Share

Chapter 5

“Ayaw ko pong magpakasal, ‘Nay. Pero ano ang gagawin ko? Paano ko sasabahin iyon kay Mama? Sigurado ako na magagalit siya sa akin kapag hindi ako pumunta ngayon,” maluha-luhang sabi ni Lirah habang nakatitig sa salamin. Nakasuot na siya ng puting bestida na hanggang ibaba lamang ng kaniyang tuhod. Nakalugay ang kaniyang buhok na sinuklay lamang ni Myrna. 

“Mas lalo naman na wala  kaming magagawa, beshy. Kaya smile kana.” Pinilit na ngumiti ni Kiray. Ang anak ni Myrna at kababa ni Lirah. Silang dalawa ang para bang mas naging mas pamilya pa ni Lirah kahit na kasambahay nila ang mga ito sa hacienda. “Para kahit naman sa picture ay maganda, ‘di ba?” 

Mas lalong naging malungkot ang mukha ni Lirah. Na napansin ni Myrna kaya pinandilatan ang anak. “Tama na nga ‘yan, Kiray! Pinapalungkot mo lang lalo si Lirah. Oh, siya. Sige na. Ipapahanda ko na ang sasakyan mo, hija.” 

Malungkot na tumango si Lirah. Hindi na siya sumagot at tinitigan ang sarili sa salamin. Nagpolbos lamang siya at pinahiram din ng mumurahing lipstick ni Kiray. Hindi naman kasi siya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Kahit ano atang gawing pagpapalubag loob ni Kiray sa kaniya ngayon ay hindi niya magagawang ngumiti. Dahil imbes na masayang araw ay para siyang ililibing ngayon. 

Ilang sandali pa ay muling bumalik si Myrna sa silid. Nagpaalam na si Lirah sa kanila at sumakay na siya sa kotse. Ngayong araw ay pupunta siya sa munisipyo kung saan siya ikakasal kay Matias Gomez. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang hitsura ng magiging asawa niya. O kung anong klaseng tao ba ito. Kung mabait ba sa kaniya o magiging masama. Pero hinihiling na lamang ni Lirah na mairaos na ito para mailigtas na ang kompanya nila. 

Hindi nagtagal ay dumating na sila sa munisipyo. Mayroon agad sumalubong sa kaniyang matandang lalake na nagpakilalang kanang-kamay ng mga Gomez. Sinubukan niyang hanapin ang Mama at ate niya ngunit wala ang mga ito roon. Nagawa na nga ng mga ito na ipagkanulo siya sa taong hindi niya kilala tapos hindi pa siya sasamahan ngayon. Pakiramdam ni Lirah ay walang pakealam sa kaniya ang mga ito. 

“Miss. Nasa loob na po si Mister Gomez. Naghihintay sa inyo,” magalang na sabi ng lalake. 

Matipid na ngumiti si Lirah sa kaniya. Binuksan na nito ang pinto at pumasok siya sa loob ng opisina ng Mayor ng lugar nila. Agad na tumayo ang isang lalake na nakaupo sa may malapad na lamesa. Ito ang kanilang mayor, si Mayor Enrico. Napatingin din si Lirah sa isang lalake na nakaupo lang sa tapat ng lamesa at nakatingin sa kaniya. Biglang kinabahan si Lirah noong magtama ang kanilang mga mata. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nito habang nakatanaw sa kaniya. 

‘Pamilyar siya?’ ani Lirah sa kaniyang isipan. 

“Are you Lirah Sarmiento?” nagtatakang tanong ni Matias sa dalagang papalapit sa kanila. Tumayo na rin siya at nakakunot ang noong pinagmasdan ito. Sinubukan niyang maging relax pero hindi niya maiwasang magulat. Hindi ito ang babaeng nakita niya sa loob ng kwarto ni Fernan Sarmiento. 

Tumigil si Lirah noong nasa harapan na siya ng binata. “Y-Yes. Ako po,” mahina at magalang na sabi ni Lirah. 

Napangisi si Matias. Hindi niya maiwasang mainis dahil parang ang hindi makabasag pinggan ang dalaga. Ang ayaw niya sa lahat ay mapagpanggap. 

“Fine. I don’t care who you are. Let’s do this.” 

