Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa?
View More“This is unacceptable! Paanong nangyari ito?!” galit na galit na tanong ni Don Fernan Sarmiento. Tumayo pa siya mula sa kaniyang upuan at hinampas nang malakas ang lamesa. Siya ang may-ari ng pinaka tanyag na shipping company buong bansa. Kararating lamang sa kaniya ng balita na ang kaniyang pinagkakatiwalaang bise presidente ay lumipad papunta sa ibang bansa dala ang malaking pera na galing sa kanilang kompanya.
Lahat ng mga nasa loob ng silid ay natahimik at agad na tumungo. Hindi magawang salubungin ang tingin ng nagpupuos na senyor. Kasalukuyan silang nagmi-meeting noong biglang pumasok ang isang executive ng kompanya para ipaalam ang balita sa kanila.
“W-We learned that he created a g-ghost company abroad. Doon niya po ipinapadala ang funds galing sa mga nakukuha siya sa kompanya. H-He used fake accounts–”
“Shut up!” ani Don Fernan. Itinapon niya ang mga folder na nasa kaniyang harapan. Huminga nang malalaim si Don Fernan at pilit na pinakalma ang sarili. Sinapo niya ang kaniyang dibdib at muling naupo. “Get out,” mahinang sabi niya.
Nagkatinginan ang mga board members at hindi agad kumilos. Ngunit noong tiningnan sila nang masama ni Don Fernan ay agad silang nagpulasan palabas ng silid. Ito ang inabutan ni Donya Paulina Sarmiento, ang asawa ni Don Fernan. Napansin nito ang asawa na naghahabol ng hininga sa upuan nito.
“Fernan!” Dali-daling lumapit si Paulina kay Fernan. Noong makita niyang namumutla ito ay agad siyang kumuhang tubig at akmang paiinumin ito ng tubig. Ngunit umungol na nang malakas si Fernan. “Diyos ko! Tulungan niyo kami! Ang Don!” sigaw ni Paulina. Maluha-luha na siya at inakap na ang asawa na inaatake na sa puso.
Agad na may pumasok na mga kalalakihan sa loob ng silid. Ang mga tauhan ni Fernan. Tinulungan ng mga ito na dalhin si Fernan sa ospital.
Abot-abot ang dasal ni Paulina habang nasa ospital na sila at hinihintay ang paglabas ng doctor na kasalukuyang nag-oopera ngayon kay Fernan. Inatake ito sa puso dahil sa matinding emosyon. At mabuti na lamang ay agad na naisugod ito sa ospital. Hindi rin nagtagal ay dumating ang panganay na anak nila sa ospital upang malaman ang nangyari sa ama.
“What happened to Papa, Mama?” nag-aalalang tanong ni Liza. Ang panganay na anak. Sa edad na bente singko ay isa na siyang tanyag na modelo. Sa kaniyang tindig pa lamang ay marami na ang humahanga. Hindi maikakaila na isang magandang babae ang panganay ng mga Sarmiento.
“Hindi ko pa alam, Liza. Nakita ko na lang siyang inaatake sa meeting room nila.”
Bumuntonghininga ang dalaga at niyakap ang ina na walang tigil sa pag-iyak. “Don’t worry, mama. Papa is a strong man.”
“He better be. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ang papa niyo!”
“Papa! Nasaan si Papa? Ano’ng nangyari kay Papa?” humahangos na tanong ni Lirah, ang bunsong anak na babae ng mga Sarmiento. Hindi kagaya ni Liza, si Lirah ay tahimik na anak nila Paulina. Hindi nito gusto ang makihalubilo sa mga tao. Mas gusto nitong ubusin ang oras sa mga halaman at hayop na mga inaalagaan nito. Ngunit sa kanilang magkapatid ay higit na makakakitaan ng kagandahan si Lirah. Hindi lamang siya mahilig mag-ayos kagaya ng kaniyang ate.
Umingos si Liza. “Bakit ngayon ka lang, Lirah? And what is that smell? Did you even wash yourself before coming here?” maarteng tanong niya. Tinakpan pa niya ang ilong dahil sa hindi kanais-nais na amoy na nagmumula kay Lirah.
Sandaling natigil sa pag-iyak si Lirah at napatingin sa sarili. Kasalukuyan kasi siyang nagpapaanak ng alaga niyang baboy noong malaman niya ang nangyari sa kaniyang ama. Mabuti na nga lang at naroon ang kaniyang matalik na kaibigan at ito muna ang pumalit sa kaniya. Hindi na niya na isip pang maglinis dahil sa labis na pag-aalala.
“S-Sorry, ate. Nanganak na kasi si Chuchay.”
Naiikot ni Liza ang kaniyang mga mata. Magsasalita pa sana ito pero bumukas na ang pinto ng operating room at lumabas ang doctor mula roon. Agad nitong ibinalita na naging ligtas ang ginawa nilang operasyon. Ngunit kasalukuyang nasa comatose si Fernan kaya hindi pa rin nila masasabing ligtas na ito.
“Oh my God, Fernan!” tangis ni Paulina.
“Ihahanda na po namin ang magiging silid ni Don Fernan.”
“Sige, doc. Salamat po.”
“Liza, what should we do? Your papa! I can’t lose your papa!”
“D-Don’t worry, mama. We will make sure that he will recover.”
Napatungo si Lirah at tahimik na umiyak. Hindi niya mawari ang labis na pag-aalala na nararamdaman niya para sa kaniyang ama. Hindi niya rin kakayanin kung may masamang mangyari dito.
Dinala na si Don Fernan sa pribadong silid nito. Lalong nahabag at nangamba si Paulina nang makita niya ang estado ng kaniyang pinaka mamahal na asawa. Hindi mabilang kung ilan ang mga nakakabit na aparato sa katawan nito. Nakabibingi ang tunog ng isang makina na nagpapakita ng tibok ng kaniyang puso. Para bang bawat pitik niyon ay bumibilis din ang pagtibok ng kaniyang puso.
Minabuti namang hindi muna pumasok ng magkapatid sa loob ng silid at kinausap ang sekretarya ni Don Fernan para malaman kung ano ang nangyari dito.
“Malaki ang nawala sa kompanya ninyo, Miss Liza. At mahihirapan kayong bawiin iyon hanggat hindi niyo na huhuli ang nagnakaw sa inyo,” ni George.
“Kaya siguro inatake sa puso si Papa,” malungkot na sabi ni Lirah. Napatungo siya at kinagat ang labi. Labis siyang na aawa para sa kaniyang ama. Mahal na mahal nito ang kompanya nila.
“A-Ano na po ang ginagawa ng board tungkol doon? Nahuli na ba siya?”
“Sadly, no. Pero nagsampa na kami ng kaso at naipasa na rin namin sa NBI ang reklamo. But you need to think of something para mapunan ang nawala sa kompanya niyo. Dahil kung hindi ay maaring mawala ito sa inyo.”
Napabuga ng hangin si Liza. Tumango siya rito. Bilang panganay, alam niyang siya ang dapat na pumalit pansamantala sa kaniyang ama. Sigurado rin siya na hindi magagawang tumayo bilang chairman ng kompanya ng kaniyang ina dahil labis itong nasasaktan dahil sa nangyari sa kanilang ama.
“Sige, George. Maraming salamat.”
Tumungo si George sa kanila at nagpaalam na.
“Ano na ang gagawin natin ngayon, ate?”
Umarko ang kilay ni Liza at hinarap ang kapatid. “Ano ang gagawin natin? Ikaw. Umuwi ka muna at linisin ang sarili mo. Wala ka rin namang alam sa pagpapatakbo ng negosyo dahil masyado kang abala diyan sa mga alaga mo!”
Natigilan si Lirah. Maluha-luhang tiningnan niya ang nakatatandang kapatid. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay hindi maganda ang pakikitungo ni Liza at Paulina kay Lirah. Itinuturing ng dalawa si Lirah na para bang hindi kaanak ng mga ito. Hindi rin maunawaan ni Lirah kung bakit gayong ginagawa naman niyang maging mabuting anak at kapatid. Ang tanging kakampi lamang niya sa kanilang tahanan ay ang kaniyang ama. Kaya gano’n na lamang ang pag-iyak niya dahil sa labis na pag-aalala.
“G-Gusto ko lang naman makatulong, ate.”
“Then go home! You stink, Lirah. Gusto mo bang pati si Mama ay atakihin dahil sa baho mo?”
Napatungo na si Lirah at tuluyang napaluha. Tahimik siyang tumango at tumalikod na sa kaniyang kapatid. Sinilip niya muna ang kaniyang ama mula sa pinto ng silid nito.
‘Pa, babalik po ako. Please. Gumising na po kayo.’
“Lirah! Ano pa ba ang hinihintay mo?” iritableng tanong ni Liza.
Hindi na sumagot pa si Lirah at naglakad na palayo ng silid. Gusto man niyang pumasok at bantayan ang kaniyang Papa ay hindi naman talaga kaaya-aya ang kaniyang amoy ngayon. Lahat nga ng kaniyang nakakasalubong ay napapaiwas sa kaniya. Hiling na lamang ni Lirah ang mabilis na paggaling ng kaniyang ama.
“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na m
“Bessy, gising ka ba?” tanong ni Kiray sa kaibigan. Inaayos niya ang pagkaing nabili sa lamesita malapit sa higaan nito. Nakahiga patalikod sa kaniya si Lirah kaya hindi niya makita kung tulog ba ito. “Nakabili na ako ng pagkain mo. Halika na. Kailangan mong magpalakas.”Suminghot-singhot si Lirah. “N-Nakita mo ba siya, Kiray?”Natigilan si Kiray. Bumuga siya ng hangin. “Sino? Si Matias ba?”“Oo.”“Oo. Kaso hindi siya pwedeng pumunta rito. Pinagbabawalan siya ni Don Manuel. Nakakatakot pala iyon kapag galit, ‘no?”Muling nangilid ang mga luha ni Lirah. “G-Ginawa ba talaga niya, ‘yon, Kiray? T-Talaga bang siya ang pinipili niya?”“Lirah.” Tumayo si Kiray at lumapit sa kaibigan. Naupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang balikat nito. “Hindi ko rin alam, bess. Pero nahuli ko sila sa iisang kwarto. Walang saplot si Jenia at ang asawa mo naman ay nagbibihis pa lang.” Napapikit siya nang mariin. “Pero hindi naman tayo sigurado. Nadala lang ako sag alit kaya nasaktan ko ‘yong babae.”“Paano
“Dad, don’t do this! I need to see my family!” pakiusap ni Matias sa ama. Nasa hallway sila ng ospital na pinagdalhan kay Lirah. Kanina pa siya nagpupumilit na makita ang mag-ina.“No! I won’t do that! Para ano? Para ipahamak na naman ang sarili mong anak?” ani Don Manuel. “Hindi mo sila pwedeng makita!”“I’m his father! Asawa ako ni Lirah! Hindi mo ako pwedeng ilayo sa mag-ina ko!”Galit na sinuntok sa kaliwang pisngi ni Don Manuel ang anak. “You dare to call them your family?! Pagkatapos nang ginawa mo?!”“I told you I didn’t know what happened!”“Umalis ka na, Matias! Bago pa ako ang kumastigo sa ‘yo!” sabat naman ni Don Fernan. “Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang mangyari sa anak ko at apo ko!”Napabuga ng hangin si Matias. Pinahid niya ang gilid ng labi at naluluhang tiningnan ang pamilya. Nasa delivery room ngayon si Lirah at kasalukuyang nanganganak. Dahil sa nangyari ay napaaga ang panganganak nito. Sabi ng doctor ay maaring mangyari talaga iyon kapag sobrang na
