London, United Kingdom
MATAPOS masigurong nasa maleta na ang lahat ng mga gamit na kakailangan niya sa trabaho, isinara na ni Laura ang maleta at inilagay sa gilid ng pinto. May trabaho ulit siya sa Pilipinas at bukas na ng tanghali ang flight niya.
Tinungo ni Laura ang walk-in closet para mag-impake naman ng mga damit. Kung dati ay hindi niya gaanong pinagkakaabalahan ang pagpili ng mga damit na dadalhin, ngayon ay siniguro muna niya na babagay sa kanya ang mga iyon bago inilagay sa maleta. Hindi lang kasi trabaho ang dahilan ng pagpunta niya sa Pilipinas. Magkikita din sila ng lalaking kasalukuyang nagpapasaya sa kanya – si Lance.
Mula nang magkita sila ni Lance sa Cebu two months ago ay hindi na sila nawalan ng komunikasyon. Tatlong beses na silang muling nagkita sa New York. At sa susunod na linggo naman ay sa Pilipinas.
Gusto niya na palagi siyang maging maganda paningin ni Lance. Ayaw din niya na maging alangan siya sa binata at mapintasan ng mga tao kapag nakita silang magkasama. Celebrity pa naman si Lance. Baka rin kasi maisipan ni Lance na ipakilala siya sa pamilya nito at mga kaibigan.
Napailing si Laura sa huling naisip. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganoon. Kinikilala pa lamang nila ng binata ang isa’t –isa at wala pa silang pormal na relasyon.
Nang sa wakas ay matapos si Laura sa pag-iimpake, lumabas siya ng kuwarto at nagtungo sa kuwarto ni Tamara. Gusto niyang makipagkuwentuhan sa kaibigan dahil matagal-tagal din siyang mawawala. Plano na rin niyang sabihin ang tungkol kay Lance. Sinadya niyang hindi sabihin kay Tamara ang pakikipagmabutihan niya sa binata dahil alam niyang magagalit ito. Gayunpaman, tiwala siya na mauunawaan at susuportahan din siya ni Tamara.
Nag-warning knock si Laura bago pumasok nakabukas na kuwarto ni Tamara. She was living with Tamara for years. Nagkakilala sila nang bisitahin niya ang Uncle Marcio niya sa Vienna, Austria na isang music teacher. Kilala ang Vienna sa pagkakaroon ng mga street performers. Dahil marunong siyang tumugtog ng piano at violin, napagtripan niyang tumugtog para maglibang. Nang minsang muli siyang tumugtog, isa si Tamara sa mga nanood at unang pumapakpak sa kanya matapos niyang sunod-sunod tugtugin ang masterpiece ni Franz Liszt. Tinanong niya ito kung gusto nitong tumutugtog kasama siya nang makita ang dala nitong violin. Pinaunlakan naman siya ni Tamara.
She was surprised Tamara was good. Mas magaling pa sa kanya. Dahil parehong Filipino, kaagad na nagkasundo sila, nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan. Sa tulong ni Uncle Marcio ay nakapasok sila ni Tamara sa pinagtuturuan nitong music convervatory at napasama sa mga recitals. Nakapag–perform sila sa tanyag na Vienna State Opera. Pero si Tamara lang nagpatuloy mag-aral ng classical music dahil na-realized niya na hindi ang pagtugtog ang gusto niyang gawin sa buong buhay niya. Alam din niya na hindi siya kasing talented ni Tamara sa pagtugtog. Sumama ang loob sa kanya ng kaibigan pero hindi nagtagal naunawaan din siya nito. Nag-enroll siya sa Photography at magkasama silang tumira sa isang apartment.
