MASALIMUOT ang buhay ni Lucy Pearl mula pagkabata hanggang sa nagdalaga siya sa piling ng kaniyang lola't sariling nanay niya- kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas sa mga ito, ay naramdaman ni Lucy Pearl ang maging malaya. Naging mahirap man sa kaniya ang lahat, dahil wala siyang kahit na ano'ng mayroon hindi iyon naging sagabal para hindi niya piliting mabuhay mag-isa. Hanggang sa isang unibersidad kung saan niya pilit na inaabot ang lahat ng pangarap niya nakilala niya si Michael Archangel Santiago ang tagapagmana kong pinapasukan niyang university. Hindi niya akalain na magugulo ang mundo niya dahil sa pagdating nito sa buhay nya. Ano ang magiging papel ng isang Michael Archangel Santiago sa buhay ni Lucy Pearl? Kaninong mundo ang magugulo sa mapaglarong tadhana na sumusubok sa kanilang dalawa?
View MoreThe Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ 54 NAGISING si Lucy sa sama ng panahon. Agad syang bumangon para tingnan ang lagay sa labas, napansin niya ang sanga ng kahoy sa harap ng gusali kong nasaan siya. Malakas ang hangin sa labas, dahil sa pagiging abala ng utak niya hindi niya alam kung ano ang mayroon sa panahon ng mga sandaling iyon. Linggo pa naman ang araw na iyon, at nangako siya sa lola niya na dadalawin niya ang puntod nito. Ilang buwan na rin naman siyang hindi nakakapunta d'on, dahil sa pagiging abala niya sa buhay maging sa buhay ng mga Santiago. Muli siyang bumalik sa higaan niya para kalkulahin ang gusto niyang mangyari ng araw na iyon. Wala sa plano niyang pumunta sa bahay nina Angelo, hindi rin naman siya nangako na pupuntahan niya ito. Napatingin si Lucy sa cellphone niya sa ibabaw ng bedside table sa kaliwang bahagi ng higaan niya. Tumayo siya para tingnan kong may mensahe ba siya mula rito. Wala. Iyon ang unang nasambit niya sa sarili niya. Mensahe ba n
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 53 ____ HINDI na hinintay ni Lucy ang pagsikat ng umaga nang umalis siya sa bahay ng mga Santiago. Sa pakiusap sa kaniya ni Angelo naihatid siya ng family driver ng mga ito kasama ang pakiusap na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan siya. Ang sabi sa kaniya ni Angelo, walang alam si Michael tungkol sa lugar niya kung nasaan siya. Sa Cubao lang siya, malapit sa university kung saan siya pumapasok pero medyo may kalayuan kung saan nakatira ang magkapatid. Ang bilin sa kaniya ni Angelo, ay huwag niyang kalimutan na sabihin sa driver ng mga ito kung magpapasundo siya ganoon na rin ang magpapahatid. Gusto niya man sana tumanggi dahil malaking abala iyon, at baka malaman ni Michael ang tungkol sa kinaroroonan niya pero wala na rin naman siyang pweding pagpipilian —kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Angelo, dahil ayon dito para din naman sa kaniya ang lahat ng iyon. 'Ayaw kitang mahirapan..' ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Angelo.
THE CEO's OBSSESION | LUCY PEARL 52 ______ "LUCY, ARE YOU OKAY?" mahinang tanong ni Angelo ang nagpabalik sa katinuan ni Lucy. Tumuloy siya sa silid nito pagkatapos nila magkita at mag-usap ni Michael. Napag-alaman niyang wala pa ito sa bahay nito at wala siyang balak alamin kung saan ba ito tumuloy pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, hindi ko alam kung ano iyong iniisip mo kaya nag-aalala ako, Lucy," dugtong pa ni Angelo sa kaniya. Yumuko siya't muling binalik ang tingin dito. "A-Angelo, I'm sorry.." "Sorry saan?" "H-hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano ko sasabihin sa iyo, kung paano ko maipapaliwanag iyong nararamdaman ko." "May problema ba?" mahinang tanong sa kaniya ni Angelo. Muli niyang iniwas ang tingin dito, binaling sa pinto may pag-aalalang nararamdaman kung iyon ba ang tamang oras para ipaalam sa lalaking kaharap ang nabuong desisyon niya. "Lucy, you can tell me everything.. Hindi mo naman kaila
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL51 ____ TULALANG nakatingin si Michael sa malayo, nauna siya sa oras ng usapan nila ni Lucy. Sinadya niyang mauna dito bago ito i-book sa isang Uber app para makarating sa kanya ng ligtas ang dalaga. Pinag-isapan niya ng mabuti ang sandaling iyon, kailangan niyang makausap si Lucy sa lalong madaling panahon— habang nasa maayos pa ang lahat. Pinilit niyang winaksi sa isip niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Angelo kanina nang abutan niya itong gising sa silid nito. Hindi niya pwedi tikisin ang nararamdaman ng kapatid niya. Nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal niya rito at gusto niya patunayan iyon sa pakiusap nito sa kaniya. Mahal ni Angelo si Lucy at walang pagdududa iyon, napapikit siya sa kawalan nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid; malaking sakripisyo ang kailangan niyang gawin kahit na nakasalalay d'on ang damdamin niya para sa dalaga. Para sa kaniya tama ang gagawin niya at hindi niya pwedi baliwalain iyon kung kaligayahan na
