Matapos ang naging pag-uusap nila Lirah ay mas tumibay ang samahan nilang mag-asawa. Sa bawat nangyayari sa kaniya ay palaging nakaagapay si Matias sa kaniyang tabi. Nalaman na lang nila Lirah na bumalik si Jenia sa Italy makalipas ang isang linggo. Nagkita pa sila ulit bago umalis ang dalaga at nagkapatawaran. Kaya naman ay mas lalong naging panatag si Lirah na hindi na ito ulit manggugulo sa kanila. “Excited na ako! Yieeh!” masayang sabi ni Kiray. Nasa loob sila ng kwarto nila Lirah at tinutulungang ayusan ang kaibigan. “Mukha ngang mas excited ka pa sa akin eh,” nakangiting sabi ni Lirah. Hinagod niya ang walong buwan niyang tiyan. Halatang-halata na ito dahil nalalapit na rin ang kabuwanan niya. “Syempre naman! Baby shower slash gender reveal ng pamangkin ko! Ikaw, besh? Ano ba ang gusto mong maging anak? Babae o lalake?” Napaisip si Lirah. “Hindi naman importante sa akin iyon. Ang mahalaga ay maipanganak ko siya nang maayos at lumabas siyang masigla.” Napanguso si Kiray. “Ay,
Unti-unting nagising si Lirah mula sa kaniyang pagtulog. Agad niyang kinapa ang gilid niya ngunit hindi niya na abot ang asawa. “Nasaan siya?” Dahan-dahang naupo si Lirah at inilibot ang paningin sa paligid. Ngunit wala si Matias kahit saan. Ang huli niyang na aalala ay gabi na pero nagkakasiyahan pa rin ang kanilang mga bisita. Napainom si Matias kasama ang mga kaibigan nito. Pero hindi niya ito pinigilan dahil sa kagustuhan niyang makapag-relax din ito. “Hindi na ata nakaakyat si Matias.” Sapo-sapo ang balakang na tumayo siya mula sa kama. Inayos niya muna ang sarili bago minabuti nang bumaba sa sala. Doon ay nakita niya ang ilang mga staff nang nag-ayos ng kanilang party. Nililinis na nila ang mga ginamit nila. Pati ang catering staff ay nandoon na rin. “Oh, Hija. Gising ka na pala!” bati ni Myrna. “Gustom ka na ba? Pumunta ka na roon sa kusina at ipagtitimpla kita ng gatas.” “Sige po, ‘Nay. Narito pa ba sila Papa?” “Oo. Pero hindi pa pumapanhik. Pati sila Don Manuel ay nari
“Dad, don’t do this! I need to see my family!” pakiusap ni Matias sa ama. Nasa hallway sila ng ospital na pinagdalhan kay Lirah. Kanina pa siya nagpupumilit na makita ang mag-ina.“No! I won’t do that! Para ano? Para ipahamak na naman ang sarili mong anak?” ani Don Manuel. “Hindi mo sila pwedeng makita!”“I’m his father! Asawa ako ni Lirah! Hindi mo ako pwedeng ilayo sa mag-ina ko!”Galit na sinuntok sa kaliwang pisngi ni Don Manuel ang anak. “You dare to call them your family?! Pagkatapos nang ginawa mo?!”“I told you I didn’t know what happened!”“Umalis ka na, Matias! Bago pa ako ang kumastigo sa ‘yo!” sabat naman ni Don Fernan. “Hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang mangyari sa anak ko at apo ko!”Napabuga ng hangin si Matias. Pinahid niya ang gilid ng labi at naluluhang tiningnan ang pamilya. Nasa delivery room ngayon si Lirah at kasalukuyang nanganganak. Dahil sa nangyari ay napaaga ang panganganak nito. Sabi ng doctor ay maaring mangyari talaga iyon kapag sobrang na
“Bessy, gising ka ba?” tanong ni Kiray sa kaibigan. Inaayos niya ang pagkaing nabili sa lamesita malapit sa higaan nito. Nakahiga patalikod sa kaniya si Lirah kaya hindi niya makita kung tulog ba ito. “Nakabili na ako ng pagkain mo. Halika na. Kailangan mong magpalakas.”Suminghot-singhot si Lirah. “N-Nakita mo ba siya, Kiray?”Natigilan si Kiray. Bumuga siya ng hangin. “Sino? Si Matias ba?”“Oo.”“Oo. Kaso hindi siya pwedeng pumunta rito. Pinagbabawalan siya ni Don Manuel. Nakakatakot pala iyon kapag galit, ‘no?”Muling nangilid ang mga luha ni Lirah. “G-Ginawa ba talaga niya, ‘yon, Kiray? T-Talaga bang siya ang pinipili niya?”“Lirah.” Tumayo si Kiray at lumapit sa kaibigan. Naupo siya sa gilid ng kama at hinagod ang balikat nito. “Hindi ko rin alam, bess. Pero nahuli ko sila sa iisang kwarto. Walang saplot si Jenia at ang asawa mo naman ay nagbibihis pa lang.” Napapikit siya nang mariin. “Pero hindi naman tayo sigurado. Nadala lang ako sag alit kaya nasaktan ko ‘yong babae.”“Paano