Years passed, kasabay ng sunod–sunod na pagkapanalo ni Laura sa mga photography contest, unti–unti namang nakilala si Tamara bilang pianista.Napabilang ang sarili nitong masterpiece sa isang album kasama ng ilang tanyag na classical musician sa Vienna. Lumahok din ito sa iba’t–ibang patimpalak sa Europe at nagwagi. Hindi naglaon ay nagkaroon si Tamara ng sarili nitong album na naging daan para unti–unti itong sumikat hindi lamang sa Europe kundi sa buong mundo. Nang mag-settle down si Tamara sa London ay sumama rin rito. Nagtrabaho muna siya ng ilang taon sa iba’t -ibang Advertising at Publishing Company sa London at sumali sa iba’t-ibang photography contest sa Europe at Amerika bago nag-freelance.
Nakikitira siya sa bahay ni Tamara kahit kayang-kaya naman niyang bumili ng sariling property dahil nangako sila sa isa’t-isa na hindi sila maghihiwalay ng tirahan maliban na lamang kung magkakaroon na sila ng sariling nilang mga pamilya.
Nadatnan ni Laura si Tamara sa couch at nanonood ng TV. Tila nagulat pa ito sa biglang pagdating niya. Tumingin ito sa TV at pagkatapos ay tarantang hinawakan ang remote.
“Don’t turn it off. Nahuli na kita,” umiiling na sabi ni Laura habang pumapasok. Nakita niya ang pinapanood ni Tamara. As usual, nanonood na naman ito ng talk show ni Ethan Escobar sa Filipino Channel ang Today’s People.
“Anniversary kasi ng Today’s People kaya hindi ko matiis na hindi manood,” alibi ni Tamara. Itinuloy nito ang pag-off ng TV dahil tapos na ang programa.
“You’re always watching his show,” pa-sarcastic niyang sabi.
Tumawa lang si Tamara.
Ethan Escobar was a celebrity in the Philippines and also Tamara’s first love . Nagtanan ang mga ito at the age of seventeen. Pero tinalikuran ni Ethan si Tamara at bumalik sa pamilya nito nang mapagtantong hindi pa nito kayang panindigan ang kaibigan niya. Dahil doon ay namuhi nang husto si Tamara kay Ethan at sinunod ang kagustuhan ng mommy nito na magtungo sa Vienna at mag-aral ng classical music.
Maraming taon na ang nakalipas at successful na rin sa kani-kaniyang career ang dalawa pero hindi pa rin nagawang maka-move on ng kaibigan niya. Namumuhi pa rin ito kay Ethan pero parang baliw naman na nakasubabay sa career ng binata na parang isang stalker. Maraming beses na nainis siya sa inakto ni Tamara. Umaasa din kasi ito na tutuparin ni Ethan ang ipinangako na babalikan at hahanapin ito kapag naging successful na ito lalo na at single pa rin si Ethan. Pero hindi naman nito tinutupad ang ipinangako.
“You should see a shrink,” suhestiyon niya nang minsang maabutan si Tamara na nonood na naman ng Today’s People sa laptop nito ilang linggo pa lamang ang nakararaan.
Nahihiyang isinara ni Tamara ang laptop.
“I’m serious, Tam,” naaawa niyang sabi.
Hindi pa ako baliw, Laura!” naiinis na tugon ni Tamara.
“Malapit na, kung hindi mo ititigil ang ginagawa mong pagsubaybay sa Ethan Escobar na ‘yan!” inis na ring tugon niya.
“I can’t stop doing it, okay? Masaya ako sa ginagawa ko.”
“Kung ganoon bakit hindi mo pa siya harapin? Ask him the question you want to ask a long time ago?” challenge niya rito.
Pumayag si Tamara sa hamon niya. Tentative pa ang date pero magkakaroon ito ng concert tour sa Asia at kasama ang Pilipinas sa pagtatanghalan nito. Plano rin nitong makipagkita kay Ethan kapag nagpunta na ito sa Pilipinas.
“Nakapag-pack ka na?” tanong ni Tamara.
Tinabihan niya ito sa couch. “Yup.”
