“Kanina ka pa tahimik, ah? May problema ka ba?” Natigilan si Lirah noong marinig niya ang boses ni Matias. Tumikhim siya at umayos ng upo. Tumabi naman ito sa kaniya kaya sinarado na niya ang librong binabasa niya. “Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ka pa bukas, ‘di ba?” balik-tanong niya. Nagkibit ng balikat ang binata. “Hindi pa ako inaantok.” “Dapat kasi hindi ka na sumunod pa rito. Baka naninibago ka sa higaan mo.” Ngumiti si Matias. “Okay lang.” Sumandig ito. “Ang ganda pala rito tuwing gabi.” Nangunot ang noo ni Lirah. “Ha? Oo. Kasi fresh pa ang hangin?” “Kasi napaka payapa ng gabi. Unlike in the city. Dito kahit sobrang dilim ng paligid ay hindi ka makakaramdam ng takot.” Napatingin si Lirah sa paligid. Tanging ang ilaw lamang mula sa kanilang hacienda at ilang mga kulungan ng hayop ang liwanag sa paligid. Bukod doon ay wala nang ibang makikita kundi ang kadiliman ng gabi. Napaka tahimik na rin ng paligid kaya ito talaga ang oras nang pagbabasa ni Lirah. “Tama ka nama
“Oh my, Gosh! Ang ganda naman dito!” patiling sabi ni Kiray.Napangiwi na lamang si Lirah habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Tumakbo ito papunta sa may beach at agad na nag-selfie. Napailing siya.“Ito talaga si Kiray,” bulong niya. Tiningnan niya si Matias na kausap ang receptionist para sa kanilang magiging kwarto. Hindi niya inakala na ang ibig sabihin pala nitong honeymoon ay bakasyon nila. Nagulat pa siya noong una at agad niya itong napagalitan. Kaya naman ay narito sila ngayon sa isang private resort sa Palawan.“Thank you.”Agad na tumingin sa labas si Lirah noong pumihit na paharap sa kaniya ang binata. “Okay na?”“Yes. Where’s Kiray?”“Ayon oh. Nagsi-selfie na naman.” Nginuso niya ang kaibigan. “Tawagin ko lang.”“Okay. I’ll wait for you here.”Agad na naglakad si Lirah papalapit sa kaibigan. “Kiray! Halika na! Pupunta na tayo sa kwarto natin.”“Sandali, bessy! Halika rito! Picture tayo!”“Ha? Ayaw ko!”Biglang hinila ni Kiray si Lirah. Wala na siyang nagawa pa kundi
“Bakit mo naman ginawa ‘yon?” nakakunot ang noo na tanong ni Lirah kay Kiray. Kasalukuyan silang namimili ng susuoting bathing suit sa kwarto nito. Mabuti na lamang ay pinagbuksan din siya nito sa wakas. Ngumisi si Kiray. “Para sa ‘yo ‘yon, bessy! Ano ka ba?” “Anong para sa akin? Nakakahiya kaya! Ngayon paano kami matutulog? Alangan naman na hayaan ko siya sa sahig mamayang gabi?” “Bakit ka naman mahihiga sa sahig kung meron namang kama? Tsaka, ano bang kinatatakot mo? Eh asawa mo na ‘yon.” “Parang hindi mo naman alam kung ano ang sitwasyon namin.” “Sus! Bakit? Iniisip mo kung may girlfriend siya? Eh ‘di ba nga matagal na silang walang komunikasyon?” Bumuga ng hangin si Lirah. “Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa ‘yo.” Tumawa si Kiray. Naupo siya sa tabi ni Lirah. “Alam mo, Senyora. Hindi ka dapat mag-alangan kay Matias. Asawa mo na ‘yon. Eh ano kung biglang sumulpot ‘yong dati niyang girlfriend? Eh ikaw na naman ang asawa.” “Hindi naman kasi gano’n kadali lang ang lahat,
“Here. Take this.”Inabot ni Matias ang isang baso ng malamig na orange juice kay Lirah. Nasa terrace na sila ng villa at nakatanaw sa beach. Tanging silang dalawa lamang ang bumalik sa villa dahil nagpaiwan pa si Kiray doon.“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ni Matias.Huminga nang malalim si Lirah. “M-Medyo okay na.” Uminom siya mula sa baso.“Sorry. Dapat pala hindi kita iniwan doon.”“Okay lang. Mukha namang importante ‘yong kausap mo. Tsaka hindi naman niya ako nasaktan. Medyo nakakatakot lang kasi bigla niyang hinawakan ang kamay ko.”“He did?”Tumango si Lirah.“That prick! Don’t worry. I’ll take care of him!”“Ano ka ba? Ayos na ‘yon. Importante ay narito na tayo.” Muling tumingin si Lirah sa karagatan. “S-Sino ba kayo ‘yong kausap mo kanina? Mukhang close kayo, niyakap ka pa niya.”Nangunot ang noo ni Matias. “You saw it?” Ngumiti siya. “It’s Adelle. Naging business partners namin noon. It just happened na narito rin sila sa isla.”“Talaga? Eh bakit may pagyakap pa? Tapos k
Paggising ni Lirah ay masakit ang buong katawan niya. Napapaungol pa siya dahil para bang binibiyak ang kaniyang ulo. “Good morning, Sunshine! It’s time to wake up!” Nangunot si Lirah noong maamoy niya ang aroma ng mainit na kape. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at doon nakita niya si Matias na nakaupo sa gilid ng kama. Sa tabi nito ay ang isang tray na may lamang pagkain. Piniritong itlog at bacon. May tinapay din at butter. At dalawang tasa ng maiinit na kape. Lalo siyang nagtaka noong makitang walang pang-itaas si Matias. Napansin niya pang naka-boxer lang ito. Ibang-iba rin ang aura nito ngayon kaysa kahapon. Malapad ang mga ngiti nito sa kaniya at maging ang mga mata ay para bang masayang-masaya. “Here’s a medicine for your hangover.” Naupo si Lirah habang nakapikit pa ang mga mata. Nakaramdam pa siya ng ginaw dahil bumaba na ang kumot na nakatakit sa kaniyang katawan. “Salamat,” paos ang boses na sabi niya. Inabot ni Lirah ang gamot at baso ng tubig kay Matias. “Nagluto
“Lirah? Oh, thanks god you’re here! I’ve been looking for you.” Yumakap si Matias kay Lirah mula sa likuran nito. “Bakit hindi ka pumunta sa event kanina?”Huminga nang malalim si Lirah. “May… May nangyari kasi sa hacienda. Dumating na ‘yong kasosyo para maumpisahan na ang winery.”Kagaya ng sinabi ni Matias, unti-unti nitong tinutulungan si Lirah gawin ang pangarap nito para sa hacienda. Noong nakaraan lamang ay inumpisahan na nila ang planong pagpapatayo ng winery. Nag-umpisa na sila magtanim ng mga ubas ilang buwan na ang nakalilipas.“Really? Bakit hindi ako nakatanggap ng tawag kanina?” nagtatakang tanong ni Matias. Kaibigan kasi nito ang kasosyo ni Lirah sa tinatayong negosyo.Tumigil si Lirah sa paghuhugas at muling bumuntonghininga. “Baka maabala ka pa. May event ka, ‘di ba? Andoon naman ako kaya ayos lang. At isa pa… nahuli na raw ang nagnakaw sa kompanya
“Tuloy na tuloy na ba talaga ang alis niyo, Hon? You know I can’t go on my day without seeing you,” malungkot na sabi ni Matias.Napangiti naman si Lirah na kasalukuyang nagtutupi ng kaniyang mga damit. “Hindi naman ako magtatagal, Hon. Siguro mga tatlong araw lang. Tapos uuwi na rin ako. Tsaka, kasama ko naman si Kiray. Wala kang dapat ipag-alala.”Bumuntonghininga si Matias. Inabot niya ang kamay ni Lirah at hinila ito papalapit sa kaniya. Pagkatapos ay yumakap siya sa baywang nito saka isinubsob ang mukha sa dibdib ng dalaga.“I know. Pero ang layo kasi ng Italy.”Marahang hinaplos ni Lirah ang buhok ng asawa. “May importante lang akong dapat asikasuhin doon. Pipilitin kong matapos agad para hindi na namin kailangan pang magtagal ng tatlong araw doon.”“I’m gonna miss you.” Nag-angat ng ulo si Matias. “Sumama na lang kaya ako sa ‘yo?”Namilog ang mga mata ni Lirah. “H-Ha? Hindi na! B-Busy ka rito, ‘di ba? Kaya ko na ito.”“Sigurado ka ba?”Pinilit na ngumiti ni Lirah kay Matias. Si
Habang naglalakad sila Lirah sa hallway palapit sila sa kwarto kung saan naka-confine ang anak ni Matias. Mahigpit ang kapit niya sa braso ni Kiray na kanina pa salubong ang mga kilay. Pagkarating na pagkarating nila sa Italy ay agad na tinawagan ni Lirah si Jenia. Iniwan lang nila ang mga gamit sa hotel na kanilang inupahan at saka nagpunta na agad sa ospital na sinabi ni Jenia. “Sigurado ka na ba, Bessy? Haharapin mo talaga sila?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Kiray. Kanina pa nito kinukulit si Lirah na h’wag na lang ituloy ang binabalak. “Kailangan ko ‘tong gawin, Kiray. Hindi lang para sa akin. Kung totoong anak ni Matias ang bata, kailangan kong malaman.” “Hay naku! Basta naka-ready lang ako. Kapag sinabi mong sabunutan ko, gagawin ko agad!” Natawa si Lirah. “Ano ka ba? Hindi tayo aabot sa ganiyan.” Isa-isang tiningnan ni Lirah ang mga pintong kanilang nadadaanan. May iilang mga nurse at staff silang nasasalubong. May mga nag-uusa