Share

Chapter 27

Author: BG Writes
last update Huling Na-update: 2024-12-19 18:06:53

THE CEO's Obsession | Lucy Pearl

____

27

"PASENSIYA KA NA KUNG HINDI KO NAGAWANG TUMANGGI KAY ANGELO," sambit ni Michael kay Lucy. Nasa loob na sila ng sasakyan nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ng lalaki. Hindi rin naman siya nagtanong dito. Basta na lamang siyang sumama dahil wala na rin naman siyang choice. Hindi naman siguro siya mapapano kasama ito, isa pa pinanghahawakan niya ang pangako nito kay Angelo na ito ang bahala sa kaniya.

"Where do you want to go? May gusto ka bang puntahan? Unahin na natin iyon habang maaga pa," ani sa kaniya ni Michael. Hindi siya tumugon, nanatili ang tingin niya kung paano nito buksan ang makina ng sasakyan nito.

Ilang taon na rin siyang nawiwili sa iba't ibang klase ng sasakyan at kung paano paandarin ito.

"You want to drive?" tanong ni Michael sa kaniya. Napansin siguro nito ang mariin niyang tingin dito.

"Hindi. Hindi.." aniya naman niya.

"Ang tanong ko kung ano ang unang gusto mong puntahan natin. May idea ka ba?" muling
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 28

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ____ 28 MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin halos dalawin ng antok si Lucy. Pinili niyang matulog ulit sa sofa dito sa silid ni Angelo, pinilit pa siya ng magkapatid na ikuha siya ng hotel room na malapit lang sa hospital para makapagpahinga siya ng maayos. Naging matigas lang ang ulo niya, kaya ang nangyari ay si Michael ang umalis para magpalipas ng gabi d'on. Babalik din naman daw siya tulad ng pangako nito kay Angelo at hindi ito aalis hangga't hindi kasama pabalik ng Manila ang kapatid. Nakatulog na rin si Angelo, halos madaling-araw na rin naman kasi. Noong bumalik nga silang dalawa ni Michael galing sa pamamasyal sa labas ay late na rin. Kumain na rin silang dalawa sa labas, inuwian lang nila si Angelo nang makakain nito pero hindi na rin nakuhang galawin ng binata dahil inaantok na raw ito. Nagpaalam na itong matulog pagdating nila, hindi na nga nila nagawang magkwento sa naging lakad nila. Bukas na lang siguro, aniya sa isip ni Luc

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 29

    The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ______ 29 "GISING KA NA PALA.." Nakangiting bungad ni Angelo kay Lucy. Kung alam lang talaga nito na kanina pa siya gising; at kung lang din nito na may nakita siyang hindi niya dapat makita. Tiniis niya nga lang na huwag dumilat o gumalaw man lang dahil naririnig niya ang malambing na pag-uusap ng dalawa. Hindi niya napaghandaan, wala siyang ideya na makikita mismo ng dalawang mata niya ang halikan na mayroon ang dalawa. "Nagising ako.. Tanghali na pala.." sabi niya rito. Sinigurado niyang wala nang tao sa silid ni Angelo nang nagpasya siyang bumangon. Narinig niyang nagpaalam si Michael kasama ang babaeng kasama nito na kung hindi siya nagkakamali nobya nito. Narinig niyang nagpaalam ito kay Angelo na kakain sa labas ang mga ito, narinig niya pa nga kay Michael na dadalhan na lang daw siya dahil baka gutom na siya pag gising niya. Hindi rin nakaligtas sa pagdinig niya ang pagpapakilala ni Michael sa kaniyang kaibigan siya ni Angelo. Ch

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 30

    The CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ 30 "NAKATULOG na pala siya.." Lumingon si Lucy Pearl sa boses na nasa likuran niya si Cheska. Agad niyang binawi ang tingin niya nang umikot ito sa kabilang gawi ni Angelo; prenteng umupo paharap sa kaniya. "Matagal na ba kayong magkakilala ni Gelo?" tanong sa kaniya ni Cheska. Hindi niya alam kung bakit interesado itong malaman ang mga bagay na iyon. Sounds personal, para sa kaniya. "M-matagal na rin.." "He's nice. Right? Kaya nga n'ong binanggit sa akin ni Michael ang tungkol sa sakit niya parang ang hirap maniwala. Hindi rin kasi namin alam na change smoker pala talaga si Gelo." "H-hindi ko rin a-alam iyon. Lately ko lang din nalaman n'ong nasa hospital na siya." Pagsasabi niya ng totoo dito. Bumuntong-hininga ito. "Gusto niya talaga ilihim 'no? Mabuti na lang at nalaman ni Michael agad.. mas mabibigyan siya ng tamang gamot at magiging maayos ang lagay niya," anito sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin si Cheska. Maganda ito

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 31

    The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ____31 "LUCY.. LUCY.." TAWAG ni Michael sa pangalan ni Lucy nang pababa na ito mula sa taas kung saan nila hinatid si Angelo sa silid nito sa malaking bahay nila. Hindi ito huminto sa paglalakad. Tuloy-tuloy lang itong bumaba, patay-malisya sa pagtawag niya rito. "Lucy, sandali.." Mabilis ang ginawa niyang paghakbang hanggang sa naabutan niya ito sa huling baitang. "May kailangan ka?" may lamig sa boses nitong tanong sa kaniya. "Binilin ni Angelo na ihatid kita," sabi niya rito. "Sinabi ko na rin kay Angelo na hindi na kailangan. Hindi mo ba narinig?" anito. Tawa ang naging tugon niya sa sinabi niya rito. Siguro pagod at naaantok lang ito kaya ganito na naman ang timpla niya. "At hindi siya pumayag. Hindi mo rin ba narinig?" tugon niya. Iniwas niya ang tingin niya rito nang mapansin niyang pinandilatan siya nito. "Kidding aside, Lucy.. Ihahatid kita. Gabi na, delikado para sa iyong umuwing mag-isa." "Okay nga lang ako.. Bakit ba ayaw mo

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 32

    The Ceo's Obsession | Lucy Pearl _____ 32 HATING-GABI nang biglang nagising si Lucy Pearls dahil sa sunod-sunod na tawag na narinig niya sa cellphone niya. Wala naman siyang inaasahang tatawag sa kaniya dis-oras ng gabing iyon. Nakapikit pa ang kaliwang mata niya para sinuhin ang tumatawag sa kaniya. Si Angelo— mabilis pa sa alas-kwatrong sinagot niya ito. "Gelo?" bungad niyang may pag-alala. Hindi basta-basta tatawag sa kaniya si Angelo kung wala lang lalo na't dis-oras ng gabi iyon. "Lucy, si Michael 'to.." Narinig niyang pagpapakilala ni Michael at kumpirmadong boses nga ng lalaki ang tumatawag sa kaniya. Bakit ito tumatawag sa kaniya? At bakit hawak nito ang cellphone ni Angelo. Umayos siya ng upo at parang nawala ang antok na nararamdaman niya. "M-Michael? Nasaan si Angelo? Bakit mo gamit ang cellphone niya? Wala ka na naman bang magawa?" aniya rito. Nakaramdam siya ng pagkapikon dahil sa ginawa nitong pangingialam sa phone ni Angelo at pang-iisturbo sa kaniya. "

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 33

    THE CEO's Obsession | _____33 "SABI NI KUYA PUMAYAG KA NA RAW NA SA BAHAY TUMIRA? TOTOO BA, LUCY?" masayang tanong ni Angelo kay Lucy. Paano niya pa tatanggihan ang alok ng mga ito sa kaniya kung ganoon na kasaya ang pinamalas nito sa harap niya? "Wala naman akong choice 'di ba? Ang sabi nila kailangan mong may mag-aasikaso sa iyo, at kailangan ko rin ng pera para pangtustos sa pangangailangan ko. It's a win-win situations, Gelo. Tinanggap ko na lang," pag-amin niya rito. "Salamat, Lu.. Malaking bagay sa akin 'to. Masayang-masaya ako, Lu. I'm looking forward na makasama ka palagi." "Basta ba ipangako mo sa akin, na magpapagaling ka.. Na tutulungan mo iyong sarili mo, na hindi ka magpapasaway sa akin, sa amin." Kundisyon nya rito. Tinaas ni Angelo ang kanang kamay nito sa harap niya, tanda ng pangangako nito sa kaniya. "Promise, Lucy.. Hindi kita bibiguin, hindi kita bibigyan ng rason para iwan mo ako. Pangako ko iyan sa iyo." Ngumiti siya rito ganoon din ito sa kaniya. "Iy