Unti-unting nagising si Lirah mula sa kaniyang pagtulog. Agad niyang kinapa ang gilid niya ngunit hindi niya na abot ang asawa. “Nasaan siya?” Dahan-dahang naupo si Lirah at inilibot ang paningin sa paligid. Ngunit wala si Matias kahit saan. Ang huli niyang na aalala ay gabi na pero nagkakasiyahan pa rin ang kanilang mga bisita. Napainom si Matias kasama ang mga kaibigan nito. Pero hindi niya ito pinigilan dahil sa kagustuhan niyang makapag-relax din ito. “Hindi na ata nakaakyat si Matias.” Sapo-sapo ang balakang na tumayo siya mula sa kama. Inayos niya muna ang sarili bago minabuti nang bumaba sa sala. Doon ay nakita niya ang ilang mga staff nang nag-ayos ng kanilang party. Nililinis na nila ang mga ginamit nila. Pati ang catering staff ay nandoon na rin. “Oh, Hija. Gising ka na pala!” bati ni Myrna. “Gustom ka na ba? Pumunta ka na roon sa kusina at ipagtitimpla kita ng gatas.” “Sige po, ‘Nay. Narito pa ba sila Papa?” “Oo. Pero hindi pa pumapanhik. Pati sila Don Manuel ay nari
Matapos ang naging pag-uusap nila Lirah ay mas tumibay ang samahan nilang mag-asawa. Sa bawat nangyayari sa kaniya ay palaging nakaagapay si Matias sa kaniyang tabi. Nalaman na lang nila Lirah na bumalik si Jenia sa Italy makalipas ang isang linggo. Nagkita pa sila ulit bago umalis ang dalaga at nagkapatawaran. Kaya naman ay mas lalong naging panatag si Lirah na hindi na ito ulit manggugulo sa kanila. “Excited na ako! Yieeh!” masayang sabi ni Kiray. Nasa loob sila ng kwarto nila Lirah at tinutulungang ayusan ang kaibigan. “Mukha ngang mas excited ka pa sa akin eh,” nakangiting sabi ni Lirah. Hinagod niya ang walong buwan niyang tiyan. Halatang-halata na ito dahil nalalapit na rin ang kabuwanan niya. “Syempre naman! Baby shower slash gender reveal ng pamangkin ko! Ikaw, besh? Ano ba ang gusto mong maging anak? Babae o lalake?” Napaisip si Lirah. “Hindi naman importante sa akin iyon. Ang mahalaga ay maipanganak ko siya nang maayos at lumabas siyang masigla.” Napanguso si Kiray. “Ay,
Hindi maiwasang kabahan ni Lirah habang naghihintay silang dalawa ni Matias sa waiting area sa airport. Panay ang paghagod niya sa tiyan habang palinga-linga. Si Matias naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya mahulaan kung ano ba ang nararamdaman nito sa pagdating ni Jenia dahil deretso lang itong nakatingin sa unahan. Wala manlang kahit na anong ekspresyon sa mukha.“Matagal pa ba siya?” tanong ni Lirah.Agad na nilingon ni Matias ang asawa. “Her plane already landed. We should see her any minute now.” Nangunot ang noo niya. “Why? Are you okay?”Pinilit na ngumiti ni Lirah. “O-Oo. Ayos lang ako.”“Nagugutom ka ba?”“Hindi. Ayos lang ako,” pag-uulit niya.“Sige. Kung may kailangan ka, sabihin mo agad sa akin.”Tumango na lang si Lirah kay Matias bilang sagot. Minabuti niyang kuhain ang cellphone at kalikutin iyon kahit hindi naman siya masyadong maalam. Ka-text niya si Kiray na nagagalit dahil hindi niya ito isinama. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Ma
