Share

CHAPTER 3

Author: Thousand Reliefs
last update Last Updated: 2025-04-18 15:10:57
Pagkatapos magsalita ni Mandy, tumalikod na siya papunta sa kusina, ngunit agad siyang pinigilan ng dalawang katulong. "Madame, huwag na po, kami na ang bahala rito." Sabi ni Cecilia.

Sila ay binabayaran para maghanda ng almusal araw-araw sa bahay ng kanilang amo. Kung gagawin ni Mandy ang lahat, baka mawalan sila ng trabaho kapag nalaman ito ni Conrad.

"Madame," may bahid ng pagkainis sa boses ng isang katulong, "ako at si Anita ang responsable sa almusal dito. Baguhan ka pa lang dito at hindi mo pa alam ang mga gawi ng amo sa pagkain, kaya mas mabuti na huwag ka na lang makialam sa trabaho namin."

Agad na sumang-ayon ang isa pang katulong, "Tama si Cecelia, Madame. Huwag na lang po kayong magluto sa kusina."

"Hindi kumakain ng ganitong klaseng almusal si Sir," dagdag pa ni Cecilia na may paghamak sa mga simpleng pagkain na inihanda ni Mandy sa hapag. "Ang mga taong katulad ni Conrad ay sanay sa hamon, keso, at sandwich. Ang mga lugaw at atsara na inihanda mo, hindi ba masyadong pangkaraniwan?"

Namula ang mukha ni Mandy sa pagkabigla at unti-unting napalitan ng lungkot. Ibinaba niya ang kanyang ulo at mahinang sumagot, "Hmm, ganoon ba. May punto naman kayo."

Napagtanto niyang mahilig sa magarbong bagay ang mga mayayamang tao. Noong nasa paaralan pa siya, kahit ang mga kaklase niyang medyo may kaya sa buhay ay hindi kumakain ng simpleng lugaw at atsara sa canteen, paano pa kaya ang isang taong katulad ni Conrad Laurier.

Nalito tuloy siya kung papaano pagsisibilhan ang asawa.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagawa niyang ayusin ang kanyang nararamdaman at tumingala na may ngiti sa mga labi. "Sige, itatapon ko na lang ito." Mahina niyang sabi.

Nagulat si Anita sa kanyang sinabi. Pati na rin si Cecelia na naging strikta sa pakikitungo sa kanya pero hindi man lang ito nagalit sa kanila, kusa pang nag-alok na itapon ang mga niluto niyang pagkain.

Nang makita ang mga pagkaing mainit-init pa sa hapag, hindi nakatiis si Anita at agad na sumugod para pigilan si Mandy. "Madame, sayang naman kung itatapon mo ang mga ito. Ibigay mo nalang po sa amin at huwag na po kayong magluto sa susunod ah."

Nagdalawang-isip si Mandy bago sumagot, "Sure, walang problema."

"Aakyat na ako," dagdag niya pa bago umalis.

Sa paglayo niya sa kusina, amoy-amoy niya sa kanyang ilong na hindi siya gusto ng mga tao. Na parang hindi siya welcome sa pamamahay ng asawa.

******

Sa loob ng kanilang kwarto, mahimbing na natutulog ang kanyang gwapong asawa sa kama. Sumandal si Mandy sa tabi ng kama at tinitigan ang magandang hugis at hulma ng mukha nito.

"Ang arte ninyong mga taga-siyudad." Bulong niya. "Tsk, almusal pa lang, hamon at sandwich agad. Ang taray niyo ah, hindi ko pa nga nasusubukan ang sandwich pero gusto ko ring matikman iyon."

Bago siya ikasal, paulit-ulit siyang pinagbilinan ng kanyang tiyahin na bilang isang babae, kailangan niyang maging mabuti sa kama o sa kusina para maging masaya at matagal ang kanilang pagsasama.

Ngunit sa nangyari kagabi at sa nangyari ngayon sa kusina, lalo siyang nalungkot. Bagong kasal lang siya, ayaw niyang maging malungkot ang kanilang buhay.

Kagabi, hinalikan lang siya ni Conrad nang sandali at hindi na nagpatuloy. Iniisip niya na baka hindi maganda ang pakiramdam nito, kaya hindi nito tinuloy ang gagawin. Ang mahalaga magaling naman siyang magluto, kaya iyon nalang ang pinanghahawakan niya.

Ngunit ngayon, hindi rin pala gusto nito ang kanyang pagluluto. At naisip niya na baka kailangan niyang mag-focus nalang sa anong gagawin niya sa kama?

"Hoy," bulong niya habang nakatingin sa matangos na ilong ng lalaki. "Kung hindi ka gigising, hahalikan na kita."

Kumibot ang mahahabang pilik-mata ni Conrad, ngunit hindi pa rin ito nagmulat. Habang nakatingin sa gwapo at misteryosong mukha ng lalaki, bumilis ang tibok ng puso ni Mandy.

Ilang beses siyang sumubok na humalik, ngunit sa huli ay sumuko na lang siya. Bumalik siya sa dati niyang puwesto na parang lobong nawalan ng hangin.

Hindi niya nalang pinansin ang sinabi ng kanyang tiyahin, inisip niya na baka hindi naman kailangang magtalik sila para maging masaya. Ngunit may bahagyang kirot pa rin sa kanyang puso.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tumawag ang kanyang tiyahin na si Lilianne. Dali-daling pumasok si Mandy sa banyo para sagutin ang tawag.

"Mandy, maayos ba ang lahat kagabi?" diretsong tanong ni Lilianne sa kabilang linya.

Nakabukas nang bahagya ang pinto ng banyo, kaya malinaw na naririnig ang boses ng tiyahin at ang malinaw na boses ni Mandy. "Umm, hindi masyadong maayos."

"Hindi maayos? Hindi ba kayo nagtalik?"

"Hindi po."

"Mandy, tandaan mo ang posisyon mo ngayon. Ikaw ay asawa na ng pamilya Laurier. Ang pangunahing tungkulin mo ay magbigay ng anak para sa kanila." Mahinahong sabi ni Lilianne. "Huwag mong kalimutan na nangako ka na magkakaroon kayo ng anak ni Conrad sa loob ng dalawang taon."

Mahigpit na hinawakan ni Mandy ang kanyang phone. "Huwag kayong mag-alala, Tita Lily. Hindi ko po makakalimutan. At salamat po sa paalala."

Unang beses pa lang niya kasi ikakasal kaya wala pa siyang karanasan.

"Gagawin ko ang lahat para magkaroon siya ng anak."

Nang marinig ang kanyang determinasyon, huminga nang malalim si Lilianne. "At huwag mong tawaging 'siya' lang. Kasal na kayo ni Conrad, dapat 'asawa' na ang tawag mo sa kanya!"

Namula ang mukha ni Mandy. "Opo…"

Bigla namang may kumalabog sa kwarto.

Akala ni Mandy ay may katulong na pumasok, kaya agad niyang pinutol ang tawag para hindi maistorbo ang pagtulog ni Conrad. Ngunit nang lumabas siya, walang tao sa kwarto. Parehong wala na si Conrad at ang kanyang wheelchair.

Dali-daling lumabas si Mandy at nagtungo sa dining room. Agad niyang nakita sa ibaba na nakaupo ang asawa at tila walang kaselasan na kumakain ng kanyang almusal. Nakatali pa rin ang itim na piring sa kanyang mga mata, na nagbibigay sa kanya ng mas misteryosong awra.

"Madame, halika't kumain na ng umagahan!" Tawag sa kanya ni Cecelia. "Subukan ninyo ang aking luto, baka magustuhan ninyo."

Medyo nagitla si Mandy sa biglang pag-iiba ng ugali ni Cecelia na malayo sa ipinakita nito kanina. Sumunod naman siya at naupo sa hapag. Nakalatag sa mesa ang hamon, keso, at sandwich na hindi pa niya nasusubukan.

