Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari ako na walang alam. Tinapunan niya ulit ako ng tingin at ng walang matanggap na sagot mula sa akin ay nagpokus ito sa pagmamaneho. Ang abusado ng lalaking iyon. Linggo ngayon pero pinagreport ako! Isumbong ko ‘yon sa school eh! Pumasok ako na pakiramdam ko ay lumulutang ako. Paano ba naman na hindi eh wala pa akong tulog. Matapos akong ihatid ni Sir Ben ay agad akong nagpunas at tumapat sa laptop ko para tapusin ang mga report ko. Nagulat na lang ako na bigla ng tumunog ang alarm clock ko. Hudyat na 6AM na. Maling desisyon din ata na naligo ako. Dahil ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba ‘to sa hangover? Kulang sa tulog ngayong araw? O epekto na ‘to ng labis na kakulangan ng tulog nitong linggo na ‘to. “Here” wika ko sa lalaking ito.Minsan hindi ko na alam kung Sir Ben o Samuel ba itatawag ko sa kanya. Pero dahil nasa office naman kami ay tatawagin ko siyang Sir Ben katulad kung paano siya tawagin ng mga narito. Kinu
Tama nga si Tim. Kahit anong gawin ko mukhang sadyang minamasama talaga ni Sir Ben. May deadline akong kailangan habulin pero nasa chapter 1 pa rin ako ng pinapagawa niya dahil lang sa wala siyang tinatanggap sa mga pinapasa ko. Puro revisions na ginagawa ko tapos hindi niya pa rin tinatanggap? Parang napapaisip na ko kung hindi ba talaga ako magaling? O pinepersonal na ako nito?“Revise it” wika niya matapos tapunan ng tatlong segundong tingin ang gawa ko. ‘Ikaw na kaya gumawa’ gustong-gusto ko na isigaw sa kanya ‘yan pero syempre hindi pwede. Napapikit ako at huminga. “Pangit po ba talaga?” tanong ko rito. Kibit-balikat lang ang sagot niya. Kinuha ko ang papel sa lamesa niya at tumalikod. Ngunit apat na hakbang pa lang ang ginagawa ko ay tumigil na ako. Ramdam ko pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Huminga ako nang malalim bago ito muling harapin. “Fine” madiin na wika ko rito. Tinaasan ako nito ng isang kilay. Naghihintay sa susunod kong sasabihin. “Pumapayag
“Alam mo, simula ng dumating ka kanina parang wala ka sa wisyo” puna ni Tim. Sabay ang out namin ngayon at naghihintay kami ng masasakyan. Tiningnan ko lang ito. Naramdaman ko ang palad nito sa noo ko. “Mukhang normal naman temperature mo” wika niya “pero kung masama pakiramdam mo sabihan mo lang ako ha?” pag-aalala niya. Nginitian ko lang ito at tinanguan. Binalik niya na ang tingin sa daan. Napapikit ako at napailing ng ulo. Kainis. Bakit ko ba kasi iniisip iyong kiss na ‘yon!Flashback Hindi ako nakagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa biglaang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Ilang segundo na magkalapat lang ang mga labi namin. Pigil din ang paghinga ko. Nang mabalik ako sa wisyo ay sinubukan ko na itulak ito ngunit ng gagawin ko pa lang iyon ay naramdaman ko na ang paghigit nito sa baywang ko at naramdaman ang paggalaw ng labi nito. Kung nagulat ako sa paghalik niya sa akin ay mas nagulat ako nang unti-unti ay hindi ko napansin na tinutugunan ko na pala ang mga halik ni
“I’m tired of how she ignores me” salubong niya habang nakangiti at hawak ang bouquet ng bulaklak na ako rin ang pumili. Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Kahit naguguluhan sa sinabi ay pilit akong nagpaka-nonchalant sa harap niya. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Nasa private room kasi kami kaso ay glass ang wall kaya nakikita nila kami pero hindi naman naririnig. “Tonight, I want you to pretend to be my girlfriend ng hindi ako mapahiya sa mga taong narito.” wika niya habang tinutulungan ako umupo. Napatigil ako sandali. Napalinga sa paligid at hindi sigurado kung uupo ba ako. Nag-aalinlangan na baka biglang dumating si Miss Madeline. “Where is your ex-fiancé, Sir Ben??” tanong ko para matigil ang pag-aalinlangan ko. “Madeline. That’s her name.” She didn't show up, so have this dinner with me instead.” Alam kong tama lang kung nakakaramdam ako ng guilt dahil nasa sitwasyon siya na ‘to ngayon dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano natapos ang dinner
