Share

Chapter 3

Kilala ni Lirah ang mga Gomez. Si Don Manuel Gomez ay ang nag-iisa niyang ninong. Ito lang din ang na aalala niyang palaging bumabati sa kaniya sa nga kakilaka ng kaniyang ama. Sa katunayan ay mas mabait pa nga si Don Manuel sa kaniya kaysa sa sarili niyang ina. Kahit na gano'n ay hindi niya kilala ang panganay na anak ni Don Manuel dahil palagi itong wala sa mansyon ng mga ito. At isa pa, matanda ito sa kaniya ng sampung taon. Saka ang alam niya ay may asawa ito.

“M-Mama! H'wag naman po kayong magbiro ng ganiyan!”

Umarko ang kilay ni Paulina. Nawala naman ang mga ngiti ni Liza.

“Mukha ba akong nagbibiro, Lirah?” tanong ni Paulina.

Napalunok si Lirah. Pinagpalit-palit niya ang mga tingin sa mga ito. Sa puntong iyon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa. Agad na nangilid ang mga luha niya.

“H-Hindi po ba si Ate ang dapat na ikasal dahil siya ang panganay?”

Napasinghap si Liza. “Are you questioning Mama?”

Pinagsaklob ni Lirah ang kaniyang mga kamay at mahigpit na pinagkapit iyon para maitago ang panginginig niyo.

“H-Hindi naman po sa–” Napatigil siya noong maramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Pagtingin niya ay si Paulina na iyon kaya bahagya siyang napausod. Ngunit hinawakan ni Paulina ang mga balikat niya at tinitigan sa mga mata. Napakunot pa siya noong dahil nakita niyang kalmado pa rin ang ekspresyon ng kaniyang ina. Ngunit para kay Lirah, mas nakakatakot para sa kaniya kapag ganito ang ina.

“Lirah, anak. Akala ko ba mahal mo ang pamilya mo? Ang Papa mo? Gusto mo bang mawala ang kompanya sa atin? Maghirap tayo?”

Dahan-dahang umiling si Lirah. Ngumiti si Paulina.

“See? No one likes it. You are doing this because you love this family. Your dad will be disappointed kapag hindi mo ito gawin.”

“P-Pero Mama. Twenty-three pa lang po ako. Ang bata ko pa para mag-asawa.”

Tumawa si Paulina. “Lirah, I was twenty-one when I had your sister. Walang problema ang edad. Just think about your family. Especially your Papa. You are going to do this for him.” Umayos ng upo si Paulina. “O kaya, pwede naman ang hacienda na lang ang ibenta natin, hindi ba? Siguro naman ay kahit paano ay magagawang makabangon kahit kaunti ng kompanya kung maibenta natin iyon ng ilang milyon.”

Nanlaki ang mga mata ni Lirah. Doon pa lang ay bigla na siyang nanlambot. Kung hindi makakaya ng kaniyang ama na mawala ang kompanya ay lalo na ang Hacienda. Kagaya niya ay mahal na mahal nito ang lupain nilang iyon dahil galing pa iyon sa ninuno nito. At kapag mawala iyon sa kanila ay pihadong mas maraming mga trabahante nila ang mawawalan ng trabaho.

Napaluha na si Lirah. Tumungo siya at hindi nakasagot dito. Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa at mas gusto pa niyang harapin ang mga alaga niya sa hacienda. Kaysa ang makasal sa kung sino man. Ngunit mahal niya rin ang kaniyang pamilya. Hindi niya makakayang makitang sumama ang loob ng kaniyang ama sa kaniya. O ang mahirapan ang pamilya niya dahil sa kaniya. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo ng kaniyang ina at ate sa kaniya ay mahal niya pa rin ang mga ito. Dahil pamilya niya ang mga ito.

“Lirah? You will do this, right? For us?”

Pikit-matang tumango si Lirah. Wala rin naman siyang magagawa kundi ang makinig sa mga ito dahil kung hindi ay magagalit na naman sa kaniya ang kaniyang mama.

Ngumiti nang malapad si Paulina at niyakap si Lirah. “Very good! At least now, may magagawa ka rin para sa pamilya mo!”

Naiikot ni Liza ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang loob ay nagagalak na siya dahil hindi siya ang ikakasal sa panganay ng mga Gomez. Ang alam niya pa ay ito raw ang pinaka panget sa dalawang magkapatid kaya hindi nagpapakita sa mga tao. Kaya rin hindi nagtatagal ang mga naging asawa nito sa kaniya.

