CHAPTER 33"Tita bakit hindi na lamang po kayo sumama sa amin sa Manila? Tutal naman po ay wala naman po kayong kasama rito. Sumama na lamang po kayo sa amin at tiyak na matutuwa rin po ang kambal kung kasama po namin kayo," suhestyon ni Ayesha sa kanyang tita Cynthia."Hay naku hija mas gugustuhin ko na lamang na mamuhay ng mag isa rito sa probinsya kesa ang tumira sa Manila. Masyadong magulo roon gusto ko na lamang ng tahimik na buhay," sagot ni Cynthia."Sige na po tita. Kahit po mga isang buwan lang. Please," pangungumbinsi pa ni Ayesha rito."Naku Ayesha tigil tigilan mo ako dahil hindi mo ako mapipilit," pagmamatigas pa ni Cynthia."Sige na tita please. Sigurado malulungkot po kayo rito at mamimiss namin kayo ng kambal," pangungulit pa ni Ayesha."Hija masaya naman na ako rito. At isa pa ay sanay naman na ako noon pa na mag isa lamang ako rito. Ang mabuti pa ay dalaw dalawin nyo na lamang ako rito," sagot ni Cynthia dahil wala talaga syang balak na manirahan sa Manila dahil ini
CHAPTER 34"Nagulat nga rin po ako kanina at ang totoo po nyan hindi ko pa po talaga napaghahandaan ang ganong mga bagay. Mga bata pa naman po ang kambal at ang akala ki ay hindi pa nila maiisipan na maghanap ng ama," sagot ni Ayesha.Nagkatinginan naman sila Rita at Cynthia saka nila malungkot na tiningnan si Ayesha na nakayuko na lamang."Hija hindi mo ba talaga natatandaan ang mukha ng lalakeng nakabuntis sa'yo? Baka naman may naaalala ka kahit kaunti," sabi ni Rita kay Ayesha. Umiiling naman si Ayesha habang nanatili pa rin syang nakayuko dahil hindi na talaga nya matandaan pa ang lalakeng nakasama nya ng gabing iyon kung meron man syang naaalala noon yun ay ang amoy ng lalake na yun pero malabo naman na yata na mahanap nya iyon dahil lamang sa gamit nitong pabango."Ano ng balak mo ngayon hija? Paano kapag tinanong ka na nila tungkol sa kanilang ama? At may balak ka pa ba na hanapin man lang ang ama nila?" sunod sunod naman na tanong ni Cynthia kay Ayesha. Napabuntong hininga nam
CHAPTER 35"Oo Janna may anak na ako. May kambal na akong anak," nakangiti pa na sagot ni Ayesha samantalang si Janna ay nanlaki na lamang talaga ang mata dahil sa sinabi ni Ayesha."S-seryoso? May a-anak ka na? Sinong asawa mo?" sunod sunod na tanong ni Janna sa kaibigan. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nag asawa ka na," dagdag pa nito na my himig na nagtatampo.Bumuntong hininga naman na muna si Ayesha saka nya inaya n maupo na muna ang kaibigan at saka nya ikinuwento rito ang mga nangyare sa kanya sa nakalipas na anim na taon."What? Seryoso ka ba dyang Ayesha? Hindi mo kilala ang nakabuntis sa'yo," tanong pa ni Janna rito at napapalakas pa ang boses nya kaya naman napapatingin na sa kanila ang ilan sa mga naroon."Pwede ba hinaan mo ng konti yang boses mo," nakairap na saway ni Ayesha sa kaibigan."Pero seryoso ka ba talaga?" muli ay tanong ni Janna dahil hindi sya makapaniwala sa sinabi ni Ayesha."Oo seryoso ako Janna. Magbibiro ba ako e may kambal na nga akong anak.
CHAPTER 36"Nandyan na ba si Lucas sa loob ng kanyang opisina?" tanong ni Jessa sa sekretarya ni Lucas na si Mariel."Yes ma'm Jessa nasa loob po si sir Lucas pero kabilin bilinan po nya na wag daw po akong magpapapasok ng kahit na sino sa loob ng kanyang opisina," sagot ni Mariel kay Jessa. Inirapan naman ni Jessa si Mariel."Tsk. Fiance ako ni Lucas at wala namang problema kung puntahan ko sya sa loob anytime dahil magiging asawa naman na nya ako soon," mataray pa na sabi ni Jessa saka ito naglakad papunta sa opisina ni Lucas."Saglit lang po ma'm Jessa. Mapapagalitan po ako ni sir Lucas kapag pumasok po kayo r'yan," habol ni Mariel kay Jessa dahil paniguradong malilintikan na naman sya kay Lucas kapag may pumasok sa loob ng opisina nito dahil kapag sinabi nitong wag magpapasok ay dapat wala talagang papasok doon unless mahalagang mahalaga talaga ang sasabihin sa kanya.Para namang walang narinig si Jessa at dali dali na nyang binuksan ang pinto ng opisina ni Lucas."Ma'm saglit lan
CHAPTER 37Nang mapag isa na si Lucas ay napahilot na lamang sya sa kanyang sintido dahil parang biglang sumakit iyon kaya naman napapikit na lamang sya at sumandal sa kanyang upuan.Ilang sandali pa na nanatili s Lucas sa ganong posisyon at napamulat na lamang sya mg marinig nyang tumunog ang kanyang phone. Agad naman nya iyong tiningnan at nakita nya na si Gerome ang tumatawag sa kanya. Hindi na lamang sana nya ito sasagutin pero wala atang balak na tumigil ang kaibigan kaya naman napilitan na lamang sya na sagutin iyon."Ano na naman ang kailangan mo?" masungit na tanong ni Lucas sa kaibigan."Sungit mo naman bro. Ikaw talaga tatanda ka kaagad nyan palagi ka na lamang nagsusungit," pagbibiro pa ni Gerome mula sa kabilang linya."Kung wala ka namang sasabihin ay ibababa ko na ito," sagot ni Lucas."Saglit lang bro. Ito naman ang sungit sungit talaga. Aayain ka lamang namin na mag bar mamaya. Matagal tagal na rin tayong hindi nakakapag bar. Ano tara?" pag aaya na ni Gerome sa kanyang
CHAPTER 38Kinaumagahan ay nagising naman si Lucas na masakit ang kanyang ulo at nagulat pa sya dahil wala sya sa kanyang condo kundi nasa kwarto nya sya sa mansyon ng kanyang mga magulang.Napapahilot na lamang ng kanyang sintido si Lucas at naipikit na lamang nya ng mariin ang kanyang mata dahil ramdam na ramdam nya ang sakit ng kanyang ulo. Marahil ay epekto ito ng marami nyang nainom na alak kagabi at idagdag pa na mabilis syang nalasing talaga dahil matagal tagal na rin syang hindi umiinom ng alak.Rinig naman ni Lucas ang pagbukas sara ng pinto ng kanyang silid pero hindi na sya nag abala pa na magmulat ng mata."Ano bang balak mo sa buhay mo anak? Pinapag asawa ka na namin ng daddy mo para naman magkaroon ng kulay yang buhay mo dahil baka sakaling kapag nagkaroon ka na ng sarili mong pamilya ay sumaya ka naman na kahit papaano. Kami na nga ang naghahanap ng mapapangasawa mo e pero ayaw mo namang pakasalan si Jessa," daldal ni Shiela kay Lucas at alam nya na gising na ito kahit
CHAPTER 39Samantala naman pangalawang araw na ni Ayesha na nag aasikaso sa mga kakailanganin nya sa kanyang paghahanap ng tamrabaho. Gusto nya kasi na makumpleto muna iyon para wala na syang problemahin pa. Halos maghapon na rin nya itong ginawa at sa wakas ay nakumpleto na rin nya ito kaya naman nakahinga hinga na rin sya ng maluwag. Ang tanging gagawin na lamang nya ngayon ay maghanap na ng pwedwng mapasukan na trabaho."Kumusta ang lakad mo anak?" tanong ni Rita kay Ayesha ng makauwi na ito."Ayos na po mom. Finally nakumpleto ko na rin po ang mga kakailanganin ko kaya po bukas na bukas ay maghahanap na po ako kaagad ng trabaho," nakangiti pa na sagot ni Ayesha sa kanyang ina kahit na halata mo sa mukha nito ang pagod."Mabuti naman kung ganon para naman hindu ka na palakad lakad pa r'yan. At sana ay makahanap ka na rin ng trabaho mo ng mapirmi ka naman na. Ikaw kasi sabi ko naman kasi sa'yo ay sa opisina ka na lamang ng daddy mo. Doon boss ka pa," sagot ni Rita sa anak."Mommy na