“Go back after a week, okay?”
“Tam, I can’t. May ime-meet pa ako sa Manila pagkatapos ng trabaho ko.”
“Sino?”
“Si Lance. I think nakilala ko na ang lalaking ihaharap ko sa dambana,” seryoso niyang sabi.
Malakas na tumawa si Tamara. “Seriously, Laura. Ikaw pa talaga ang maghaharap sa dambana? And where did you get that word, ‘dambana’, ikaw na matagal nang nakatira sa dito sa Europe.”
“I’m serious, Tam. I never felt this this kind of attraction to any man before.”
“Well, ganyan din ang sinabi mo sa akin noong nakilala mo ‘yong naka-one night stand mo sa New York at naka-devirginized sa ‘yo three months ago, remember?”
“I am talking about the same guy, Tam. And it wasn’t a one night stand anymore. Hindi ko lang nasabi sa ‘yo pero nagkita ulit kami sa Cebu accidentally at hindi na kami nawalan ng komunikasyon.”
“Really?” gulat na sabi ni Tamara. “What are you doing,? May boyfriend ka pa. Bruha ka!”
Napabuntong-hininga si Laura. Technically, may boyfriend nga pala siya. Pero para sa kanya ay matagal na silang hiwalay ni Joshua. Makikipagmabutihan ba naman siya kay Lance kung committed na siya? She was not a cheater. Hindi niya magawang pormal na makipaghiwalay kay Joshua dahil hindi ito nakikipag-communicate sa kanya. Pero ilang buwan na ang nakalilipas nang isang pinsan nito ang nakapagsabi sa kanya na nagpakasal na ito sa ibang babae. Hindi makumpirma ni Laura ang balita dahil hindi nga niya ito mahagilap. Pero bago iyon ay nagkakalabuan na sila dahil marami silang hindi pinagkakasunduan.
Hindi pa naman kasi talaga siya handang makipagrelasyon noong magsimula silang mag-date ni Joshua. Bukod sa wala siyang oras sa dahil sa kaabalahan sa trabaho, hindi rin siya nakaramdam ng matinding atraksyon sa lalaki. Kaya lang naman siya napilitang makipag-date at sagutin ito ay dahil sa pangungumbinsi ni Tamara at ng ex boyfriend nitong si Johannes na matalik na kaibigan ni Joshua.
“Kung gusto mo na talagang makipagrelasyon sa iba. Hindi ba mas maganda kung tatapusin mo muna ang relasyon n’yo ni Joshua? Do it in person, Laura. Huwag mong gawin kay Joshua ang ginawa sa akin ni Ethan,” seryosong payo ni Tamara.
Bumuntong-hininga si Laura. “Right.”
“How about Johannes? Akala ko pa naman nagkakamabutihan na kayo. Lumabas pa kayo kagabi.”
“What? Nag-dinner lang kami ni Johannes. Nag-celebrate kami kasi sold out na ang lahat ng display ko sa gallery nila ng pinsan niya. And it was just a friendly date.”
“But Johannes like you. Sinabi n’ya mismo sa akin.”
“Kasalanan mo. Nakipag-break ka kasi sa kanya kaya ako tuloy ang pinagbabalingan n’ya. I just like him as a friend, Tam. I’m not gonna date your ex. I already have someone.”
Isang American bestselling sci–fi writer si Johannes na nakabase rin sa London. Bago pa man magkaroon ng relasyon sina Tamara ay Johannes ay naging kaibigan muna nila ito. Nanatili ang pagkakaibigan kahit tapos na ang relasyon ng dalawa. Ang problema, nabaling naman ang atensiyon sa kanya ni Johannes. Siya na ang pinopormahan nito.
“Okay. Tell me more about your new guy. So, his name is Lance. He’s an international Filipino model, right? Lance what?”
“Lance Jason.”
