Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

last updateLast Updated : 2025-04-18
By:  Thousand ReliefsUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
67views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

“Umm…dapat ba akong maghubad muna at humiga sa kama, o... tulungan kitang maghubad?”Nakatayo si Mandy sa may pintuan ng banyo, balot ng tuwalya, at maingat na nagtatanong.Ngayong gabi ay ang kanyang unang gabi bilang bagong kasal. Ang lalaking nakaupo sa wheelchair sa hindi kalayuan na may itim na piring sa mga mata ay ang kanyang magiging asawa. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya sa personal ang lalaki at namangha siya dahil mas gwapo pala ito kaysa sa mga larawan. Matikas ang mga katangian ng lalaki; matangos ang ilong, makapal ang kilay, at matangkad ang pangangatawan—tulad ng lalaki sa kanyang mga pangarap.Pero sayang, bulag ito at nakakulong sa wheelchair.May mga nagsasabi na si Conrad Laurier ay ipinanganak na malas. Nang siya’y siyam na taong gulang, namatay ang kanyang mga magulang. Nang siya’y tumuntong sa labing-tatlo, sunod na namatay ang kanyang kapatid na babae. At nang siya’y magbinata, sunud-sunod na namatay ang tatlong babaeng kanyang naging nobya.Nang...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
50 Chapters
CHAPTER 1
“Umm…dapat ba akong maghubad muna at humiga sa kama, o... tulungan kitang maghubad?”Nakatayo si Mandy sa may pintuan ng banyo, balot ng tuwalya, at maingat na nagtatanong.Ngayong gabi ay ang kanyang unang gabi bilang bagong kasal. Ang lalaking nakaupo sa wheelchair sa hindi kalayuan na may itim na piring sa mga mata ay ang kanyang magiging asawa. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya sa personal ang lalaki at namangha siya dahil mas gwapo pala ito kaysa sa mga larawan. Matikas ang mga katangian ng lalaki; matangos ang ilong, makapal ang kilay, at matangkad ang pangangatawan—tulad ng lalaki sa kanyang mga pangarap.Pero sayang, bulag ito at nakakulong sa wheelchair.May mga nagsasabi na si Conrad Laurier ay ipinanganak na malas. Nang siya’y siyam na taong gulang, namatay ang kanyang mga magulang. Nang siya’y tumuntong sa labing-tatlo, sunod na namatay ang kanyang kapatid na babae. At nang siya’y magbinata, sunud-sunod na namatay ang tatlong babaeng kanyang naging nobya.Nang
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 2
Nagtataka si Mandy sa inasal ng asawa, "Kung lalabas ako, kaya mo bang maligo nang mag-isa?"Hindi ba't wala siyang makita? Hindi naman sumagot ang lalaki.Ngunit ang paligid ay lalong naging malamig at tensyonado. Marahil ay napagtanto niyang galit ito kaya kinuha ni Mandy ang scrub at umalis ng may pag-aalinlangan, "Sige, hahayaan muna kita at tawagin mo ako kung may kailangan ka. Tsaka mag-iingat ka rin."Paglabas mula sa banyo, hindi mapakali si Mandy, patuloy siyang tumitingin sa direksyon ng banyo. Masyadong madulas sa loob, paano kung madulas siya at mabagok? Paano kung mamalasin at mamatay ito? Kakakasal pa lang niya, ayaw niyang mawalan agad ng asawa.Habang nababahala si Mandy, tumunog ang kanyang cellphone. Ito ay isang video na ipinadala ng kanyang matalik na kaibigan na si Ronnete na tinatawag niyang Ronnie. Ang title ng video ay 'Learning Materials'. At nagtaka siya kung para saan ito dahil malayo pa naman ang kanyang examination para mag-review.Binuksan niya nala
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 3
Pagkatapos magsalita ni Mandy, tumalikod na siya papunta sa kusina, ngunit agad siyang pinigilan ng dalawang katulong. "Madame, huwag na po, kami na ang bahala rito." Sabi ni Cecilia.Sila ay binabayaran para maghanda ng almusal araw-araw sa bahay ng kanilang amo. Kung gagawin ni Mandy ang lahat, baka mawalan sila ng trabaho kapag nalaman ito ni Conrad."Madame," may bahid ng pagkainis sa boses ng isang katulong, "ako at si Anita ang responsable sa almusal dito. Baguhan ka pa lang dito at hindi mo pa alam ang mga gawi ng amo sa pagkain, kaya mas mabuti na huwag ka na lang makialam sa trabaho namin."Agad na sumang-ayon ang isa pang katulong, "Tama si Cecelia, Madame. Huwag na lang po kayong magluto sa kusina.""Hindi kumakain ng ganitong klaseng almusal si Sir," dagdag pa ni Cecilia na may paghamak sa mga simpleng pagkain na inihanda ni Mandy sa hapag. "Ang mga taong katulad ni Conrad ay sanay sa hamon, keso, at sandwich. Ang mga lugaw at atsara na inihanda mo, hindi ba masyadong p
