“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na m
“This is unacceptable! Paanong nangyari ito?!” galit na galit na tanong ni Don Fernan Sarmiento. Tumayo pa siya mula sa kaniyang upuan at hinampas nang malakas ang lamesa. Siya ang may-ari ng pinaka tanyag na shipping company buong bansa. Kararating lamang sa kaniya ng balita na ang kaniyang pinagkakatiwalaang bise presidente ay lumipad papunta sa ibang bansa dala ang malaking pera na galing sa kanilang kompanya. Lahat ng mga nasa loob ng silid ay natahimik at agad na tumungo. Hindi magawang salubungin ang tingin ng nagpupuos na senyor. Kasalukuyan silang nagmi-meeting noong biglang pumasok ang isang executive ng kompanya para ipaalam ang balita sa kanila. “W-We learned that he created a g-ghost company abroad. Doon niya po ipinapadala ang funds galing sa mga nakukuha siya sa kompanya. H-He used fake accounts–” “Shut up!” ani Don Fernan. Itinapon niya ang mga folder na nasa kaniyang harapan. Huminga nang malalaim si Don Fernan at pilit na pinakalma ang sarili. Sinapo niya ang kaniy
“Hindi pwedeng mawala ang kompanya sa Papa mo, Liza. Kailangan nating gumawa nang paraan!” nag-aalalang sabi ni Paulina. Kakakalma lamang niya dahil sa nangyari sa kaniyang asawa at pinag-uusapan na nilang kaniyang panganay na anak ang tungkol sa dahilan kung bakit inatake ang kaniyang asawa. Nakaupo sila sa maliit na sala ng silid ni Fernan.“That’s what I thought, Mama.” Tiningnan ni Liza ang kaniyang ama. “Hindi kakayanin ni Papa kapag mangyari iyon. I just can’t beleive that ninong did that.”Napailing si Paulina. “Noon pa lang ay may inggit na ang Ninong Fidel mo sa Papa mo. Hindi na ako nagtaka na nagawa niyang traydurin tayo.”“After what we did to him? Ito ang igaganti niya? I swear I will find him and make him pay!”“Pero ang kompanya, Liza. Hindi natin ito pwedeng pabayaan. Ito lang din ang pag-asa natin.”Napabuntonghininga si Liza. Tama ang kaniyang mama. Oo nga’t marami na siyang koneksyon dahil sa kaniyang pagmomodelo. Pero nag-uumpisa pa lamang siya sa pag-aartista. At
Kilala ni Lirah ang mga Gomez. Si Don Manuel Gomez ay ang nag-iisa niyang ninong. Ito lang din ang na aalala niyang palaging bumabati sa kaniya sa nga kakilaka ng kaniyang ama. Sa katunayan ay mas mabait pa nga si Don Manuel sa kaniya kaysa sa sarili niyang ina. Kahit na gano'n ay hindi niya kilala ang panganay na anak ni Don Manuel dahil palagi itong wala sa mansyon ng mga ito. At isa pa, matanda ito sa kaniya ng sampung taon. Saka ang alam niya ay may asawa ito.“M-Mama! H'wag naman po kayong magbiro ng ganiyan!”Umarko ang kilay ni Paulina. Nawala naman ang mga ngiti ni Liza.“Mukha ba akong nagbibiro, Lirah?” tanong ni Paulina.Napalunok si Lirah. Pinagpalit-palit niya ang mga tingin sa mga ito. Sa puntong iyon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa. Agad na nangilid ang mga luha niya.“H-Hindi po ba si Ate ang dapat na ikasal dahil siya ang panganay?”Napasinghap si Liza. “Are you questioning Mama?”Pinagsaklob ni Lirah ang kaniyang mga kamay at mahigpit na pinagkapit iyon pa
