THE Ceo's Obsession | Lucy Pearl ____ 22 "LUCY.." PATAY-MALISYA si Lucy, hindi niya hinayaan ang sarili niyang lumingon sa gawi ni Michael. Kuntento siyang pinagmasdan ang mga matatandang masayang pumipila sa pagkain na hinanda ni Mira para sa lahat. Sa isip ni Lucy, nandoon pa rin ang pagtataka niya kung paano nangyaring si Michael at Mike na hinihintay ng mga ito ay iisa. Hindi niya lubos maisip niya, dahil kung alam niya lang sana hindi na lang siya dumaan dito, sana pala dumiretso na lang siya sa Baguio para agad na mapuntahan si Angelo. Nagkamali siya ng desisyon. Bakit ba kasi lagi silang pinagtatagpo ng lalaking ito? "Lucy.." muling untag sa kaniya ni Michael. Wala siyang nagawa kun 'di lingunin ang gawi nito. "Bakit ba?!" mahina pero sapat na para marinig nito. "Galit ka ba?" tanong niya. Minasdan niya ito ng tuwid at agad na binaling sa gawi ni Lolo Ben at Lola Martha. "Bakit naman ako magagalit? May dahilan ba para magalit ako?" aniya.
THE CEO's Obsession | Lucy Pearl______ 23 LIHIM kong pinagmamasdan si Lucy Pearl, nakatulog na ito sa tabi ko. Alas otso na ng gabi at ilang oras pa para makarating sila sa Baguio. Hindi niya nagawang itanong dito kung bakit niya kinailangan pumunta sa lugar na iyon. Napansin niya rin kanina ang isang bag niyang dala, mukhang magtatagal ito r'on kung hindi siya nagkakamali. 'Doon ba siya magbabakasyon?' tanong niya sa sarili para dito nang muli siyang lumingon. 'Ang sabi niya sa akin wala siyang pamilya. Sino ang pwedi niyang puntahan sa Baguio?' dugtong niya pa nang muling ibalik ang tingin sa unahan. Ayaw niyang magtanong ng kahit na ano kay Lucy, maiinis lang ito sa kaniya kung sakali at ayaw niyang mangyari iyon. Mabuti na lang at naging makulit siyang ipagpilitan ang gusto nyang mangyari dito. Malayo pala ang pupuntahan nito. "Nasaan na tayo?" tanong nito sa kaniya nang biglang gumising ito. Agad na luminga-linga sa paligid. "Malapit na tayo sa session road, Lu
The CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ 24 ILANG minuto nang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Pero sa tingin ni Michael, walang gustong magsalita. Hindi niya rin halos mabilang ang paulit-ulit niyang pag sulyap kay Angelo. Wala siyang mahagilap na pwedi niyang sabihin dito. Muli siyang napatingin sa dextrose na nakakabit sa kanang kamay nito. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Wala ka bang sasabihin sa akin, Angelo?" tanong niya rito. Iniwas nito ang tingin sa kaniya, binaling sa kabilang gawi nito. Napataas ng tingin si Michael, hindi halos makapaniwala kung paano nagawa ni Angelo itago mag-isa ang lahat ng 'to. "Kailan pa? Kailan pa 'to? Angelo, magsalita ka, Bro!" Ang kaninang emosyong pinipigilan niya ay natural na lumalabas dahil sa sama ng loob na nararamdaman niya rito. "Ano ang dahilan kung bakit ka nandito? Ano'ng sakit mo? Lagnat? Ano?" "Lung cancer, Kuya!" Natigilan si Michael sa narinig na sagot ng kapatid niya. 'Lung cancer!'
THE Ceo's Obsession | Lucy Pearl ______ 25 KANINA pa pinagmamasdan ni Lucy si Michael. Tahimik pa rin 'to, hindi niya rin alam kung ano ang pweding sabihin dito. Baka may masabi din siyang hindi angkop sa damdamin na mayroon ito ngayon. Gusto niyang malaman ang nararamdaman ni Michael, pero ayaw niya rin pangunahan ito. Nandoon silang dalawa sa rooftop ng hospital na 'to, ang naalala niyang lugar na kung saan unang beses nagkrus ang landas nila ng lalaki sa university. Prente silang nakaupong dalawa sa sahig, mabuti na lang at may karton d'on na ginamit nila para upuan. Nakasandal ang likod nilang dalawa sa dingding. Isa pang tingin ang pinagkaloob nya kay Michael; nakatingala ito sa madilim na kalangitan na iilan lang halos ang bituin sa kalawakan. Mukhang hindi naman uulan kaya wala siyang dapat ipag-alala. Sa isip niya hindi pa rin halos mawala kung bakit naroon na ito sa silid ni Angelo nang pumasok sila. "Buong buhay ko hiniling kong maging maayos palagi siya, Lucy..
