Magmula noong gabing iyon ay palagi nang ipinagluluto ni Lirah si Matias. Hindi naman iyon problema kay Lirah dahil sanay siyang magluto. Tinuruan siya ng Nanay Myrna niya at palagi rin siyang natulong dito. Ngunit ang pinagtataka niya lang ay kung bakit bigla na lamang natahimik ang binata noong gabing iyon. Pagkatapos ay hindi na ito nagsalita pa ulit. Nag-aalala tuloy siya na baka na pipilitan na lamang itong kainin ang mga luto niya.“Masarap naman, ‘di ba?” tanong ni Lirah kay Kiray. Hinihintay niya itong sumagot pagkatapos ipatikim ang nilutong menudo. Kasalukuyan siyang nasa hacienda ngayong araw. Nakiusap kasi siya kay Matias na kung pwede ay rito siya maglalagi tuwing araw. Pumayag naman ito basta raw uuwi siya tuwing hapon at magluluto ng hapunan nila.“Oo, besh! Ang sarap-sarap mo kaya magluto!”Nangunot ang noo ni Lirah at bahagyang napalabi. “Eh bakit gano’n siya?”Umarko ang kilay ni Kiray. Inilapag niya ang kutsara sa plato at tinitigan ang kaibigan. “Bakit? Ayaw ba ng
“Kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala.”Napatingin si Lirah sa kaniyang likuran. Naroon si Matias at nakatunghay sa kaniya mula sa labas ng kulungan ng baboy. Nakakunot ang noo nito at bahagyang nakatakip ang kamay sa ilong.“Sorry. Narinig ko kasing umiiyak si Chuchay,” ani niya. Muling pinagpatuloy ni Lirah ang ginagawang pagtingin sa mga biik.“Chuchay?”Tumango si Lirah. Tinuro niya ang nakahigang baboy na ngayon ay nagpapasuso. “Siya si Chuchay. Ito naman ay mga anak niya.”Lalong nangulubot ang noo ni Matias. Hindi siya makapaniwala na may pangalan pa ang baboy. Napailing-iling siya hanggang sa mahagip ng mga mata niya ang pulang bagay na nakatali sa isang paa ng baboy. Kanina pa siya nakakakita ng mga hayop na may pulang tali sa paanan pero hindi niya binibigyan ng pansin.“Bakit mo ba ako hinahanap?”“Nagugutom ako.”Si Lirah naman ang nangunot ang noo. “Hindi ba kakakain lang natin ng hapunan?”“Yes. But I’m hungry again. So, finish that already. Gusto kong busog ako
“Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Lirah kay Matias. Nakahiga ito sa kama niya na para bang sarili nito. “Hindi ka ba binigyan ng kwarto ni Nanay Myrna?”“Binigyan. Dito. Mag-asawa raw tayo kaya dapat magkasama tayo ng kwarto.”“Pwede ba?” Namaywang si Lirah. “Hindi gagawin ‘yan ni Nanay.”Alam ni Myrna na hindi naman naging maayos ang pagiging mag-asawa nila. Mabait man ito kay Matias ay sigurado si Lirah na hindi ito papaya na magkasama sila sa iisang kwarto. Huminga nang malalim si Matias at tinapik ang tabi nito. Tiningnan lamang iyon ni Lirah at hindi umalis sa may dulo ng higaan.“Huh?”“Come here.”“Hindi ako hihiga sa tabi mo, ‘no?”“Lirah. I just want to talk with you. Aalis din ako pagkatapos nating mag-usap.”Umarko ang kilay ni Lirah. Pinagkrus niya pa ang mga braso at mariing pinagmasdan ang asawa. Hindi niya alam kung bakit parang biglang may kakaiba rito. Ilang minuto lang sila nagkahiwalay.“Okay.” Naupo si Lirah sa sofa sa dulo ng kaniyang higaan. “Pero
“Bakit mo nagawa iyon, Paulina?” tanong ni Don Fernan sa asawa. Naiwan na silang dalawa sa loob ng silid. Hindi pa rin siya makapaniwala na ginawang ipakasal ng kaniyang asawa ang kanilang bunso. Masyado pa itong bata para magkaroon ng sariling pamilya.“Ginawa ko ‘yon dahil kailangan natin ng pera, Fernan. Hindi ba tama naman ang ginawa ko?”Huminga nang malalim si Don Fernan. “Ipinakasal mo si Lirah! Mali iyon!”Napasinghap si Donya Paulina. “Bakit parang kasalanan ko pa itong nangyari? Ginawa ko lang naman kung ano sa tingin ko ang makatutulong sa pamilya natin, ah? Nagagalit ka lang dahil si Lirah ang kinasal. Bakit ba masyado mong kinakampihan ‘yan anak mo?!”“I can’t believe you, Paulina!”“Fernan! Hindi ba matagal niyo nang plano ‘to ng kumpadre mo? Ano’ng mal isa pagpapakasal sa kanilang dalawa ngayon?!”“Oo! Pero hindi si Lirah!”Nag-iwas ng tingin si Donya Paulina. Ilang sandali pa ay napailing-iling na siya. “Sinasabi ko na nga ba. Nagagalit ka dahil si Lirah ang ikinasal a