Nangunot ang noo ni Lirah. Hindi niya alam kung bakit parang hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ng binata. Gwapo nga pero mukha naman siyang arogante. Pero pamilyar talaga sa kaniya ang binata. 

“Ikaw si Matias Gomez?” 

“Sino pa ba?” 

Ngumuso si Lirah. “Okay.” Humarap na siya sa mayor nila. Pero nahagip ng mga mata ni Lirah ang suot na bracelet ng binata. Muli niyang tiningnan ang kamay nito at wala sa sariling hinawakan iyon. Napangiti siya noong makita niya ang bracelet na ginawa niya. ‘Siya ‘yong niligtas ko!’ 

Hindi maiwasang mapangiti ni Lirah. Naisipan niyang suotan ito ng bracelet habang natutulog ito dahil iyon ang ginagawa niya kapag may naililigtas siyang alaga nila. Sinusuotan niyang pulang bracelet bilang patunay na survivor ang mga ito. Kaya lang ay kinabukasan nawala na ang binata kaya hindi na niya nagawang kausapin pa ito. 

‘Kaya ba bigla siyang nawala kagabi?’ tanong ni Lirah sa sarili.

Nangunot naman ang noo ni Matias. Nagtataka niyang tiningnan si Lirah dahil parang natuwa ito sa suot niyang bracelet. Hindi niya alam kung kanino iyon nagmula, pero may hinala siya na galing ito sa babaeng nagligtas sa kaniya. Binawi niya ang kaniyang kamay at tiningnan nang masama  si Lirah. 

“What do you think you’re doing?”

“Ha? Ahm. Kasi…”

“Do you want to do this or papansinin mo lang ang mga suot ko?” 

Napalabi si Lirah. “Ang sungit mo naman,” aniya at humarap na sa Mayor nila. “Mister Mayor. Ikasal mo na nga kami.” 

Napatingin sa kaniya si Mayor Enrico habang nakangiwi. Pagkatapos ay tumingin din kay Matias. “Sige. Ayos na ba kayo?” 

“Opo!” 

Halos maiikot ni Matias ang mga mata niya sa inis. “Yes. Please. I want this done already. I havea lot of things to do.” 

Kumibot-kibot ang labi ni Lirah na para bang ginagaya ang sinasabi ni Matias. 

Nakita ito ni Mayor Enrico at hindi niya maiwasang mapangiti. Sa kaniyang isipan ay mukhang magiging masaya ang pagsasama ng dalawa. Kahit na alam naman niyang pinagkasundo lamang sila. Hindi na rin pinatagal at nag-umpisa na sila sa seremonyas. Isinuot ni Matias ang gintong singsing sa daliri ni Lirah at gano’n din ang ginawa ni Lirah. Pagkatapos ay may pinirmahan silang mga papel na magpapatunay na sila ay kasal na. 

“And I pronounce you as husband and wife,” ani Mayor. “You may now kiss your bride.” 

Nanlaki ang mga mata ni Lirah. “K-Kiss?” nagtatakang tanong niya. Tumingin siya kay Matias na nakatingin din sa ibang direksyon. Agad na nag-init ang kaniyang mga pisngi. Ni minsan ay hindi pa siya n*******n ng lalake. Sabi ni Kiray sa kaniya ay iyon daw ang pinaka importante para sa kanilang mga babae bukod sa pagkababae.

“Yes, Mrs. Gomez. Ang halik ay nagpapatunay na iisa na nga kayo.” 

“Kailangan po ba talaga naming gawin iyon?” 

Tumango si Mayor Enrico na lalong ikinangiwi ni Lirah. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Ayaw niyang magpahalik kay Matias. Hindi naman ito ang first love niya. Magsasalita pa sana siya ng dahilan niya pero inunahan siya ni Matias. 

“It’s just a kiss,” anito. 

At nagulat na lamang si Lirah noong bigla siyang hatakin ng binata at halikan sa labi. Saglit lang iyon pero ramdam niya ang pagiging marahas ni Matias. Pagkatapos ay hindi manlang siya tiningnan ng binata at hinayaan na nanlalaki pa rin sa gulat ang mga mata. 

‘Ang first kiss ko!’ sigaw ni Lirah sa kaniyang isipan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status