“Lance Jason what?” sandaling natigilan si Tamara. “Wait. Lance Jason at model. Are you referring to Lancelot Jason Ocampo na best friend ni Ethan at ultimate crush mo?”
“Yes, it’s him,” kagat-labing tugon niya.
Bigla ang pagtaas ng boses ni Tamara. “My god, Laura. Paano mo nagawang makipagmabutihan sa kanya? He’s an enemy. Kaya pala ipinipilit mo sa akin na harapin ko si Ethan. May hidden motive ka pala.”
Hindi nakasagot si Laura. May katotohanan kasi ang sinabi ni Tamara. Bukod sa concern siya sa kaibigan, naisip niya na kung magkakaayos ito at si Ethan. Hindi na niya poproblemahin pa ang pag-ayaw nito kay Lance para sa kanya.
“Ngayon pa lang tigilan mo na ang pakikipagmabutihan sa kanya,” sabi pa ni Tamara.
“What? Pero magkaibigan lang naman sila ni Ethan. Hindi tamang idamay natin si Lance sa galit mo sa ex mo,” apela niya.
“I don’t want him for you. Sasaktan ka lang din n’ya tulad ng ginawa sa akin ni Ethan.”
“How can you sure about that? You don’t know him that well para ikumpara sa ex mo. Ex mo na mahal mo pa rin at hindi magawang kalimutan. And now pinagbabawalan mo akong makipagmabutihan kay Lance? You’re so unfair!” inis na niyang sabi.
Ilang sandali ang lumipas bago sumagot si Tamara. “All right,” sabi nito na sinundan ng buntong-hininga. “Wala naman akong magagawa kung gusto mo talaga s’ya, eh. You knew his reputation. Just make sure na hindi lang sex ang habol niya sa ‘yo. And don’t forget the consequences and the hard work if you pursue him. I don’t want you to get hurt. Goodluck, Laura.”
Mabilis na tumayo si Tamara at nagkulong sa banyo.
Tumayo rin si Laura at malalaki ang mga hakbang na lumabas ng silid. Alam niyang galit at nasaktan niya ang kaibigan sa ginawa niyang paglilihim pero galit din siya. Tamara was so unfair. She was always been there for her for so many years. Inunawa at dinamayan niya ito sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay nito. Ngayon na siya naman ang nangangailangan ng suporta, hinahadlangan naman nito. Kung hindi nito matatanggap si Lance para sa kanya, so be it. Hindi niya tatalikuran si Lance para sundin ang kagustuhan ni Tamara dahil mahal na niya ang binata.
SINALUBONG ni Laura ng yakap at halik si Lance nang sunduin niya ito sa arrival area ng NAIA. “‘Miss you,” sabi ni Lance bago muling hinagkan sa mga labi si Laura. “I miss you, too. Let’s go?” aniya nang mapuna ang ilang tao na tila kinukuhanan sila ng picture ni Lance. “Can’t wait na masalo ako?” biro ni Lance. “Sira. May mga nagkalat yata kasing reporters dito.” She was living with a celebrity for a long time at nasanay na siya na umiiwas sa mga paparazzi kapag lumalabas sila ni Tamara. “Oh, you don’t have to worry about them. I am not that famous and controversial,” balewalang sabi ni Lance pero kumilos na rin at hinawakan ang luggage nito. Subalit bago pa sila makaalis ay may lumapit kay Lance para magpa-picture. Apologetic na tumingin si Lance kay Laura. Nakakaunawang tumango si Laura. Nagpaunlak si Lance pero muling nasundan ng isa pa at ng isa pa. Tumabi sa isang sulok si Laura para magbigay daan sa mga nagpapa-pict
