“Where is that bastard? Where is Matias?!” galit na galit na sigaw ni Don Manuel habang naglalakad sa pasilyo. Nagmamadali siya papunta sa opisina ng anak. Umaga pa lang noong malaman niya mula sa kaniyang sekretarya ang tungkol sa plano nitong pakikipaghiwalay kay Lirah. “Don Manuel—” “Open the door,” may himig nang pagbabantang sabi ni Don Manuel. Napalunok ang sekretarya ni Matias. Mariin kasi nitong ibinilinin dito na hindi siya tumatanggap ng kahit na sinong bisita ngayong araw. Pinipilit kasi niyang matapos ang kaniyang mga gawain bago siya bumalik ng Italy. “B-But, Don—” Hindi na pinatapos pa ni Don Manuel ang sasabin ng dalaga. Hinawakan niya ito sa braso at marahang hinila palayo sa pinto. Dali-dali siyang pumasok sa loob at doon ay nakita niya si Matias na nakaupo sa harap ng lamesa nito. “Matias! What is the meaning of this? Is it true?!” Ibinaba ni Matias ang hawak na papel. “Didn’t my secretary told you that I don’t want any visitor?” “What? Sinusubukan mo na ba ta
Tulala si Lirah habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam niya bigla ay bumalik sa umpisa ang kaniyang buhay. O mas lumala pa nga dahil ngayon ay wala na siyang gana sa lahat. Ni pagkain ay kailangan pa niyang pilitin ang sarili para sa dinadala niya.Nasapo ni Lirah ang tiyan. Buntis siya. Imbes na dapat ay masaya siya ngayon ay kabaliktaran ang kaniyang nararamdaman. Hihiwalayan na siya ni Matias. Pinipilit niyang ipaintindi sa sarili niya na darating naman talaga sila sa puntong ito dahil ipinagkasundo lang naman sila. Ngunit hindi pa rin niya mapigilang masaktan. Sa saglit na panahon na nakasama at nakilala niya ang binata ay minahal na rin niya ito. Umasa siya na magiging totoo ang lahat. Na nangyari naman ngunit sa sandaling panahon lang.Muling nanubig ang mga mata ni Lirah. Labis ang saya ang kaniyang naramdaman noong makita niyang muli si Matias. Ngunit ngayon? Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.“Lirah, Anak.”Agad na pinunasan ni Lirah ang mga pisngi noong mari
Lumipas ang mga araw ay pinilit nang maging maayos ni Lirah. Nalaman na lamang niya mula sa kaniyang byenan na umalis na raw si Matias pabalik sa Italy. Nalulungkot pa rin siya sa nangyari sa kanila ngunit pilit na lamang niya iyong tinatanggap. Hindi naman niya masisisi ang binata kung talagang ayaw na nito sa kaniya. Hinahanda na lamang niya ang sarili sa pagdating ng annulment papers na ipapadala ni Matias sa kaniya.“Lirah, Anak! How are you, my princess?” salubong ni Don Fernan sa anak. Agad nitong niyakap ang dalaga.“Okay lang ako, Papa. Kayo po? May mga dala akong prutas at wine para sa ‘yo.”“Wine? Ito na ba ‘yong negosyo mo?”Kinuha ni Lirah mula sa dalang bag ang isang box ng wine at inabot sa ama. “Ito po. Ito na ang final output namin, Papa. At gusto ko pong ikaw ang unang tumikim para sa akin.”Napangiti nang malapad si Don Fernan. Tiningnan niya ang tiyan ng anak na bahagyang maumbok na. “Sige. Titikman ko para sa ‘yo.”Naupo si Lirah sa upuan na katapat ng lamesa ni Do
“Are you really leaving, Matias?” nalulugang tanong ni Jenia. “Iiwan mo na naman ako?”Napabuga ng hangin si Matias. Itinigil niya ang paglalagay ng mga gamit sa maleta. “I already told you about this. After Mateo’s burial, I will go home.” Muling bumalik sa ginagawa si Matias.Dalawang linggo na ang nakalipas noong binawian na ng buhay si Mateo. Hindi na kinaya ng katawan nito ang mga gamutan. Masakit para kay Matias na makita ang anak na naghihingalo. Lalo na kay Jenia na nakasama nito nang matagal. Kaya naman minabuti ni Matias na manatili muna roon ng ilang araw. Ngunit pagkarating pa lang niya roon ay kinausap na niya si Jenia na babalik siya ng Pilipinas. Ilang araw niyang pinag-isipan ang kaniyang desisyon. Ngayon ay sigurado na siya kung sino talaga ang kaniyang minamahal. At walang iba kundi si Lirah. Nanatili lang siya ng ilang araw dito dahil naaawa siya kay Jenia.“No!” Agad na kinuha ni Jenia ang mga damit na nilagay ni Matias sa maleta at inilabas ang mga iyon. “Hindi ak