Dahil sa nangyari kanina, hindi niya kayang kainin ang mga pagkaing hindi niya gusto. Bigla niyang naalala na may natira siyang maliit na piraso ng ensalada sa ref. Kung ayaw ito ni Conrad, pwede namang siya na ang kumain nito.

Kaya tumayo siya at dali-daling pumunta sa kusina para kunin ang ensalada at kinain ito nang masaya.

"Ano ang kinakain mo?" tanong ni Conrad mula sa kabilang dulo ng hapag.

Sumimangot si Mandy. "Hindi mo ito magugustuhan."

Ngumiti ang lalaki. "Paano mo nalaman na hindi ko gusto?"

Ngumuso siyang itinuro ang katulong. "Sabi ni Ate Cecelia."

Mula sa malayo, naramdaman ni Cecelia ang lamig na bumuhos sa kanyang katawan.

Dahan-dahang ininom ni Conrad ng kanyang gatas, "Sabi niya na hindi ko gusto?"

"Oo." Deretsahan pang sagot ni Mandy.

May bahid ng pagtataka sa boses ni Conrad. "At bakit mayroong pagkain sa ref na hindi ko gusto?"

Napayuko si Mandy, "Umm, ako kasi ang naglagay. Hindi ko po kasi alam ang mga gusto mo, kaya ginawa ko lang ang karaniwan naming kinakain sa bukid."

"Gano’on ba?" Dahan-dahang ibinaba ni Conrad ang baso ng gatas.

Ang tunog ng salamin sa hapag ay tila nagdulot ng pangamba, at halos napayuko na si Cecelia sa takot.

"Actually, hindi ko rin alam kung ayaw ko ba sa mga niluto mo." Malamig na sabi ni Conrad. At bago magsalita si Mandy, nasurpresa siya nang kumuha ang lalaki ng ensalada sa mesa.

Tiningnan muna ni Conrad ang ensalada bago ito kinain. Ito ay isang bagong panlasa para sa kanyang dila, medyo maasim, na matamis, at may kaunting anghang.

"Magaling ka palang magluto," sabi niya habang dahan-dahang ibinaba ang kanyang kutsara. "At papaano mo nasabi Cecelia na ayaw ko sa mga ganitong pagkain?"

Dahil sa ginawa ni Cecelia, nagalit tuloy ang kanyang asawa. Naalala niya na umakyat ito kaninang umaga matapos niyang paalisin sa kusina.

Nanginginig na nagsalita si Cecelia, "S-Sir..."

Patuloy na nagsalita Conrad. "Hindi mo siguro kailangang magpaliwanag sa isang bulag na tulad ko, tama ba?"
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 4

    Ang boses ni Conrad ay puno ng lamig na parang nagdulot ng pagkayelo sa buong paligid ng dining room."Sir, patawad po!" Biglang lumuhod si Cecelia sa sahig. Mayroong takot sa kanyang mga mata, "Hindi ko po dapat sinabi iyon ginawa kay Madame."Si Conrad Laurier ay palaging mabait at tila hindi marunong magalit, ngunit malupit ito kung iyong ginalit, walang taong makakakaya sa kanyang bagsik."Pero, Sir Conrad, wala akong masamang intensyon, ayoko lang po na mahirapan si Madame sa paggawa ng almusal."Tiningan lang siya ni Conrad nang walang emosyon, "Kaya tingin mo tama ang ginawa mong sirain ang inihandang almusal ng isang bagong kasal na asawa para sa kanyang mister?"Nanatiling tahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo.Ang sinabi ni Conrad ay hindi lang nagpagulat kay Cecelia at Anita, kundi pati na rin kay Mandy na nanlaki ang mga matang pinanood ang nangyayari.Hindi siya makapaniwala at hindi niya alam kung ipinagtatanggol ba siya ni Conrad sa mga katulong.Nangingin

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 5

    Nang bumalik sa reyalidad si Mandy, nagmamadali niyang pinulot ang kanyang cellphone at tumingin kay Miguel ng may ngiti, "Kuya Miggy...dito ka pala nagtatrabaho?"Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Miguel at nagliwanag ang gwapo niyang mukha.Maingat niyang inabot ang kanyang kamay at hinawakan ang ulo ni Mandy para guluhin ang kanyang buhok, "Bakit ba hindi ka nag-iingat? Hindi ka talaga nagbabago, at ilang taon ka na ba ngayon?""Dalawampung taong gulang na po ako." Mahinang sagot ni Mandy at kumikinang ang mga mata niyang nakatingin dito.Napangiwi ang lalaki at natawa nang mahina, "At bakit ka napunta rito sa ospital?"Itinuro naman ni Mandy ang consultation room sa likuran niya, "Kasama ko ang kaibigan ko na kausap ang kanyang pinsan."Tiningnan ni Miguel ang relo, "Oras na para sa tanghalian, baka matagalan pa ang kaibigan mo bago lumabas. Kakain na rin ako, gusto mo bang sumama?"Nag-isip sandali si Mandy bago kumatok at nagpaalam kay Ronnie."Tara na."Nanatiling na

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 6

    Ang hangin sa loob ng mansyon ay biglang naging mabigat.Isang sulyap lang ni Conrad sa mga bote ng gamot sa mesa ay nagdulot ng lamig sa kanyang mga mata. “So, ginagawa mo ito para sa akin? Mukhang nagkamali ako ng akala sayo.”Hindi naman tanga si Mandy. Ramdam niyang may halong panunuya ang tono at tingin ni Conrad.Walang sabi-sabing sumenyas ang lalaki at tinawag ang butler gamit ang isang kumpas ng kamay. Agad na lumapit ang butler at kinuha ang mga bote ng gamot.Medyo kinakabahan si Mandy. “Bakit mo pinakuha ang gamot? Ayaw mo ba itong inumin?”Pakiramdam niya ay hindi ito masaya sa nakita.Ngumiti si Conrad nang bahagya, pero hindi ito umabot sa kanyang mga mata. “Kumain ka muna.”Malamig at mababa ang boses nito, na parang nagpalamig pa lalo sa paligid. Mukhang talagang galit siya. Kinuyom ni Mandy ang kanyang mga daliri sa kaba.Kakalipas lang ng dalawang araw mula nang sila ay ikasal, tama ba na bigyan niya agad ito ng gamot? Baka iniisip ni Conrad na binigyan niya siya ng

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 7

    Bago pa man nakaisip ng paliwanag si Mandy, biglang dumampi ang manipis ngunit mapangahas na labi ni Conrad sa kanya.Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Mandy, ikinulong ito sa kanyang bisig at walang awa siyang hinalikan.Nilamon siya ng malamig nitong hininga at naging dahilan bakit siya nakaramdam ng pagkahilo. Parang hinigop nito ang kanyang kaluluwa sa paraan ng kanyang paghalik.Pagkalipas ng ilang saglit, binitiwan siya ni Conrad at may mapanuksong ngiti sa labi. “Mandy, ganito ba ang gusto mong kasagutan?”Nanginig siya at nagdulot ito ng pagkagulo sa kanyang puso't isipan. Pilít din siyang nagpumiglas mula sa bisig nito, ngunit lalo lamang siya nitong hinigpitan.Napakaliit na lang ng pagitan nilang dalawa—isa itong delikadong sitwasyon. Patuloy ang pagpupumiglas ni Mandy, pero hindi niya kayang talunin ang lakas ni Conrad.Hanggang sa tuluyan nang naubos ang kanyang lakas.Napangiwi siya at nainis. “Bakit ba ang lakas-lakas mo?”Bago sila ikasal, paulit-ulit s

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 8

    Ang kanyang boses ay matamis at malambing, pero parang may halong poot. Sa oras na iyon, huminto ang sasakyan.  Sa malamig ngunit banayad na tinig, sinabi ni Conrad, “Mayroon kang tatlumpung minuto para magpalit ng damit.”  Bagaman mababa pa rin ang kanyang boses, naramdaman ni Mandy ang bahagyang kasiyahan dito. Mukhang hindi na siya galit.  Mabilis siyang bumaba mula sa kandungan nito at tumakbo papalabas ng sasakyan.  Ngunit bago pa siya makapasok sa bahay, bigla siyang napahinto at lumingon pabalik. “Hindi ka ba bababa?”  Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ni Conrad. “Itatanong ba ni misis kung bababa ako… dahil gusto niyang ituloy natin sa kwarto ang nangyari kanina?”  Sa sandaling marinig ito, para siyang kidlat na mabilis na tumakbo papasok ng bahay!  Tinitigan ni Conrad ang kanyang masiglang likuran habang umaakyat siya sa hagdan ng mansyon. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa kanyang batok at ngumiti nang bahagya.  *****Sa loob ng dressing room, ina

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire     CHAPTER 9

    Ang tingin ni Connor kay Mandy ay nagdulot sa kanya ng matinding pagkailang. Para bang kahit anong gawin niya, hindi siya magiging komportable.Huminga siya nang malalim, pinilit ngumiti ng magalang, saka itinulak ang wheelchair ni Conrad, umaasang makakalampas sila kay Connor at makakapasok sa loob.Ngunit bago pa siya makalagpas, biglang iniunat ni Connor ang braso upang harangan ang kanilang daan."Sister-in-law, bakit parang nagmamadali ka? Ayaw mo bang makipag-usap kay Kuya?"Nakapamewang ito habang nakatingin kay Conrad—punong-puno ng pang-uuyam at panlalait ang mga mata. Pero sa kanyang boses, may halong malasakit na tila isang mapagkalingang kapatid."Conrad, parang umiiwas siya sa akin. Sa tingin ko, may dahilan kung bakit siya napadpad sa pamilya natin." Habang sinasabi niya ito, pasimpleng dumapo ang tingin niya sa dibdib ni Mandy na parang sinusuri ito.Agad napakunot-noo si Mandy at iniwas ang katawan palayo.Ngunit tila mas ginanahan si Connor sa kanyang reaksiyon. Lalong

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 10

    Habang nilalampasan niya si Connor, biglang nakaramdam si Mandy ng matinding sakit sa kanyang puwitan—may humipo sa kanya!Isang malamig na kilabot ang gumapang mula sa kanyang mga paa hanggang sa anit. Parang nagdilim ang kanyang paningin sa gulat at takot, kaya halos patakbo niyang itinulak si Conrad papasok sa bahay.Nang makarating sila sa maliit na hardin, nanatili siyang nanginginig, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.Hindi niya naisip na ang unang beses niyang mararanasan ang ganitong klaseng pang-aabuso ay mula pa mismo sa pinsan ng kanyang asawa.At sa harap pa mismo ng mansyon ng kanyang lolo!"May problema ba?"Matalim na tanong ni Conrad, halatang napansin ang kakaiba niyang kilos."H-Ha? Wala, wala naman."Hindi niya kayang sabihin ang totoo. Silang tatlo lang ang nasa eksena kanina, at kung sakaling ipagtapat niya ito kay Conrad, alam niyang tatanggi si Connor at walang magiging ebidensya laban sa kanya.Sa huli, baka lumabas lang siyang isang sinungaling at maging da

    Last Updated : 2025-04-18
  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 11

    Napahinto si Zenaida, tila napahiya. Ang buong akala niya ay pinaalis ni Conrad si Cecelia dahil lang kay Mandy, pero hindi niya alam ang tunay na dahilan.  Kung alam lang niya na pinahiya ni Cecelia si Mandy, hinding-hindi na sana niya binanggit ang isyung ito.  Bahagyang ngumiti si Christoff, na tila pinapagaan ang sitwasyon. “Si Conrad ay isang tunay na lalaki. Si Mandy, bilang asawa niya at bahagi na ng pamilya Laurier, ay hindi dapat minamaliit ng kahit na sino, lalo na ng isang katulong.”  Walang nagawa si Zenaida kundi mainis at hindi na sumagot.  Samantala, iniba ni Lolo Colton ang usapan at inusisa si Mandy tungkol sa kanyang kalagayan.  Habang nag-uusap sila, biglang tumunog ang cellphone ni Christoff. Nang makita niya kung sino ang tumatawag, biglang nagbago ang kanyang mukha at namutla.  “May kailangan lang akong sagutin na tawag. Magpatuloy lang kayong mag-usap,” sabi niya bago umalis.  Malamig ang tinig ni Conrad nang sumagot, “Take your time, Uncle.”  Pag

