“Lirah? Oh, thanks god you’re here! I’ve been looking for you.” Yumakap si Matias kay Lirah mula sa likuran nito. “Bakit hindi ka pumunta sa event kanina?”
Huminga nang malalim si Lirah. “May… May nangyari kasi sa hacienda. Dumating na ‘yong kasosyo para maumpisahan na ang winery.”
Kagaya ng sinabi ni Matias, unti-unti nitong tinutulungan si Lirah gawin ang pangarap nito para sa hacienda. Noong nakaraan lamang ay inumpisahan na nila ang planong pagpapatayo ng winery. Nag-umpisa na sila magtanim ng mga ubas ilang buwan na ang nakalilipas.
“Really? Bakit hindi ako nakatanggap ng tawag kanina?” nagtatakang tanong ni Matias. Kaibigan kasi nito ang kasosyo ni Lirah sa tinatayong negosyo.
Tumigil si Lirah sa paghuhugas at muling bumuntonghininga. “Baka maabala ka pa. May event ka, ‘di ba? Andoon naman ako kaya ayos lang. At isa pa… nahuli na raw ang nagnakaw sa kompanya
“Tuloy na tuloy na ba talaga ang alis niyo, Hon? You know I can’t go on my day without seeing you,” malungkot na sabi ni Matias.Napangiti naman si Lirah na kasalukuyang nagtutupi ng kaniyang mga damit. “Hindi naman ako magtatagal, Hon. Siguro mga tatlong araw lang. Tapos uuwi na rin ako. Tsaka, kasama ko naman si Kiray. Wala kang dapat ipag-alala.”Bumuntonghininga si Matias. Inabot niya ang kamay ni Lirah at hinila ito papalapit sa kaniya. Pagkatapos ay yumakap siya sa baywang nito saka isinubsob ang mukha sa dibdib ng dalaga.“I know. Pero ang layo kasi ng Italy.”Marahang hinaplos ni Lirah ang buhok ng asawa. “May importante lang akong dapat asikasuhin doon. Pipilitin kong matapos agad para hindi na namin kailangan pang magtagal ng tatlong araw doon.”“I’m gonna miss you.” Nag-angat ng ulo si Matias. “Sumama na lang kaya ako sa ‘yo?”Namilog ang mga mata ni Lirah. “H-Ha? Hindi na! B-Busy ka rito, ‘di ba? Kaya ko na ito.”“Sigurado ka ba?”Pinilit na ngumiti ni Lirah kay Matias. Si
Habang naglalakad sila Lirah sa hallway palapit sila sa kwarto kung saan naka-confine ang anak ni Matias. Mahigpit ang kapit niya sa braso ni Kiray na kanina pa salubong ang mga kilay. Pagkarating na pagkarating nila sa Italy ay agad na tinawagan ni Lirah si Jenia. Iniwan lang nila ang mga gamit sa hotel na kanilang inupahan at saka nagpunta na agad sa ospital na sinabi ni Jenia. “Sigurado ka na ba, Bessy? Haharapin mo talaga sila?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Kiray. Kanina pa nito kinukulit si Lirah na h’wag na lang ituloy ang binabalak. “Kailangan ko ‘tong gawin, Kiray. Hindi lang para sa akin. Kung totoong anak ni Matias ang bata, kailangan kong malaman.” “Hay naku! Basta naka-ready lang ako. Kapag sinabi mong sabunutan ko, gagawin ko agad!” Natawa si Lirah. “Ano ka ba? Hindi tayo aabot sa ganiyan.” Isa-isang tiningnan ni Lirah ang mga pintong kanilang nadadaanan. May iilang mga nurse at staff silang nasasalubong. May mga nag-uusa
“Baka naman nagkakamali lang ‘yan? Ulitin kaya natin?” tanong ni Kiray.Napasinghot-singhot na si Lirah. Wala na siyang tigil sa pag-iyak mula noong malaman niyang anak talaga ito ni Matias.“Hindi nagkakamali ang result na ‘yan, Kiray. Anak talaga ni Matias si Mateo.” Muli siyang napahagulhol. “Ano na ang gagawin ko ‘yon? Nakita mo naman ang kalagayan ng bata.”Umiling si Kiray. Naupo siya sa tabi ng kaibigan at hinawakan ang braso nito. “Wala kang gagawin. Hindi mo sasabihin kay Matias ang katotohanan.”“Bakit naman? Anak niya ‘yon, Kiray!”“At ano ang mangyayari sa ‘yo? Nababaliw ka na ba talaga? Gusto mo talaga magpabayani?”“Hindi naman sa gano’n. Paano kung malaman din ni Matias ang katotohanan? Tapos hindi ko sa kaniya sinabi ang tungkol sa anak niya? Kiray, mas nauna sila sa akin. Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero may karapatan sila sa asawa ko.”Mabilis na umiling si Kiray. “No! Okay. Sige. Sabihin na nating may karapatan ang bata. Pero ‘yong ex niya? Wala, Lirah. Kaya,
“The number you have dialed is currently unavailable. Please send your message after the tone.” Napasinghap si Lirah noong marinig ulit ang automated message mula sa kabilang linya. Kanina pa niya tinatawagan si Matias ngunit hindi ito sumasagot. Wala rin ito sa bahay nila noong makauwi siya.“Nasaan ka na, Matias? Sagutin mo naman ang tawag ko,” umiiyak na sabi niya. Sinubukan na rin niyang tumawag sa opisina nito ngunit wala rin ito roon. Hindi na niya alam kung saan ba hahanapin ang asawa.Nagkataon pala na pinapunta si Matias ng daddy nito sa kanila noong araw na iyon. Kaya aksidenteng nagkasabay silang mag-asawa sa pagpunta sa mansion at narinig nito ang pag-uusap nila ng byenan. Kanina pa siya hindi mapakali at labis na nagsisisi dahil sa nangyari. Iniisip niya kung sinabi na lang niya ang totoo ay hindi na sana magagalit nang ganito si Matias. Ngunit ano nga ba ang magagawa niya? Nangyari na ang nangyari.Maayos na sana ang kaniyang plano. Pagkatapos niyang kausapin ang byenan