Naupo si Lirah sa upuan at humagulhol. Ito na nga ba ang kaniyang kinatatakot. Kaya ayaw niyang muling pagbuksan ang puso kay Matias. Ngayon ay nalaman na niya ang totoo. Ang masakit pa ay kay Jenia niya nalaman na sa anak pala niya ang ipinapamana ang lahat ng dapat ay kay Matias.“Lirah?” Naalimpungatan si Matias. Naupo siya at binuksan ang ilaw. Dali-dali siyang lumapit kay Lirah noong makita itong umiiyak. “Hey… what’s wrong?” Akmang hahawakan ni Matias si Lirah ngunit iwinaksi nito ang kaniyang kamay. “M-May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. Napatingin siya sa paanan nito at doon nakita ang cellphone niya. Umiilaw pa iyon kaya agad niyang kinuha. Nanlaki ang mga mata niya noong makita ang pangalan ni Jenia. Agad niya iyong pinatay. “W-What did she said to you?”Nagpunas ng mga luha si Lirah at humikbi-hikbi. “Bakit hindi siya ang tanungin mo?”“I don’t want to talk with her anymore. Tinapos ko na ang kung ano man ang mayroon sa amin bago ako umalis ng Italy.”Ilang sandalin
“I’m excited to tell you that your baby is finally safe,” masayang sabi ng doctor ni Lirah. Napasinghap si Lirah at maluha-luhang tumingin sa monitor. Kitang-kita ang maliit na hugis doon. Mayroong maliit na bagay na pumipintig doon at naririnig na rin nila ang pagpintig ng puso nito. “Talaga po? Diyos ko! Maraming salamat po!” “Yes, Mommy. But please, kailangan mo pa ring mag-ingat, ha? H’wag pa ring magkikilos-kilos. Good thing na rin at binigyan ka ng personal nurse mo para umalalay sa ‘yo.” Tumingin ito kay Matias na nakaupo sa tabi ni Lirah. “Are you the father? Mister Gomez, right?” Tumingin si Matias sa doctor. “Yes, Doc. Thank you for assuring us.” “Walang anuman. But I just meet you now. Mukhang sobrang busy talaga ng mga businessman.” “Yeah.” Matipid na ngumiti si Matias. Tumingin siya kay Lirah na nakatitig pa rin sa monitor. Napangiti siya noong makita ang labis na kasiyahan sa mga mata nito. Kinuha niya ang kamay ng asawa at hahawakan sana iyon. Ngunit mabilis na bu
“M-Matias? Ano ang ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Lirah. Napaatras pa siya noong naglakad na ito palapit sa kaniya. “Papunta ka na raw sa check-up mo. Samahan na kita?” nakangiting sabi ni Matias. Nalilito pa ring tiningnan ni Lirah ang asawa. Tumingin siya kay Myrna na nasa tabi niya lang. Maging ito ay nagtataka rin dahil si Matias ang nasa harapan nila. Huminga nang malalim si Lirah at pinakalma ang sarili. Bigla kasing bumilis ang pagpintig ng kaniyang puso. “B-Bakit?” “I’m… back. Hindi na ako aalis, Lirah.” “Ha?” Lalong nangunot ang noo ni Lirah. “A-Ano ang ibig mong sabihin? Akala ko ba sila na pinipili mo?” Napabuga ng hangin si Matias. “Can we talk first?” “Hep!” Biglang may boses na nagsalita sa may likuran nila Lirah. Dali-daling lumapit si Kiray at hinarang ang sarili niya sa harap ni Lirah. “Sinasabi ko na nga ba at bumalik ka na! No! Hindi pwede!” “Huh? Please, Kiray. I need to talk with my wife.” “Wife? Eh ‘di ba nga pinagpalit mo na siya sa ex mo? Naku! H
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments