“Dad, don’t do this! I need to see my family!” pakiusap ni Matias sa ama. Nasa hallway sila ng ospital na pinagdalhan kay Lirah. Kanina pa siya nagpupumilit na makita ang mag-ina.“No! I won’t do that! Para ano? Para ipahamak na naman ang sarili mong anak?” ani Don Manuel. “Hindi mo sila pwedeng makita!”“I’m his father! Asawa ako ni Lirah! Hindi mo ako pwedeng ilayo sa mag-ina ko!”Galit na sinuntok sa kaliwang pisngi ni Don Manuel ang anak. “You dare to call them your family?! Pagkatapos nang ginawa mo?!”“I told you I didn’t know what happened!”“Umalis ka na, Matias! Bago pa ako ang kumastigo sa ‘yo!” sabat naman ni Don Fernan. “Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang mangyari sa anak ko at apo ko!”Napabuga ng hangin si Matias. Pinahid niya ang gilid ng labi at naluluhang tiningnan ang pamilya. Nasa delivery room ngayon si Lirah at kasalukuyang nanganganak. Dahil sa nangyari ay napaaga ang panganganak nito. Sabi ng doctor ay maaring mangyari talaga iyon kapag sobrang na
“Bessy, gising ka ba?” tanong ni Kiray sa kaibigan. Inaayos niya ang pagkaing nabili sa lamesita malapit sa higaan nito. Nakahiga patalikod sa kaniya si Lirah kaya hindi niya makita kung tulog ba ito. “Nakabili na ako ng pagkain mo. Halika na. Kailangan mong magpalakas.”Suminghot-singhot si Lirah. “N-Nakita mo ba siya, Kiray?”Natigilan si Kiray. Bumuga siya ng hangin. “Sino? Si Matias ba?”“Oo.”“Oo. Kaso hindi siya pwedeng pumunta rito. Pinagbabawalan siya ni Don Manuel. Nakakatakot pala iyon kapag galit, ‘no?”Muling nangilid ang mga luha ni Lirah. “G-Ginawa ba talaga niya, ‘yon, Kiray? T-Talaga bang siya ang pinipili niya?”“Lirah.” Tumayo si Kiray at lumapit sa kaibigan. Naupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang balikat nito. “Hindi ko rin alam, bess. Pero nahuli ko sila sa iisang kwarto. Walang saplot si Jenia at ang asawa mo naman ay nagbibihis pa lang.” Napapikit siya nang mariin. “Pero hindi naman tayo sigurado. Nadala lang ako sag alit kaya nasaktan ko ‘yong babae.”“Paano
“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na m
“This is unacceptable! Paanong nangyari ito?!” galit na galit na tanong ni Don Fernan Sarmiento. Tumayo pa siya mula sa kaniyang upuan at hinampas nang malakas ang lamesa. Siya ang may-ari ng pinaka tanyag na shipping company buong bansa. Kararating lamang sa kaniya ng balita na ang kaniyang pinagkakatiwalaang bise presidente ay lumipad papunta sa ibang bansa dala ang malaking pera na galing sa kanilang kompanya. Lahat ng mga nasa loob ng silid ay natahimik at agad na tumungo. Hindi magawang salubungin ang tingin ng nagpupuos na senyor. Kasalukuyan silang nagmi-meeting noong biglang pumasok ang isang executive ng kompanya para ipaalam ang balita sa kanila. “W-We learned that he created a g-ghost company abroad. Doon niya po ipinapadala ang funds galing sa mga nakukuha siya sa kompanya. H-He used fake accounts–” “Shut up!” ani Don Fernan. Itinapon niya ang mga folder na nasa kaniyang harapan. Huminga nang malalaim si Don Fernan at pilit na pinakalma ang sarili. Sinapo niya ang kaniy