Dali-daling humingi ng tulong si Lirah sa kaniyang mga katulong. Sa mansyon din natutulog ang mga ito at ang iba ay sa isang bahay sa likod ng mansyon kaya mabilis siyang nakahingi ng tulong dito. Dinala nila ang walang malay ng binata na sa isa sa mga guest room ng mansyon.“May tama siya ng baril, Hija!” ani Myrna. Ang katulong ng pamilya na nagpalaki na rin kay Lirah. Siya ang nagbantay sa dalaga mula pa noong ito ay sanggol pa lamang. “Hindi ata tamang dinala mo siya rito sa loob,” dagdag pa niya habang dinidiinan ang sugat ng binata.“Pero, ‘Nay. Kawawa naman siya.” Bagamat siya rin ay natatakot dahil estranghero ang binata ay hindi niya magawang pabayaan ito. Nakita niyang may kailangan nito ng tulong.“Paano kung sindikato pala ‘yan, Bessy?” nag-aalala namang tanong ni Kiray, ang nag-iisang anak ni Myrna. Kabatata ito ni Lirah at naging matalik na rin na magkaibigan. Dahil na rin sa hindi nalalayo ang edad nilang dalawa.Silang tatlo lamang ang naiwan sa loob ng silid matapos n
“Ayaw ko pong magpakasal, ‘Nay. Pero ano ang gagawin ko? Paano ko sasabahin iyon kay Mama? Sigurado ako na magagalit siya sa akin kapag hindi ako pumunta ngayon,” maluha-luhang sabi ni Lirah habang nakatitig sa salamin. Nakasuot na siya ng puting bestida na hanggang ibaba lamang ng kaniyang tuhod. Nakalugay ang kaniyang buhok na sinuklay lamang ni Myrna. “Mas lalo naman na wala kaming magagawa, beshy. Kaya smile kana.” Pinilit na ngumiti ni Kiray. Ang anak ni Myrna at kababa ni Lirah. Silang dalawa ang para bang mas naging mas pamilya pa ni Lirah kahit na kasambahay nila ang mga ito sa hacienda. “Para kahit naman sa picture ay maganda, ‘di ba?” Mas lalong naging malungkot ang mukha ni Lirah. Na napansin ni Myrna kaya pinandilatan ang anak. “Tama na nga ‘yan, Kiray! Pinapalungkot mo lang lalo si Lirah. Oh, siya. Sige na. Ipapahanda ko na ang sasakyan mo, hija.” Malungkot na tumango si Lirah. Hindi na siya sumagot at tinitigan ang sarili sa salamin. Nagpolbos lamang siya at pinahira
“This will be our house,” ani Matias pagkapasok nila sa isang malaking bahay. Hindi maiwasang mamangha ni Lirah noong pumasok sila sa dalawang palapag na bahay. Malaki rin ang kanilang mansyon sa hacienda ngunit hindi kagaya rito na moderno ang pagkakagawa. Simple lang naman ang desenyo ngunit ang elegante para sa kaniya tingnan ng kulay nito. Itim at abo. Malayo sa paborito niyang kulay na dilaw pero maganda na para sa kaniya. Studio type ang unang palapag. Kita agad sa sala ang kusina na mayroong counter tap na humaharang papunta sa kusina. Sa tapat niyon ay ang mahabang lamesa na kasya ang walong tao. Sa gilid ng sala ay ang nag-iisang hagdan papunta sa ikalawang palapag. “Hindi ba pwedeng sa hacienda na lang ako umuwi?” tanong ni Lirah. Pumwesto siya sa likod ng mahabang sofa. Habang si Matias at nakasandig sa isa sa mga upuan sa may dining table. Bahagyang natawa si Matias. “No, you can’t. I hate to admit it. Pero mag-asawa na tayo at kailangang nasa iisang bubong tayo.” Napa
Maagang nagising si Lirah kinabukasan. Ni hindi na nga niya nagawang magbihis dahil sa labis na kahihiyan na kaniyang nararamdaman. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagkalalake ni Matias. Iniisip niyang maigi kung saang banda hindi ito marunong magpaligaya dahil sa laki ng kaniyang nakita. Naalala niya na may sinabi si Kiray sa kaniya tungkol sa binata. Tumayo na si Lirah at nagbihis. Kataka-takang nakita niya ang mga gamit niya sa loob ng silid. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang paglipat nila sa bahay na iyon. Noong makaligo na si Lirah ay nagbihis siya ng bestida niyang bulaklakin. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok at lumabas na ng silid. Napatigil pa siya saglit noong makita niya ang silid ni Matias. “Nandiyan pa kaya siya?” mahinang tanong niya sa sarili. Napalabi si Lirah at agad na umiling. “Bahala siya.” Bumaba na si Lirah sa unang palapag at nakita niyang may pagkaing nakataklob sa lamesa. Nilapitan niya iyon at nakita niya ang piniritong itlog at sausage.