MINUTES LATER, nanatiling magkayakap sa ibabaw ng kama sina Lance at Laura.Naghahabol ang hiningang isinubsob ni Lance ang ulo leeg ng dalaga matapos ang matagal na paghihinang ng kanilang mga labi. Naghahabol din ng hiningang hinagkan ni Laura ang ibabaw ng ulo ni Lance bago ito niyakap nang mahigpit. Ilang sandaling nanatili sila sa ganoong ayos bago bahagyang lumayo si Lance at tumingin sa mukha ni Laura. “I really like your perfume. You smell fantastic. Anong brand at saan mo nabili? Ibibili pa kita nang marami.” “Oh, you can’t find it anywhere. Exclusive lang sa akin. My brother Dylan made this for me. He’s a chemist,” tugon ni Laura. “Good. Mas gusto ko na sa ‘yo ko lang maamoy ang amoy na ‘yan. But I still want to meet him. Magpapagawa pa ako ng marami for you.” “Sure. We own a perfume business by the way in Germany called Haut Fragrance.” “Really? Nice businesswoman ka rin pala.” “Kinda. Isasama kita sa Ger
ALAS-SIYETE ng umaga nang magising si Laura na nag-iisa na lang sa kama. Ilang sandaling nag-inat siya bago masiglang bumangon. Hinanap niya si Lance pero hindi niya ito natagpuan sa loob ng silid. Matapos gumamit ng banyo at makapagbihis, nagtungo siya sa terrace. Doon niya nasilip si Lance na nasa garden at abala sa pagtulong kay ‘Tay Nato na nag-aayos ng garden. Bahagya lang nagulat si Laura sa nakita. Sa tagal niyang nakasubaybay kay Lance sa social media account nito, bukod sa pagiging charming, alam niya magaling talaga itong makisama sa lahat ng uri ng tao. Umalis na sa terrace si Laura para puntahan si Lance. Kumuha muna siya ng towel bago lumabas ng silid. “Good morning, ‘Nay,” nakangiting bati ni Laura kay ‘Nay Iska na nadatnan niyang nagpupunas ng mga muwebles sa living room. “Good morning, Laura. Abay nakakahanga pala si Lance. Kaguwapong lalaki at halatang mayaman pero magaling sa mga halaman. Bilib na bilib din sa kanya si ‘Tay Na
ALAS-SINGKO ng hapon nang sa wakas ay matapos si Laura sa ginagawa. Eksakto namang tumawag si Lance at kinamusta siya. Kaagad niyang napuna na nakainom na ito kahit ayon dito ay hindi pa nagsisimula ang celebration dahil sa timbre ng boses nito. Matapos ang phone call ay dumiretso sa kuwarto si Laura at nagpahinga. Makalipas ang ilang oras, nagising si Laura nang maramdamang may humahalik sa kanya. “Lance,” aniya nang mamulatan ang binata. Hindi ito sumagot at muling siniil ng halik ang kanyang mga labi. She tasted beer pero tinugon pa rin niya ang halik. She was quickly aroused with his touch and kisses. “I want you,” daing ng binata ng sandali nitong pakawalan ang kanyang mga labi. “I’m all yours,” tugon ni Laura. Mabilis na nahubad ang pang-ibabang damit nila. In just a moment he was already inside her. Napaungol si Laura at sinalubong ang mabilis na paggalaw ni Lance sa ibabaw niya. They had their quickiest orgasm
MALAKAS na pumalakpak si Laura matapos sunod-sunod na tugtugin ni Tamara ang sarili nitong compositions. Kasakuyang ginaganap ang concert ng kaibigan niya sa Pilipinas. Ipinakita ni Tamara ang talento nito sa pagtugtog ng piano at violin sa libo–libong mga kababayan sa loob ng SMART Araneta Colesium. Puro standing ovation ang ibinigay ng crowd sa bawat pagtatapos ng piece nito. Proud na proud naman si Laura sa kaibigan. Nasa kalagitnaan na ang concert nang mapatingin si Laura sa nanonood sa unahan sa bandang kaliwa niya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapansin ang isang lalaki sa pinakadulo katabi ng isang babae. Parang si Lance kasi ang lalaki. Miss na miss na niya ang binata. Halos isang buwan na ang nakalilipas magmula nang huli silang magkita. Ganoon na rin katagal na wala silang komunikasyon. Hindi pa rin niya makontak ang numero nito and she was blocked on his all social media accounts! Natuklasan niya iyon nang sumunod na araw matapos nila
