Hindi inasahan ni Laura na may epekto pa rin sa kanya si Lance makalipas ng mahigit isang taon na hindi nila pagkikita. Napagtanto niya iyon nang muli silang magkita sa wedding rehearsal ng mga kaibigan nila at nang masundan pa ang mga pagkikita nila. Hindi man naging opisyal ang relasyon nila, si Lance ang unang lalaking totoong minahal niya pero bigla na lamang na naputol ang komunikasyon nila. Nalaman na lamang ni Laura na inagaw nito ang girlfriend ng best friend nito. Sinubukan ni Laura na iwasan si Lance dahil siguradong magugulo lang nito ang maayos niyang buhay kapag muli silang nagkalapit. Pero hindi siya nagtagumpay dahil tila sinasadya ng pagkakataon na magkasama sila. Eventually, Lance asked her for a second chance. Pumayag naman si Laura. Ang akala niya ay wala na silang magiging problema, pero natuklasan niya ang malaking kasalanan na nagawa sa kanya ni Lance.
View MoreINULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su
HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng
Manhattan, New YorkInilibot ni Lance ang tingin pagpasok sa studio at hinanap ng tingin si Laura. Napangiti siya nang makitang naroon pa rin ang dalaga at patuloy pa rin sa trabaho nito. Kasalukuyang ginaganap ang photoshoot para sa isang men’s magazine. Isa si Lance sa mga modelo at photographer naman si Laura. Tapos na ang trabaho niya kaya nagpalit na siya ng casual clothes. Bumalik siya sa loob ng studio para sunduin si Laura dahil may usapan sila na magdi-dinner pagkatapos ng trabaho nito. Tumayo sa isang sulok si Lance para panoorin ang pictorial at hintayin na rin si Laura na matapos. Pero sa photographer lang nanatili ang mga mata niya. Habang nakatingin kay Laura ay muli na naman siyang humanga sa kagandahan nito. Gusto rin niya ang serious at professional look nito habang nagtatrabaho. Ang totoo ay kanina lang sila pormal na nagkakilala ni Laura. Pero kagabi pa ang first encounter nila. Hindi niya maiwasang mapangiti at mapailing nang maalala ang unang ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments