, lumibot ang mata ko sa kabuan ng kuwarto. May sopa at mababang lamesa na yari sa salamin, may lagayan ng mga libro.

Mahilig pala magbasa si Selena, samantalang ako ay walang hilig.

Lumakad ako at lumapit sa mga librong maayos na nakalagay sa lagayan. Tiningnan ko lang ang mga title pero kahit isa doon 'ay hindi ako pamilyar.

Hanggang sa makita ko ang nag-iisang  litrato dito sa may gilid ng telepono. Kinuha ko 'yon at tiningnang mabuti, saglit na napaisip ako.

Selena?

Siya na nga ito wala ng iba, pinagmamasdan ko ang mukha ng totoong Selena. Maganda siya at may katangusan ang ilong, hindi ganun kaputi pero makinis balat. Tulad ko itim rin ang kaniyang buhok na lagpas hanggang balikat. Ito pala ang bagong mukha ko.

Selena, patawad king dahil sa akin ay nabuhay kang muli. Sana naman ay hindi kita nagambala, patawad rin dahil ginawa ko ito para sa mama ko.

Muling binalik ko ang litrato sa lagayan, lumakad akong muli at isang malaking kama ang nakita ko at malalaking cabinet ang mga nakita ko. May salamin iyon kaya naman nakita ko na ang itsura ko ngayon.

Yung litrato na nakita ko ay nakikita ko ngayon dito sa salamin, hinawakan ko ang pisngi ko at masasabi kong totoo nga na ako na ngayon si, Selena. Tumalikod na ako at nagtungo sa kama para humiga.

Sobrang lambot ng kama at napakadulas ng sapin, ang mga unan ang lalambot. Niyakap ko ang isa at pinikit ko ang mata ko.

Magsisimula na ang buhay ko bilang si Selena, hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko na bilang si, Selena.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status