Masakit ang ulo na unti-unting iminulat ni Matias ang mga mata. Wala na si Lirah sa kaniyang tabi ngunit hindi niya ito inalala. Nahihilo pa siya kaya minabuti niyang matulog pa ulit ng ilang minuto pa. Noong makabawi na siya ay tumayo na siya upang maligo. Wala pa ring Lirah na tumatawag sa kaniya. Sa tuwing ganitong oras ay pumapanhik na ito sa kanilang silid para paalalahanan siya ng oras. Ngunit wala ito.Noong matapos na si Matias maligo ay nagbihis na rin siya. Nakahanda na rin iyon kaya hindi na siya nahirapan pa. Gano’n palagi si Lirah tuwing bago siya pumasok sa trabaho niya. Kahit busy na rin ito sa negosyo itinatayo nito ay hindi nito nakakalimutang asikasuhin siya. Ngunit sa araw na ito ay walang balak si Matias na pumasok sa kanilang kompanya kahit sinuot niya ang hinandang damit nito sa kaniya.Pagkatapos ay bumaba na si Matias. Dederetso na sana siya sa labas ngunit napansin niyang wala rin sa sana si Lirah. Pumunta siya sa kusina at nakita ang pag
Hingal na hingal na napaupo si Lirah sa upuan. Agad niyang nilagok ang tubig na kaniyang kinuha mula sa ref. Pakiramdam niya ay umiikot pa ang kaniyang paningin at ano mang oras ay muling susuka.“Ano’ng nangyayari sa akin?” nalilitong tanong niya sa sarili. Sinapo niya ang dibdib ay tumikhim. Ngunit muli lang siyang nakaramdam nang pagkaduwal kaya agad siyang uminom ng tubig.“Lirah! Kumusta? Ano ang nangyari sa ‘yo? Masama ba ang pakiramdam mo? Hindi ka ba nasarapan sa luto ko? Diyos ko! Namumutla ka!” nag-aalalang sabi ni Myrna. Sinapo niya ang noo ni Lirah at pinakiramdaman ito. “Mabuti naman. Bakit ka nasusuka?”Umiling si Lirah. “Hindi ko po alam, ‘Nay. Pagtikim ko po ng ulam, bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko.”“Nag-almusal ka ba kanina?”“Ahm… opo. Hindi ba kasabay ko kayo kanina?”“Oo nga pala. Bakit ka naman biglang masusuka sa—” Biglang natigilan si Myrna. Matagal na tinitigan niya ang alaga. “H-Hija… kailan ang huling buwanang dalaw mo?”Nangunot ang noo ni Lirah. “P
“Where is that bastard? Where is Matias?!” galit na galit na sigaw ni Don Manuel habang naglalakad sa pasilyo. Nagmamadali siya papunta sa opisina ng anak. Umaga pa lang noong malaman niya mula sa kaniyang sekretarya ang tungkol sa plano nitong pakikipaghiwalay kay Lirah. “Don Manuel—” “Open the door,” may himig nang pagbabantang sabi ni Don Manuel. Napalunok ang sekretarya ni Matias. Mariin kasi nitong ibinilinin dito na hindi siya tumatanggap ng kahit na sinong bisita ngayong araw. Pinipilit kasi niyang matapos ang kaniyang mga gawain bago siya bumalik ng Italy. “B-But, Don—” Hindi na pinatapos pa ni Don Manuel ang sasabin ng dalaga. Hinawakan niya ito sa braso at marahang hinila palayo sa pinto. Dali-dali siyang pumasok sa loob at doon ay nakita niya si Matias na nakaupo sa harap ng lamesa nito. “Matias! What is the meaning of this? Is it true?!” Ibinaba ni Matias ang hawak na papel. “Didn’t my secretary told you that I don’t want any visitor?” “What? Sinusubukan mo na ba ta
Tulala si Lirah habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam niya bigla ay bumalik sa umpisa ang kaniyang buhay. O mas lumala pa nga dahil ngayon ay wala na siyang gana sa lahat. Ni pagkain ay kailangan pa niyang pilitin ang sarili para sa dinadala niya.Nasapo ni Lirah ang tiyan. Buntis siya. Imbes na dapat ay masaya siya ngayon ay kabaliktaran ang kaniyang nararamdaman. Hihiwalayan na siya ni Matias. Pinipilit niyang ipaintindi sa sarili niya na darating naman talaga sila sa puntong ito dahil ipinagkasundo lang naman sila. Ngunit hindi pa rin niya mapigilang masaktan. Sa saglit na panahon na nakasama at nakilala niya ang binata ay minahal na rin niya ito. Umasa siya na magiging totoo ang lahat. Na nangyari naman ngunit sa sandaling panahon lang.Muling nanubig ang mga mata ni Lirah. Labis ang saya ang kaniyang naramdaman noong makita niyang muli si Matias. Ngunit ngayon? Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.“Lirah, Anak.”Agad na pinunasan ni Lirah ang mga pisngi noong mari