CHAPTER 40Habang nasa labas naman ng CR si Bryan ay may nakita syang remote control na toy car at talaga namang natuwa sya rito kaya naman agad nya iyong linapitan at sinundan."Wow ang ganda naman ng toy mo," sabi ni Bryan sa bata na may hawak ng remote ng naturang laruan."Thank you. Regalo ito ng daddy ko sa akin," sagot ng bata habang nakangiti kay Bryan. Bigla namang tinawag ang bata ng kanyang yaya kaya naman dali dali na nitong kinuha ang kanyang laruan at agad na tumakbo sa kanyang yaya.Nagpalinga linga naman si Bryan dahil bigla nyang naalala na iniwan sya ng mommy nya sa labas ng CR at dahil sa nakitang nyang laruan ay nàwala na sa isip nya yun kaya naman hindj na nya namalayan na nakalayo na pala sya sa CR at hindi na nya alam kung saan ang daan pabalik."Mommy," naiiyak ng sabi ni Bryan dahil hindi na nya makita kung nasaan ang mommy nya. Naglakad pa sya ng kaunti at hindi na nga nya napigilan ang hindi maiyak dahil nawawala na nga sya."Mommy ko," umiiyak na sabi ni Br
CHAPTER 180Agad naman na sinimulan ng paring magkakasal kila Lucas at Ayesha ang seremonya ng pag iisang dibdib nila Lucas at Ayesha.Tahimik at seryoso naman na nakikinig ang dalawa sa mga sinasabi ng pari at paminsan minsan nga ay nagkakatinginan pa nga silang dalawa at napapangiti na nga lamang talaga sila sa isa'isa hanggang sa dumako na nga sila sa pagbibigay ng vows sa isa't isa.Tumayo naman na nga muna silang dalawa at mauuna naman na ngang magsalita si Ayesha kaya naman iniabot na muna nga rito ang mikropono.Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Ayesha para palakasin nga ang kanyang loob dahil kanina pa talaga sya kinakabahan at hindi nga lamang nya talaga iyon pinapahalata.Naramdaman naman nga ni Lucas na kinakabahan si Ayesha kaya naman hinawakan na nga nya ang isang kamay nito. kaya naman hindi nga maiwasan ni Ayesha na mapangiti kay Lucas at saka nya nga ito seryosong tinitigan sa mata bago nya sinimulan na magsalita. "Babe una sa lahat ay gusto ko syempre na
CHAPTER 179Maya maya nga ay dumating na nga rin sa simbahan ang mga magulang ni Ayesha at kasama nga ng mga ito ang kambal na anak nila Ayesha na sila Bryan at Brylle at maging si Beatrice ay kasama rin ng mga ito habang buhat buhat nga ito ng yaya nito."Mom nasaan na po si Ayesha?" tanong kaagad ni Lucas sa ina ni Ayesha."Nar'yan na sya Lucas. Halos magkasunod lamang kami na umalis ng hotel. Kasama nya sila Zoey at Jenna sa sasakyan kaya wag ka ng mag alala pa r'yan," nakangiti pa na sagot ni Rita kay Lucas.Nakahinga naman ng maluwag si Lucas ng sabihin ng ina ni Ayesha na kasunod lamang nga nila si Ayesha.Maya maya nga ay dumating na nga ang sasakyan kung saan nakasakay si Ayesha kaya naman pinaayos na nga sila ng pila ng organizer ng kasal na iyon at bago nga pumasok sa loob ng simbahan si Lucas ay pinaghahalikan nya nga muna ang kambal nyang anak pati na rin syempre si Beatrice na tuwang tuwa dahil nga marami ngang tao roon.Nauna naman na nga na bumaba sila Zoey at Jenna ng
CHAPTER 178Sa kabilang silid naman ay naroon nga si Lucas na hindi mapakali at pabalik balik ng kanyang lakad. Kaya naman natatawa na naman sila King at Gerome sa kanya."Bro ayan ka na naman eh. Tumigil ka nga sa kakalakad mo dahil nahihilo na ako sa iyo," tila naiinis ng sabi ni Gerome kay Lucas dahil kanina pa nga nila ito sinasaway ni King ay hindi na naman nga ito nakikinig sa kanya."Kaya nga bro. Relax ka lang ganyan na ganyan ka rin dati e," sabi naman ni King.Napabuntong hininga naman si Lucas at saka sya naupo sa tabi ng kanyang mga kaibigan."Excited lang ako mga bro. Hindi na kasi ako makapaghintay na maikasal kay Ayesha. Alam nyo naman na matagal ko ng gustong pakasalan si Ayesha pero hindi nga matuloy tuloy. Kaya naman ngayon na sigurado na ako na matutuloy na ito ay sobrang excited na nga ako," sagot ni Lucas sa mga kaibigan nya.Naiiling naman sila King at Gerome at natatawa pa nga sila sa kanilang kaibigan dahil pagdting talaga kay Ayesha ay ganito ito pero sa traba
CHAPTER 177Mabilis naman na ngang lumipas ang mga araw at malapit na nga na mag isang taon ang bunsong anak nila Lucas at Ayesha na si Beatrice. Pero bago nga ang kaarawan nito ay napagdesiayunan nila Ayesha at Lucas na ituloy na nga muna ang naudlot nga nilang kasal.Ngayong araw na nga ang pinakahihintay na isa sa mahalagang araw para kila Lucas at Ayesha at ito nga ang araw ng kanilang kasal.Nasa isang hotel na nga sila ngayon at naghahanda na nga si Ayesha dahil aayusan na nga siya ng make up artist nya. "Wow ma'm para naman pong hindi kayo nanganak. Ang sexy nyo naman po," sabi ng make up artist kay Ayesha.Bahagya naman na natawa si Ayesha dahil sa sinabi ng make up artist sa kanya. Totoo naman kasi ang sinabi nito kahit na kasi mag iisang taon pa nga lang ang anak niyang si Beatrice ay bumalik na nga kaagad ang dati nyang katawan na sexy at ngayon nga ay nas naging malusog pa nga ang kanyang dibdib dahil medyo lumaki nga ito dahil siguro nagpa breastfeed din kasi sya ng ilan
CHAPTER 176Pagkatapos ng isang malakas na iri ni Ayesha na iyon ay umalingawngaw na nga ang iyak ng bagong silang na sanggol."Congratulations it's a baby girl," sabi ng doktora kay Ayesha at saka nito ipinatong ang bagong silang na sanggol sa may tyan ni Ayesha.Agad naman na napangiti si Ayesha ng makita na nga nya ang kanyang baby at masayang masaya nga sya na malaman na may baby girl na siya. Nagpapa ultrasound naman siya pero sinasabi nya roon na wag sasabihin ang gender ni baby dahil gusto nga nya ay kapag manganganak na sya saka pa lang nila malalaman kung ano ang gender ng baby nya.Bigla namang nakahinga ng maluwag si Lucas ng makita na nga nya ang kanilang baby ni Ayesha. Kitang kita pa nga ang butil butil na pawis sa noo ni Lucas na akala mo ay sya nga ang nanganak."May baby girl na tayo Lucas," nakangiti pa na sabi ni Ayesha kay Lucas.Agad naman na nginitian ni Lucas si Ayesha at saka sya dahan dahan na tumango rito."Finally may baby girl na tayo. I'm so proud of you b
CHAPTER 175Ngumiti naman ang doktor kay Lucas at sa mga magulang nito."Hindi pa po nanganganak si Ayesha. Naglalabor pa rin po sya. Lumabas lamang po ako rito para itanong kung gusto mo po ba pumasok sa loob Mr. Madrigal? Pwede nyo po kasing samahan sa loob si Ayesha habang nanganganak sya," sagot ng doktor kay Lucas.Bigla namang natigilan si Lucas dahil sa sinabi ng doktora ni Ayesha at napatingin pa nga sya sa kanyang mga magulang at kuta nga nya na tumango sa kanya ang kanyang ina."Sige na hijo. Samahan mo na si Ayesha sa loob at palakasin mo ang loob nya," nakangiti pa na sabi ni Shiela kay Lucas. "Dito lamabg kami ng daddy mo. Hihintayin namin kayo," dagdag pa ni Shiela.Napabuntong hininga naman si Lucas dahil talagang kinakabahan nga sya kanina pa at parang hindi nga nya kaya na makita si Ayesha na nahihirapan ng ganon."S-sige po dok. P-papasok po ako sa loob," nauutal pa na sagot ni Lucas sa doktora at napalunok pa nga sya ng sarili nyang laway pagkatapos nyang sabihin iy
