"APRIL.…" NAGMADALI si Lucy para yakapin ng mahigpit. Sinalubong niya ito sa lobby ng university nang sabihin nitong dumating na ito kasama si Abra. Binilin nyang isama ang nobyo nito para naman makilala nito ang ilan sa mga naging bahagi sa buhay ni April dito. "Kamusta ka?" tanong nya rito. Kahit naman na isang araw lang silang halos hindi nagkita, na-miss nya naman ito. Ganoon naman talaga sobrang ma-a-appreciate mo lang ang isang tao kapag wala na siya sa tabi mo."Teka para saan ba't pinapunta mo ko rito?" tanong sa kaniya ni April. Wala nang halos tao sa loob ng classroom nila at nandoon na ang mga ito sa faculty room kasama si Archangel."Masama bang ma-miss ka?" aniya."Kilala kita, Lucy. Anong mayroon? May problema ba? Inaaway ka ba ng mga witch?" Natawa siya sa tanong nito sa kaniya— nandoon pa rin ang pag-aalala ng kaibigan niya. "Basta. Tayo na?" "Saan?""Basta. Matutuwa ka.""Lucy, ayaw kong may money involve ha. Alam mong ayaw kong mang-abala ng tao." Umiling-i
ANG lakas ng loob sabihin sa aking ihahatid ako! Cheater at it's finest! iyon ang galit na bulong ni Lucy sa sarili. Narinig niya ang lahat ng mga sinabi ni Michael sa kausap nito— hindi siya pweding magkamali na may nobya ang lalaki. 'Sweetie!' ulit pa ng utak niya. She's never been into an in relationship, pero hindi siya tanga para hindi isipin na wala itong relasyon sa kung sino mang babae ang nasa kabilang linya. Ano ano naman sa iyo? Atsaka hatid lang naman ang offer ni Archangel, hindi naman sundot hatid.. ani ng isip niya. May galit sa mga mata nang muli niyang ipukol ang tingin sa lalaki; nakatingin pala ito sa kaniya. Bumalik siya ng tingin sa pagkain na nasa harap niya. "Ang sarap ng pagkain 'no, Lucy.." sambit sa kaniya ni April. Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na pala ito sa dami ng iniisip niya. "O-oo naman. Tsaka lahat ngayon sa iyo masarap dalawa na kayo ng baby mo ang nakain eh," masaya niyang sambit. Kahit papano napawi ni April ang inis na
"ANO BA, ANGELO? HINDI KA BA TALAGA NAKIKINIG SA DOKTOR MO HA? KAILANGAN MONG ITIGIL ANG PANINIGARILYO MO. GUSTO MO NA BA TALAGANG MAMATAY HA?" NAKANGITING lumingon si Angelo sa kaibigan nyang si Sarah. Nasa rooftop sila ng hospital kung saan siya madalas magpapatingin sa kondisyon nya sa puso. Heto at hindi niya inakalang susundan siya nito sa rooftop, dahil masyado pa naman maaga para gumising na ito at makita siya kung saan siya pupunta. "Ito na ang last, Sarah. Believe it or not magpapaalam na ako sa yosi.." nakangiti niyang aniya dito. Pinag-isipan nya ito at sigurado na siya. Ngayon pa na may dahilan na siya para mabuhay si Lucy. "Gusto ko pa mabuhay tulad mo. Gusto kong makasama pa ng matagal si Lulu." Hindi nakaligtas sa tingin ni Angelo ang lungkot na sumilay sa mga mata ni Sarah nang sabihin niya ito. Kilala nya ang dalaga, tulad niya nakikipaglaban din ito sa isang malubhang sakit — pero siya tulad nang sabi niya mayroon na siyang dahilan para mabuhay maliban sa ku
The Obsession of CEO ( Lucy Pearl )___Chapter One"GOOD MORNING, LUCY PEARL.."MAY talim sa tingin nang ibaling ni Lucy Pearl ang mga mata n'ya sa lalaking bumati sa kaniya. Sa totoo lang dapat naman sana siyang matuwa nang batiin siya nito, pero dahil iba ang dating ng pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hindi niya nagustuhan."Oh! Mukhang galit ka na naman?!" natatawa pa nitong tanong sa kaniya."Funny!"Mabilis siyang umiwas, ayaw niyang pumatol sa kahit na sino ngayong umagang 'to. Sinimulan na ng kasera nilang sirain ang araw niya at hindi niya pagbibigyan ang lalaking may nais sumira sa araw niya."Nagbibiro lang, ito naman galit na galit agad.. Gusto agad manakit!""Stop!" Malakas ang boses na pagkakasabi niya rito."Ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka.." aniya pa sa kaniya."Ano ba!!!" Sigaw niya rito nang magtangka itong sundan siya."What do you need ba ha?"Nagpalinga-linga siya sa paligid, napansin niya ang ilang mga estudyanteng nahinto't napatingin sa kanila."Stop
