Share

Mister Billionaire's Sunshine
Mister Billionaire's Sunshine
Author: annerie15

Chapter 1

“This is unacceptable! Paanong nangyari ito?!” galit na galit na tanong ni Don Fernan Sarmiento. Tumayo pa siya mula sa kaniyang upuan at hinampas nang malakas ang lamesa. Siya ang may-ari ng pinaka tanyag na shipping company buong bansa. Kararating lamang sa kaniya ng balita na ang kaniyang pinagkakatiwalaang bise presidente ay lumipad papunta sa ibang bansa dala ang malaking pera na galing sa kanilang kompanya. 

Lahat ng mga nasa loob ng silid ay natahimik at agad na tumungo. Hindi magawang salubungin ang tingin ng nagpupuos na senyor. Kasalukuyan silang nagmi-meeting noong biglang pumasok ang isang executive ng kompanya para ipaalam ang balita sa kanila. 

“W-We learned that he created a g-ghost company abroad. Doon niya po ipinapadala ang funds galing sa mga nakukuha siya sa kompanya. H-He used fake accounts–” 

“Shut up!” ani Don Fernan. Itinapon niya ang mga folder na nasa kaniyang harapan. Huminga nang malalaim si Don Fernan at pilit na pinakalma ang sarili. Sinapo niya ang kaniyang dibdib at muling naupo. “Get out,” mahinang sabi niya. 

Nagkatinginan ang mga board members at hindi agad kumilos. Ngunit noong tiningnan sila nang masama ni Don Fernan ay agad silang nagpulasan palabas ng silid. Ito ang inabutan ni Donya Paulina Sarmiento, ang asawa ni Don Fernan. Napansin nito ang asawa na naghahabol ng hininga sa upuan nito. 

“Fernan!” Dali-daling lumapit si Paulina kay Fernan. Noong makita niyang namumutla ito ay  agad siyang kumuhang tubig at akmang paiinumin ito ng tubig. Ngunit umungol na nang malakas si Fernan. “Diyos ko! Tulungan niyo kami! Ang Don!” sigaw ni Paulina. Maluha-luha na siya at inakap na ang asawa na inaatake na sa puso. 

Agad na may pumasok na mga kalalakihan sa loob ng silid. Ang mga tauhan ni Fernan. Tinulungan ng mga ito na dalhin si Fernan sa ospital.

Abot-abot ang  dasal ni Paulina habang nasa ospital na sila at hinihintay ang paglabas ng doctor na kasalukuyang nag-oopera ngayon kay Fernan. Inatake ito sa puso dahil sa matinding emosyon. At mabuti na lamang ay agad na naisugod ito sa ospital. Hindi rin nagtagal ay dumating ang panganay na anak nila sa ospital upang malaman ang nangyari sa ama. 

“What happened to Papa, Mama?” nag-aalalang tanong ni Liza. Ang panganay na anak. Sa edad  na bente singko ay isa na siyang tanyag na modelo. Sa kaniyang tindig pa lamang ay marami na ang humahanga. Hindi maikakaila na isang magandang babae ang panganay ng mga Sarmiento. 

“Hindi ko pa alam, Liza. Nakita ko na lang siyang inaatake sa meeting room nila.” 

Bumuntonghininga ang dalaga at niyakap ang ina na walang tigil sa pag-iyak. “Don’t worry, mama. Papa is a strong man.” 

“He better be. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ang papa niyo!” 

“Papa! Nasaan si Papa? Ano’ng nangyari kay Papa?” humahangos na tanong ni Lirah, ang bunsong anak na babae ng mga Sarmiento. Hindi kagaya ni Liza, si Lirah ay tahimik na anak nila Paulina. Hindi nito gusto ang makihalubilo sa mga tao. Mas gusto nitong ubusin ang oras sa mga halaman at hayop na mga inaalagaan nito. Ngunit sa kanilang magkapatid ay higit na makakakitaan ng kagandahan si Lirah. Hindi lamang siya mahilig mag-ayos kagaya ng kaniyang ate. 

Umingos si Liza. “Bakit ngayon ka lang, Lirah? And what is that smell? Did you even wash yourself before coming here?” maarteng tanong niya. Tinakpan pa niya ang ilong dahil sa hindi kanais-nais na amoy na nagmumula kay Lirah. 

Sandaling natigil sa pag-iyak si Lirah at napatingin sa sarili. Kasalukuyan kasi siyang nagpapaanak ng alaga niyang baboy noong malaman niya ang nangyari sa kaniyang ama. Mabuti na nga lang at naroon ang kaniyang matalik na kaibigan at ito muna ang pumalit sa kaniya. Hindi na niya na isip pang maglinis dahil sa labis na pag-aalala. 

“S-Sorry, ate. Nanganak na kasi si Chuchay.” 

Naiikot ni Liza ang kaniyang mga mata. Magsasalita pa sana ito pero bumukas na ang  pinto ng operating room at lumabas ang doctor mula roon. Agad nitong ibinalita na naging ligtas ang ginawa nilang operasyon. Ngunit kasalukuyang nasa comatose si Fernan kaya hindi pa rin nila masasabing ligtas na ito. 

“Oh my God, Fernan!” tangis ni Paulina. 

“Ihahanda na po namin ang magiging silid ni Don Fernan.” 

“Sige, doc. Salamat po.” 

“Liza, what should we do? Your papa! I can’t lose your papa!” 

“D-Don’t worry, mama. We will make sure that he will recover.” 

Napatungo si Lirah at tahimik na umiyak. Hindi niya mawari ang labis na pag-aalala na nararamdaman niya para sa kaniyang ama. Hindi niya rin kakayanin kung may masamang mangyari dito. 

Dinala na si Don Fernan sa pribadong silid nito. Lalong nahabag at nangamba si Paulina nang makita niya ang estado ng kaniyang pinaka mamahal na asawa. Hindi mabilang kung ilan ang mga nakakabit na aparato sa katawan nito. Nakabibingi ang tunog ng isang makina na nagpapakita ng tibok ng kaniyang puso. Para bang bawat pitik niyon ay bumibilis din ang pagtibok ng kaniyang puso. 

Minabuti namang hindi muna pumasok ng magkapatid sa loob ng silid at kinausap ang sekretarya ni Don Fernan para malaman kung ano ang nangyari dito. 

“Malaki ang nawala sa kompanya ninyo, Miss Liza. At mahihirapan kayong bawiin iyon hanggat hindi niyo na huhuli ang nagnakaw sa inyo,” ni George. 

“Kaya siguro inatake sa puso si Papa,” malungkot na sabi ni Lirah. Napatungo siya at kinagat ang labi. Labis siyang na aawa para sa kaniyang ama. Mahal na mahal nito ang kompanya nila. 

“A-Ano na po ang ginagawa ng board tungkol doon? Nahuli na ba siya?” 

“Sadly,  no. Pero nagsampa na kami ng kaso at naipasa na rin namin sa NBI ang reklamo. But you need to think of something para mapunan ang nawala sa kompanya niyo. Dahil kung hindi ay maaring mawala ito sa inyo.” 

Napabuga ng hangin si Liza. Tumango siya rito. Bilang panganay, alam niyang siya ang dapat na pumalit pansamantala sa kaniyang ama. Sigurado rin siya na hindi magagawang tumayo bilang chairman ng kompanya ng kaniyang ina dahil labis itong nasasaktan dahil sa nangyari sa kanilang ama. 

“Sige, George. Maraming salamat.” 

Tumungo si George sa kanila at nagpaalam na. 

“Ano na ang gagawin natin ngayon, ate?” 

Umarko ang kilay ni Liza at hinarap ang kapatid. “Ano ang gagawin natin? Ikaw. Umuwi ka muna at linisin ang sarili mo. Wala ka rin namang alam sa pagpapatakbo ng negosyo dahil masyado kang abala diyan sa mga alaga mo!” 

Natigilan si Lirah. Maluha-luhang tiningnan niya ang nakatatandang kapatid. Lingid sa kaalaman ng karamihan ay hindi maganda ang pakikitungo ni Liza at Paulina kay Lirah. Itinuturing ng dalawa si Lirah na para bang hindi kaanak ng mga ito. Hindi rin maunawaan ni Lirah kung bakit gayong ginagawa naman niyang maging mabuting anak at kapatid. Ang tanging kakampi lamang niya sa kanilang tahanan ay ang kaniyang ama. Kaya gano’n na lamang ang pag-iyak niya dahil sa labis na pag-aalala. 

“G-Gusto ko lang naman makatulong, ate.” 

“Then go home! You stink, Lirah. Gusto mo bang pati si Mama ay atakihin dahil sa baho mo?” 

Napatungo na si Lirah at tuluyang napaluha. Tahimik siyang tumango at tumalikod na sa kaniyang kapatid. Sinilip niya muna ang kaniyang ama mula sa pinto ng silid nito. 

‘Pa, babalik po ako. Please. Gumising na po kayo.’

“Lirah! Ano pa ba ang hinihintay mo?” iritableng tanong ni Liza. 

Hindi na sumagot pa si Lirah at naglakad na palayo ng silid. Gusto man niyang pumasok at bantayan ang kaniyang Papa ay hindi naman talaga kaaya-aya ang kaniyang amoy ngayon. Lahat nga ng kaniyang nakakasalubong ay napapaiwas sa kaniya. Hiling na lamang ni Lirah ang mabilis na paggaling ng kaniyang ama. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status