“I hope everything is okay with my daughter, Matias,” ani Don Fernan kay Matias. Naiwan silang dalawa sa loob ng silid nito. Inihatid kasi ni Lirah sila Paulina palabas ng ospital. Uuwi muna kasi ang mga ito para makapagpahinga.Ngumiti si Matias. “Yes, Tito. Don’t worry. I will take care of your daughter.”Bumuntonghininga si Don Fernan. “Hindi pa rin ako makapaniwala na ikinasal kayo. But I trust you. I know that you’re a good child, Matias. Ang hiling ko lang ay h’wag mong sasaktan ang anak ko. Wala siyang alam sa mga bagay na ito. Lumaki siya sa hacienda at buong-buhay niya ay roon lang nakatuon.”“I see that you are worried at her. I promise, Tito. I will take care of her.”“Salamat. Pero may tanong ako, bakit ka pumayag na makasal sa kaniya?”Biglang nawala ang mga ngiti ni Matias. Nag-iwas siya ng tingin at bumuga ng mahinang hangin. “I don’t really have a choice. You know, Dad.”Marahang tumango si Don Fernan. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang sitwasyon ni Matias. At iyon
“Mukhang hindi ko na kailangang kausapin ang Ninong mo, Hija,” pabirong sabi ni Don Fernan.Natigilan si Lirah sa pag-aayos ng pagkain nito sa maliit na lamesa. Tiningnan niya ang ama at nakitang nakangiti ito nang malapad habang nakatanaw sa ibaba— kay Matias kasalukuyang nagpapakain ng mga aso. Dahil hindi pa pwedeng gumalaw-galaw si Don Fernan ay dinalhan na lamang ito ng pagkain sa silid nito. At gusto nitong kumain sa teresa kung saan matatanaw ang halos kabuoan ng kanilang hacienda.“Bakit naman, Papa? Ano ang sasabihin mo kay Ninong?”“Mukhang masaya naman si Matias. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan.”“Ho? Paano niyo naman nasabi? Eh parang gusto lang manggulo niyan. Ayaw niya lang magluto para sa sarili niya.” Sumimangot si Lirah.Natawa si Don Fernan. “Kakaibang bata si Matias, Anak. Sa lahat ng anak ng Ninong mo ay siya lang ang malayo sa mga tao. Pero napaka masunuring bata. Bibihira ko nga iyang makita noon, at sa tuwing makikita ko pa nga ay tahimik lang at nakasimang
“Kanina ka pa tahimik, ah? May problema ka ba?” Natigilan si Lirah noong marinig niya ang boses ni Matias. Tumikhim siya at umayos ng upo. Tumabi naman ito sa kaniya kaya sinarado na niya ang librong binabasa niya. “Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ka pa bukas, ‘di ba?” balik-tanong niya. Nagkibit ng balikat ang binata. “Hindi pa ako inaantok.” “Dapat kasi hindi ka na sumunod pa rito. Baka naninibago ka sa higaan mo.” Ngumiti si Matias. “Okay lang.” Sumandig ito. “Ang ganda pala rito tuwing gabi.” Nangunot ang noo ni Lirah. “Ha? Oo. Kasi fresh pa ang hangin?” “Kasi napaka payapa ng gabi. Unlike in the city. Dito kahit sobrang dilim ng paligid ay hindi ka makakaramdam ng takot.” Napatingin si Lirah sa paligid. Tanging ang ilaw lamang mula sa kanilang hacienda at ilang mga kulungan ng hayop ang liwanag sa paligid. Bukod doon ay wala nang ibang makikita kundi ang kadiliman ng gabi. Napaka tahimik na rin ng paligid kaya ito talaga ang oras nang pagbabasa ni Lirah. “Tama ka nama
“Oh my, Gosh! Ang ganda naman dito!” patiling sabi ni Kiray.Napangiwi na lamang si Lirah habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Tumakbo ito papunta sa may beach at agad na nag-selfie. Napailing siya.“Ito talaga si Kiray,” bulong niya. Tiningnan niya si Matias na kausap ang receptionist para sa kanilang magiging kwarto. Hindi niya inakala na ang ibig sabihin pala nitong honeymoon ay bakasyon nila. Nagulat pa siya noong una at agad niya itong napagalitan. Kaya naman ay narito sila ngayon sa isang private resort sa Palawan.“Thank you.”Agad na tumingin sa labas si Lirah noong pumihit na paharap sa kaniya ang binata. “Okay na?”“Yes. Where’s Kiray?”“Ayon oh. Nagsi-selfie na naman.” Nginuso niya ang kaibigan. “Tawagin ko lang.”“Okay. I’ll wait for you here.”Agad na naglakad si Lirah papalapit sa kaibigan. “Kiray! Halika na! Pupunta na tayo sa kwarto natin.”“Sandali, bessy! Halika rito! Picture tayo!”“Ha? Ayaw ko!”Biglang hinila ni Kiray si Lirah. Wala na siyang nagawa pa kundi