THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 14 _____ PAGTATAKA ang unang sumagi sa isip ni Michael nang gumising siyang walang Angelo ang bumungad sa kaniyang tulad na madalas nitong gawin. Dalawang araw niya nang napapansing hindi ito umuuwi. Alam niyang may condominium unit si Angelo sa Ortigas — at bilin sa kaniya nang lolo niya na hayaan ito kung gusto nito mamuhay mag-isa. Dapat na daw rin magsolo si Angelo, gaya niya nang magpasya siyang tumungo ng Amsterdam para mag-aral at isabay ang trabaho d'on. "Manang, hindi pa ba umuuwi si Angelo?" tanong ni Micheal sa katiwala nila nang maabutan niya ito sa kusina. Naghahanda ito ng pagkain na madalas nitong gawin para sa kanila ng kapatid — pero dahil mag-isa lang siya d'on kaya para lang ito sa kaniya. Ilang beses niya na ring binilin dito na huwag na itong mag-abala dahil kaya niya naman ang sarili niya. Makulit lang ang katiwala nila at gusto pa rin silang alagaan. "Hindi nga, Michael eh. Nag-aalala na nga ako sa bat
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ______ 15 NAPATINGIN si Lucy sa perang nasa palad niya ngayon. Halos dalawang libo lang ito; ito pa ang tinatabi niya para ipambayad sana kay April sa pinautang nito sa kaniya. Nagmadali siyang icash out ang pera na ito. Ayaw nya sana maniwala sa Sarah na iyon; pero paano kung totoo? Matapang naman si Lucy. Kung sakali man na may hindi magandang gagawin sa kaniya alam nya naman ang mga dapat gawin para ipagtanggol ang sarili niya. Laking kalye siya! Kaya walang kahit na sino o ano ang hahayaan nyang ikapahamak nya. Gusto nya lang malaman kung totoo ang tungkol kay Angelo. Hindi naman kaya ng konsensya nya kung totoo nga tapos wala siyang nagawa para dito. Mabait si Angelo iyon naman ang pagkakilala nya rito kahit na madalas siya nitong ginagawang demonyo. Dumating ang pina-book nyang rider; nasa Cubao daw ang terminal ng bus pababa sa Baguio. Pagkakasyahin nya na lang ang pera nya; matipid naman siyang tao kaya alam n'yang kakasya ito o k
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ______ 16 "ILANG taon niya na ring tinatago ang tungkol sa kalagayan niya, Ms. Lucy.." Liningon ni Lucy si Sarah. Ilang minuto na rin nang makatulog si Angelo. Ayaw niya pa rin maniwala. Masakit para sa kaniya malaman iyon kahit na hindi naman talaga siya dapat mag-alala ng ganon; pero namatay din dahil sa cancer ang lola niya; cancer sa buto na wala siyang nagawa dahil musmos lang siya n'on. Kaya parang lahat ng sakit, pag-alala, lungkot bumuhos sa sitwasyon ni Angelo ngayon. "W-`wala ba siyang pamilya?" natanong niya kay Sarah. Dapat sila iyong nandito ngayon eh, dapat dinadamayan nila iyong tao, aniya ng isip niya. Umupo paharap sa kaniya si Sarah, mukhang may sakit din ito dahil sa katawan nito at pamumutla ng mukha. "Magagalit siya sa akin kapag sinabi ko sa iyo.. Nagalit na siya sa akin n'ong tinawagan kita nang walang paalam. Sorry ha. Hindi ko masasabi sa iyo ang tungkol sa pamilya niya." Naiintindihan naman ni Lucy an
THE Ceo's Obsession | Lucy Pearl ______ 17 •• HALOS tulala si Lucy sa buong klase niya nang umagang iyon. Hindi mawala sa isip niya si Angelo kahit na ano ang gawin niya; iniisip niya pa rin ito. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere. Lalo pa siyang nakaramdam ng lungkot dahil wala si April sa tabi niya, sana pwedi niya itong kwentuhan ng mga dinadala niya ngayon sa puso niya. Malaking bagay pala talaga ang home friend sa mga pagkakataong iyon. 'Kamusta na kaya siya? Nakainom na kaya siya ng gamot niya?' Iyon ang mga tanong sa sarili niya. Nagpaalam naman siya kay Angelo nang umalis siya; naintindihan naman siya nito dahil sa dahilan niyang exam niyang kailangan nyang unahin. Binaba niya ang tingin sa wallet na nasa ibabaw ng mesa sa cafeteria kung nasaan siya. Binigyan siya ng sampung libo ni Angelo; ayaw nya man tanggapin ito wala siyang magawa ang sabi nito kailangan niya raw iyon para may pamasahe siya pabalik ng Baguio. 'BAKI
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ____ 18 "LUCY.. LUCY.." TAWAG ni Michael sa pangalan ni Lucy nang pababa na ito mula sa taas kung saan nila hinatid si Angelo sa silid nito sa malaking bahay nila. Hindi ito huminto sa paglalakad. Tuloy-tuloy lang itong bumaba, patay-malisya sa pagtawag niya rito. "Lucy, sandali.." Mabilis ang ginawa niyang paghakbang hanggang sa naabutan niya ito sa huling baitang. "May kailangan ka?" may lamig sa boses nitong tanong sa kaniya. "Binilin ni Angelo na ihatid kita," sabi niya rito. "Sinabi ko na rin kay Angelo na hindi na kailangan. Hindi mo ba narinig?" anito. Tawa ang naging tugon ko sa sinabi niya sa akin. Siguro pagod at naaantok lang ito kaya ganito na naman ang timpla niya. "At hindi siya pumayag. Hindi mo rin ba narinig?" tugon niya. Iniwas niya ang tingin niya rito nang mapansin niyang pinandilatan siya nito. "Kidding aside, Lucy.. Ihahatid kita. Gabi na, delikado para sa iyong umuwing mag-isa." "Okay nga lang ako.. B
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ____19 "LUCY.. LUCY.." TAWAG ni Michael sa pangalan ni Lucy nang pababa na ito mula sa taas kung saan nila hinatid si Angelo sa silid nito sa malaking bahay nila. Hindi ito huminto sa paglalakad. Tuloy-tuloy lang itong bumaba, patay-malisya sa pagtawag niya rito. "Lucy, sandali.." Mabilis ang ginawa niyang paghakbang hanggang sa naabutan niya ito sa huling baitang. "May kailangan ka?" may lamig sa boses nitong tanong sa kaniya. "Binilin ni Angelo na ihatid kita," sabi niya rito. "Sinabi ko na rin kay Angelo na hindi na kailangan. Hindi mo ba narinig?" anito. Tawa ang naging tugon ko sa sinabi niya sa akin. Siguro pagod at naaantok lang ito kaya ganito na naman ang timpla niya. "At hindi siya pumayag. Hindi mo rin ba narinig?" tugon niya. Iniwas niya ang tingin niya rito nang mapansin niyang pinandilatan siya nito. "Kidding aside, Lucy.. Ihahatid kita. Gabi na, delikado para sa iyong umuwing mag-isa." "Okay nga lang ako.. Bak
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl___ 20 "Happy.." ani ni Michael kay Lucy nang hinintay niyang pumasok ito sa loob ng sasakyan nito. Basang-basa ang damit nito; sobra siyang nasiyahan sa ginawa ni Lucy. Pakiramdam niya isa ito sa labis na nagpapasaya sa dalaga. Gusto nya rin sana ang ideyang iyon pero hindi sa lugar na iyon. Maraming pweding mag-isip ng hindi maganda sa makakakita. "Basa ako.. Okay lang ba?" nahihiyang sambit nito sa kaniya. Ngumiti siya rito. "Wala naman problema, Lucy. Masaya akong naging masaya ka. Sorry kung hindi kita nasamahan sa labas.." aniya rito. Hinayaan nyang maging masaya si Lucy kaya hindi siya sumabay dito nang sinuong nito ang malakas na ulan. Nag-alala siya na baka may makakita sa kanila at kung ano ang isipin; ayaw nyang malagay sa alanganin si Lucy sa kung sino man ang makakita sa kanila. Mabuti na lang at may dala siyang coat sa likod ng sasakyan niya. Binigay nya ito sa dalaga. Ayaw pa sanang tanggapin ni Lucy, pero pinagpilitan
THE CEO's OBSESSION | Lucy Pearl IKALAWANG YUGTO ••• 21 HINDI nagawang bumangon ni Lucy Pearl nang umagang iyon; hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari nagdaang gabi sa pagitan nila ni Michael. Hindi na nangyari ang balak nilang magkape nang nagpasya siyang umuwi. Hinatid naman siya nito at nirespeto ang desisyon niya. Ayaw niya na nga sanang ihatid pa siya ng lalaki dahil ayos lang naman sa kaniyang bumiyahe mag-isa. Naging mapilit lang si Michael; ang pinagpapasalamat niya lang ay wala nang kahit na ano'ng tanong mula pa rito. Mukha naman itong sincere sa sorry nito at kapag hindi na inulit ang isa pang bagay na kinagalit niya ay para sa kaniya sincere naman ang paghingi ng pasensiya nito. Pero heto siya at nagmumukmok sa silid niya. Wala siyang planong pumasok para alamin ang resulta ng exam niya. Walang April ang magbabalita sa kaniya ngayon; gustuhin niya man hindi niya magawa. Pinigilan niya ang sarili, hindi dahil sa ayaw niyang makaharap si Archanghel. N