    Last Updated : 2025-04-18

Latest chapter

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 50

    Natatakot si Bruno na sabihin sa kanyang inang si Leticia na si Mandy ang dahilan ng pananakit sa kanya. Kitang-kita kung gaano siya kaingat sa kilos at salita. Sa mismong sandali ng kanyang pagtalikod, sinadyang ngumiti si Mandy sa pinsan.Agad namang nanginig ang mga kamay ni Bruno, at natapon pa niya ang hawak niyang mainit na lugaw."Nasaan na ang pera?"Pagkalabas nila ng kwarto, hindi man lang itinago ni Leticia ang kanyang inis kay Mandy. "Bilisan mo, ibigay mo na."Wala nang nagawa si Mandy kundi iabot sa kanya ang sobre na may lamang labindalawang libong piso. "Tita Leticia, siguraduhin mong tutuparin mo ang pangako mo."Napairap si Leticia. "Basta siguraduhin mong palagi kang may dalang pera, hindi ako magsasalita sa lola mo!"Pagkasabi nito, lihim pa niyang sinulyapan si Mandy nang may panunuya.Akalain mo, nakapag-asawa na nga ng mayaman, pero ganito pa rin kung maglabas ng pera—parang ayaw maubusan, naisip ni Leticia.Matapos maibigay ang pera, wala nang dahilan pa si Mand

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 49

    ”Nag-aalala…” Napahikab si Mandy at muntik nang mabanggit ang tungkol kay Leticia, pero bigla siyang natauhan at agad na tinikom ang bibig.Sinabi ng kanyang lohika na hindi niya dapat ipaalam ito kay Conrad. Kung sasabihin niya na iniisip niya ang tungkol sa pera, hindi ba't parang humihingi na rin siya ng tulong sa kanya?Kaya't mabilis siyang ngumiti at idinaan sa biro. “Nag-aalala lang ako sa exam ko sa Physics ngayong araw. Hindi ko kasi talaga forte ang Physics.”Habang sinasabi niya ito, bahagyang nanginig ang kanyang mga pilikmata at halatang hindi niya alam kung saan ibabaling ang kanyang paningin.Bahagyang kumunot ang noo ni Conrad, pero hindi niya siya pinasinungalingan. “Kung talagang nag-aalala ka, bakit hindi ka na lang mag-review nang maayos?”Saglit na nag-isip si Mandy bago tumango. “Pwede ba akong umuwi nang mas gabi matapos ang klase?”“Huwag mo nang papuntahan si Kuya Greg para sunduin ako. Pupunta ako sa library para mag-aral, tapos sasakay na lang ako ng bus pauw

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 48

    "Bukas, dadalhin ko mismo sa ospital ang pera."Muling huminga nang malalim si Mandy. "Tita, ipadala mo na lang sa akin ang address mamaya."Matapos ibaba ang tawag, napasandal siya sa malaking puno sa hardin at malalim na huminga, pilit na pinakakalma ang sarili.Diyos ko, ilang brain cells ba ang namatay sa kanya habang nakikipag-usap kay Leticia? Isa sa pinakamalaking kahinaan niya ay ang hindi niya agad nasusundan ang sitwasyon.Halimbawa, kapag may nakipagtalo sa kanya at pinagsabihan siya ng masasakit na salita, hindi siya kaagad makakahanap ng isasagot. Pero kapag nakaalis na ang taong iyon, saka lang niya marerealisa kung paano siya dapat sumagot o lumaban.Dahil ilang beses na itong nangyari, napagtanto rin niya sa wakas na hindi siya bagay sa pakikipagtalo o pakikipagtagisan ng talino. Kaya mas pinipili na lang niyang umiwas sa gulo kaysa harapin ito.Ang mga salitang binitiwan niya kanina kay Leticia sa tawag ay ilang araw niyang pinag-isipan habang patuloy niyang tinatanggi

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 47

    “Tatlong araw pa lang na-confine si Bruno, paano aabot agad sa ganitong kalaking halaga?”Mula sa kabilang linya, narinig niya ang may halong pang-uuyam na boses ni Leticia. “Bakit hindi aabot ng ganoong halaga? Ang anak kong si Bruno ay napuruhan nang husto…”Hindi pa siya tapos magsalita nang tila napagtanto niyang kahiya-hiya ang usapan, kaya mabilis siyang napalunok at iniba ang paksa. “Basta ang mahalaga, malubha ang natamo niyang pinsala.”Biglang natigil ang boses ni Leticia. “Paano mo nalaman na tatlong araw nang naka-confine si Bruno?”Ang anak niyang si Bruno ay nasangkot sa matinding gulo at halos mawalan ng malay dahil sa bugbog na natamo nito. Halos ikahiya na niya ang nangyari, kaya kahit sa sarili niyang kapatid na si Manuel ay hindi niya ito ipinaalam.Bukod pa roon, nitong mga nagdaang araw ay hindi naman sinasagot ni Mandy ang mga tawag niya, kaya ito ang unang beses na napag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaospital ni Bruno.Kaya paano nagawa ni Mandy na siguruhin n

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 46

    "Kung gusto mong makita si Lola, pumunta ka na lang mag-isa. Huwag mo nang isama ang asawa mo."Dahan-dahang lumubog ang puso ni Mandy sa kawalan. Pinilit niyang ibaba ang kanyang boses. "Naiintindihan ko."Katatapos pa lang niyang ibaba ang tawag kay Tito Manuel nang biglang tumunog muli ang kanyang telepono—si Tita Leticia naman ang tumatawag.Sa loob lamang ng ilang araw, ito na ang ika-animnapung beses na tinawagan siya ni Tita Leticia.Napakalaki ng paaralang pinapasukan ni Mandy kaya hindi siya mahanap ng kanyang tiyahin. Hindi rin nito alam kung saan siya nakatira, kaya ang tanging nagawa nito ay tawagan siya nang paulit-ulit araw-araw.Ibinalik ni Mandy ang cellphone sa mesa at tumitig sa screen. Nakikita niya ang pangalang Tita Leticia na kumikislap sa display at agad siyang nakaramdam ng matinding inis at pagkalito.Matagal siyang hindi kumilos hanggang sa tumigil ang pag-vibrate ng phone, ngunit biglang may pumasok na isang text message.Mula ito kay Tita Leticia.Mandy, ala

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 45

    Abala si Mandy sa kusina sa loob ng isa’t kalahating oras.Matapos ilagay sa hapag ang huling putahe para sa gabing iyon, sinuri niya ang kanyang mga nilutong pagkain at napangiti sa tuwa. Agad siyang tumakbo papunta kay Conrad at masiglang nagtanong, “Tapos na ako! Gusto mo bang kumain na ngayon o mamaya pa?”Narinig ni Conrad ang matamis at malambing na tinig ng babae, kaya’t bahagyang gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. “Ngayon na.”“P'wede, ihahatid na kita sa hapag-kainan.”Ramdam ang pananabik sa tinig ni Mandy habang itinulak niya ang wheelchair ni Conrad. “Ginawa ko ang pinaka-espesyal kong mga putahe ngayong gabi. Subukan mo kung magugustuhan mo! Sabihin mo lang kung alin ang pinakapaborito mo, at araw-araw kitang ipagluluto ng ganito.”Habang nag-uusap sila, naihatid na niya ito sa hapag-kainan.Matapos ihanda ang lahat, masiglang iniabot ni Mandy ang chopsticks kay Conrad ngunit agad ding napaisip at napatigil. “Ay, nakalimutan ko… hindi mo pala nakikita. Paano kaya… gu