NAPABUNTONG-HININGA na lang si Lance nang harangin sila ni Celine ng mga reporters habang papalabas sila ng concert venue matapos ang concert ni Tamara.In-interview sila ng mga ito at inintriga kung bakit sila ang magkasama at hindi ang nobyo nitong si Ethan. Hindi nanood ng concert si Ethan at hindi nasamahan si Celine dahil may hosting job ang kaibigan niya nang gabing iyon. Idagdag pa na nagka-issue ang kaibigan niya kay Tamara nang mag-guest ito sa show ni Ethan. Kaya siya ang pinakiusapn ni Ethan na samahan si Celine. Subalit pareho silang nagulat ni Celine nang malaman sa isang reporter na naroon din sa venue si Ethan at nanood ng concert. Ang kaibigan nilang si Daena ang kasama nito. Bago pa muling makasagot si Celine ay biglang nalipat ang atensiyon ng mga reporter sa isang sikat na love team nang lumabas na rin ang mga ito. Sinamantala ni Lance ang pagkakataon at hinila na si Celine palayo. “Aawayin ko talaga ‘yang kaibigan mo,” gigil n
MATAPOS makuha ang dalawang plane ticket patungo sa Pilipinas sa loob ng kanyang bag, lumabas na ng silid si Laura para magtungo sa silid ni Tamara. Pareho nilang kailangan ng pahinga at bakasyon ni Tamara kaya magtutungo sila sa Pilipinas. Tatlong buwan na ang nakalilipas magmula nang matapos ang concert tour ni Tamara. Pagkatapos ng ilang linggong pahinga ay nagkaroon naman ito ng concert tour sa Latin America. Kahapon lang ito nakabalik sa London. Umabot naman ng mahigit isang buwan ang pananatili ni Laura sa Singapore dahil tatlong naglalakihang international at local company ang kumuha ng serbisyo niya. Pagkatapos niyon ay sunod – sunod na trabaho pa ang tinanggap niya sa mula sa Turkey at Greece. Ginawa niya iyon para hindi niya gaanong maisip si Lance. Hindi na nasundan ang pagkikita at pag-uusap nila ng binata magmula ng magkita sila at sandaling makapag-usap matapos ang concert ni Tamara sa Pilipinas. Ilang beses pa niyang sinubukang tawagan
“WOW! This is a paradise!” buong paghangang sabi ni Tamara habang inililibot ang tingin sa paligid. Puro berde, puti at asul ang makikita sa paligid habang nakatapak ang kanilang mga paa sa maputi at malambot na buhangin. Marami na silang napasyalang naggagandahang mga bansa pero iba pa rin talaga ang ganda ng Pilipinas. Napangiti na lang si Laura sa narinig. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakapunta sa Palawan si Tamara pero maraming taon na ang nakalipas noong huli itong nakapunta roon. Si Laura naman ay maraming beses nang nakarating sa Palawan pero first time niya sa sikat na Club E Resort sa Palawan. Na-informed na ni Laura ang mga staff ng resort na kasama niyang darating si Tamara kaya mismong ang manager at ilang staff ang sumalubong sa kanila. Idinaan sila ng mga ito sa gilid na bahagi ng hotel at dumiretso kaagad sila sa tutuluyan nilang room para makaiwas sa mga tao sa reception area. Bahagyang binago ni Tamara ang physical look nito para
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