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 4
Ang boses ni Conrad ay puno ng lamig na parang nagdulot ng pagkayelo sa buong paligid ng dining room."Sir, patawad po!" Biglang lumuhod si Cecelia sa sahig. Mayroong takot sa kanyang mga mata, "Hindi ko po dapat sinabi iyon ginawa kay Madame."Si Conrad Laurier ay palaging mabait at tila hindi marunong magalit, ngunit malupit ito kung iyong ginalit, walang taong makakakaya sa kanyang bagsik."Pero, Sir Conrad, wala akong masamang intensyon, ayoko lang po na mahirapan si Madame sa paggawa ng almusal."Tiningan lang siya ni Conrad nang walang emosyon, "Kaya tingin mo tama ang ginawa mong sirain ang inihandang almusal ng isang bagong kasal na asawa para sa kanyang mister?"Nanatiling tahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo.Ang sinabi ni Conrad ay hindi lang nagpagulat kay Cecelia at Anita, kundi pati na rin kay Mandy na nanlaki ang mga matang pinanood ang nangyayari.Hindi siya makapaniwala at hindi niya alam kung ipinagtatanggol ba siya ni Conrad sa mga katulong.Nangingin
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 5
Nang bumalik sa reyalidad si Mandy, nagmamadali niyang pinulot ang kanyang cellphone at tumingin kay Miguel ng may ngiti, "Kuya Miggy...dito ka pala nagtatrabaho?"Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Miguel at nagliwanag ang gwapo niyang mukha.Maingat niyang inabot ang kanyang kamay at hinawakan ang ulo ni Mandy para guluhin ang kanyang buhok, "Bakit ba hindi ka nag-iingat? Hindi ka talaga nagbabago, at ilang taon ka na ba ngayon?""Dalawampung taong gulang na po ako." Mahinang sagot ni Mandy at kumikinang ang mga mata niyang nakatingin dito.Napangiwi ang lalaki at natawa nang mahina, "At bakit ka napunta rito sa ospital?"Itinuro naman ni Mandy ang consultation room sa likuran niya, "Kasama ko ang kaibigan ko na kausap ang kanyang pinsan."Tiningnan ni Miguel ang relo, "Oras na para sa tanghalian, baka matagalan pa ang kaibigan mo bago lumabas. Kakain na rin ako, gusto mo bang sumama?"Nag-isip sandali si Mandy bago kumatok at nagpaalam kay Ronnie."Tara na."Nanatiling na
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 6
Ang hangin sa loob ng mansyon ay biglang naging mabigat.Isang sulyap lang ni Conrad sa mga bote ng gamot sa mesa ay nagdulot ng lamig sa kanyang mga mata. “So, ginagawa mo ito para sa akin? Mukhang nagkamali ako ng akala sayo.”Hindi naman tanga si Mandy. Ramdam niyang may halong panunuya ang tono at tingin ni Conrad.Walang sabi-sabing sumenyas ang lalaki at tinawag ang butler gamit ang isang kumpas ng kamay. Agad na lumapit ang butler at kinuha ang mga bote ng gamot.Medyo kinakabahan si Mandy. “Bakit mo pinakuha ang gamot? Ayaw mo ba itong inumin?”Pakiramdam niya ay hindi ito masaya sa nakita.Ngumiti si Conrad nang bahagya, pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. “Kumain ka muna.”Malamig at mababa ang boses nito, na parang nagpalamig pa lalo sa paligid. Mukhang talagang galit siya. Kinuyom ni Mandy ang kanyang mga daliri sa kaba.Kakalipas lang ng dalawang araw mula nang sila ay ikasal, tama ba na bigyan niya agad ito ng gamot? Baka iniisip ni Conrad na binigyan niya siya ng
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 7
Bago pa man nakaisip ng paliwanag si Mandy, biglang dumampi ang manipis ngunit mapangahas na labi ni Conrad sa kanya.Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Mandy, ikinulong ito sa kanyang bisig at walang awa siyang hinalikan.Nilamon siya ng malamig nitong hininga at naging dahilan bakit siya nakaramdam ng pagkahilo. Parang hinigop nito ang kanyang kaluluwa sa paraan ng kanyang paghalik.Pagkalipas ng ilang saglit, binitiwan siya ni Conrad at may mapanuksong ngiti sa labi. “Mandy, ganito ba ang gusto mong kasagutan?”Nanginig siya at nagdulot ito ng pagkagulo sa kanyang puso't isipan. Pilít din siyang nagpumiglas mula sa bisig nito, ngunit lalo lamang siya nitong hinigpitan.Napakaliit na lang ng pagitan nilang dalawa—isa itong delikadong sitwasyon. Patuloy ang pagpupumiglas ni Mandy, pero hindi niya kayang talunin ang lakas ni Conrad.Hanggang sa tuluyan nang naubos ang kanyang lakas.Napangiwi siya at nainis. “Bakit ba ang lakas-lakas mo?”Bago sila ikasal, paulit-ulit s
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 8
Ang kanyang boses ay matamis at malambing, pero parang may halong poot. Sa oras na iyon, huminto ang sasakyan.  Sa malamig ngunit banayad na tinig, sinabi ni Conrad, “Mayroon kang tatlumpung minuto para magpalit ng damit.”  Bagaman mababa pa rin ang kanyang boses, naramdaman ni Mandy ang bahagyang kasiyahan dito. Mukhang hindi na siya galit.  Mabilis siyang bumaba mula sa kandungan nito at tumakbo papalabas ng sasakyan.  Ngunit bago pa siya makapasok sa bahay, bigla siyang napahinto at lumingon pabalik. “Hindi ka ba bababa?”  Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ni Conrad. “Itatanong ba ni misis kung bababa ako… dahil gusto niyang ituloy natin sa kwarto ang nangyari kanina?”  Sa sandaling marinig ito, para siyang kidlat na mabilis na tumakbo papasok ng bahay!  Tinitigan ni Conrad ang kanyang masiglang likuran habang umaakyat siya sa hagdan ng mansyon. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa kanyang batok at ngumiti nang bahagya.  *****Sa loob ng dressing room, ina
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
  CHAPTER 9
Ang tingin ni Connor kay Mandy ay nagdulot sa kanya ng matinding pagkailang. Para bang kahit anong gawin niya, hindi siya magiging komportable.Huminga siya nang malalim, pinilit ngumiti ng magalang, saka itinulak ang wheelchair ni Conrad, umaasang makakalampas sila kay Connor at makakapasok sa loob.Ngunit bago pa siya makalagpas, biglang iniunat ni Connor ang braso upang harangan ang kanilang daan."Sister-in-law, bakit parang nagmamadali ka? Ayaw mo bang makipag-usap kay Kuya?"Nakapamewang ito habang nakatingin kay Conrad—punong-puno ng pang-uuyam at panlalait ang mga mata. Pero sa kanyang boses, may halong malasakit na tila isang mapagkalingang kapatid."Conrad, parang umiiwas siya sa akin. Sa tingin ko, may dahilan kung bakit siya napadpad sa pamilya natin." Habang sinasabi niya ito, pasimpleng dumapo ang tingin niya sa dibdib ni Mandy na parang sinusuri ito.Agad napakunot-noo si Mandy at iniwas ang katawan palayo.Ngunit tila mas ginanahan si Connor sa kanyang reaksiyon. Lalong
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
CHAPTER 10
Habang nilalampasan niya si Connor, biglang nakaramdam si Mandy ng matinding sakit sa kanyang puwitan—may humipo sa kanya!Isang malamig na kilabot ang gumapang mula sa kanyang mga paa hanggang sa anit. Parang nagdilim ang kanyang paningin sa gulat at takot, kaya halos patakbo niyang itinulak si Conrad papasok sa bahay.Nang makarating sila sa maliit na hardin, nanatili siyang nanginginig, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.Hindi niya naisip na ang unang beses niyang mararanasan ang ganitong klaseng pang-aabuso ay mula pa mismo sa pinsan ng kanyang asawa.At sa harap pa mismo ng mansyon ng kanyang lolo!"May problema ba?"Matalim na tanong ni Conrad, halatang napansin ang kakaiba niyang kilos."H-Ha? Wala, wala naman."Hindi niya kayang sabihin ang totoo. Silang tatlo lang ang nasa eksena kanina, at kung sakaling ipagtapat niya ito kay Conrad, alam niyang tatanggi si Connor at walang magiging ebidensya laban sa kanya.Sa huli, baka lumabas lang siyang isang sinungaling at maging da
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status