Lumipas ang mga araw ay naging mas malungkot si Lirah. Hindi pa rin nagigisjng ang kaniyang Papa at paparating na ang araw ng kasal niya. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung sino o anong klaseng tao ba ang binata. Bukas ay bibisita na si Don Manuel sa ospital sa kaniyang ama. At doon na rin paplanuhin ang magiging kasal nila.

“Lirah, napakain ko na po ang mga kabayo at iba pang mga hayop.”

Napatingin si Lirah kay Alvin. Ang isa sa mga tauhan niya sa hacienda. Kasalukuyang nagbabasa si Lirah sa labas lang ng mansyon nila ng paborito niyang libro. Mayroon siyang pinagawamg duyan doon at madalas siyang nakapwesto roon sa tuwing nagsi-syesta. Isinara niya ang libro at tiningnan ito.

“Eh si Chuchay?”

“Opo. Maayos na po siya. Nagpalahinga na rin.”

“Sige, Alvin. Salamat sa tulong mo. Pwede ka na magpahinga.”

Tumungo ang binata at nagpaalam na kay Lirah.

Ang Hacienda Clarita. Ang pinaka malawak na lupa na hawak ng mga Sarmiento. Ipinangalan ito sa lola ni Don Fernan at matagal nang hawak ng pamilya. Noong una ay maliit lamang ito. Hanggang sa unti-unting lumaki nang lumakit at naging sakahan na rin ang ibang lupain. Ngunit sa kanilang magkapatid ay si Lirah lamang ang nagkaroon ng interest dito. Minahal niya ang hacienda kaya kahit noong nasa kolehiyo siya ay ang kinuha niyang kurso ang malapit dito.

Papasok na sana si Lirah sa loob ng mansyon noong may maranig siyang kaluskos sa 'di kalayuan.

Napatingin si Lirah sa may gilid na parte ng kanilang mansyon. Walang gate ang kanilang mansyon at tanging mga halaman na maayos na nakahilera sa paligid. Dahil ang maliit na bundok ay pag-aari nila at sa palibot nito ang mayroong malaking harang. Nilapitan ni Lirah ang kulungan ng mga aso nila na nasa gilid lang din. Isa iyong german shepherd na kulay itim at tsokolate. Tuwing gabi ay tinatali nila ito dahil pinupuntahan ang alaga nilang mga alaga nilang manok. Maging kasi ang mga ito ay naging alerto at may tinatahulan.

“Ssh. Bakit?”

Nagpatuloy sa pagtahol ang aso. Ilang sandali pa ay may narinig ng mga yabag si Lirah mula sa madilim na parte ng kanilang lupain. Napansin niya rin na roon nakatingin ang mga alaga kaya kinuha na ni Lirah ang kaniyang flashlight at dahan-dahang lumapit dito. Lalong kumahol ang mga aso na para bang pinagbabawalan si Lirah. Ngunit wala siyang takot na naglakad papunta roon.

“May tao ba riyan?” tanong ni Lirah. Sinubukan niyang ilawan ang paligid ngunit wala siyang makita. Naglakad pa siya ng ilang metro hanggang sa marating na niya ang kulungan ng mga baboy. Sinilip niya ang mga alaga at nakitang natutulog na ang mga ito. Sunod niyang tiningnan ay kulungan ng mga manok. Napansin niyang para bang nagulo ang mga ito at panay ang paghuni.

“Bakit kaya?” tanong ni Lira sa sarili. Natigilan siya noong makita niyang bukas ang gate niyon. “Hala! Ito talaga si Alvin, oo. Hindi pa sinara nang maayos ang gate– Ano ‘to?” Napakunot ang noo ni Lirah noong may makitang may basang parte ang gate. Noong hinawakan niya iyon ay malapot at medyo malansa. “Dugo?”

Nanlaki ang mga mata niya at napaatras. Pero muli siyang napatigil noong may matamaan siyang matigas na bagay mula sa kaniyang likuran. Dali-dali siyang pumihit patalikod. Sisigaw na sana siya noong may makita siyang lalakeng nakatayo at matamang nakatitig sa kaniya pero agad nitong tinakpan ang kaniyang bibig. Nabitawan ni Lirah ang dalang flashlight at nagpumiglas dito. Siniko niya ang tiyan nito at agad na umungol ang binata at nabitawan siya.

“Sino ka?!” nanginginig na tanong ni Lirah. Dali-dali niyang inilawan ang binata at nakita niyang nakahiga na ito sa lupa. Hindi ito sumagot. Bagkus ay hawak-hawak nito ang tagiliran at d*******g. Doon napansin ni Lirah na namumula na ang suot nitong polo. “Diyos ko! Ano ang nangyari sa ‘yo?!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status