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 50 TULALANG pinagmamasdan ni Lucy ang lahat ng proposal sa kaniya ni Cheska sa isang brochure na hawak nito. Maaga pa nang pinatawag siya nito sa silid niya para daw sa hinanda nitong almusal para sa kanila. Nang dumating siya r'on dalawa lang silang dalawa, wala si Michael at pinagpapasalamat niya. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi niya pa rin alam kung paano harapin si Michael lalo na't nasa tabi nito si Cheska. May mga bagay na hindi pa malinaw sa kaniya, kahit na sinabi sa kaniya ni Michael na —mahal siya nito— "I think this one is fit for you, mukhang simple lang.. Just like you, Luz.." Tiningnan niya ang inaabot sa kaniya ni Cheska; maganda nga iyon, simple lang gaya ng sinasabi nito sa kaniya — isa iyong white dress na ayon kay Cheska para daw sa gaganaping engagement party nila ni Angelo. "What do you think?" untag na tanong nito sa kaniya. "M-maganda naman. Mukhang mamahalin lang." "Heto na naman tayo sa money matt
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL 49 _____ ILANG BALING NA ANG GINAWA NI LUCY, hindi pa rin siya halos dalawin ng antok. Nakarating na sila sa Pinas, hindi niya na nagawang puntahan pa si Angelo dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Cheska; natutulog na raw si Angelo. Kahit silip hindi niya na nagawa dahil baka magising lang ito. Pasado ala-una na rin ng madaling-araw nang dumating sila sa bahay na 'to. Sumagi sa isip niya ang pagsalubong sa kanila ni Cheska; isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang pinagkaloob nila ni Michael sa isa't-isa. 'Akala ko ba mahal niya ako?' May kung ano'ng hapdi siyang nadama sa puso niya. Bumangon ng pagkakaupo si Lucy, sinandal niya ang likod niya sa headboard ng kama. Tinuon niya ang tingin sa malitang nasa paanan niya. 'Ano kaya kung umalis na lang ako rito?' bulong niya sa sarili. 'Makakaya ba ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay Angelo?' aniya. Si Angelo nga lang ba ang totong dahilan kung bakit hindi niya makuhang umalis sa bah
THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 48 ____ NAKITA ni Lucy ang sarili niya kasama si Michael sa huling pakiusap nito ayon dito. Kaya lang naman siya pumayag dahil nangako itong babalik sila ng bansa pagkatapos ng araw na iyon. Pinaalam niya rin ito kay Angelo, nagtaka naman ang huli pero nakumbinsi niya naman ito na gusto niya nang umuwi at hindi na tapusin ang ilang araw na dapat silang nandoon ni Michael. Wala naman maraming tanong sa kaniya si Angelo, ang mahalaga ay gusto niya nang bumalik agad. Para sa kaniya hindi maganda ang mag-solo pa sila ng kuya nito sa iisang bubong. "I want you to be happy. Sincerely happy, Lucy.." narinig niyang sabi sa kaniya ni Michael sa likuran niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Pangarap ko lang 'to.." naiiyak niyang sambit sa sarili. Naalala niya ang lola niya, kung buhay pa ito malamang ito na ang kasama niya sa lugar na iyon. Nilingon niyang may ngiti sa labi si Michael. "S-salamat ha.. Hindi ko makakalimutan 'to," aniya. Ngum
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl46 "MABUTI at gising ka na. Gigisingin sana kita, dahil baka gutom ka na.." bungad ni Michael kay Lucy nang lumabas siya ng silid niya. Naabutan niyang naka-upo sa sofa si Michael at agad itong tumayo pagkakita sa kaniya. Alanganing ngiti ang sumalubong niya sa mga mata nito. Sa katunayan naaantok pa siya, pinilit niya lang ang sariling gumising dahil sa pangangalam ng sikmura niya. Mas lalo siyang nagutom nang marinig ang salitang iyon mula sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. ”Mag-aayos ka ba muna? O, okay ka nang ganyan?" tanong nito sa kaniya. "Okay na ako. Baka gutom ka na rin kaya lumabas na rin agad ako," aniya. "Ikaw nga ang inaalala ko, hindi lang kita makatok kanina dahil baka napasarap ang tulog mo." 'Bakit hindi ka ba natulog? Huwag mo sabihin sa aking hindi ka napagod at napuyat sa naging byahe natin." Hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng pag-alala dito. "Ang sweet naman, you cared for me—” Tila nat
The Obsession of CEO ( Lucy Pearl )___Chapter One"GOOD MORNING, LUCY PEARL.."MAY talim sa tingin nang ibaling ni Lucy Pearl ang mga mata n'ya sa lalaking bumati sa kaniya. Sa totoo lang dapat naman sana siyang matuwa nang batiin siya nito, pero dahil iba ang dating ng pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hindi niya nagustuhan."Oh! Mukhang galit ka na naman?!" natatawa pa nitong tanong sa kaniya."Funny!"Mabilis siyang umiwas, ayaw niyang pumatol sa kahit na sino ngayong umagang 'to. Sinimulan na ng kasera nilang sirain ang araw niya at hindi niya pagbibigyan ang lalaking may nais sumira sa araw niya."Nagbibiro lang, ito naman galit na galit agad.. Gusto agad manakit!""Stop!" Malakas ang boses na pagkakasabi niya rito."Ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka.." aniya pa sa kaniya."Ano ba!!!" Sigaw niya rito nang magtangka itong sundan siya."What do you need ba ha?"Nagpalinga-linga siya sa paligid, napansin niya ang ilang mga estudyanteng nahinto't napatingin sa kanila."Stop...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments