"April, April, kamusta ka? Ano ang nangyari sa iyo?" Agad na tanong ni Lucy kay April nang lumapit siya sa kung saan ito nakahiga. Napansin niya ang agad na pagsara ng nurse ng kurtina para sa privacy nila ng kaibigan niya. "Naabutan kong nahimatay ka, dinala ka ni Sir Santiago dito," aniya pa."Relax. Okay ako. Salamat sa pag-alala mo." "Ano ba kasi nangyari sa iyo? Nagpapagutom ka ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod nyang tanong dito nang walang makuhang sagot sa kaibigan nang pumasok siya sa silid nito. Ngumiti sa kaniya si April. "Buntis ako, Lucy.." Pagkabigla ang unang naramdaman ni Lucy sa bungad sa kaniya ni April, hindi niya man lang naisip ang bagay na iyon. Kilala nya ang kaibigan, alam niya naman na may nobyo ito pero ang hindi niya napaghandaan ang sinabi nito sa kaniyang buntis ito. Hindi mawari ni Lucy, kung maganda ba o masama ang balitang iyon; kilala niya si April, mataas ang pangarap nito katulad niya; ang kagustuhan nitong makatulong sa pamilya ang siyang
___ UNANG araw sa buhay ni Lucy na walang April siyang kasama sa eskwelahan. Hindi niya sigurado kung paano niya titiisin ang lungkot dahil sa desisyon nitong tumigil habang buntis ito. Iyon na lamang ang bigat ng katawan niyang bumangon at maging sa paglalakad ngayon sa pasilyo ng unibersidad na ito. Si April pa naman ang tinuturing niyang nag-iisang taong masasandalan niya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya nang maalala ang sinabi ni Archangel sa kaniya nang nakaraan. 'Ang ganda mo kahit pumuputok iyang pimple mo, Ms. Sandoval..' animo tila naririnig pa niya sa isip niya. 'Hindi maganda iyong manners na iyon!' sigaw ng utak niya.Napakunot-nuo siya nang wala man lang isang makulit na Angelo na tumatawag sa kanya tulad ng nakasanayan niya kada-umaga. 'At kailan pa ako nagka-interes sa lalaking iyon?' aniya.Nakakapanibago lang, kontra naman ng isip niya. Sa kabilang banda, nakaramdam din naman siya ng pag-alala kay Angelo. Paano kung napano ito? Tsaka niya lang na-
"APRIL.…" NAGMADALI si Lucy para yakapin ng mahigpit. Sinalubong niya ito sa lobby ng university nang sabihin nitong dumating na ito kasama si Abra. Binilin nyang isama ang nobyo nito para naman makilala nito ang ilan sa mga naging bahagi sa buhay ni April dito. "Kamusta ka?" tanong nya rito. Kahit naman na isang araw lang silang halos hindi nagkita, na-miss nya naman ito. Ganoon naman talaga sobrang ma-a-appreciate mo lang ang isang tao kapag wala na siya sa tabi mo."Teka para saan ba't pinapunta mo ko rito?" tanong sa kaniya ni April. Wala nang halos tao sa loob ng classroom nila at nandoon na ang mga ito sa faculty room kasama si Archangel."Masama bang ma-miss ka?" aniya."Kilala kita, Lucy. Anong mayroon? May problema ba? Inaaway ka ba ng mga witch?" Natawa siya sa tanong nito sa kaniya— nandoon pa rin ang pag-aalala ng kaibigan niya. "Basta. Tayo na?" "Saan?""Basta. Matutuwa ka.""Lucy, ayaw kong may money involve ha. Alam mong ayaw kong mang-abala ng tao." Umiling-i
ANG lakas ng loob sabihin sa aking ihahatid ako! Cheater at it's finest! iyon ang galit na bulong ni Lucy sa sarili. Narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Michael sa kausap nito— hindi siya pweding magkamali na may nobya ang lalaki. 'Sweetie!' ulit pa ng utak niya. She's never been into an in relationship, pero hindi siya tanga para hindi isipin na wala itong relasyon sa kung sino mang babae ang nasa kabilang linya. Ano ano naman sa iyo? Atsaka hatid lang naman ang offer ni Archangel, hindi naman sundot hatid.. ani ng isip niya. May galit sa mga mata nang muli niyang ipukol ang tingin sa lalaki; nakatingin pala ito sa kaniya. Bumalik siya ng tingin sa pagkain na nasa harap niya. "Ang sarap ng pagkain 'no, Lucy.." sambit sa kaniya ni April. Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito sa dami ng iniisip niya. "O-oo naman. Tsaka lahat ngayon sa iyo masarap dalawa na kayo ng baby mo ang nakain eh," masaya niyang sambit. Kahit papano napawi ni April ang inis na
