CHAPTER 9"Ayos ka lang ba anak? Pasensya ka na talaga kung ikaw ang kinailangang magsakripisyo para sa ating kumpanya," sabi ni Daniel kay Ayesha ng sila na lamang dalawa ang naroon kaya naman napatingin sa kanya si Ayesha."It's okay dad. Kaya ko naman po ang sarili ko. Siguro naman po ay hindi ako ipapahamak ng pamilya Madrigal," sagot na lamang ni Ayesha sa kanyang ama. Tumango tango naman si Daniel kay Ayesha."Oo naman. Sigurado naman na hindi masamang tao ang unico hijo ng mga Madrigal," nakangiti pa na sagot ni Daniel aky Ayesha. Tanging pagtango na lamang ang naging sagot ni Ayesha sa kanyang ama. Nang makabalik na si Rita ay kumain na rin sila ng agahan dahil may pasok pa sa opisina si Daniel habang sila Ayesha at ang kanyang ina naman ay pupunta nga sa mansion ng pamilya Madrigal para pag usapan ang ilan sa mga kakailanganin nila sa kasal.Matapos nilang kumain ay agad na ring bumalik si Ayesha sa kanyang silid dahil parang gusto pa nyang mahiga. Gusto sana nyang mahiga n
CHAPTER 10Samantala naman ng magising si Lucas ay nagulat pa sya dahil wala na ang babaeng nakasama nya ng gabing iyon.Napabalikwas pa sya ng bangon at agad na pumunta sa CR upang tingnan kung naroon pa ang babae pero nadismaya lamang sya dahil wala rin ito roon.Pahintamad naman syang bumalik sa kama at isa isang pinulot ang kanyang mga damit at saka iyon muling isinuot. Sakto naman na katatapos lamang nyang magbihis ay biglang may kumatok kaya naman tumayo na sya at binuksan ang pintuan. Agad naman na tumambad sa harapan nya ang dalawa nyang kaibigan. Agad pang pumasok ang mga ito pagkabukas nya ng pinto."Mukhang napasarap ang tulog natin a," nakangising turan ni Gerome habang iginagala ang kanyang paningun sa loob ng silid na yon.Hindi naman sumagot si Lucas at pumunta na muna sya ng CR para umihi. Pagkalabas nya ng CR ay nagulat pa sya dahil parehas na nakaabang ang dalawa nyang kaibigan habang nakangiti sa kanya. "What?" masungit na tanong ni Lucas saka sya naglakad papunta
CHAPTER 11"Mukhang tinamaan ka talaga sa babae na yun bro ah," iiling iling na sabi ni King kay Lucas."Matutulungan nyo ba ako?" muli tanong ni Lucas."Okay fine. Subukan naming hanapin ang babae na yun. Alam mo man lang ba ang kahit ang pangalan lang nya? Aba mahirap maghanap ng tao na kahit ang pangalan ay hindi namin alam," sagot ni King dahil totoo naman ang sinasabi nya para silang nangangapa sa paghahanap sa babaeng yun kung kahit ang pangalan nito ay hindi nila alam."Hindi ko alam ang pangalan nya. Tanging ang mukha lamang din nya ang natatandaan ko," sagot ni Lucas na iiling iling pa dahil alam nya na imposibleng mahanap nila ang babae na yun na hindi man lang nila alam ang pangalan."Sige subukan naming hanapin sya kahit na napaka imposible na mahanap namin sya sa laki ba naman ng Manila san naman namin sisimulang hanapin yun. Saka gusto mo pala syang makilala hindi mo pa kaagad sinabi kanina e di sana tinanong natin sa mga kaibigan nya ng makita natin sila kanina doon ka
CHAPTER 12"Mabuti naman at narito ka na anak," agad na sabi ni Shiela kay Lucas pagkarating na pagkarating nito sa kanilang bahay."Bakit po mom? May problema po ba?" agad din na tanong ni Lucas sa ina dahil mukhang hinihintay nga sya nito na makauwi."Nanggaling na rito ang mag inang Salcedo at yun nga napapayag na nila ang kanilang anak na maikasal sa'yo," pagbabalita ni Shiela sa anak. "In three months ay magaganap na ang kasal ninyo," dagdag pa nito."Mom kapag po ba may pinakilala ako sa inyo na babae na gusto kong mapangasawa ay papayag po ba kayo?" tanong na ni Lucas sa ina. Bigla namang natigilan si Shiela dahil sa sinabi ng kanyang anak."M-may nobya ka na ba? Pwede mo naman syang ipakilala sa amin habang maaga pa para naman hindi na natin ipilit ang kasal ninyo ni Ayesha. Wala naman iyong problema sa amin ng daddy mo," sagot ni Shiela."Sino po si Ayesha?" kunot noo na tanong na ni Lucas dahil ngayon lang nya narinig ang pangalan na ito."Oh i'm sorry. Ayesha nga pala ang
CHAPTER 13"Kelan ba magaganap ang kasalan?" tanong ni Zoey."Tatlong buwan mula ngayon. Kaya nga unti unti ay nag aasikaso na rin kami ng mga kakailanganin namin sa kasal. Nakausap na rin namin si Mrs. Madrigal at sa tingin ko ay mukhang maayos naman syang kausap," sagot ni Ayesha."Agad agad? In three months?"gulat na sabi ni Zoey."Hindi naman sila atat na ipakasal ang anak nila?" natatawa naman na sabi ni Janna.Nagkibit balikat naman si Ayesha dahil hindi rin naman nya talaga alam ang dahilan ng mag asawang Madrigal kung bakit gusto ng mga ito na maganap na kaagad ang kasal nila ng anak nito."Hindi ko rin alam ang dahilan nila at wala na rin akong pakialam pa roon. Ang importante sa amin ngayon ay matulungan nila ang aming kumpanya. At sana lang talaga ay itrato ako ng maayos ng anak nila," sagot ni Ayesha"Sabagay may punyo ka rin naman dyan. Kailangan nyo kasi ang tulong nila kaya kahit na ano pa man ang dahilan nila ay labas ka na roon. Pero sana lang talaga ay mapabuti ka sa
CHAPTER 14"Mabuti naman kung ganon," masungit na sabi ni Lucas bago nya ibinalik ang tingin nya sa kanyang laptop. "Basta tulungan nyo na lamang ako sa paghahanap sa kanya siguro naman ay natatandaan nyo pa rin ang mukha ng babae na yun. Wala naman kasi akong ibang maaasahan ngayon kundi kayo lamang dahil nga hindi ko alam ang pangalan nya at tanging tayong tatlo lamang ang nakakita sa kanya ng gabi na yun," dagdag pa ni Lucas."Okay fine. Sige na tutulungan ka namin na mahanap ang babae na yun dahil inlove na inlove ka na talaga sa kanya," sagot ni King."Grabe ka sa amin Lucas. Pumunta kami rito para sana kumustahin ka dahil wala ka man lang paramdam sa amin pero ni hindi mo man lang kami kinumusta at ang agad na bungad mo na sa amin ay ang babae na yun," himig nagtatampo na turan ni Gerome kay Lucas."Tsk. Pasensya na kayo at hindi ko na kayo nakamusta man lang simula ng gabi na yun dahil tambak ako ng mga gawain simula pa noong nakaraang araw kaya ni kahit pag text man lang sa in
CHAPTER 15 Mabilis naman na lumipas ang mga araw at halos isang buwan na rin ang nakalilipas at hanggang ngayon ay naghahanap pa rin si Lucas sa babae na nakasama nya ng gabi na yun. " Wala pa rin ba kayong nahahanap?" agad na tanong ni Lucas sa dalawa nyang kaibigan. Narito sila ngayon sa condo unit ni Lucas dahil pinapunta sila nito dahil naiistress na si Lucas sa paghahanap sa babae na yun. Pinasketch na rin nya kasi ang mukha ng babae na yun at nagbayad na rin sya ng private investigator para mahanap ang babae na yun pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang balita rito. "Wala pa rin bro. Mahirap talagang hanapin yun. Ni hindi nga natin alam kung taga dito ba yun sa Manila o dumayo lang yun dito para magbar," sagot ni King. "Oo nga bro. Kung alam lang sana natin kahit pangalan nya e di madali na natin sya mahahanap," sabat naman ni Gerome. Napabuntong hininga naman si Lucas at saka sya sumimsim sa baso na hawak nya na may lamang alak. "Mahahanap ko pa kaya sya? Isang
CHAPTER 16"Mabuti naman at bumaba ka na," agad na sabi ni Rita kay Ayesha pagkakita nya rito. "Anak may problema ba? May nararamdaman ka ba? Pwede ka naman magsabi sa amin," dagdag pa ni Rita dahil totoong nag aalala na sya kay Ayesha. Napapansin na rin nya kasi na medyo namumutla nga ito at parang laging hinang hina kung kumilos."Wag nyo na lamang po akong pansinin mom. Pagod lang po siguro ako kaya po ako nagkakaganito," sagot ni Ayesha."Sigurado ka ba anak? Pwede naman ka namang magpacheck up na muna," sagot ni Rita."Mom ayos lang po ako. Don't worry," nakangiti pa na sagot ni Ayesha saka sya naglakad papunta sa kusina balak nyang kumain na muna bago sya umalis ng kanilang bahay pero biggla naman natigilan si Ayesha sa paghakbang nya ng bigla nyang maamoy ang kung anong linuluto roon. Napatakip pa sya ng ilong nya dahil hindi nya gusto ang amoy ng linuluto."Manang ano po yan? Bakit ang baho po ata," tanong na ni Ayesha sa kanilang kasambahay dahil talagang bahong baho siya sa
CHAPTER 137Parang bigla namang binuhusan ng malamig na tubig si Lucas dahil sa sinabi ni Ayesha. Napakurap kurap pa nga sya at hindi nya na malaman kung ani ang gagawin nya dahil nakikita na nyang naghahabol ng hininga si Ayesha."Sir excuse me po muna. Kailangan po namin kunin si ma'm," sabi ng doktor na lumapit sa kanila at may mga kasama na nga itong mga tauhan. Kaya naman wala sa sariling napatayo nga si Lucas para makuha na nga ng mga ito si Ayesha.Nang makuha na nga si Ayesha ng mga doktor ay agad naman ng sununod si Lucas sa mga ito at sumakay na nga rin sya sa ambulansya kung saan isinakay si Ayesha. Hinawakan pa nga nya ng mahigpit ang kamay nito at ramdam pa naman nya na mainit pa iyon kaya naman napapapikit na lamang talaga sya at pinapanalangin nya na sana ay malagpasan ni Ayesha ito at maging ligtas ito at ang batang nasa sinapupunan nito.Pagkarating sa ospital ay agad na ngang idineretso si Ayesha sa Operating Room ng ospital at naiwan na nga lamang sa labas noon si L
CHAPTER 136Hindi naman na nakapagsalita pa si Jessa at naiyak na lamang talaga sya dahil sa mga sinabi ng kanyang ama. Pag angat nga nya ng kanyang tingin ay nakita nya na malapit na nga sa kanyang pwesto ang kanyang ama kaya naman napabalik na naman sya sa wisyo at muli nga ay hinigpitan na naman nya ang pagkakahawak sa buhok ni Ayesha.Nakapag ipon naman na ng lakas si Ayesha dahil habang umiiyak si Jessa ay unti unti nga nitong linuluwagan ang pagkakahawak sa kanyang buhok kaya nag ipon na talaga sya ng lakas ng loob para makagawa sya ng paraan para makatakas ng ligtas kay Jessa.Nang bigla ngang humigpit ang pagkakahawak ni Jessa sa buhok ni Ayesha ay kinuha naman iyong pagkakataon ni Ayesha para sikuhin si Jessa sa mukha at hindi nga iyon napaghandaan ni Jessa kaya nabitawan nga nya ang buhok ni Ayesha at kamuntik pa nga syang natumba. Kaya naman kinuha na ulit yun na pagkakataon ni Ayesha para makatakas kay Jessa pero dahil nga mabigat ang suot nyang gown ay hindi nga sya makat
CHAPTER 135"Lumapit ka pa Ayesha. Gusto ko yung malapit na malapit ka sa amin," nakangisi pa na utos ni Jessa.Napabuntong hininga naman si Ayesha at mas dahan dahan na ngayon ang paghakbang nya palapit kila Jessa. Natatakot na kasi talaga sya sa maaaring mangyare dahil hindi nya alam kung ano ang balak ni Jessa na gawin sa kanya. Lalo pa syang kinabahan dahil alam nya na galit na galit ito sa kanya."Pakawalan mo na yung anak ko Jessa. Pakiusap maawa ka sa bata. Natatakot na sya. Parang awa mo na. Sasama naman na ako sa'yo. Narito na nga ako sa harapan mo. Pakawalan mo na ang anak ko" umiiyak pa na pakiusap ni Ayesha kay Jessa at halos magkaharapan na nga lamang sila.Agad naman na binitawan ni Jessa ang bata at agad na nga nyang hinila sa buhok si Ayesha at napaigik na nga lamang talaga si Ayesha dahil sa sakit dahil hindi nya iyon napaghandaan at isa pa ay nahihirapan talaga syang kumilos dahil sa suot nyang gown."Anak tumakbo ka na sa daddy mo," sigaw pa ni Ayesha sa kanyang ana
CHAPTER 134Tumawa naman si Jessa na parang isang baliw kaya lalo naman na natakot sila Lucas dito."Tsk. Ako pa ba ang gagawin nyong t*ng*. Alam ko naman na hindi ka sasama sa akin ng maayos Lucas at baka nga ipahuli mo pa ako kaagad sa mg pulis na yan kapag nakalapit ka sa akin. Kaya mas mabuti pa na si Ayesha na lamang ang kunin ko para naman maramdaman nya rin ang masaktan. Para naman sya ang mapag buntonan ko ng galit ko," parang baliw pa na sabi ni Jessa. "Ano ba ang pinagsasasabi mo r'yan Jessa. Itigil mo na to. Please lang," inis ng sagot ni Lucas sa dalaga.Parang wala namang naririnig si Jessa. Tiningnan nga nya ang nga pulis na nakapaligid sa kanya. Sa totoo lang ay hindi na talaga alam ni Jess ang kanyang gagawin. Parang gusto na bga lamang nyang tumakas pero ayaw naman nyang maging nasaya si Ayesha. Hindi na rin talaga nya maintindihan ang kanyang sarili."Ayesha ikaw ang gusto ko. Lumapit ka na rito bilang kapalit ng iyong anak," sigaw pa ni Jessa.Napatingin naman si L
CHAPTER 133"Ayesha kailangan ko itong gawin para sa anak natin. Kapag hindi pa ako kumilos ay baka kung ano pa ang magawa ni Jessa kay Brylle. Basta tatandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng mga bata ha," sabi pa ni Lucas saka nya hinalikan sa noo si Ayesha at napapikit na nga sya ng mariin dahil hindi na nga nya naiwasan pa na maluha dahil sa mga nangyayare at kahit sya kasi ay natatakot na sa maaaring gawin ni Jessa sa kanilang anak.Hindi naman na nakapagsalita si Ayesha at tanging pag iyak na lamang ang nagawa nya dahil hindi na nya rin talaga alam kung ano ang kanilang gagawin para mailigtas mula kay Jessa ang kanilang anak. Parehong mahalaga sa kanya si Lucas at Brylle kaya ayaw nya na kahit isa man sa mga ito ay mapahamak o mawalay sa kanya.Saglit naman na yinakap ng mahigpit ni Lucas si Ayesha at saka nya ito dinampian ng halik sa labi saka nya ito matamis na nginitian."Magiging ayos din ang lahat. Magtiwala ka lamang sa akin," sabi pa ni Lucas kay Ayesha.Lumapit naman na
CHAPTER 132Dire diretso naman si Jessa sa paglalakad palabas ng naturang resort habang nakasunod nga sa kanya sila Lucas at ang kangang ama. Pero bigla na lamang syang natigilan dahil bago pa nga sya makalabas ng resort ay nakita nga nya ang napakaraming pulis na nakapaligid doon."Bakit ang daming pulis? Sinong nagpatawag ng mga pulis?" galit pa na tanong ni Jessa.Bigla namang kinabahan si Lucas dahil hindi na mapakali si Jessa ng makita nito ang mga pulis na nakapaligid na nga sa resort at kinakabahan sya na baka maiputok ni Jessa ang baril sa kanyang anak."Paalisin nyo sila. Bakit may mga pulis?" galit pa na sigaw muli ni Jessa."Anak calm down. Akong bahala sa'yo. Hindi kita pababayaan. Hindi ka naman sasaktan ng mga pulis kaya kumalma ka lang anak at ibaba mo na muna yang baril na hawak mo. Makinig ka kay daddy please," sabi ni Johnny kay Jessa."Jessa please ibaba mo yang baril mo. Natatakot na ang bata. Wag mo na lamang pansinin pa ang mga pulis. Ako na ang bahala sa'yo kaya
