Share

Chapter 2

“Hindi pwedeng mawala ang kompanya sa Papa mo, Liza. Kailangan nating gumawa nang paraan!” nag-aalalang sabi ni Paulina. Kakakalma lamang niya dahil sa nangyari sa kaniyang asawa at pinag-uusapan na nilang kaniyang panganay na anak ang tungkol sa dahilan kung bakit inatake ang kaniyang asawa. Nakaupo sila sa maliit na sala ng silid ni Fernan.

“That’s what I thought, Mama.” Tiningnan ni Liza ang kaniyang ama. “Hindi kakayanin ni Papa kapag mangyari iyon. I just can’t beleive that ninong did that.”

Napailing si Paulina. “Noon pa lang ay may inggit na ang Ninong Fidel mo sa Papa mo. Hindi na ako nagtaka na nagawa niyang traydurin tayo.”

“After what we did to him? Ito ang igaganti niya? I swear I will find him and make him pay!”

“Pero ang kompanya, Liza. Hindi natin ito pwedeng pabayaan. Ito lang din ang pag-asa natin.”

Napabuntonghininga si Liza. Tama ang kaniyang mama. Oo nga’t marami na siyang koneksyon dahil sa kaniyang pagmomodelo. Pero nag-uumpisa pa lamang siya sa pag-aartista. At hindi iyon sasapat para buhayin sila o kaya itayong muli ang kanilang kompanya. Mahigit sampung bilyon ang nawala sa kanilang kompanya. At kapag hindi agad iyon maibalik ay wala silang maipapasweldo sa kanilang mga empleyado. Idagdag pa ang mga shareholders na umaasa sa kanilang parte.

“Hindi ba mayroong pinagkakasundo sa iyo ang papa mo noon?”

Natigilan si Liza sa tanong ni Paulina. “Sino?” balik-tanong niya.

Napaisip si Paulina. “Ang anak ng mga Gomez.”

Ang pamilya ng Gomez. Sila ang pinaka prominenteng pamilya ngayon sa bansa. Hindi lang sila sa bansa kilala dahil maging sa ibang mga bansa. Marami silang hawak na mga negosyos at isa rin sa mga kososyo ng mga Sarmiento. Mayroon ding dalawang anak ang mga Gomez. Bilang magkasosyo ay naisipan ng matandang Gomez na ipagkasundo ang mga panganay nila ni Fernan. Dahil ang dalawa rin ay matalik na magkaibigan at magkababata pa. Ngunit hindi lamang iyon natutuloy dahil ayaw ni Paulina na magpakasal. Ayaw nito dahil sa kadahilanang mayroong sabi-sabi na hindi raw swerte sa asawa ang panganay na anak ng mga Gomez. Ang dahilan? Walang nakakaalam.

“Ma! Ayoko!” agad na protesta ni Liza.

Napabuga ng hangin si Paulina. Alam niyang aayaw rin ang kaniyang anak dito. Kung siya rin naman ay ayaw niyang makasal si Liza sa lalakeng may sumpa.

“Pero ano ang gagawin natin? Sila lang ang makakatulong sa atin ngayon.”

“You know that I can’t marry that man! Ayoko pang mamatay, ‘no?”

“I know what to do. Kailan ba babalik ang walang kwenta mong kapatid?”

“Hindi ko alam, ma. And I don’t care. Sobrang baho niya kanina. At kahit anong linis niya ay hindi na ‘yon mawawala sa kaniya. She stink too much–” Natigilan si Liza. “Wait. Don’t tell me…”

Ngumiti si Paulina at tumango sa anak. “Yes,” tugon niya hindi pa man nagtatanong ang anak. Agad na natawa si Liza at tumango-tango. “Now call her and tell her to come back. Tatawagan ko lang ang mga Gomez.”

Agad na tinawagan ni Paulina ang mga Gomez. Humingi siya ng tulong sa mga ito sa kanilang kompanya. At ang kapalit nito ay papayag sila sa nais ni Don Manuel Gomez. Ang ikasal ang mga panganay nila. Agad na pumayag si Don Manuel at nagtakba pa ito ng araw na pagbisita kay Fernan.

Habang si Liza naman ay agad na tinawagan si Lirah na bumalik na sa ospital. Na agad naman sinunod ng huli.

Suot ang kaniyang bulaklaking bestida na kulay dilaw ay dali-daling pumunta si Lirah sa ospital. Sa katunayan ay kanina pa handa si Lirah para sa kaniyang pag-alis. Nag-aalala lamang siya dahil baka magalit lang na naman ang kaniyang ina at ate kapag bumalik siya kaagad doon. Maigi na lamang ay tumawag ang nakatatanda niyang kapatid.

“Mama. Ate. Kumusta si Papa?” tanong ni Lirah pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng silid. Inilapag niya ang dala niyang bulaklak sa lamesita malapit sa kaniyang ama at lumapit sa tabi ng ama.

Agad na nangasim ang mukha nila Paulina noong makita ang dalaga. Kahit na ano ang gawin ni Paulina ay hindi niya talagang magawang mapabango ang amor sa kanilang bunso.

“Papa… nakakaawa ka naman,” malungkot na sabi ni Lirah. Hinaplos niya ang likod ng palad ni Fernan. “Pa. Wake up, please.” Agad na nangilid ang nga luba ni Lirah. Parang kaninang umaga lamang ay masaya niyang kausap ang ama. Balak kasi nilang palakihin pa ang hacienda. Nabili na kasi nila ang kalapit pang mga lupa ng kanilang hacienda kaya nasasabik na si Lirah. Ngunit napalitan iyon nang matinding lungkot dahil nakaratay na ngayon ang kaniyang ama.

“Lirah. Come here,” tawag ni Liza sa kapatid. Nakaupo siya sa pang-isahang upuan katabi ang ina.

Nilingon ni Lirah ang kaniyang ate at lumapit sa mga ito. Naupo si Lirah sa mahabang sofa.

“Bakit po?” magalang niyang tanong.

Huminga nang malalim si Paulina. Pinilit niyang palambutin ang ekspresyon habang nakatingin sa bunsong anak.

“Lirah, anak. May sasabihin ako sa 'yo.”

Parang pinisil ang puso ni Lirah noong marinig niya ang malamyos na pagtawag sa kaniya ni Paulina. Ni minsan ay hindi nito iyon ginawa sa kaniya. Madalas pa nga ay sigawan siya nito. Nakakapanibago para sa kaniya naman ay ngumiti siya rito.

“Ano po iyon, mama?”

“Do you love this family?”

Nangunot ang noo ni Lirah. “S-Syempre naman po.”

“Are you willing to do anything for our family?”

“Opo, mama,” tugon ulit ni Lirah kahit na nalilito na siya sa mga tanong nito. Ang kaniyang kasiyahan ay napalitan din ng kakaibang kaba.

“You heard what George had told us earlier, right?” sabad ni Liza.

Tumingin si Lirah sa kaniyang kapatid at tumango. “O-Opo, ate. Ninakawan ang kompanya at nanganganib na mawala iyon.” Napabuga ng hangin si Lirah at tumingin sa ama. “At sobrang malulungkot si Papa kapag mangyari iyon.”

“Good. Alam mo na ang mararamdaman ng Papa mo, hindi ba?” ani Paulina. “Kailangan namin ng tulong mo, Lirah.”

Biglang sumikbo ang dibdib ni Lirah. Sa buong buhay niya ay pakiramdam niya wala siyang kwenta sa mga ito. Tapos ngayon ay kailangan pa ng pamilya niya ng tulong? Malugod niya iyong gagawin!

“What is it, Mama? Anything. Tutulong ako. For Papa. Sa kompanya. Para sa atin,” nasasabik pang sabi ni Lirah.

Napangiti nang malapad si Paulina. Gayon din si Liza. Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumugon kay Lirah.

“Kailangan mong pakasalan ang panganay na anak ng Ninong Manuel mo.”

Natigilan si Lirah. “Ho?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status