"ANO BA, ANGELO? HINDI KA BA TALAGA NAKIKINIG SA DOKTOR MO HA? KAILANGAN MONG ITIGIL ANG PANINIGARILYO MO. GUSTO MO NA BA TALAGANG MAMATAY HA?" NAKANGITING lumingon si Angelo sa kaibigan nyang si Sarah. Nasa rooftop sila ng hospital kung saan siya madalas magpapatingin sa kondisyon nya sa puso. Heto at hindi niya inakalang susundan siya nito sa rooftop, dahil masyado pa naman maaga para gumising na ito at makita siya kung saan siya pupunta. "Ito na ang last, Sarah. Believe it or not magpapaalam na ako sa yosi.." nakangiti niyang aniya dito. Pinag-isipan nya ito at sigurado na siya. Ngayon pa na may dahilan na siya para mabuhay si Lucy. "Gusto ko pa mabuhay tulad mo. Gusto kong makasama pa ng matagal si Lulu." Hindi nakaligtas sa tingin ni Angelo ang lungkot na sumilay sa mga mata ni Sarah nang sabihin niya ito. Kilala nya ang dalaga, tulad niya nakikipaglaban din ito sa isang malubhang sakit — pero siya tulad nang sabi niya mayroon na siyang dahilan para mabuhay maliban sa ku
The Obsession of CEO ( Lucy Pearl )___Chapter One"GOOD MORNING, LUCY PEARL.."MAY talim sa tingin nang ibaling ni Lucy Pearl ang mga mata n'ya sa lalaking bumati sa kaniya. Sa totoo lang dapat naman sana siyang matuwa nang batiin siya nito, pero dahil iba ang dating ng pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hindi niya nagustuhan."Oh! Mukhang galit ka na naman?!" natatawa pa nitong tanong sa kaniya."Funny!"Mabilis siyang umiwas, ayaw niyang pumatol sa kahit na sino ngayong umagang 'to. Sinimulan na ng kasera nilang sirain ang araw niya at hindi niya pagbibigyan ang lalaking may nais sumira sa araw niya."Nagbibiro lang, ito naman galit na galit agad.. Gusto agad manakit!""Stop!" Malakas ang boses na pagkakasabi niya rito."Ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka.." aniya pa sa kaniya."Ano ba!!!" Sigaw niya rito nang magtangka itong sundan siya."What do you need ba ha?"Nagpalinga-linga siya sa paligid, napansin niya ang ilang mga estudyanteng nahinto't napatingin sa kanila."Stop
The Ceo's Obsession || Lucy Pearl___CHAPTER 2UMIWAS ng tingin si Lucy Pearl nang mapansing sumulyap sa gawi niya ang bagong may-ari ng unibersidad na pinapakilalang ngayon sa harap nilang lahat na kapwa niya eskolar. Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking iyon? Ito kanina ang pilit niyang pinapatay sa isip niya; ang minumura niya't halos isumpa niya."Sana maging maayos ang unibersidad na 'to sa lahat at sana walang estudyanteng mamumuhay ditong may hindi kaaya-ayang mga salita ang lumalabas mula sa kaniyang mga bibig." Napataas ng tingin si Lucy sa mga narinig mula rito. Siya ba ang pinapatamaan ng lalaking 'to? Inirapan niya ito nang muli siyang sulyapan sa gawi niya.'Pake ko ba sa nararamdaman niya?!' mataray niyang bulong sa sarili niya.Kailan pa ba siya nagkaroon ng nararamdaman sa mga tao sa paligid niya? Wala siyang naaalala."That's for today.. marami pa tayong pagsasamahan, I assured you guys." Pagtatapos ng salita nito sa gitna.Lihim na sinundan ni Lucy ng tingin
THE CEO'S OBSESSION | CHAPTER 3____TULAD nang inaasahan ni Lucy, pinagalitan nga siya ni Mr. Aragon. Kahit na ano ang gawin niyang espleka na may naisip lang siya kaya siya natawa sa harap ng sinasabi nitong CEO ay hindi nito binili ang dahilan niya.Palibhasa sipsip! Galit na bulong ni Lucy sa sarili niya dahil sa lahat ng narinig niya kay Mr. Aragon. Hindi pa ito nakuntento at pinagbantaan pa siya nitong tatanggalan ng scholarship kung hindi siya umayos sa ugali niya.'Sino ba siya sa tingin niya? E, kahit nga katiting wala naman siyang ambag sa eskwelahan na 'to! At ako pa talaga tinakot niya? Baka si Lucy Pearl 'to!' Mapait niyang bulong sa sarili niya.Inis na inis pa rin siya dito lalo na sa lalaking nangangalang Michael Archangel - 'Anghel ang pangalan, pero mas demonyo pa kay Lucifer ang ugali ng lalaking iyon! Bakit hindi? Tama bang ikulong niya ako sa rooftop ha?' galit niya pang dugtong.Isang pagsinghap pa ang pinakawalan ni Lucy Pearl sa sarili- at heto nga alam niyang