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 34

    HIS SUPER MODEL EX-WIFE || ____ 34 "SA LABAS LANG AKO, LUCY.. I'LL WAIT YOU THERE.." PAALAM ni Michael kay Lucy nang kapwa sila nakabawi sa pagkabigla sa ginawa nitong paghalik sa nuo niya. Mabilis niyang tinuon ang pansin sa ginagawa, hindi na nagawang sundan ng tingin ang lalaki hanggang sa narinig niyang sinirado nito ang pinto sa silid na iyon. 'Bakit ba ang bilis ng pintig mo?' naiinis niyang kausap sa sarili niyang puso. Hindi naman ito gan'on, wala naman dahilan para kabahan siya pero ang hindi niya maintindihan kung bakit parang nawala ito sa sariling pwesto nito. Pilit niyang kinalma ang sarili nya. Mas hindi siya napakali nang maalala ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael; kahit sabihin pang wala itong malisya para dito ay iba ang dating sa kanya. 'Bakit niya iyon ginawa? Tutuloy pa ba ako sa bahay nila? Paano kung sa susunod makita na iyon ni Cheska?' tanong niyang nag-alala. Pinikit niya ang mga mata at sa t'wina nakangiting mukha ni Michael ang rumehistro

    Huling Na-update : 2024-12-19
  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 35

    THE CEO's OBSESSION |35 _____ ISANG linggo ang mabilis na lumipas, nakalabas na ng hospital si Angelo. Pwedi na raw ito sa bahay magpahinga, babantayan lang ng maigi pati na ang lahat ng gamot niya. Pumayag na rin siyang mag-undergo sa chemo, dalawang beses sa isang buwan. Pinagmasdan ni Lucy ang kaibigan habang natutulog ito, pansin niya ang pamamayat nito maging ang pamumutla. 'I'm here na ha.. Aalagaan kita sa abot ng makakaya ko, mangako ka lang sa akin na magpapagaling ka ha,' kausap niya rito. Alas-syete pa lang ng umaga, maaga siyang bumangon sa kabilang silid na inu-okopa niya at lumipat sa silid ni Angelo. Hindi siya nanalo sa request niya kay Michael at maging dito na ilipat na lang sana siya sa mas maliit na silid, mukha kasing dalawang silid na sa boarding house nila ang tinutuluyan niya— sobrang malaki para sa kaniya. Binalingan niya ng tingin ang lahat ng gamot sa bedside table nito, nakahanda na ito sa isang tray.. Maging ang pangligo ni Angelo para mapreskuha

    Huling Na-update : 2024-12-19

Pinakabagong kabanata

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 55

    THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 54

    The Ceo's Obsession | Lucy Pearl ___ 54 NAGISING si Lucy sa sama ng panahon. Agad syang bumangon para tingnan ang lagay sa labas, napansin niya ang sanga ng kahoy sa harap ng gusali kong nasaan siya. Malakas ang hangin sa labas, dahil sa pagiging abala ng utak niya hindi niya alam kung ano ang mayroon sa panahon ng mga sandaling iyon. Linggo pa naman ang araw na iyon, at nangako siya sa lola niya na dadalawin niya ang puntod nito. Ilang buwan na rin naman siyang hindi nakakapunta d'on, dahil sa pagiging abala niya sa buhay maging sa buhay ng mga Santiago. Muli siyang bumalik sa higaan niya para kalkulahin ang gusto niyang mangyari ng araw na iyon. Wala sa plano niyang pumunta sa bahay nina Angelo, hindi rin naman siya nangako na pupuntahan niya ito. Napatingin si Lucy sa cellphone niya sa ibabaw ng bedside table sa kaliwang bahagi ng higaan niya. Tumayo siya para tingnan kong may mensahe ba siya mula rito. Wala. Iyon ang unang nasambit niya sa sarili niya. Mensahe ba n