“Hindi pwedeng mawala ang kompanya sa Papa mo, Liza. Kailangan nating gumawa nang paraan!” nag-aalalang sabi ni Paulina. Kakakalma lamang niya dahil sa nangyari sa kaniyang asawa at pinag-uusapan na nilang kaniyang panganay na anak ang tungkol sa dahilan kung bakit inatake ang kaniyang asawa. Nakaupo sila sa maliit na sala ng silid ni Fernan.“That’s what I thought, Mama.” Tiningnan ni Liza ang kaniyang ama. “Hindi kakayanin ni Papa kapag mangyari iyon. I just can’t beleive that ninong did that.”Napailing si Paulina. “Noon pa lang ay may inggit na ang Ninong Fidel mo sa Papa mo. Hindi na ako nagtaka na nagawa niyang traydurin tayo.”“After what we did to him? Ito ang igaganti niya? I swear I will find him and make him pay!”“Pero ang kompanya, Liza. Hindi natin ito pwedeng pabayaan. Ito lang din ang pag-asa natin.”Napabuntonghininga si Liza. Tama ang kaniyang mama. Oo nga’t marami na siyang koneksyon dahil sa kaniyang pagmomodelo. Pero nag-uumpisa pa lamang siya sa pag-aartista. At
Kilala ni Lirah ang mga Gomez. Si Don Manuel Gomez ay ang nag-iisa niyang ninong. Ito lang din ang na aalala niyang palaging bumabati sa kaniya sa nga kakilaka ng kaniyang ama. Sa katunayan ay mas mabait pa nga si Don Manuel sa kaniya kaysa sa sarili niyang ina. Kahit na gano'n ay hindi niya kilala ang panganay na anak ni Don Manuel dahil palagi itong wala sa mansyon ng mga ito. At isa pa, matanda ito sa kaniya ng sampung taon. Saka ang alam niya ay may asawa ito.“M-Mama! H'wag naman po kayong magbiro ng ganiyan!”Umarko ang kilay ni Paulina. Nawala naman ang mga ngiti ni Liza.“Mukha ba akong nagbibiro, Lirah?” tanong ni Paulina.Napalunok si Lirah. Pinagpalit-palit niya ang mga tingin sa mga ito. Sa puntong iyon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa. Agad na nangilid ang mga luha niya.“H-Hindi po ba si Ate ang dapat na ikasal dahil siya ang panganay?”Napasinghap si Liza. “Are you questioning Mama?”Pinagsaklob ni Lirah ang kaniyang mga kamay at mahigpit na pinagkapit iyon pa
Dali-daling humingi ng tulong si Lirah sa kaniyang mga katulong. Sa mansyon din natutulog ang mga ito at ang iba ay sa isang bahay sa likod ng mansyon kaya mabilis siyang nakahingi ng tulong dito. Dinala nila ang walang malay ng binata na sa isa sa mga guest room ng mansyon.“May tama siya ng baril, Hija!” ani Myrna. Ang katulong ng pamilya na nagpalaki na rin kay Lirah. Siya ang nagbantay sa dalaga mula pa noong ito ay sanggol pa lamang. “Hindi ata tamang dinala mo siya rito sa loob,” dagdag pa niya habang dinidiinan ang sugat ng binata.“Pero, ‘Nay. Kawawa naman siya.” Bagamat siya rin ay natatakot dahil estranghero ang binata ay hindi niya magawang pabayaan ito. Nakita niyang may kailangan nito ng tulong.“Paano kung sindikato pala ‘yan, Bessy?” nag-aalala namang tanong ni Kiray, ang nag-iisang anak ni Myrna. Kabatata ito ni Lirah at naging matalik na rin na magkaibigan. Dahil na rin sa hindi nalalayo ang edad nilang dalawa.Silang tatlo lamang ang naiwan sa loob ng silid matapos n
“Ayaw ko pong magpakasal, ‘Nay. Pero ano ang gagawin ko? Paano ko sasabahin iyon kay Mama? Sigurado ako na magagalit siya sa akin kapag hindi ako pumunta ngayon,” maluha-luhang sabi ni Lirah habang nakatitig sa salamin. Nakasuot na siya ng puting bestida na hanggang ibaba lamang ng kaniyang tuhod. Nakalugay ang kaniyang buhok na sinuklay lamang ni Myrna. “Mas lalo naman na wala kaming magagawa, beshy. Kaya smile kana.” Pinilit na ngumiti ni Kiray. Ang anak ni Myrna at kababa ni Lirah. Silang dalawa ang para bang mas naging mas pamilya pa ni Lirah kahit na kasambahay nila ang mga ito sa hacienda. “Para kahit naman sa picture ay maganda, ‘di ba?” Mas lalong naging malungkot ang mukha ni Lirah. Na napansin ni Myrna kaya pinandilatan ang anak. “Tama na nga ‘yan, Kiray! Pinapalungkot mo lang lalo si Lirah. Oh, siya. Sige na. Ipapahanda ko na ang sasakyan mo, hija.” Malungkot na tumango si Lirah. Hindi na siya sumagot at tinitigan ang sarili sa salamin. Nagpolbos lamang siya at pinahira