“Sumagot na ba?” tanong ni Lirah sa kaibigan.“Hindi pa rin, bess, eh. Mukhang hindi niya hawak ang cellphone,” sagot ni Kiray. Tiningnan niya ang kaibigan na panay ang ngiwi habang nakaupo sa kaniyang tabi. “Sigurado ka bang kaya mo na? Baka naman duguin ka dahil sa ginagawa nating ito,” nag-aalalang sabi niya.“Wala akong pakealam, Kiray. Kailangan kong maabutan si Matias!” ani Lirah.Kinabukasan, noong tanghali ay napagdesisyonan ni Lirah na harapin si Matias. Ngunit noong tumawag siya sa mansyon ng mga ito ay wala na ito roon. Hindi rin niya ma-contact ang byenan kaya wala siyang magawa kundi ang puntahan ito sa airport.“Pero, bess. Nag-aalala ako sa ‘yo, eh!”“Kiray, please! Hindi ko pwedeng hayaan na umalis siya nang hindi manlang kami nakakapag-usap!” maluha-luha nang sabi ni Lirah. Kanina pa siya hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Para bang gusto na niyang palitan ang driver nilang nagmamaneho ng sasakyan at paliparin ang kotse makarating lang agad sa airport. Ngayon na m
Last Updated : 2023-06-12 Read more