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 53

    The Ceo's Obsession | Lucy Pearl 53 ____ HINDI na hinintay ni Lucy ang pagsikat ng umaga nang umalis siya sa bahay ng mga Santiago. Sa pakiusap sa kaniya ni Angelo naihatid siya ng family driver ng mga ito kasama ang pakiusap na huwag sasabihin kahit kanino kung nasaan siya. Ang sabi sa kaniya ni Angelo, walang alam si Michael tungkol sa lugar niya kung nasaan siya. Sa Cubao lang siya, malapit sa university kung saan siya pumapasok pero medyo may kalayuan kung saan nakatira ang magkapatid. Ang bilin sa kaniya ni Angelo, ay huwag niyang kalimutan na sabihin sa driver ng mga ito kung magpapasundo siya ganoon na rin ang magpapahatid. Gusto niya man sana tumanggi dahil malaking abala iyon, at baka malaman ni Michael ang tungkol sa kinaroroonan niya pero wala na rin naman siyang pweding pagpipilian —kailangan niyang sundin ang pakiusap ni Angelo, dahil ayon dito para din naman sa kaniya ang lahat ng iyon. 'Ayaw kitang mahirapan..' ang paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Angelo.

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 52

    THE CEO's OBSSESION | LUCY PEARL 52 ______ "LUCY, ARE YOU OKAY?" mahinang tanong ni Angelo ang nagpabalik sa katinuan ni Lucy. Tumuloy siya sa silid nito pagkatapos nila magkita at mag-usap ni Michael. Napag-alaman niyang wala pa ito sa bahay nito at wala siyang balak alamin kung saan ba ito tumuloy pagkatapos ng paghaharap nilang dalawa. "Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo, hindi ko alam kung ano iyong iniisip mo kaya nag-aalala ako, Lucy," dugtong pa ni Angelo sa kaniya. Yumuko siya't muling binalik ang tingin dito. "A-Angelo, I'm sorry.." "Sorry saan?" "H-hindi ko alam kung saan magsisimula, kung paano ko sasabihin sa iyo, kung paano ko maipapaliwanag iyong nararamdaman ko." "May problema ba?" mahinang tanong sa kaniya ni Angelo. Muli niyang iniwas ang tingin dito, binaling sa pinto may pag-aalalang nararamdaman kung iyon ba ang tamang oras para ipaalam sa lalaking kaharap ang nabuong desisyon niya. "Lucy, you can tell me everything.. Hindi mo naman kaila

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 51

    THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL51 ____ TULALANG nakatingin si Michael sa malayo, nauna siya sa oras ng usapan nila ni Lucy. Sinadya niyang mauna dito bago ito i-book sa isang Uber app para makarating sa kanya ng ligtas ang dalaga. Pinag-isapan niya ng mabuti ang sandaling iyon, kailangan niyang makausap si Lucy sa lalong madaling panahon— habang nasa maayos pa ang lahat. Pinilit niyang winaksi sa isip niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Angelo kanina nang abutan niya itong gising sa silid nito. Hindi niya pwedi tikisin ang nararamdaman ng kapatid niya. Nangibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal niya rito at gusto niya patunayan iyon sa pakiusap nito sa kaniya. Mahal ni Angelo si Lucy at walang pagdududa iyon, napapikit siya sa kawalan nang maalala ang pag-uusap nila ng kapatid; malaking sakripisyo ang kailangan niyang gawin kahit na nakasalalay d'on ang damdamin niya para sa dalaga. Para sa kaniya tama ang gagawin niya at hindi niya pwedi baliwalain iyon kung kaligayahan na

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 50

    THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL _____ 50 TULALANG pinagmamasdan ni Lucy ang lahat ng proposal sa kaniya ni Cheska sa isang brochure na hawak nito. Maaga pa nang pinatawag siya nito sa silid niya para daw sa hinanda nitong almusal para sa kanila. Nang dumating siya r'on dalawa lang silang dalawa, wala si Michael at pinagpapasalamat niya. Sa hindi niya alam na dahilan, hindi niya pa rin alam kung paano harapin si Michael lalo na't nasa tabi nito si Cheska. May mga bagay na hindi pa malinaw sa kaniya, kahit na sinabi sa kaniya ni Michael na —mahal siya nito— "I think this one is fit for you, mukhang simple lang.. Just like you, Luz.." Tiningnan niya ang inaabot sa kaniya ni Cheska; maganda nga iyon, simple lang gaya ng sinasabi nito sa kaniya — isa iyong white dress na ayon kay Cheska para daw sa gaganaping engagement party nila ni Angelo. "What do you think?" untag na tanong nito sa kaniya. "M-maganda naman. Mukhang mamahalin lang." "Heto na naman tayo sa money matt