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 26 ___ "KAPAG NAKAUSAP KO NA ANG DOCTORS MO AT PUMAYAG SILANG DALHIN KA SA MANILA. DADALHIN KITA AGAD D'ON.." ani ni Michael kay Angelo. Halos kagigising lang nito nang umagang iyon. Hindi niya na ito nakausap nagdaang gabi dahil nang bumalik sila ni Lucy d'on mahimbing na itong natutulog, wala na rin si Sarah sa silid ng kapatid niya n'on. "Kuya, hindi naman na kailangan. Okay naman ako dito. Naaalagaan nila ako at isa pa, nandito si Sarah at si Lulu.." sagot nito sa kaniya. Sabay silang napatingin sa gawi ni Lucy. Pinikit niya itong matulog na kagabi sa mahabang sofa na nandoon. Mabuti na lang at may dala din naman siyang makapal na coat sa kotse niyang nagamit niyang ibigay dito para maging proteksyon nito sa lamig kahit na papano. "Hindi pwedi iyon, Gelo. Nandoon kami sa Manila, malayo itong Baguio gustuhin man na palagi kaming nandito sa tabi mo. At isa pa hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon ni Lucy? Nag-aaral siya. Alam mo naman iyon
THE CEO's Obsession | Lucy Pearl ____ 27 "PASENSIYA KA NA KUNG HINDI KO NAGAWANG TUMANGGI KAY ANGELO," sambit ni Michael kay Lucy. Nasa loob na sila ng sasakyan nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ng lalaki. Hindi rin naman siya nagtanong dito. Basta na lamang siyang sumama dahil wala na rin naman siyang choice. Hindi naman siguro siya mapapano kasama ito, isa pa pinanghahawakan niya ang pangako nito kay Angelo na ito ang bahala sa kaniya. "Where do you want to go? May gusto ka bang puntahan? Unahin na natin iyon habang maaga pa," ani sa kaniya ni Michael. Hindi siya tumugon, nanatili ang tingin niya kung paano nito buksan ang makina ng sasakyan nito. Ilang taon na rin siyang nawiwili sa iba't ibang klase ng sasakyan at kung paano paandarin ito. "You want to drive?" tanong ni Michael sa kaniya. Napansin siguro nito ang mariin niyang tingin dito. "Hindi. Hindi.." aniya naman niya. "Ang tanong ko kung ano ang unang gusto mong puntahan natin. May idea ka ba?" muling
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ____ 28 MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin halos dalawin ng antok si Lucy. Pinili niyang matulog ulit sa sofa dito sa silid ni Angelo, pinilit pa siya ng magkapatid na ikuha siya ng hotel room na malapit lang sa hospital para makapagpahinga siya ng maayos. Naging matigas lang ang ulo niya, kaya ang nangyari ay si Michael ang umalis para magpalipas ng gabi d'on. Babalik din naman daw siya tulad ng pangako nito kay Angelo at hindi ito aalis hangga't hindi kasama pabalik ng Manila ang kapatid. Nakatulog na rin si Angelo, halos madaling-araw na rin naman kasi. Noong bumalik nga silang dalawa ni Michael galing sa pamamasyal sa labas ay late na rin. Kumain na rin silang dalawa sa labas, inuwian lang nila si Angelo nang makakain nito pero hindi na rin nakuhang galawin ng binata dahil inaantok na raw ito. Nagpaalam na itong matulog pagdating nila, hindi na nga nila nagawang magkwento sa naging lakad nila. Bukas na lang siguro, aniya sa isip ni Luc
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ______ 29 "GISING KA NA PALA.." Nakangiting bungad ni Angelo kay Lucy. Kung alam lang talaga nito na kanina pa siya gising; at kung lang din nito na may nakita siyang hindi niya dapat makita. Tiniis niya nga lang na huwag dumilat o gumalaw man lang dahil naririnig niya ang malambing na pag-uusap ng dalawa. Hindi niya napaghandaan, wala siyang ideya na makikita mismo ng dalawang mata niya ang halikan na mayroon ang dalawa. "Nagising ako.. Tanghali na pala.." sabi niya rito. Sinigurado niyang wala nang tao sa silid ni Angelo nang nagpasya siyang bumangon. Narinig niyang nagpaalam si Michael kasama ang babaeng kasama nito na kung hindi siya nagkakamali nobya nito. Narinig niyang nagpaalam ito kay Angelo na kakain sa labas ang mga ito, narinig niya pa nga kay Michael na dadalhan na lang daw siya dahil baka gutom na siya pag gising niya. Hindi rin nakaligtas sa pagdinig niya ang pagpapakilala ni Michael sa kaniyang kaibigan siya ni Angelo. Ch
THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ 54 NAGISING si Lucy sa sama ng panahon. Agad syang bumangon para tingnan ang lagay sa labas, napansin niya ang sanga ng kahoy sa harap ng gusali kong nasaan siya. Malakas ang hangin sa labas, dahil sa pagiging abala ng utak niya hindi niya alam kung ano ang mayroon sa panahon ng mga sandaling iyon. Linggo pa naman ang araw na iyon, at nangako siya sa lola niya na dadalawin niya ang puntod nito. Ilang buwan na rin naman siyang hindi nakakapunta d'on, dahil sa pagiging abala niya sa buhay maging sa buhay ng mga Santiago. Muli siyang bumalik sa higaan niya para kalkulahin ang gusto niyang mangyari ng araw na iyon. Wala sa plano niyang pumunta sa bahay nina Angelo, hindi rin naman siya nangako na pupuntahan niya ito. Napatingin si Lucy sa cellphone niya sa ibabaw ng bedside table sa kaliwang bahagi ng higaan niya. Tumayo siya para tingnan kong may mensahe ba siya mula rito. Wala. Iyon ang unang nasambit niya sa sarili niya. Mensahe ba n
The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 53 ____ HINDI na hinintay ni Lucy ang pagsikat ng umaga nang umalis siya sa bahay ng mga Santiago. Sa pakiusap sa kaniya ni Angelo naihatid siya ng family driver ng mga ito kasama ang pakiusap na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan siya. Ang sabi sa kaniya ni Angelo, walang alam si Michael tungkol sa lugar niya kung nasaan siya. Sa Cubao lang siya, malapit sa university kung saan siya pumapasok pero medyo may kalayuan kung saan nakatira ang magkapatid. Ang bilin sa kaniya ni Angelo, ay huwag niyang kalimutan na sabihin sa driver ng mga ito kung magpapasundo siya ganoon na rin ang magpapahatid. Gusto niya man sana tumanggi dahil malaking abala iyon, at baka malaman ni Michael ang tungkol sa kinaroroonan niya pero wala na rin naman siyang pweding pagpipilian —kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Angelo, dahil ayon dito para din naman sa kaniya ang lahat ng iyon. 'Ayaw kitang mahirapan..' ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Angelo.