CHAPTER 131Bigla namang napangiti si Jessa ng makita nga nya na hawak na ng kanyang ama si Lucas. Pero hindi pa rin nagpaka kampante si Jessa at hindi pa rin nya binibitawan ang bata na wala ng tigil sa pag iyak dahil sa takot."Pwede ba. Wag kang iyak ng iyak r'yan. Nakakarindi ka na," singhal ni Jessa kay Brylle at hinila pa nga nito ang damit ng bata.Bigla namang nagalit si Lucas dahil sa ginawa ni Jessa dahil alam nya lalong natakot ang bata dahil sa ginawa nito at alam din nya na nasaktan si Brylle sa ginawa ni Jessa."Sh*t. Wag mong sktan ang anak ko. Sasama na nga ako sa'yo sinasaktan mo pa ang bata," galit na sigaw ni Lucas kay Jessa."Tsk. Nakakarindi na kasi iyak ng iyak," inis din naman na sagot ni Jessa at sinamaan pa nga nya ng tingin ang bata"Tinatakot mo kasi ang bata paanong hindi yan iiyak. Pakawalan mo na kasi sya," galit din naman na sagot ni Lucas."Calm down Lucas. Hindi natin mapapaamo si Jessa kung magagalit ka ng ganyan sa kanya. Sakyan mo na lamang din ang
CHAPTER 130"Brylle," sigaw ni Ayesha ng makuha nga ni Jessa ang kanyang anak. Hindi nya kasi napaghandaan ang naging kilos nito kaya agad nitong nahila ang isa nyang anak.Agad naman na lumayo si Jessa kila Ayesha ng mahila nya nga ang isa sa kambal. Tatawa tawa pa nga ito habang hawak hawak nya ang bata."Mommy," umiiyak na sigaw ni Brylle. Takot na takot na nga ito dahil may hawak nga na baril si Jessa."Bitawan mo ang anak ko," umiiyak na sigaw ni Ayesha.Agad naman na linapitan ni Lucas si Ayesha at ang isa pa nilang anak at saka nya ito mahigpit na yinakap. Naikuyom na lamang din nya ang kanyang kamao dahil hawak hawak nga ni Jessa si Brylle."Sabi ko naman sa inyo. Simple lang ang gusto ko at iyon ay ang mabawi si Lucas. Ngayon kung hindi nyo ibibigay sa akin si Lucas ay akin na lamang itong anak ninyo," sabi ni Jessa kila Ayesha.Naipikit na lamang ng mariin naman ni Johnny ang kanyang nga mata dahil nahalata nga sya ni Jessa na papalapit sa kanya kaya bigla nitong hinila ang
CHAPTER 129"At sino ang dapat na maging masaya? Kayong dalawa ng mang aagaw na to? Tsk. Hindi ako makapapayag Lucas dahil akin ka lang. Akin lang. Sa sobrang tagal ko na naghintay sa'yo. Ilqng taon na tayong engage tapos dadating lang bigla itong babae na ito at agad ka nyang aagawin sa akin. Hindi ako makapapayag non Lucas. Hinding hindi," galit pa na sigaw ni Jessa kay Lucas.Naikuyom naman lalo ni Lucas ang kanyang kamao dahil hindi nya talaga mapakiusapan ng maayos si Jessa. Hindi rin nya alam kung paano ba nya malalapitan ang kanyang mag iina na takot na takot na sa mga nangyayare."Jessa anak please itigil mo na ito," sigaw ni Johnny ang ama ni Jessa na kararating lamang roon.Kanina pa talaga nya pinipigilan si Jessa na manggulo sa kasal nila Lucas at Ayesha pero natakasan nga sya nito. At lalo pa nga syang kinabahan ng makita nya na wala na roon ang kanyang baril at ng makita nga nya sa cctv ay kinuha pala iyon ni Jessa at agad na umalis. Kaya naman agad na nga nya itong sinu