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ 54 NAGISING si Lucy sa sama ng panahon. Agad syang bumangon para tingnan ang lagay sa labas, napansin niya ang sanga ng kahoy sa harap ng gusali kong nasaan siya. Malakas ang hangin sa labas, dahil sa pagiging abala ng utak niya hindi niya alam kung ano ang mayroon sa panahon ng mga sandaling iyon. Linggo pa naman ang araw na iyon, at nangako siya sa lola niya na dadalawin niya ang puntod nito. Ilang buwan na rin naman siyang hindi nakakapunta d'on, dahil sa pagiging abala niya sa buhay maging sa buhay ng mga Santiago. Muli siyang bumalik sa higaan niya para kalkulahin ang gusto niyang mangyari ng araw na iyon. Wala sa plano niyang pumunta sa bahay nina Angelo, hindi rin naman siya nangako na pupuntahan niya ito. Napatingin si Lucy sa cellphone niya sa ibabaw ng bedside table sa kaliwang bahagi ng higaan niya. Tumayo siya para tingnan kong may mensahe ba siya mula rito. Wala. Iyon ang unang nasambit niya sa sarili niya. Mensahe ba n
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 53 ____ HINDI na hinintay ni Lucy ang pagsikat ng umaga nang umalis siya sa bahay ng mga Santiago. Sa pakiusap sa kaniya ni Angelo naihatid siya ng family driver ng mga ito kasama ang pakiusap na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan siya. Ang sabi sa kaniya ni Angelo, walang alam si Michael tungkol sa lugar niya kung nasaan siya. Sa Cubao lang siya, malapit sa university kung saan siya pumapasok pero medyo may kalayuan kung saan nakatira ang magkapatid. Ang bilin sa kaniya ni Angelo, ay huwag niyang kalimutan na sabihin sa driver ng mga ito kung magpapasundo siya ganoon na rin ang magpapahatid. Gusto niya man sana tumanggi dahil malaking abala iyon, at baka malaman ni Michael ang tungkol sa kinaroroonan niya pero wala na rin naman siyang pweding pagpipilian —kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Angelo, dahil ayon dito para din naman sa kaniya ang lahat ng iyon. 'Ayaw kitang mahirapan..' ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Angelo.
THE CEO's OBSSESION | LUCY PEARL 52 ______ "LUCY, ARE YOU OKAY?" mahinang tanong ni Angelo ang nagpabalik sa katinuan ni Lucy. Tumuloy siya sa silid nito pagkatapos nila magkita at mag-usap ni Michael. Napag-alaman niyang wala pa ito sa bahay nito at wala siyang balak alamin kung saan ba ito tumuloy pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, hindi ko alam kung ano iyong iniisip mo kaya nag-aalala ako, Lucy," dugtong pa ni Angelo sa kaniya. Yumuko siya't muling binalik ang tingin dito. "A-Angelo, I'm sorry.." "Sorry saan?" "H-hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano ko sasabihin sa iyo, kung paano ko maipapaliwanag iyong nararamdaman ko." "May problema ba?" mahinang tanong sa kaniya ni Angelo. Muli niyang iniwas ang tingin dito, binaling sa pinto may pag-aalalang nararamdaman kung iyon ba ang tamang oras para ipaalam sa lalaking kaharap ang nabuong desisyon niya. "Lucy, you can tell me everything.. Hindi mo naman kaila
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL51 ____ TULALANG nakatingin si Michael sa malayo, nauna siya sa oras ng usapan nila ni Lucy. Sinadya niyang mauna dito bago ito i-book sa isang Uber app para makarating sa kanya ng ligtas ang dalaga. Pinag-isapan niya ng mabuti ang sandaling iyon, kailangan niyang makausap si Lucy sa lalong madaling panahon— habang nasa maayos pa ang lahat. Pinilit niyang winaksi sa isip niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Angelo kanina nang abutan niya itong gising sa silid nito. Hindi niya pwedi tikisin ang nararamdaman ng kapatid niya. Nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal niya rito at gusto niya patunayan iyon sa pakiusap nito sa kaniya. Mahal ni Angelo si Lucy at walang pagdududa iyon, napapikit siya sa kawalan nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid; malaking sakripisyo ang kailangan niyang gawin kahit na nakasalalay d'on ang damdamin niya para sa dalaga. Para sa kaniya tama ang gagawin niya at hindi niya pwedi baliwalain iyon kung kaligayahan na
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 50 TULALANG pinagmamasdan ni Lucy ang lahat ng proposal sa kaniya ni Cheska sa isang brochure na hawak nito. Maaga pa nang pinatawag siya nito sa silid niya para daw sa hinanda nitong almusal para sa kanila. Nang dumating siya r'on dalawa lang silang dalawa, wala si Michael at pinagpapasalamat niya. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi niya pa rin alam kung paano harapin si Michael lalo na't nasa tabi nito si Cheska. May mga bagay na hindi pa malinaw sa kaniya, kahit na sinabi sa kaniya ni Michael na —mahal siya nito— "I think this one is fit for you, mukhang simple lang.. Just like you, Luz.." Tiningnan niya ang inaabot sa kaniya ni Cheska; maganda nga iyon, simple lang gaya ng sinasabi nito sa kaniya — isa iyong white dress na ayon kay Cheska para daw sa gaganaping engagement party nila ni Angelo. "What do you think?" untag na tanong nito sa kaniya. "M-maganda naman. Mukhang mamahalin lang." "Heto na naman tayo sa money matt
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL 49 _____ ILANG BALING NA ANG GINAWA NI LUCY, hindi pa rin siya halos dalawin ng antok. Nakarating na sila sa Pinas, hindi niya na nagawang puntahan pa si Angelo dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Cheska; natutulog na raw si Angelo. Kahit silip hindi niya na nagawa dahil baka magising lang ito. Pasado ala-una na rin ng madaling-araw nang dumating sila sa bahay na 'to. Sumagi sa isip niya ang pagsalubong sa kanila ni Cheska; isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang pinagkaloob nila ni Michael sa isa't-isa. 'Akala ko ba mahal niya ako?' May kung ano'ng hapdi siyang nadama sa puso niya. Bumangon ng pagkakaupo si Lucy, sinandal niya ang likod niya sa headboard ng kama. Tinuon niya ang tingin sa malitang nasa paanan niya. 'Ano kaya kung umalis na lang ako rito?' bulong niya sa sarili. 'Makakaya ba ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay Angelo?' aniya. Si Angelo nga lang ba ang totong dahilan kung bakit hindi niya makuhang umalis sa bah
THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 48 ____ NAKITA ni Lucy ang sarili niya kasama si Michael sa huling pakiusap nito ayon dito. Kaya lang naman siya pumayag dahil nangako itong babalik sila ng bansa pagkatapos ng araw na iyon. Pinaalam niya rin ito kay Angelo, nagtaka naman ang huli pero nakumbinsi niya naman ito na gusto niya nang umuwi at hindi na tapusin ang ilang araw na dapat silang nandoon ni Michael. Wala naman maraming tanong sa kaniya si Angelo, ang mahalaga ay gusto niya nang bumalik agad. Para sa kaniya hindi maganda ang mag-solo pa sila ng kuya nito sa iisang bubong. "I want you to be happy. Sincerely happy, Lucy.." narinig niyang sabi sa kaniya ni Michael sa likuran niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Pangarap ko lang 'to.." naiiyak niyang sambit sa sarili. Naalala niya ang lola niya, kung buhay pa ito malamang ito na ang kasama niya sa lugar na iyon. Nilingon niyang may ngiti sa labi si Michael. "S-salamat ha.. Hindi ko makakalimutan 'to," aniya. Ngum
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl46 "MABUTI at gising ka na. Gigisingin sana kita, dahil baka gutom ka na.." bungad ni Michael kay Lucy nang lumabas siya ng silid niya. Naabutan niyang naka-upo sa sofa si Michael at agad itong tumayo pagkakita sa kaniya. Alanganing ngiti ang sumalubong niya sa mga mata nito. Sa katunayan naaantok pa siya, pinilit niya lang ang sariling gumising dahil sa pangangalam ng sikmura niya. Mas lalo siyang nagutom nang marinig ang salitang iyon mula sa lalaking kasama niya sa silid na iyon. ”Mag-aayos ka ba muna? O, okay ka nang ganyan?" tanong nito sa kaniya. "Okay na ako. Baka gutom ka na rin kaya lumabas na rin agad ako," aniya. "Ikaw nga ang inaalala ko, hindi lang kita makatok kanina dahil baka napasarap ang tulog mo." 'Bakit hindi ka ba natulog? Huwag mo sabihin sa aking hindi ka napagod at napuyat sa naging byahe natin." Hindi niya napigilan ang sariling makaramdam ng pag-alala dito. "Ang sweet naman, you cared for me—” Tila nat