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 44

    Napakunot ang noo ni Mandy. “Pwede bang huwag nang mag-abala sa pagsundo sa akin sa susunod? Inaral ko na ang ruta ng bus. Dalawang sakay lang mula sa eskwelahan hanggang bahay, at napakadali lang naman.”Bahagyang ngumiti si Conrad. “Kung hahayaan kitang umuwi mag-isa gamit ang pampublikong sasakyan, titigil na ba ang mga kaklase mo sa pangungutya sa iyo?”Nanlaki ang mga mata ni Mandy at biglang natigilan. “A-alam mo?”Pero kung iisipin, kung nagawa niyang utusan ang ama ni Wendy upang sunduin siya sa paaralan, tiyak na alam din niya ang mga nangyayari roon.Sa pag-iisip nito, hindi maiwasan ni Mandy na lihim siyang sulyapan ng ilang ulit.Noong una, ang akala niya ay nagpakasal lamang siya sa isang lalaking may kapansanan at ang tanging tungkulin niya ay alagaan ito. Ngunit habang tumatagal, lalo siyang nahihirapang basahin ang tunay na pagkatao ni Conrad.Sa katunayan, pakiramdam niya ay siya ang mas inaalagaan nito—kahit siya ang itinuturing na mas malakas at malusog sa kanilang d

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 43

    Napakunot ang noo ni Mandy at kasasagot pa lang sana kay Kuya Greg upang sabihing hindi na kailangang mag-abala, nang biglang may narinig siyang kaguluhan sa paligid.Napalingon siya nang hindi inaasahan at nakita ang isang lalaking halos singkuwenta anyos na—si Dexter—na may magalang na tindig habang papalapit sa kanya.“Madame, ako na po ang pumalit kay Sir Greg upang sunduin kayo pauwi.”Nabigla ang lahat ng naroroon.Nanlaki ang mga mata ni Wendy. “Dad?!”Matalim siyang tiningnan ni Dexter. “Nasa trabaho ako.”Pagkasabi nito, muli siyang bumaling kay Mandy at magalang na ngumiti. “Madame, dito na po kayo dumaan.”Biglang nakaramdam si Mandy ng panlalamig sa anit.Ang tinutukoy ni Kuya Greg na papalit sa kanya upang sumundo ay walang iba kundi ang ama ni Wendy?Nag-umpisa ang bulung-bulungan sa paligid, lumalakas pa habang lumilipas ang mga segundo. Samantala, si Wendy ay namumula at namumutla dahil sa hiya.Maya-maya, mabilis niyang tinakbo ang distansiya papunta sa kanyang ama at

  • Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire   CHAPTER 42

    Ibinaba ni Mandy ang tingin at inilabas mula sa kanyang bag ang mga libro at mga tala. “Talagang malaki ang nagagawa ng pagiging mayaman.”Mula nang magkasakit ang kanyang lola, labis niyang pinangarap na maging isang mayamang tao. Ngayon nga ay naging asawa na siya ng isang mayaman, pero pakiramdam niya ay parang hindi pa rin totoo ang lahat.“Huwag mo namang sabihin ‘yan.”Napangiwi si Ronnie. “Hindi mo kailangang magmakaawa, Mandy. Hayaan mo na lang lumabas si Conrad, sampalin ng katotohanan si Wendy, at ipaluhod siya para humingi ng tawad sa’yo!”Umiling si Mandy. “Huwag na.”“Bakit?”“Kung gusto nila akong laitin, palagi silang makakahanap ng paraan. Kahit patunayan ko pang hindi matanda, pangit, mataba, at kalbo si Conrad, hahanap at hahanap pa rin sila ng panibagong dahilan para laitin siya. Siguradong sasabihin nilang isa siyang inutil.”Huminga siya nang malalim at isinuot ang earphones. “Mas mabuting huwag ko na lang silang pakinggan.”Pinakasalan niya si Conrad para alagaan

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status