“Ayaw ko pong magpakasal, ‘Nay. Pero ano ang gagawin ko? Paano ko sasabahin iyon kay Mama? Sigurado ako na magagalit siya sa akin kapag hindi ako pumunta ngayon,” maluha-luhang sabi ni Lirah habang nakatitig sa salamin. Nakasuot na siya ng puting bestida na hanggang ibaba lamang ng kaniyang tuhod. Nakalugay ang kaniyang buhok na sinuklay lamang ni Myrna. “Mas lalo naman na wala kaming magagawa, beshy. Kaya smile kana.” Pinilit na ngumiti ni Kiray. Ang anak ni Myrna at kababa ni Lirah. Silang dalawa ang para bang mas naging mas pamilya pa ni Lirah kahit na kasambahay nila ang mga ito sa hacienda. “Para kahit naman sa picture ay maganda, ‘di ba?” Mas lalong naging malungkot ang mukha ni Lirah. Na napansin ni Myrna kaya pinandilatan ang anak. “Tama na nga ‘yan, Kiray! Pinapalungkot mo lang lalo si Lirah. Oh, siya. Sige na. Ipapahanda ko na ang sasakyan mo, hija.” Malungkot na tumango si Lirah. Hindi na siya sumagot at tinitigan ang sarili sa salamin. Nagpolbos lamang siya at pinahira
Magbasa pa