CHAPTER 174MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN......"Lucas gumising ka muna r'yan a-ang sakit ng tyan ko. M-manganganak na yata ako," nakangiwi pa na sabi ni Ayesha kay Lucas dahil sa kasarapan nga ng pagtulog nya ay bigla ngang humilab ang kanyang tyan.Kanina pa kasi talaga nararamdaman ni Ayesha na parang sumasakit sakit na ang kanyang tyan at binalewala nga lamang nya iyon at ngayon nga ay tumindi na ang sakit noon at naging sunod sunod na rin nga ang paghilab kaya naman nagising na nga talaga sya.Agad naman na napabalikwas ng bangon si Lucas ng marinig nga nya ang sinabi ni Ayesha. Pupungas pungas pa nga siya ng tumayo nga siya."M-manganganak ka na? S-saglit lang. T-teka anong... Ano ang kukunin ko? Anong dadalhin? Nasaan?" hindi na mapakali na sabi ni Lucas at naglakad pa nga ito ng pabalik balik na para bang nay hinahanap na kung ano.Hindi naman maiwasan ni Ayesha na matawa sa itsura ngayon ni Lucas dahil balisang balisa nga ito at hindi alam ang gagawin."Lucas kumalma ka nga. Ako
CHAPTER 173Pagkatapos ngang kumain ni Cynthia at ng medyo nahimasmasan na nga rin talaga ito ay inaya naman na ni Ayesha na lumabas ang tita Cynthia nya para naman makasama nga nila ito roon at makapag enjoy na nga rin ito roon.Pagkalabas nila Ayesha at Cynthia ay ganon na nga lamang ang gulat ni Ayesha ng pagbalik nga nila ay iba na ang set up doon.Kanina kasi ay may sarili na ngang kumpulan ang mga kalalakihan at ang mga babae naman at nga bata ay may sarili rin naman na pinagkaka abalahan at ngayon nga ay naka set up na nga ito ng may parang puting kurtina sa gitna at may mga red petals na rin na nakakalat sa mga buhangin na nakakorteng puso at may mga led candle na rin sa paligid na nagbibigay liwanag nga roon."A-anong nangyare? Anong meron? Bakit bigla yatang nag iba rito? Baka may iba pang tao rito tita?" sunod sunod pa na tanong ni Ayesha at napapakunot na lamang talaga ang kanyang noo dahil nagtataka sya dahil nag iba nga ang set up ngayon doon.Nagpalinga linga naman nga
CHAPTER 172Kinagabihan naman ay may ipinahanda nga silang mga pagkain nila roon. Ang iba nga sa kanilang mga pagkain ay order na nga lamang dahil hindi naman sila makakapag enjoy kung magluluto pa nga naman sila roon.Sa may tabing dagat nga sila nagpa set up ng long table para sa kanilang lahat at dahil gabi naman na nga ay malamig na ang simoy ng hangin doon.Masayang masaya naman talaga silang lahat doon ngayon dahil sa wakas ay ayos na nga si Ayesha at bumalik na nga ang alaala nito at ito nga ang labis nilang ipinagpapasalamat. Pagkatapos nga nilang kumain ay doon na rin sila nagkasiyahan. Nagkantahan sila roon at ang iba nga ay nagsasayawan pa. Ang mga kalalakihan naman ay may sariling pwesto na at nag iinuman na pero konti lang naman ang kanilang iniinom dahil ayaw naman nilang malasing ng sobra roon.Habang ang mga babae naman ay may sarili ring umpukan at naglalaro kasama ang mga bata at tuwang tuwa nga si Ayesba na panoorin ang mga ito dahil kahit pati ang mga magulang nil