UMAYO si Lance nang pumasok sa opisina niya si Celine. Naitawag na sa kanya sa reception ang pagdating ng babae kaya hindi na siya nagulat sa biglang pagdating nito. “Hi, Lance!” nakangiting bati ni Celine. Mabilis na nakalapit ito sa kanya. Hindi siya nakaiwas nang halikan siya nito sa pisngi at yakapin. Marahang itinulak niya ito palayo sa kanya. “Celine, what do you need?” “Ang rude mo naman. Hindi mo man lang ba ako pauupuin? Kung makaasta ka parang wala tayong pinagsamahan. We used to be friends and lovers, remember?” Bumuntong-hininga si Lance. Biglang na guilty. “Sorry. Have a seat.” Dinala niya ito sa sala na nasa gitnang bahagi ng opisina. “Nice office,” komento ni Celine habang inililibot ang tingin sa paligid matapos maupo sa sofa. “Thanks. Do you want something to eat or drink?” “Don’t bother. Coffee ang gusto ko pero bawal naman sa akin.” “So you’re really pregnant?” Naupo siya sa singl
AWTOMATIKONG ngumiti si Laura nang bumungad si Lance sa kanyang opisina. “Good morning, babe,” nakangiting bati nito. Ibinaba nito ang dalang bag sa isang silya. Hindi na hinintay ni Laura na makalapit si Lance sa kanya. Tumayo siya at sinalubong ito. Nang makalapit ay ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga labi. Yumakap siya rito nang mahigpit pagkatapos. “‘Miss me?” nakataas ang isang sulok ng mga labing tanong ni Lance. “Yup.” Kahapon lang sila huling nagkita ng nobyo pero na-missed na niya ito. Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mag-birthday si Lance at magkaayos talaga sila. Magmula noon ay gabi-gabi na silang natutulog na magkasama. Pero kagabi ay ginabi si Lance sa location ng shoot ng vlog nito, idagdag pa na maulan kaya dumiretso na lang ito ng uwi sa bahay ng mga magulang nito kaya hindi ito nakauwi sa kanyang bahay. Bahagyang inilayo ni Lance ang sarili kay Laura. “I missed
NANG sumunod na tatlong araw ay nanibago si Laura. Wala kasi si Lance na araw-araw dumaraan sa opisina niya kahit madalas na sinusungita niya ito. May bagong proyekto ang binata sa isang business park sa Norte. Tinatawagan naman siya nito tuwing umaga pero hindi sapat iyon sa kanya. Gusto na niya itong makita, mayakap at mahalikan. Pero hindi niya iyon sinasabi dito at sa halip ay sinusungitan pa niya ito at kunyari ay naaabala siya nito sa trabaho. Nang araw na iyon ay inaasahan ni Laura na babalik na sa Manila si Lance. Pero nag-text ito na hindi pa ito makakauwi. Nainis siya at buong maghapon tuloy naging masungit siya sa lahat ng mga kumakausap sa kanya. “Hi, babe.” Napalingon si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pamilyar na boses habang may hinahanap siyang folder sa filing cabinet. “Lance?!” gulat na bulalas niya nang makita ang nobyo. “Yes, babe. It’s me,” nakangiting mabilis na nakalapit ito sa kanya. “Akala ko hindi ka pa
“GOOD MORNING, BABE.” Nagtaas ng tingin si Laura mula sa ginagawa sa kanyang laptop nang marinig ang masiglang tinig ng kanyang nobyo. Tulad ng mga nakaraang araw ay may dala na naman itong pumpon ng mga bulaklak. “Good morning,” tipid ang ngiting tugon niya. Nilapitan siya nito at ipinatong sa tabi ng laptop ang dalang bulaklak. “For you.” “Thanks. You don’t have to give me flowers everyday you know.” Nagkibit-balikat si Lance. Pagkatapos ay yumuko ito at banayad na hinalikan sa mga labi si Laura. Sandali lang ang halik dahil hindi tumugon ni Laura.“Babe, busy ka na ba? Mag-breakfast muna tayo. Hindi kasi ako nakakain sa bahay. Tinanghali ako ng gising dahil may tinapos akong trabaho kagabi.” “Hindi ako pwede. Marami akong ginagawa. Mayamaya lang aalis na kami ni Jio. May shoot kami ngayon. Kumain na rin ako sa bahay kanina. Sorry, hindi kita masasamahan.” “Okay. Pero mamayang lunch na lang pwede? Let’s meet somewhere or su