“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na m
“This is unacceptable! Paanong nangyari ito?!” galit na galit na tanong ni Don Fernan Sarmiento. Tumayo pa siya mula sa kaniyang upuan at hinampas nang malakas ang lamesa. Siya ang may-ari ng pinaka tanyag na shipping company buong bansa. Kararating lamang sa kaniya ng balita na ang kaniyang pinagkakatiwalaang bise presidente ay lumipad papunta sa ibang bansa dala ang malaking pera na galing sa kanilang kompanya. Lahat ng mga nasa loob ng silid ay natahimik at agad na tumungo. Hindi magawang salubungin ang tingin ng nagpupuos na senyor. Kasalukuyan silang nagmi-meeting noong biglang pumasok ang isang executive ng kompanya para ipaalam ang balita sa kanila. “W-We learned that he created a g-ghost company abroad. Doon niya po ipinapadala ang funds galing sa mga nakukuha siya sa kompanya. H-He used fake accounts–” “Shut up!” ani Don Fernan. Itinapon niya ang mga folder na nasa kaniyang harapan. Huminga nang malalaim si Don Fernan at pilit na pinakalma ang sarili. Sinapo niya ang kaniy
“Hindi pwedeng mawala ang kompanya sa Papa mo, Liza. Kailangan nating gumawa nang paraan!” nag-aalalang sabi ni Paulina. Kakakalma lamang niya dahil sa nangyari sa kaniyang asawa at pinag-uusapan na nilang kaniyang panganay na anak ang tungkol sa dahilan kung bakit inatake ang kaniyang asawa. Nakaupo sila sa maliit na sala ng silid ni Fernan.“That’s what I thought, Mama.” Tiningnan ni Liza ang kaniyang ama. “Hindi kakayanin ni Papa kapag mangyari iyon. I just can’t beleive that ninong did that.”Napailing si Paulina. “Noon pa lang ay may inggit na ang Ninong Fidel mo sa Papa mo. Hindi na ako nagtaka na nagawa niyang traydurin tayo.”“After what we did to him? Ito ang igaganti niya? I swear I will find him and make him pay!”“Pero ang kompanya, Liza. Hindi natin ito pwedeng pabayaan. Ito lang din ang pag-asa natin.”Napabuntonghininga si Liza. Tama ang kaniyang mama. Oo nga’t marami na siyang koneksyon dahil sa kaniyang pagmomodelo. Pero nag-uumpisa pa lamang siya sa pag-aartista. At
Kilala ni Lirah ang mga Gomez. Si Don Manuel Gomez ay ang nag-iisa niyang ninong. Ito lang din ang na aalala niyang palaging bumabati sa kaniya sa nga kakilaka ng kaniyang ama. Sa katunayan ay mas mabait pa nga si Don Manuel sa kaniya kaysa sa sarili niyang ina. Kahit na gano'n ay hindi niya kilala ang panganay na anak ni Don Manuel dahil palagi itong wala sa mansyon ng mga ito. At isa pa, matanda ito sa kaniya ng sampung taon. Saka ang alam niya ay may asawa ito.“M-Mama! H'wag naman po kayong magbiro ng ganiyan!”Umarko ang kilay ni Paulina. Nawala naman ang mga ngiti ni Liza.“Mukha ba akong nagbibiro, Lirah?” tanong ni Paulina.Napalunok si Lirah. Pinagpalit-palit niya ang mga tingin sa mga ito. Sa puntong iyon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa. Agad na nangilid ang mga luha niya.“H-Hindi po ba si Ate ang dapat na ikasal dahil siya ang panganay?”Napasinghap si Liza. “Are you questioning Mama?”Pinagsaklob ni Lirah ang kaniyang mga kamay at mahigpit na pinagkapit iyon pa