“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na m
“Bessy, gising ka ba?” tanong ni Kiray sa kaibigan. Inaayos niya ang pagkaing nabili sa lamesita malapit sa higaan nito. Nakahiga patalikod sa kaniya si Lirah kaya hindi niya makita kung tulog ba ito. “Nakabili na ako ng pagkain mo. Halika na. Kailangan mong magpalakas.”Suminghot-singhot si Lirah. “N-Nakita mo ba siya, Kiray?”Natigilan si Kiray. Bumuga siya ng hangin. “Sino? Si Matias ba?”“Oo.”“Oo. Kaso hindi siya pwedeng pumunta rito. Pinagbabawalan siya ni Don Manuel. Nakakatakot pala iyon kapag galit, ‘no?”Muling nangilid ang mga luha ni Lirah. “G-Ginawa ba talaga niya, ‘yon, Kiray? T-Talaga bang siya ang pinipili niya?”“Lirah.” Tumayo si Kiray at lumapit sa kaibigan. Naupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang balikat nito. “Hindi ko rin alam, bess. Pero nahuli ko sila sa iisang kwarto. Walang saplot si Jenia at ang asawa mo naman ay nagbibihis pa lang.” Napapikit siya nang mariin. “Pero hindi naman tayo sigurado. Nadala lang ako sag alit kaya nasaktan ko ‘yong babae.”“Paano
“Dad, don’t do this! I need to see my family!” pakiusap ni Matias sa ama. Nasa hallway sila ng ospital na pinagdalhan kay Lirah. Kanina pa siya nagpupumilit na makita ang mag-ina.“No! I won’t do that! Para ano? Para ipahamak na naman ang sarili mong anak?” ani Don Manuel. “Hindi mo sila pwedeng makita!”“I’m his father! Asawa ako ni Lirah! Hindi mo ako pwedeng ilayo sa mag-ina ko!”Galit na sinuntok sa kaliwang pisngi ni Don Manuel ang anak. “You dare to call them your family?! Pagkatapos nang ginawa mo?!”“I told you I didn’t know what happened!”“Umalis ka na, Matias! Bago pa ako ang kumastigo sa ‘yo!” sabat naman ni Don Fernan. “Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang mangyari sa anak ko at apo ko!”Napabuga ng hangin si Matias. Pinahid niya ang gilid ng labi at naluluhang tiningnan ang pamilya. Nasa delivery room ngayon si Lirah at kasalukuyang nanganganak. Dahil sa nangyari ay napaaga ang panganganak nito. Sabi ng doctor ay maaring mangyari talaga iyon kapag sobrang na
Unti-unting nagising si Lirah mula sa kaniyang pagtulog. Agad niyang kinapa ang gilid niya ngunit hindi niya na abot ang asawa. “Nasaan siya?” Dahan-dahang naupo si Lirah at inilibot ang paningin sa paligid. Ngunit wala si Matias kahit saan. Ang huli niyang na aalala ay gabi na pero nagkakasiyahan pa rin ang kanilang mga bisita. Napainom si Matias kasama ang mga kaibigan nito. Pero hindi niya ito pinigilan dahil sa kagustuhan niyang makapag-relax din ito. “Hindi na ata nakaakyat si Matias.” Sapo-sapo ang balakang na tumayo siya mula sa kama. Inayos niya muna ang sarili bago minabuti nang bumaba sa sala. Doon ay nakita niya ang ilang mga staff nang nag-ayos ng kanilang party. Nililinis na nila ang mga ginamit nila. Pati ang catering staff ay nandoon na rin. “Oh, Hija. Gising ka na pala!” bati ni Myrna. “Gustom ka na ba? Pumunta ka na roon sa kusina at ipagtitimpla kita ng gatas.” “Sige po, ‘Nay. Narito pa ba sila Papa?” “Oo. Pero hindi pa pumapanhik. Pati sila Don Manuel ay nari
Matapos ang naging pag-uusap nila Lirah ay mas tumibay ang samahan nilang mag-asawa. Sa bawat nangyayari sa kaniya ay palaging nakaagapay si Matias sa kaniyang tabi. Nalaman na lang nila Lirah na bumalik si Jenia sa Italy makalipas ang isang linggo. Nagkita pa sila ulit bago umalis ang dalaga at nagkapatawaran. Kaya naman ay mas lalong naging panatag si Lirah na hindi na ito ulit manggugulo sa kanila. “Excited na ako! Yieeh!” masayang sabi ni Kiray. Nasa loob sila ng kwarto nila Lirah at tinutulungang ayusan ang kaibigan. “Mukha ngang mas excited ka pa sa akin eh,” nakangiting sabi ni Lirah. Hinagod niya ang walong buwan niyang tiyan. Halatang-halata na ito dahil nalalapit na rin ang kabuwanan niya. “Syempre naman! Baby shower slash gender reveal ng pamangkin ko! Ikaw, besh? Ano ba ang gusto mong maging anak? Babae o lalake?” Napaisip si Lirah. “Hindi naman importante sa akin iyon. Ang mahalaga ay maipanganak ko siya nang maayos at lumabas siyang masigla.” Napanguso si Kiray. “Ay,