Nagising akong mabigat ang nararamdaman. Ayokong paniwalaan ang dahilan kung bakit. Ganito ba talaga akong karupok? Baka infatuation lang ‘to. Mawawala rin ‘to. Naalala ko yung sinabi ni Tim sa akin noon noong sinabi ko sa kanya na never ako magkakagusto sa lalaking ito ‘huwag kang magsalita ng tapos’ ayoko siyang maging tama.Pagdating ko sa office ay ang nagkukumpulang mga co-intern ko ang nakita ko. “Ang ganda talaga niya no?” wika ng isa. “Bagay na bagay sila ni Sir Ben” wika ng isa pa. Dumiretso ako sa pwesto ko at pilit na hindi pinansin ang usapan nila. “Good morning, Althea” pagbati ni Enzo. Isa sa mga kasama namin na galing sa ibang school. “Hoy, Enzo. Anong ngiti ‘yan ha?” panunukso ni Lyka na ginatungan ng mga kasama namin. “Ang aga-aga lumandi ha” wika ng isa. Tinawanan lang sila ni Enzo. Ako naman ay ngumiti at tango lang dito. Nilapitan ako ni Lyka at tinukso. Hindi niya ko tinantanan hanggang sa hindi mag 8AM. 7:45 pa lang kasi at himalang napaaga kaming l
“Well presented. I like it.” papuri ng isa sa mga board director ng BMC.Ngayon ang araw ng presentation sa business report na pinagawa sa amin ni Sir Erwin dati. Iyong report na iyon ay tungkol sa analysis sa naging performance ng company sa previous year. Aaminin ko na nakatulong din yung report na pinapagawa ni Sir Ben dahil nakakuha ako ron ng mga idea para sa business report ko na siyang naging dahilan para mapili ako na makasali sa quarterly board meeting ngayon. Malaking tulong ‘to sa akin para mapakita na deserving akong makapasok sa BMC. “Pwede ka ng maging board director” birong wika ng isa pa sa mga board director na kanina pa nagpapakaba sa akin. Ang ama ni Miss Madeline.Nandoon din siya noong gabi ng wedding engagement na nasira ko pero mukhang hindi niya ako namumukhaan. “Thank you, sir” ngiting wika ko rito at bahagyang yumuko. Nadako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa gitna. Walang ekspresyon ang mukha nito at nakatingin lang sa akin. Pagkatapos ng meeting ay
“Smile” rinig kong wika ng nasa likod ko at pagharap ko ay sinalubong ako ng nakakasilaw na flash ng camera.“Ay sorry may flash pala” tumatawang wika ni Enzo.Sinimangutan ko ito. “Muntik na ko mabulag” nakangusong wika ko.“Ako naman muntik na magka-diabetes” singit ni Lyka “ang aga-aga naglalandian kayo” bitter na wika nito.“Sinusubukan ko lang pangitiin si Althea” abot hanggang tenga na wika ni Enzo. Nabawasan ang ngiti niyang iyon ng humarap ito sa akin “after kasi ng dinner natin kasama yung mga kaibigan ko parang hindi na kita nakitang ngumiti” may pag-aalinlanagn sa boses niya. Para bang ang tagal niya kinimkim yung bagay na yon. “Una na ko” pabulong na wika ni Lyka. Isang awkward na tawa ang nabitawan ko.“Sorry, Enzo. Hindi ko alam na ‘yan na pala iniisip mo” tipid akong ngumiti “pero promise, wala kang kasalanan.” paninigurado ko at malapad na ngumiti. Tiningnan ako nito, tinatansya kung nagsasabi ako ng totoo. Maya-maya ay malapad din itong ngumiti. “Sige sabi mo eh”
“Alam mo ang sama ng mukha mo kahapon pagkarinig mo kung sino yung kausap ng boss mo. Na fall ka na ba ron?” panunukso ni Tim.Inambahan ko siya ng pamunas na hawak ko. Kanina niya pa kasi ako tinatawanan. “Patingin nga ko kung ano mukha ng fiancée non” dagdag niya.“Tigilan mo ko.” pagsusungit ko rito.“Good eve.” wika ni Sir Seb na kararating lang.Tinapunan ko si Tim ng tingin na nagsasabing manahimik na siya.“Good eve, sir.” sabay naming wika ni Tim. Tinanguan niya kaming dalawa pero sa akin nadako ang huling tingin niya.“Tim will stay sa Christmas break. Ikaw? Kailan mo balak umuwi?” “Next Sunday po, sabay sa Christmas break namin” sagot ko rito “excited din po kasi ako na makita na yung pamangkin ko.” hindi maitago ang excitement sa boses ko.“I see. Gusto mo ihatid na kita sa airport?” wika nito. Paulit-ulit akong napailing. “Hindi na po. Kasama ko naman friend ko” paninigurado ko rito.“I see,” wika niya bago kinuha iyong coffee na ginawa para sa kanya “you guys take ca
Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted
“Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang
“Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak
Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”
Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili
Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang
Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.
Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter
Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in