CHAPTER 50Matulin naman na lumipas ang mga araw at linggo at ngayon nga ay halos mag isang buwan na si Ayesha sa kanyang trabaho at naging maayos naman ang pakikitungo ni Lucas kay Ayesha. Talagang pursigido rin si Lucas na makuha nya ang loob ng dalaga at unti unti ay nagigng komportable na rin si Ayesha na kasama ang kanyang boss kahit na sila lamang dalawa."Ayesha meron nga pala akong out of town trip next week at kailangan mong sumama sa akin sa Cebu," sabi ni Lucas kay Ayesha matapos nitong ibigay sa kanya ang mga paper works na kailangan nyang basahin."P-po? C-Cebu?" gulat naman na tanong ni Ayesha kay Lucas."Yes Ms. Salcedo doon kasi ang venue ng conference na dadaluhan ko at tatlong araw tayo roon," sagot naman ni Lucas."S-sir kailangan po ba talaga na kasama ako?" nag aalangan pa na tanong ni Ayesha dahil hindi nya napaghandaan ang mga ganitong bagay. Hindi kasi sya sanay na mapalayo sa kanyang mga anak lalo na at tatlong araw pa nyang hindj makakasama ang mga ito."Of c
CHAPTER 51Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ang araw na aalis sila Ayesha at Lucas papuntang Cebu. Balak pa sanang sunduin ni Lucas si Ayesha pero hinindian na naman ito ng dalaga kaya naman sa kumpanya na lamang sila magkikita na dalawa.Pagkarating ni Ayesha sa kumpanya ni Lucas ay dumiretso na muna sya sa kanyang table para kunin ang ilang mahahalagang papeles na kailangan nyang dalhin sa pagpunta nila ng Cebu. Pagkababa nya ay sakto naman na dating ng sasakyan ni Lucas. Akmang babatiin na sana nya ito ay nagulat na lamang sya ng bigla nitong kinuha sa kamay nya ang maleta na hawak nya."Sir—" pigil pa sana ni Ayesha sa kanyang boss pero wala na rin syang nagawa ng mabilis na itong nakabalik sa sasakyan nito at agad na inilagay sa likuran ng sasakyan ang kanyang maleta."Let's go ms. Salcedo baka malate na tayo sa flught natin," sabi ni Lucas kay Ayesha kaya naman halos patakbo ng sumakay sa sasakyan ni Lucas si Ayesha.Wala naman silang imik na dalawa hanggang s
CHAPTER 52Pagdating nga ng hapon na iyon ay kumain lamang ng dinner sila Ayesha at Lucas pagkatapos ay dumiretso na sila sa may pool area ng nasabing hotel. Marami rami rin ang mga tao roon at karamihan sa kanila ay dadalo sa naturang conference kinabukasan.Inaya naman ni Lucas na maupo si Ayesha sa may tabi nya at ini order na lamang nya ito ng juice dahil ayaw nito ng alak o ng kahit na anong ladies drink."Wag kang lalayo sa akin ha. Dyan ka lamang," pautos na sabi ni Lucas kay Ayesha. Nagulat naman si Ayesha sa paraan ng pagsasalita ni Lucas dahil parang galit ito."Ha? O-oo naman. Dito lang ako at wala rinnnaman akong ibang mapupuntahan dito," sagot ni Ayesha."Good. Kanina pa kasi iba ang tingin ng mga lalake na yun sa'yo," sabi pa ni Lucas habang nakatingin sa mga lalake na hindu kalayuan sa kanila kaya naman napasunod na lamang ng tingin si Ayesha rito at nakita nga nya ang mga lalake na iba kung makatingin sa kanya.Napabuntong hininga naman si Lucas dahil kahit na maayos n
CHAPTER 53"A-anak? May anak ka na?" gulat pa na tanong ni Lucas kay Ayesha. Tumango tango naman si Ayesha kay Lucas."Oo may mga anak na ako at kambal sila kaya kailangan ko talagang magsikap para sa kanila dahil ayoko namang umasa na lamang sa mga magulang ko," seryosong sagot ni Ayesha. Hindi naman makapaniwala si Lucas sa kanyang narinig dahil parang bigla syang pinagpawisan ng malamig dahil sa kanyang nalaman."K-kung may anak ka na. Nasaan ang asawa mo? I mean ang tatay ng mga a-anak mo?" nauutal pa na tanong ni Lucas."Hindi ko alam," balewalang sagot naman ni Ayesha."What do you mean?" usyoso pa ni Lucas pero ang totoo ay ang lakas na ng kabog ng dibdib nya dahil sa mga nalaman nya. Bigla tuloy syang kinabahan at kaba iyon dahil sa excitement dahil baka mga anak nya nga ang mga anak ni Ayesha dahil sigurado talaga sya na si Ayesha ang nakaniig nya ng gabi na yun."Mahabang kwento pero hayaan mo na yun. Kaya ko namang buhayin ang mga anak ko na wala ang kanilang ama," sagot na
CHAPTER 54Mabilis naman natapos ang tatlong araw na conference nila Lucas at Ayesha sa Cebu at bukas ng umaga pa naman ang kanilang flight pabalik ng Manila kaya inaya na muna ni Lucas na mamasyal si Ayesha roon dahil alam din naman nito na pagod si Ayesha at gusto naman nya na makapag relax ito kahit papano dahil pagbalik nila ng Manila ay sigurado na marami na naman silang tambak na trabaho.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi na muna kinulit pa ni Lucas si Ayesha tungkol sa mga anak nito. Ayaw nya kasi na mailang si Ayesha sa kanya habang nasa Cebu sila.Samantalang laking pasalamat naman ni Ayesha dahil madalas na good mood naman si Lucas habang nasa Cebu sila. Medyo naiilang nga sya dahil masyado itong maalaga habang naroon sila. Simula rin ng araw magsimula ang conference ay hindi talaga pumapayag si Lucas na malayo sa kanya si Ayesha."Wala ka bang gustong bilhin na pasalubong sa mga anak mo?" tanong ni Lucas kay Ayesha habang naglalakad sila palabas ng hotel para pumunta sa
CHAPTER 55Kinabukasan ay maaga ng umalis sila Ayesha at Lucas sa hotel dahil maaga nga ang kanilang flight pabalik ng Manila. Buong oras ata ng byahe nila ay nanahimik lamang si Ayesha dahil may gumugulo talaga sa isipan nya.Habang si Lucas naman ay parang gusto na nyang usisain ang dalaga ng tungkol sa mga bata pero pinigilan na lamang talaga nya ang kanyang sarili dahil ayaw nga nya na mailang si Ayesha sa kanya at baka makahalata pa ito sa kanya. Natatakot sya na baka mawala na naman ito bigla at ang mas kinakatakot nya baka hindi na naman nya ito mahanap pati ang mga bata.Pagkarating ng Manila ay agad naman na nagpaalam si Ayesha kay Lucas at hindi na rin sya nagpahatid pa sa kanilang bahay.Nang sumunod na araw ay kailangan na muling bumalik sa trabaho sa opisina si Ayesha pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin sya ng mga naiisip nya.Pagkauwi nya kasi ng Manila ay hindi na mawala wala sa isip nya ang tungkol sa pagiging magkahawig ng anak nya at ng kanyang boss. Naisip ny
CHAPTER 56 "I'm sorry ma'm pero hindi po talaga kayo pwedeng pumasok sa loob ng walang pahintulot si sir Lucas. Kung gusto nyo po ay sasabihin ko po muna sa kanya na narito kayo," sagot naman ni Ayesha dahil ayaw naman nya na mapagalitan ng boss nya dahil iyon pa rinnang dapat nyang sundin dahil si Lucas ang nagpapasahod sa kanya at hindu ang babaeng kaharap nya ngayon."Aba't talagang sinusubukan mo ako ha," inis ng sabi ni Jessa at saka nya itinulak si Ayesha kaya naman natumba ito sa pintuan ng opisina ni Lucas kaya bunukas ito.Nagulat naman si Lucas sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina nya at nakita nya si Ayesha na bumagsak doon kaya dali dali na syang tumayo para lapitan ito. Kanina pa kasi nya naritinig na parang may nagtatalo nga sa labas pero dahil sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na lamang nya iyon pinagtuunan pa ng pansin."Anong nangyayare dito?" tanong na ni Lucas at agad na nyang inalalayan si Ayesha na makatayo. Pag angat ng tingin nya ay nakita nya si Jessa ka
CHAPTER 57"Kung ganon po pala sir gusto na kayong pag asawahin ng mga magulang nyo bakit hindi na lamang po kayo mag asawa. Maganda naman po si ms. Jessa," sabi ni Ayesha kay Lucas matapos nyang marinig ang kwento ni Lucas."Tsk. Hindi ko gusto si Jessa at isa pa ay may mahal na talaga ako noon pa," sagot ni Lucas saka sya tumitig sa mata ni Ayesha. "Matagal ko na syang hinahanap at ngayon na nahanap ko na sya ay naghihintay na lamang ako ng tamang tyempo para sabihin ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya," seryoso pang sabi ni Lucas.Nang mapansin ni Ayesha ang paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Lucas ay agad na syang nag iwas ng tingin dito."G-ganon po ba sir. Mas mabuti po na magtapat na kayo sa kanya. At saka bakit hindi nyo na lamang po pala tapatin si ms. Jessa para naman po hindi na sya umasa pa," sagot ni Ayesha kahit na naiilang na syang makipag usap sa kanyang boss."Ilang beses ko na yan sinabi kay Jessa pero sarado ata ang utak ng babae na yun at ayaw pa