THE CEO's OBSSESION | LUCY PEARL 52 ______ "LUCY, ARE YOU OKAY?" mahinang tanong ni Angelo ang nagpabalik sa katinuan ni Lucy. Tumuloy siya sa silid nito pagkatapos nila magkita at mag-usap ni Michael. Napag-alaman niyang wala pa ito sa bahay nito at wala siyang balak alamin kung saan ba ito tumuloy pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, hindi ko alam kung ano iyong iniisip mo kaya nag-aalala ako, Lucy," dugtong pa ni Angelo sa kaniya. Yumuko siya't muling binalik ang tingin dito. "A-Angelo, I'm sorry.." "Sorry saan?" "H-hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano ko sasabihin sa iyo, kung paano ko maipapaliwanag iyong nararamdaman ko." "May problema ba?" mahinang tanong sa kaniya ni Angelo. Muli niyang iniwas ang tingin dito, binaling sa pinto may pag-aalalang nararamdaman kung iyon ba ang tamang oras para ipaalam sa lalaking kaharap ang nabuong desisyon niya. "Lucy, you can tell me everything.. Hindi mo naman kaila
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL51 ____ TULALANG nakatingin si Michael sa malayo, nauna siya sa oras ng usapan nila ni Lucy. Sinadya niyang mauna dito bago ito i-book sa isang Uber app para makarating sa kanya ng ligtas ang dalaga. Pinag-isapan niya ng mabuti ang sandaling iyon, kailangan niyang makausap si Lucy sa lalong madaling panahon— habang nasa maayos pa ang lahat. Pinilit niyang winaksi sa isip niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Angelo kanina nang abutan niya itong gising sa silid nito. Hindi niya pwedi tikisin ang nararamdaman ng kapatid niya. Nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal niya rito at gusto niya patunayan iyon sa pakiusap nito sa kaniya. Mahal ni Angelo si Lucy at walang pagdududa iyon, napapikit siya sa kawalan nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid; malaking sakripisyo ang kailangan niyang gawin kahit na nakasalalay d'on ang damdamin niya para sa dalaga. Para sa kaniya tama ang gagawin niya at hindi niya pwedi baliwalain iyon kung kaligayahan na
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 50 TULALANG pinagmamasdan ni Lucy ang lahat ng proposal sa kaniya ni Cheska sa isang brochure na hawak nito. Maaga pa nang pinatawag siya nito sa silid niya para daw sa hinanda nitong almusal para sa kanila. Nang dumating siya r'on dalawa lang silang dalawa, wala si Michael at pinagpapasalamat niya. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi niya pa rin alam kung paano harapin si Michael lalo na't nasa tabi nito si Cheska. May mga bagay na hindi pa malinaw sa kaniya, kahit na sinabi sa kaniya ni Michael na —mahal siya nito— "I think this one is fit for you, mukhang simple lang.. Just like you, Luz.." Tiningnan niya ang inaabot sa kaniya ni Cheska; maganda nga iyon, simple lang gaya ng sinasabi nito sa kaniya — isa iyong white dress na ayon kay Cheska para daw sa gaganaping engagement party nila ni Angelo. "What do you think?" untag na tanong nito sa kaniya. "M-maganda naman. Mukhang mamahalin lang." "Heto na naman tayo sa money matt
THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL 49 _____ ILANG BALING NA ANG GINAWA NI LUCY, hindi pa rin siya halos dalawin ng antok. Nakarating na sila sa Pinas, hindi niya na nagawang puntahan pa si Angelo dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Cheska; natutulog na raw si Angelo. Kahit silip hindi niya na nagawa dahil baka magising lang ito. Pasado ala-una na rin ng madaling-araw nang dumating sila sa bahay na 'to. Sumagi sa isip niya ang pagsalubong sa kanila ni Cheska; isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang pinagkaloob nila ni Michael sa isa't-isa. 'Akala ko ba mahal niya ako?' May kung ano'ng hapdi siyang nadama sa puso niya. Bumangon ng pagkakaupo si Lucy, sinandal niya ang likod niya sa headboard ng kama. Tinuon niya ang tingin sa malitang nasa paanan niya. 'Ano kaya kung umalis na lang ako rito?' bulong niya sa sarili. 'Makakaya ba ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay Angelo?' aniya. Si Angelo nga lang ba ang totong dahilan kung bakit hindi niya makuhang umalis sa bah
THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 48 ____ NAKITA ni Lucy ang sarili niya kasama si Michael sa huling pakiusap nito ayon dito. Kaya lang naman siya pumayag dahil nangako itong babalik sila ng bansa pagkatapos ng araw na iyon. Pinaalam niya rin ito kay Angelo, nagtaka naman ang huli pero nakumbinsi niya naman ito na gusto niya nang umuwi at hindi na tapusin ang ilang araw na dapat silang nandoon ni Michael. Wala naman maraming tanong sa kaniya si Angelo, ang mahalaga ay gusto niya nang bumalik agad. Para sa kaniya hindi maganda ang mag-solo pa sila ng kuya nito sa iisang bubong. "I want you to be happy. Sincerely happy, Lucy.." narinig niyang sabi sa kaniya ni Michael sa likuran niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Pangarap ko lang 'to.." naiiyak niyang sambit sa sarili. Naalala niya ang lola niya, kung buhay pa ito malamang ito na ang kasama niya sa lugar na iyon. Nilingon niyang may ngiti sa labi si Michael. "S-salamat ha.. Hindi ko makakalimutan 'to," aniya. Ngum
THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s