HINDI MALAMAN ni Laura ang magiging reaksiyon sa sinabi ni Tamara nang sabihin nito na ipinaalam na nito kay Lance kung nasaan siya. Dalawang araw na si Laura sa flower farm ng Perfect Petals. Tinanggap niya ang alok ni Tita Danna na magbakasyon sa lugar. Masuwerte siya dahil nauunawaan at kakampi niya ito. “Stay for as long as you want, Laura. Don’t worry hindi ko sasabihin kay Lance kung nasaan ka,” sabi pa sa kanya ni Tita Danna. Gusto sana ni Laura na magbakasyon sa malayong lugar o umuwi muna sa Germany o London dahil ayaw pa niyang makita si Lance. Pero hindi siya maaring umalis dahil sa mga nakatakda niyang trabaho sa mga susunod na araw. Bukas nga ay kailangan na niyang bumalik sa Manila dahil may photoshoot siya na hindi niya maaring ipasa kay Jio. Bukod doon ay kapapanganak lang ni Tamara. Gusto niyang nasa malapit lang siya kapag kinailangan ng kaibigan. “Pinahirapan ko na si Lance sa paghahanap sa ‘yo. Sinabi ko na nagpunta ka sa Palaw
PADAPANG humiga sa kama si Lance sa kanyang condo unit. Doon siya dumiretso pagkatapos ng trabaho dahil iniiwasan niyang mapagalitan ng kanyang mommy. He was not feeling well. Matamlay siya at medyo masakit pa rin ang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi. Sa sobrang kalasingan ay hindi niya alam na ang Ate Denise at ang bayaw na si BJ ang sumundo sa kanya sa bahay nina Ethan. Maghapon siyang tulog sa kanilang bahay at nang magising ay masakit na masakit ang kanyang ulo pero pinilit niyang bumangon para pumasok sa opisina at ayusin ang problema sa supplier ng materyales. Habang nasa opisina ay nalaman ni Lance kay Ate Francine na nakapanganak na si Tamara. Minabuti niyang hindi na muna magpunta sa ospital dahil alam niyang galit si Tamara sa kanya. Baka makasama lang dito kapag nakita siya nito. Natapos naman ang problema niya sa supplier at na-retrieve na rin ang lahat ng social media accounts niya pero ang problema niya kay Laura ay hindi pa. Dahil
SA MASTER BEDROOM nagtungo si Laura matapos iwanan sina Lance sa balkonahe. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak nang sumunod sa kanya si Tamara makalipas ang ilang minuto. “Bakit kasi tumagal na ng ilang buwan ang relasyon n’yo pero hindi n’yo man lang napag-usapan ni Lance ang past n’yo?” tanong ni Tamara galit pa rin kay Lance. “We decided not to talk about it.” “Marami kayong dapat na pag-usapan at linawin sa isa’t-isa ni Lance. Pero huwag mo s’ya basta patatawarin, Laura. Pahirapan mo muna,” sabi pa ni Tamara. Hindi nakasagot si Laura. Sa estado n’ya ngayon. Siguradong hindi talaga niya basta mapapatawad si Lance. Galit na galit siya sa binata to the point na ayaw niya itong makita. Sabay na napatingin sina Laura at Tamara sa pinto nang biglang may kumatok kasunod ng pagpasok ni Ethan. “Umuwi na si Lance,” imporma nito. “Lasing na lasing siya kaya pinasundo ko kina Denise at BJ.” “I don’t care. Ang kapal ng