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 49

    THE CEO's OBSESSION | LUCY PEARL 49 _____ ILANG BALING NA ANG GINAWA NI LUCY, hindi pa rin siya halos dalawin ng antok. Nakarating na sila sa Pinas, hindi niya na nagawang puntahan pa si Angelo dahil iyon ang sabi sa kaniya ni Cheska; natutulog na raw si Angelo. Kahit silip hindi niya na nagawa dahil baka magising lang ito. Pasado ala-una na rin ng madaling-araw nang dumating sila sa bahay na 'to. Sumagi sa isip niya ang pagsalubong sa kanila ni Cheska; isang mahigpit na yakap at halik sa labi ang pinagkaloob nila ni Michael sa isa't-isa. 'Akala ko ba mahal niya ako?' May kung ano'ng hapdi siyang nadama sa puso niya. Bumangon ng pagkakaupo si Lucy, sinandal niya ang likod niya sa headboard ng kama. Tinuon niya ang tingin sa malitang nasa paanan niya. 'Ano kaya kung umalis na lang ako rito?' bulong niya sa sarili. 'Makakaya ba ng konsensiya ko kung may mangyayaring masama kay Angelo?' aniya. Si Angelo nga lang ba ang totong dahilan kung bakit hindi niya makuhang umalis sa bah

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 48

    THE CEO'S OBSESSION | LUCY PEARL 48 ____ NAKITA ni Lucy ang sarili niya kasama si Michael sa huling pakiusap nito ayon dito. Kaya lang naman siya pumayag dahil nangako itong babalik sila ng bansa pagkatapos ng araw na iyon. Pinaalam niya rin ito kay Angelo, nagtaka naman ang huli pero nakumbinsi niya naman ito na gusto niya nang umuwi at hindi na tapusin ang ilang araw na dapat silang nandoon ni Michael. Wala naman maraming tanong sa kaniya si Angelo, ang mahalaga ay gusto niya nang bumalik agad. Para sa kaniya hindi maganda ang mag-solo pa sila ng kuya nito sa iisang bubong. "I want you to be happy. Sincerely happy, Lucy.." narinig niyang sabi sa kaniya ni Michael sa likuran niya habang pinagmamasdan ang buong paligid. "Pangarap ko lang 'to.." naiiyak niyang sambit sa sarili. Naalala niya ang lola niya, kung buhay pa ito malamang ito na ang kasama niya sa lugar na iyon. Nilingon niyang may ngiti sa labi si Michael. "S-salamat ha.. Hindi ko makakalimutan 'to," aniya. Ngum

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 47

    THE CEO'S OBSESSION| LUCY PEARL47___ HALOS mag-a-alas-syete na ng umaga pero gising na gising pa rin ang diwa ni Lucy. Kahit na nakapikit siya hindi mawala sa isip niya ang nangyaring hindi niya inaasahan; ang halik na pinagkaloob sa kaniya ni Michael na hindi niya inaakalang tinugon niya nang walang pag-aalinlangan."Bakit mo ginawa iyon, Lucy? Bakit!" naiinis niyang aniya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung anong sumagi sa isip niya at bakit niya hinayaang magpakalunod sa damdamin niya.Biglang napabangon si Lucy; damdamin? So. Inaamin niya na ngayon na may nararamdaman siya para kay Michael at sa pagtugon niya nang halik nito.. Paano kung maisip nito o mas malala pa'y makaramdam ito?Ano'ng klaseng babae siya? She let herself to marry Angelo at isang iglap lang nakipaghalikan siya sa kuya nito?"Napakasama ko!" Isa pang daing niya. Tinuon niya ang tingin sa pinto. Paano siya haharap kay Michael ngayon? Anong mukha ang ihaharap niya rito?Muli siyang napapikit nang muling s

DMCA.com Protection Status