“M-Matias? Ano ang ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Lirah. Napaatras pa siya noong naglakad na ito palapit sa kaniya. “Papunta ka na raw sa check-up mo. Samahan na kita?” nakangiting sabi ni Matias. Nalilito pa ring tiningnan ni Lirah ang asawa. Tumingin siya kay Myrna na nasa tabi niya lang. Maging ito ay nagtataka rin dahil si Matias ang nasa harapan nila. Huminga nang malalim si Lirah at pinakalma ang sarili. Bigla kasing bumilis ang pagpintig ng kaniyang puso. “B-Bakit?” “I’m… back. Hindi na ako aalis, Lirah.” “Ha?” Lalong nangunot ang noo ni Lirah. “A-Ano ang ibig mong sabihin? Akala ko ba sila na pinipili mo?” Napabuga ng hangin si Matias. “Can we talk first?” “Hep!” Biglang may boses na nagsalita sa may likuran nila Lirah. Dali-daling lumapit si Kiray at hinarang ang sarili niya sa harap ni Lirah. “Sinasabi ko na nga ba at bumalik ka na! No! Hindi pwede!” “Huh? Please, Kiray. I need to talk with my wife.” “Wife? Eh ‘di ba nga pinagpalit mo na siya sa ex mo? Naku! H
“I’m excited to tell you that your baby is finally safe,” masayang sabi ng doctor ni Lirah. Napasinghap si Lirah at maluha-luhang tumingin sa monitor. Kitang-kita ang maliit na hugis doon. Mayroong maliit na bagay na pumipintig doon at naririnig na rin nila ang pagpintig ng puso nito. “Talaga po? Diyos ko! Maraming salamat po!” “Yes, Mommy. But please, kailangan mo pa ring mag-ingat, ha? H’wag pa ring magkikilos-kilos. Good thing na rin at binigyan ka ng personal nurse mo para umalalay sa ‘yo.” Tumingin ito kay Matias na nakaupo sa tabi ni Lirah. “Are you the father? Mister Gomez, right?” Tumingin si Matias sa doctor. “Yes, Doc. Thank you for assuring us.” “Walang anuman. But I just meet you now. Mukhang sobrang busy talaga ng mga businessman.” “Yeah.” Matipid na ngumiti si Matias. Tumingin siya kay Lirah na nakatitig pa rin sa monitor. Napangiti siya noong makita ang labis na kasiyahan sa mga mata nito. Kinuha niya ang kamay ng asawa at hahawakan sana iyon. Ngunit mabilis na bu
Naupo si Lirah sa upuan at humagulhol. Ito na nga ba ang kaniyang kinatatakot. Kaya ayaw niyang muling pagbuksan ang puso kay Matias. Ngayon ay nalaman na niya ang totoo. Ang masakit pa ay kay Jenia niya nalaman na sa anak pala niya ang ipinapamana ang lahat ng dapat ay kay Matias.“Lirah?” Naalimpungatan si Matias. Naupo siya at binuksan ang ilaw. Dali-dali siyang lumapit kay Lirah noong makita itong umiiyak. “Hey… what’s wrong?” Akmang hahawakan ni Matias si Lirah ngunit iwinaksi nito ang kaniyang kamay. “M-May problema ba?” nag-aalalang tanong niya. Napatingin siya sa paanan nito at doon nakita ang cellphone niya. Umiilaw pa iyon kaya agad niyang kinuha. Nanlaki ang mga mata niya noong makita ang pangalan ni Jenia. Agad niya iyong pinatay. “W-What did she said to you?”Nagpunas ng mga luha si Lirah at humikbi-hikbi. “Bakit hindi siya ang tanungin mo?”“I don’t want to talk with her anymore. Tinapos ko na ang kung ano man ang mayroon sa amin bago ako umalis ng Italy.”Ilang sandalin
Hindi maiwasang kabahan ni Lirah habang naghihintay silang dalawa ni Matias sa waiting area sa airport. Panay ang paghagod niya sa tiyan habang palinga-linga. Si Matias naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya. Hindi niya mahulaan kung ano ba ang nararamdaman nito sa pagdating ni Jenia dahil deretso lang itong nakatingin sa unahan. Wala manlang kahit na anong ekspresyon sa mukha.“Matagal pa ba siya?” tanong ni Lirah.Agad na nilingon ni Matias ang asawa. “Her plane already landed. We should see her any minute now.” Nangunot ang noo niya. “Why? Are you okay?”Pinilit na ngumiti ni Lirah. “O-Oo. Ayos lang ako.”“Nagugutom ka ba?”“Hindi. Ayos lang ako,” pag-uulit niya.“Sige. Kung may kailangan ka, sabihin mo agad sa akin.”Tumango na lang si Lirah kay Matias bilang sagot. Minabuti niyang kuhain ang cellphone at kalikutin iyon kahit hindi naman siya masyadong maalam. Ka-text niya si Kiray na nagagalit dahil hindi niya ito isinama. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Ma