Hindi maiwasang kabahan ni Lirah habang naghihintay silang dalawa ni Matias sa waiting area sa airport. Panay ang paghagod niya sa tiyan habang palinga-linga. Si Matias naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya mahulaan kung ano ba ang nararamdaman nito sa pagdating ni Jenia dahil deretso lang itong nakatingin sa unahan. Wala manlang kahit na anong ekspresyon sa mukha.“Matagal pa ba siya?” tanong ni Lirah.Agad na nilingon ni Matias ang asawa. “Her plane already landed. We should see her any minute now.” Nangunot ang noo niya. “Why? Are you okay?”Pinilit na ngumiti ni Lirah. “O-Oo. Ayos lang ako.”“Nagugutom ka ba?”“Hindi. Ayos lang ako,” pag-uulit niya.“Sige. Kung may kailangan ka, sabihin mo agad sa akin.”Tumango na lang si Lirah kay Matias bilang sagot. Minabuti niyang kuhain ang cellphone at kalikutin iyon kahit hindi naman siya masyadong maalam. Ka-text niya si Kiray na nagagalit dahil hindi niya ito isinama. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Ma
Naupo si Lirah sa upuan at humagulhol. Ito na nga ba ang kaniyang kinatatakot. Kaya ayaw niyang muling pagbuksan ang puso kay Matias. Ngayon ay nalaman na niya ang totoo. Ang masakit pa ay kay Jenia niya nalaman na sa anak pala niya ang ipinapamana ang lahat ng dapat ay kay Matias.“Lirah?” Naalimpungatan si Matias. Naupo siya at binuksan ang ilaw. Dali-dali siyang lumapit kay Lirah noong makita itong umiiyak. “Hey… what’s wrong?” Akmang hahawakan ni Matias si Lirah ngunit iwinaksi nito ang kaniyang kamay. “M-May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. Napatingin siya sa paanan nito at doon nakita ang cellphone niya. Umiilaw pa iyon kaya agad niyang kinuha. Nanlaki ang mga mata niya noong makita ang pangalan ni Jenia. Agad niya iyong pinatay. “W-What did she said to you?”Nagpunas ng mga luha si Lirah at humikbi-hikbi. “Bakit hindi siya ang tanungin mo?”“I don’t want to talk with her anymore. Tinapos ko na ang kung ano man ang mayroon sa amin bago ako umalis ng Italy.”Ilang sandalin
“I’m excited to tell you that your baby is finally safe,” masayang sabi ng doctor ni Lirah. Napasinghap si Lirah at maluha-luhang tumingin sa monitor. Kitang-kita ang maliit na hugis doon. Mayroong maliit na bagay na pumipintig doon at naririnig na rin nila ang pagpintig ng puso nito. “Talaga po? Diyos ko! Maraming salamat po!” “Yes, Mommy. But please, kailangan mo pa ring mag-ingat, ha? H’wag pa ring magkikilos-kilos. Good thing na rin at binigyan ka ng personal nurse mo para umalalay sa ‘yo.” Tumingin ito kay Matias na nakaupo sa tabi ni Lirah. “Are you the father? Mister Gomez, right?” Tumingin si Matias sa doctor. “Yes, Doc. Thank you for assuring us.” “Walang anuman. But I just meet you now. Mukhang sobrang busy talaga ng mga businessman.” “Yeah.” Matipid na ngumiti si Matias. Tumingin siya kay Lirah na nakatitig pa rin sa monitor. Napangiti siya noong makita ang labis na kasiyahan sa mga mata nito. Kinuha niya ang kamay ng asawa at hahawakan sana iyon. Ngunit mabilis na bu
“M-Matias? Ano ang ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Lirah. Napaatras pa siya noong naglakad na ito palapit sa kaniya. “Papunta ka na raw sa check-up mo. Samahan na kita?” nakangiting sabi ni Matias. Nalilito pa ring tiningnan ni Lirah ang asawa. Tumingin siya kay Myrna na nasa tabi niya lang. Maging ito ay nagtataka rin dahil si Matias ang nasa harapan nila. Huminga nang malalim si Lirah at pinakalma ang sarili. Bigla kasing bumilis ang pagpintig ng kaniyang puso. “B-Bakit?” “I’m… back. Hindi na ako aalis, Lirah.” “Ha?” Lalong nangunot ang noo ni Lirah. “A-Ano ang ibig mong sabihin? Akala ko ba sila na pinipili mo?” Napabuga ng hangin si Matias. “Can we talk first?” “Hep!” Biglang may boses na nagsalita sa may likuran nila Lirah. Dali-daling lumapit si Kiray at hinarang ang sarili niya sa harap ni Lirah. “Sinasabi ko na nga ba at bumalik ka na! No! Hindi pwede!” “Huh? Please, Kiray. I need to talk with my wife.” “Wife? Eh ‘di ba nga pinagpalit mo na siya sa ex mo? Naku! H