The Ceo's Obsession || Lucy Pearl___CHAPTER 2UMIWAS ng tingin si Lucy Pearl nang mapansing sumulyap sa gawi niya ang bagong may-ari ng unibersidad na pinapakilalang ngayon sa harap nilang lahat na kapwa niya eskolar. Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking iyon? Ito kanina ang pilit niyang pinapatay sa isip niya; ang minumura niya't halos isumpa niya."Sana maging maayos ang unibersidad na 'to sa lahat at sana walang estudyanteng mamumuhay ditong may hindi kaaya-ayang mga salita ang lumalabas mula sa kaniyang mga bibig." Napataas ng tingin si Lucy sa mga narinig mula rito. Siya ba ang pinapatamaan ng lalaking 'to? Inirapan niya ito nang muli siyang sulyapan sa gawi niya.'Pake ko ba sa nararamdaman niya?!' mataray niyang bulong sa sarili niya.Kailan pa ba siya nagkaroon ng nararamdaman sa mga tao sa paligid niya? Wala siyang naaalala."That's for today.. marami pa tayong pagsasamahan, I assured you guys." Pagtatapos ng salita nito sa gitna.Lihim na sinundan ni Lucy ng tingin
THE CEO'S OBSESSION | CHAPTER 3____TULAD nang inaasahan ni Lucy, pinagalitan nga siya ni Mr. Aragon. Kahit na ano ang gawin niyang espleka na may naisip lang siya kaya siya natawa sa harap ng sinasabi nitong CEO ay hindi nito binili ang dahilan niya.Palibhasa sipsip! Galit na bulong ni Lucy sa sarili niya dahil sa lahat ng narinig niya kay Mr. Aragon. Hindi pa ito nakuntento at pinagbantaan pa siya nitong tatanggalan ng scholarship kung hindi siya umayos sa ugali niya.'Sino ba siya sa tingin niya? E, kahit nga katiting wala naman siyang ambag sa eskwelahan na 'to! At ako pa talaga tinakot niya? Baka si Lucy Pearl 'to!' Mapait niyang bulong sa sarili niya.Inis na inis pa rin siya dito lalo na sa lalaking nangangalang Michael Archangel - 'Anghel ang pangalan, pero mas demonyo pa kay Lucifer ang ugali ng lalaking iyon! Bakit hindi? Tama bang ikulong niya ako sa rooftop ha?' galit niya pang dugtong.Isang pagsinghap pa ang pinakawalan ni Lucy Pearl sa sarili- at heto nga alam niyang
HALOS katatapos lang ng live selling ni Lucy Pearl ng mga items nyang bagong bili sa Divisoria n'ong isang linggo- pinapaubos niya na lang ang lahat ng tinda niya para sa panibagong ititinda ulit na request ng mga regular costumers niya. Heto nga at nag-aayos na siyang pumasok, sa mga nag-mine kanina okay na ito para makapagbayad siya kahit papano sa kasera nila. 'Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako pababayaan,' masayang kausap ni Lucy sa larawang pakiramdam nyang nakatingin sa kaniya.'Salamat ha,' aniya pa niya.Masaya siyang pinagmasdan ang sarili niya sa isang maliit na salaming paborito niya- pangarap niyang makabili ng life sized mirror pero mahalaga naman ito sa kaniya kahit na hindi niya masyado nakikita ang sarili niya ang mahalaga may tinitingnan siya kung maayos ba ang mukha niya.Umikot-ikot pa si Lucy, suot ang uniporme niyang pang-nurse, masaya talaga siya at hindi niya kayang ikubli iyon.'Isang taon na lang kung malapit na ako sa finals,' nakangiti niyang bulong sa
LAKAD takbo ang ginawa ni Lucy tuluyan lang siyang makalayo sa lugar Kung saan pinili niyang ikulong ang lalaking iyon. Wala siyang pakialam kahit na ito pa ang presidente ng Pilipinas ang mahalaga sa kaniya ngayon ay nakaganti na siya at patas na silang dalawa.'Beh buti nga! Beh buti nga sa iyo..' Natatawa niya pa ring sambit sa sarili habang panay ang pagmamadali niya. Walang dapat makakita sa kaniya na magpapatunay sa ginawa niya rito. 'Paano kung magsumbong siya, Lucy?' kastigo sa kaniya ng sarili niya.Ano naman kung magsumbong siya? Wala siyang pake; kahit na sa scholarship mong may tendency na mawala kapag nangyaring malaman ng lahat ang ginawa mo? dugtong pa.Doon nakaramdam ng bahagyang kaba si Lucy sa puso niya. Paano nga kung mawala ang iniingatan niyang scholarship sa ginawa niya rito? Kaya niya ba? Patuloy sa pakikipag-usap niya sa sarili niya.Isang paglingon ang pinakawalan ni Lucy sa gawi kung saan naroon papunta sa rooftop.Sunod-sunod siyang napalunok.'Hindi naman