CHAPTER 53"A-anak? May anak ka na?" gulat pa na tanong ni Lucas kay Ayesha. Tumango tango naman si Ayesha kay Lucas."Oo may mga anak na ako at kambal sila kaya kailangan ko talagang magsikap para sa kanila dahil ayoko namang umasa na lamang sa mga magulang ko," seryosong sagot ni Ayesha. Hindi naman makapaniwala si Lucas sa kanyang narinig dahil parang bigla syang pinagpawisan ng malamig dahil sa kanyang nalaman."K-kung may anak ka na. Nasaan ang asawa mo? I mean ang tatay ng mga a-anak mo?" nauutal pa na tanong ni Lucas."Hindi ko alam," balewalang sagot naman ni Ayesha."What do you mean?" usyoso pa ni Lucas pero ang totoo ay ang lakas na ng kabog ng dibdib nya dahil sa mga nalaman nya. Bigla tuloy syang kinabahan at kaba iyon dahil sa excitement dahil baka mga anak nya nga ang mga anak ni Ayesha dahil sigurado talaga sya na si Ayesha ang nakaniig nya ng gabi na yun."Mahabang kwento pero hayaan mo na yun. Kaya ko namang buhayin ang mga anak ko na wala ang kanilang ama," sagot na
CHAPTER 54Mabilis naman natapos ang tatlong araw na conference nila Lucas at Ayesha sa Cebu at bukas ng umaga pa naman ang kanilang flight pabalik ng Manila kaya inaya na muna ni Lucas na mamasyal si Ayesha roon dahil alam din naman nito na pagod si Ayesha at gusto naman nya na makapag relax ito kahit papano dahil pagbalik nila ng Manila ay sigurado na marami na naman silang tambak na trabaho.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi na muna kinulit pa ni Lucas si Ayesha tungkol sa mga anak nito. Ayaw nya kasi na mailang si Ayesha sa kanya habang nasa Cebu sila.Samantalang laking pasalamat naman ni Ayesha dahil madalas na good mood naman si Lucas habang nasa Cebu sila. Medyo naiilang nga sya dahil masyado itong maalaga habang naroon sila. Simula rin ng araw magsimula ang conference ay hindi talaga pumapayag si Lucas na malayo sa kanya si Ayesha."Wala ka bang gustong bilhin na pasalubong sa mga anak mo?" tanong ni Lucas kay Ayesha habang naglalakad sila palabas ng hotel para pumunta sa
CHAPTER 55Kinabukasan ay maaga ng umalis sila Ayesha at Lucas sa hotel dahil maaga nga ang kanilang flight pabalik ng Manila. Buong oras ata ng byahe nila ay nanahimik lamang si Ayesha dahil may gumugulo talaga sa isipan nya.Habang si Lucas naman ay parang gusto na nyang usisain ang dalaga ng tungkol sa mga bata pero pinigilan na lamang talaga nya ang kanyang sarili dahil ayaw nga nya na mailang si Ayesha sa kanya at baka makahalata pa ito sa kanya. Natatakot sya na baka mawala na naman ito bigla at ang mas kinakatakot nya baka hindi na naman nya ito mahanap pati ang mga bata.Pagkarating ng Manila ay agad naman na nagpaalam si Ayesha kay Lucas at hindi na rin sya nagpahatid pa sa kanilang bahay.Nang sumunod na araw ay kailangan na muling bumalik sa trabaho sa opisina si Ayesha pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin sya ng mga naiisip nya.Pagkauwi nya kasi ng Manila ay hindi na mawala wala sa isip nya ang tungkol sa pagiging magkahawig ng anak nya at ng kanyang boss. Naisip ny
CHAPTER 56 "I'm sorry ma'm pero hindi po talaga kayo pwedeng pumasok sa loob ng walang pahintulot si sir Lucas. Kung gusto nyo po ay sasabihin ko po muna sa kanya na narito kayo," sagot naman ni Ayesha dahil ayaw naman nya na mapagalitan ng boss nya dahil iyon pa rinnang dapat nyang sundin dahil si Lucas ang nagpapasahod sa kanya at hindu ang babaeng kaharap nya ngayon."Aba't talagang sinusubukan mo ako ha," inis ng sabi ni Jessa at saka nya itinulak si Ayesha kaya naman natumba ito sa pintuan ng opisina ni Lucas kaya bunukas ito.Nagulat naman si Lucas sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina nya at nakita nya si Ayesha na bumagsak doon kaya dali dali na syang tumayo para lapitan ito. Kanina pa kasi nya naritinig na parang may nagtatalo nga sa labas pero dahil sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na lamang nya iyon pinagtuunan pa ng pansin."Anong nangyayare dito?" tanong na ni Lucas at agad na nyang inalalayan si Ayesha na makatayo. Pag angat ng tingin nya ay nakita nya si Jessa ka
CHAPTER 57"Kung ganon po pala sir gusto na kayong pag asawahin ng mga magulang nyo bakit hindi na lamang po kayo mag asawa. Maganda naman po si ms. Jessa," sabi ni Ayesha kay Lucas matapos nyang marinig ang kwento ni Lucas."Tsk. Hindi ko gusto si Jessa at isa pa ay may mahal na talaga ako noon pa," sagot ni Lucas saka sya tumitig sa mata ni Ayesha. "Matagal ko na syang hinahanap at ngayon na nahanap ko na sya ay naghihintay na lamang ako ng tamang tyempo para sabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya," seryoso pang sabi ni Lucas.Nang mapansin ni Ayesha ang paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Lucas ay agad na syang nag iwas ng tingin dito."G-ganon po ba sir. Mas mabuti po na magtapat na kayo sa kanya. At saka bakit hindi nyo na lamang po pala tapatin si ms. Jessa para naman po hindi na sya umasa pa," sagot ni Ayesha kahit na naiilang na syang makipag usap sa kanyang boss."Ilang beses ko na yan sinabi kay Jessa pero sarado ata ang utak ng babae na yun at ayaw pa
CHAPTER 58Kinabukasan ay pinilit talaga ni Ayesha na pumasok sa opisina kahit na medyo sumasakit pa talaga ang kanyang balakang.Pagkarating nya sa kanyang pwesto ay nagulat pa sya dahil wala na roon ang kanyang table kaya napatakbo sya ng wala sa oras at nagpalinga linga pa sya para hanapin kung nasaan ang kanyang table. May nakita naman syang lalake na lumabas sa opisina ni Lucas kaya naman dali dali na nya itong linapitan at tinanong."K-kuya wala ka bang napansin na lamesa rito?" tanong na ni Ayesha at itinuro pa nya ang pwesto kung nasaan ang lamesa nya."Ay ma'm yung lamesa po ba na nandyan? Nasa loob na po. Pinapasok na po ni sir Lucas sa loob," sagot namna ng lalake. Napakunot naman ang noo ni Ayesha dahil nagtataka sya bakit pinasok sa loob ng opisina ng binata ang kanyang lamesa."G-ganoon po ba? Bakit daw po pinapasok nya sa loob?" tanong pa nya."Hindi ko po alam ma'm. Napag utusan lang po ako," sagot ng lalake. "Sige po ma'm dito na po ako at may mga gagawin pa po kasi
CHAPTER 59"Ano ng balak mo ngayon kay Ayesha?" tanong ni King kay Lucas ng makarating na sila sa condo nito."Hindi ko pa alam dahil gusto ko sana munang makuha ang loob nya kaso ay parang lagi syang naiilang sa akin kaya hindi ko sya makausap ng seryoso at masinsinan. Ayoko rin naman syang biglain dahil alam ko na wala sya sa katinuan ng gabi na may nangyare sa amin," sagot ni Lucas sa mga kaibigan nya.Nagkatinginan naman sila King at Gerome dahil sa sinabi ni Lucas. Alam kasi nila kung gaano kagusto na mahanap ni Lucas ang babaeng nakasama nito ng gabi na yun kaso ngayon na nas malapit na ito sa kanya ay hindi naman ito masabi sabi ng binata rito."Good luck na lamang sa'yo bro at sana ay masabi mo na yan kay Ayesha," sagot ni King. "Nabalitaan nga pala namin ang nangyare sa opisina mo kahapon. Ano ng nangyare sa babaeng ha ol ng habol sa'yo? Alam mo ibang klase ka rin naman talaga e noh. Ayaw ka rin talaga tantanan ni Jessa," naiiling pa na sabi ni King."Ewan ko ba sa babae na y
CHAPTER 60Kinabukasan hindi pa man tapos ang office hour ni Ayesha ay hinayaan na muna sya ni Lucas na umuwi para makapagpahinga at susunduin na lamang daw sya nito mamaya upang dalhin sa mag aayos dito. Ayaw pa sanang sumunod ni Ayesha pero wala na rin naman syang nagawa dahil talagang ipinagpilitan talaga ni Lucas na umuwi na muna sya.Pagkarating sa kanilang bahay ay nagulat pa ang ina ni Ayesha dahil maaga syang umuwi."Ayesha napaaga ata ang uwi mo may problema ba?" agad na tanong ni Rita kay Ayesha."Wala naman pong problema mom. Dadyang maaga lang po akong pinauwi ng boss ko dahil isasama daw po nya ako sa party mamaya," sagot ni Ayesha sa kanyang ina."Party? Ikaw ang isasama ng boss mo? Meaning ikaw ang ka-date nya sa party yun ba yun anak?" tila naguguluhan na tanong ni Rita kay Ayesha."Mom naman kadate kaagad? Hindi po ba pwedeng isasama lang," nakanguso naman na sagot ni Ayesha."Sus. Anak hindi naman kita pipigilan kung gusto mong mag asawa. Okay lang naman sa akin na m